Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 81 - (Havoc Gangsters Arc) Chapter 80 - Arising Crisis

Chapter 81 - (Havoc Gangsters Arc) Chapter 80 - Arising Crisis

Third-person Point Of View

Sa rooftop ng hospital kung saan naka-confined ang mga Havoc Gangsters na nabiktima ng 'Hunting' na ginawa sa kanila ng Crimson Orange Gangsters...magkasama sa rooftop sina Johnbhel at Gemmalyn na nakatambay habang pinapakiramdaman ang mga aura ng kanilang mga kasama na nakikipag-laban sa labas ng Palkia.

"Tama bang hindi tayo sumama at nanatili lamang dito para asikasuhin ang mga unit members natin? Hindi ba kaduwagan 'yun, ate?" Tanong ni Johnbhel kay Gemmalyn na siyang gumulo sa konsentrasyon nito.

"Bhel, ano kaba naman...ang utos ng boss, ay huwag papatulan ang Crimson Orange Gangsters. It may sound selfish that we didn't help the others in the fight, but we only followed the orders. Gangster tayo 'diba? Think of what will our late friend Rox going to say to us if we disobey a simple rule." Katwiran naman agad ni Gemmalyn kay Johnbhel.

"Pero nag-aalala ako..." Malungkot na sabi ni Johnbhel.

"Utot mo. Gusto mo lang pumaslang, nanggagalahiti ka na makahiwa ng kalaban gamit ang espada mo." Sinigawan siya ni Gemmalyn.

"50 percent true pero nagaalala talaga ako. Stage 0 ang pinakamalakas na Stage Rank ang nandoon sa lugar ng labanan. Wala pa kahit isa sa ating mga Havoc Gangsters ang Stage 0."

"Kahit pa pumunta ka doon, wala ka din namang magagawa. Hindi ba't kaka-Stage 1 mo lang?"

"Pero ikaw mayroon-"

"What the hell are you talking about Johnbhel?" Hindi nagustuhan ni Gemmalyn ang sasabihin sana ni Johnbhel.

Bumilis nang husto ang paghinga ni Gemmalyn at narinig din ni Johnbhel ang malakas na pagtibok ng puso nito.

"P-pasensya kana, hindi ko sinasadya..." Agad namang humingi ng tawad si Johnbhel at niyakap si Gemmalyn. "Sorry, I almost reminded you about that thing again."

Nakapikit namang yumakap pabalik si Gemmalyn kay Johnbhel. "Don't worry about it, it's fine. It's fine." Sabi naman ni Gemmalyn na pilit pinapakalma ang kaniyang sarile.

*****

Samantala, sa loob naman ng Headquarters ng Havoc, sa isang parehong kwarto kung saan naroon sina Zayn at Rum na nagkaroon na din ng malay...agad nilang tinanong ang mga miyembro na nagbabantay sa kanila sa sitwasyon ng Havoc Gangsters. Sinagot naman sila ng mga ito at hindi inilihim ang naganap na labanan ngayon sa labas ng Palkia City.

"Damn it! I know this is all my fucking fault for being so easily agitated..." Inis na sabi ni sa kaniyang sarile.

"Hindi mo kasalanan Rum. I'm actually amaze by your improvement. You smiled a lot compared to before. You got angry because of what those shithead Crimson Orange Gangsters because what they're doing is wrong. We are not gangster because we are going to be merciless criminals, we are gangsters because we have something we want to prove to achieve that the Guild and the Empire can't achieved. We are different from Orange Crimson Gangsters, those members who got hurt because of you, deserve what they suffered." Pinagaan naman agad ni Zayn ang loob ni Rum.

"Salamat Zayn...pero, hindi ko parin maaalis sa isip ko kung gaano ako ipinahiya ni Andrew Crimson..." Sa sinabi na ito ni Rum, si Zayn ay nainis.

"Me neither. That's the power of a Great Spirit...if only he don't have that being, I could've mop him to the ground." Madiin na sabi ni Zayn.

