Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 79 - (Havoc Gangsters Arc) Chapter 78 - Bullet Snow, Rialyn Versus Ruke

Chapter 79 - (Havoc Gangsters Arc) Chapter 78 - Bullet Snow, Rialyn Versus Ruke

Third-person Point Of View

"Your opponent will be me, Crimson bitches..." Anunsyo ni South sa tatlong Echelons ng Crimson Orange Gang na kaniyang hinarap. Ito ay sina Kyline, Nicko Rivero at Rizaly Ramos.

Inatake niya agad ang mga ito gamit ang kaniyang Chaos Magic. "Plant emergence." Bumigkas ng isang spell si South. Maraming mga halaman ang tumubo sa paligid at inatake ang mga Echelons, pati na ang mga normal na mga Crimson Orange Gangsters. Nakailag ang mga Echelons sa mga halaman na pumupulupot sa buong katawan kapag nakakalapit.

"Weakling magus." Pang-insulto naman agad ni Nicko Rivero kay South. Nagulat si South na lumubog ito bigla sa lupa, kalaunan ay lumitaw sa may likuran nito at sinapak si South sa likod. Napa-abante si South dahil sa nangyari. "Pass Through Magic, Ground Entrance." Bigkas ni Nicko sa spell ng magic niyang ginamit.

"Kaya niyang tumagos sa kahit anong bagay?" Nagulat na sabi ni South. (Sayang at sa isang katulad nito napunta ang ganiyan ka-convenient na magic ability.)

Sa paglingon ni South kay Nicko Rivero ay muli itong lumubog sa ilalim ng lupa. Sinamantala naman ng dalawang Echelon ang pagka-distract ni South at sinalakay nila ito.

Binalutan ni Rizaly Ramos ng bato ang kaniyang binti habang si Kyline naman ay gumawa ng hangin na espada. Nakalapit na sila kay South subalit bigla na lamang nagkaroon ng pagsabog. Tumilapon sila sa malayong distansya, matapos silang masabugan at nagtamo ng matinding pinsala sa kanilang katawan.

"Wala akong pake kung babae kayo, as long as you are enemies." Madiin na sabi naman ni South.

"Rizaly! Kyline!" Sigaw naman ni Nicko na mabilis lumubog at nagpalipat-lipat ng posisyon na kaniyang inaahunan. "You'll pay big time!!" Sabi nito kay South.

"You are starting to annoy my soul." Reaksyon naman ni South. Gumawa siya ng mga halaman na bumalot sa mga Havoc Gangsters na malapit sa kaniya. Naghagis siya pagkatapos ng maraming sumasabog na mga buto sa paligid at sumabog ang mga ito.

Nahagip ang maraming bilang ng mga Crimson Orange Gangsters, natamaan din si Nicko ng pagsabog dahilan para umahon ito sa lupa na kaniyang pinaglubugan.

"That will do it. Now, time to back up that shitty bossy shrimp." Anunsyo ni South sa ere. Pinawalang bisa din niya ang mga bumalot na halaman na prumotekta sa mga Havoc Gangsters mula sa pagsabog.

Nagsigawan ang mga ito sa tuwa. "Salamat po!! Sir South!!" Sigaw ng mga ito.

*****

Samantala, sa loob naman ng string bird cage na ginawa ni Meryl para ikulong ang sarile nito at ang dalawang Echelon na sina Ekre Matondra at Mikee Sustra... natapos na ang laban, panalo para kay Meryl Davis.

"You guys are weaker than I expected..." Matapos magsalita ay ngumite si Meryl ng sobrang lapad. Maraming mga maliliit na butas sa kanilang katawan ang dalawa gawa ng mga strings ni Meryl na ipinangsaksak sa mga ito.

Bagsak sa lupa ng magkatabi sina Ekre Matondra at Mikee Sustra. Umaagos ang kanilang masaganang pulang dugo, sila ay naghihingalo na...

Pinawalang bisa ni Meryl ang bird cage at tumingin sa kinaroroonan ni Senju Fanah na hinarap si Andrew Crimson.

(Show me, what you've got. Gaano ka na ba kalakas ngayon? Senju Fanah.) Masaya na sabi nito sa kaniyang sarile.

*****

Sa kinaroroonan naman nina Frosh Beelze at Bry Salar na naglalabanan...medyo tagilid si Frosh Beelze sa kanilang labanan na ginagawa.

"Fall weirdo." Pagmamaliit ni Bry kay Frosh matapos nitong masugatan sa braso si Frosh.

Napa-atras si Frosh at gumawa ng snowball kung saan siya ay pumaluob dito. (Damn it! His whole body is sharp as a blade!) Inis na sabi nito sa kaniyang sarile.

Hiniwa naman ni Bry ang snowball at nawasak ito. Tumalon si Frosh papunta sa likuran ni Bry at gumawa pa ng mga snow boulders na kaniyang pinasugod kay Bry.

"What's this, you're avoiding physical contact?" Pangaasar naman ni Bry kay Frosh. Pinagsusuntok ni Bry ang mga snow boulders na nahiwa.

"Shut up!!" Nainis si Frosh kaya gumawa ulit