"Same feeling. Lately, I'm having a fucking bad dream always. I kept on remembering that painful past and a voice is calling to me and saying words like 'Awaken Legendary Ace'..." Sabi naman ni Rum na sumangayon kay Zayn patungkol sa bagay na kaya nilang talunin si Andrew Crimson kung wala sa panig nito ang 'Great Spirit Salamander'. "Ano sa tingin mo, kaya, kaya siyang nina Senju at South?" Tanong ni Rum kay Zayn.

Umiling si Zayn. "Hindi ko alam...pero, kompiyansa ako na kung tutulong ang ibang mga high ranking officers na kumalaban kay Andrew Crimson, mayroong pag-asa." Paliwanag naman ni Zayn sa posibilad.

Napabuntong hininga naman si Rum sa kaniyang narinig at inihiga ulit ang kaniyang katawan. "I'm going to train harder." Anunsyo ni Rum. Napangite naman si Zayn sa sinabi nito. "I'm dropping out of school."

"W-what the hell?" Reaksyon ni Zayn sa sinabi ni Rum.

"I don't want to go to school if a lot of conflict is going on in this land. Can't you see, the danger is becoming more and more harder. Even if we choose to avoid it, it will find a way to go to us and mess with us."

*****

Sa Palkia City...nagpalipat-lipat ng mga bubungan ng mga gusali si Misha kasama si Arsah na kaniyang, nagkataon na nakasabay na dumating sa Palkia City, sa parehong dahilan na nais nila itong pigilan, ngunit hindi lamang iyon, para kay Misha ang kaniyang kailangan na gawin.

(Kailangan kong magmadali at maalis kay Andrew ang nilalang na iyon...that's not the 'Great Spirit Salamander', that's an Archspirit, a being that is from another world, in order to manifest it's own body in this world, it got my son deceived.) Nagaalala na sabi ni Misha sa kaniyang sarile.

Matapos malaman kay Andrew na ibinigay ni Andrei ang Salamander sa kapatid nito, sinubukan ni Misha na kumprontahin si Andrei sa ginawa nito. Nagtungo si Misha sa Minwell City at dito nalaman na hindi ibinigay ni Andrei ang Salamander sa kaniyang kapatid dahil hindi sila nito nagkita sa Minwell. Si Andrei ay isinama ng kaniyang ama na magtungo sa katabing bayan dahil sa isang importante na business meeting. Dito napagtanto ni Misha na mayroong ibang nagpanggap bilang Andrei at ibinigay ang pekeng Salamander kay Andrew.

"Tita Misha, sana maka-abot po tayo." Sabi ni Arsah kay Misha. Seryoso si Arsah pero pinagpawisan na ng matindi.

"Sana talaga makaabot tayo, Arsah." Sabi naman ni Misha na malungkot ang tono ng boses.

"You're sure that it's not the 'Great Spirit Salamander' right? If that's really a Archspirit, then we are on a losing end here...I can't sense big sister Mary on the battlefield."

"I'm going to sacrifice my life for my son...I'm prepared to die here."

"Don't say things like that. Come on, marami tayo doon, malay mo may himala na mangyari."

"You already said we are on a losing end. Archspirits are Arcane Stages."

"Damn it all..." Mahinang sabi naman ni Arsah.

*****

Sa dako naman ng lugar ng labanan, sa kinaroroonan ng naglaban na magkapatid na sina Tinzel Zacha at Zaikel...

Sa umpisa ng laban ng dalawa ay pantay lamang silang nagpasiklaban ng kanilang mga magic na taglay. Malapad na ngite na minamaliit ni Zaikel si Tinzel ngunit hindi ito nagpa-apekto sa mga panlalait at masasakit na salita na sinabi ng nakababatang kapatid.

Hindi nagtagal, unti-unting nakita ng mga Havoc Gangsters at Crimson Orange Gangsters na nanood sa laban ang diperesensya sa pagitan ng dalawang magkapatid. Si Tinzel ay higit na malakas, hindi nagtagal, hindi na nakatama ng maayos kay Tinzel si Zaikel.

Natigil ang ginagawa nilang paglalabanan nang tamaan ni Tinzel ng solid sa mukha si Zaikel at tumilapon ito at bumangga sa isang tipak ng bato. Balot ng kumikinang na bakal ang kamao ni Tinzel na ipinang-suntok sa kapatid nito na natanggal ang ilang ngipin, nabali ang ilong at namaga ang mukha, at mayroong dugo din ang lumabas sa kaniyang bibig at ilong.

Lumapit si Tinzel sa kapatid nito, sa kaniyang paglapit ay umupo si Tinzel sa harapan ni Zaikel na nakahiga sa lupa ang ulo ay nakadikit sa tipak ng bato na pinagbanggaan nito.

"You lost something very important that you should have always in your life." Malumanay na sabi nito kay Zaikel.

Inis naman na sinubukan ni Zaikel na tumayo at kinontrol ang mga tipak ng bato malapit sa kaniya at pinasugod ang mga ito kay Tinzel.

"Mamatay kana!!" Hindi umalis si Tinzel sa kaniyang kinaroroonan. Hinayaan lang niya na matamaan siya ng mga tipak ng bato na tumama sa kaniya at nadurog.

Tumambak ang maraming debris, kaya napilitan si Tinzel na umalis sa kinaroroonan niya ng dalawang metro ang layo.

"You know, I just realized, it is pointless fighting you. A big brother shouldn't hurt his younger sibling instead he must protect him. Won't you agree? Zaikel?" Muli ay kalmado na kinausap ni Tinzel ang kaniyang kapatid.

"Shut up damn you!!" Sinubukan naman ngayon ni Zaikel na bumunot ng mga puno at pinalipad ang mga ito sa ere. "I'll kill you, you're a disgrace in my life, you stole her away from me. I'll never forgive you!" Pinasugod ni Zaikel ang mga puno na nagawa niyang mabunot at palutangin kay Tinzel.

Binalutan naman ni Tinzel ng bakal ang buong katawan nito at sinalag ang mga puno na sumugod sa kaniya. Hindi niya nagustuhan ang huling sinabi ni Zaikel...na patungkol kay Alena Waiters, kaibigan mula sa pagkabata ni Tinzel.

"Wala akong inagaw sayo!! Zaikel, wala akong pake sa kung anong mayroon sa inyo ni Alena, hindi ko nga alam kung bakit ako nasali sa usapan na iyan...kung nagseselos ka dahil dikit ng dikit si Alena sa akin, gumawa ka ng paraan para matanggap ka niya!! Dahil wala akong balak na saluhin si Alena para lang maiwan sa ere na nasasaktan ang kapatid ko. Kahit minsan sa buhay ko, hindi ko inuna ang sarile ko keysa sa inyo, dahil mahal ko kayo!!" Sumugod si Tinzel kay Zaikel at sinampal ito. Pinigilan ni Tinzel ang kaniyang pagsampal kay Zaikel kaya hindi ito nabalibag. Matapos sampalin ng mahina ang kapatid, niyakap ni Tinzel si Zaikel.

"I hate you!!" Sabi ni Zaikel habang nakayakap ang kuya nito sa kaniya. Kaluanan ay umiyak ng umiyak si Zaikel. "I hate you..."

"You can hate me, but I won't." Sabi naman ni Tinzel.

"S-sorry kuya!!" Sa sinabi na ito ng kapatid, napangite si Tinzel.

"Looks like you finally got it back again, the thing you must have everytime...the act of respect." Natuwa na sabi ni Tinzel sa kapatid. "Stay by my side Zaikel, things in this battlefield is getting kind of worrying."

Kumawala si Zaikel sa pagyayakap ng kuya nito sa kaniya.

"Sasabihan ko ang mga Crimson Orange Gangsters na tumigil na, makikinig sila sa akin, ako ang ikatlong pinakamalakas na miyembro ng gang..."

"There's no need for that. They asked for this, they must feel our wrath. You're only getting away with this mess because you are my brother and I will take the punishment to save you from Havoc Gangsters...don't ever do something stupid like this again, Zaikel."

Napa-yuko si Zaikel sa sinabi ni Tinzel. "Pasensya na talaga, kuya."

"Don't worry about it..."

Itutuloy.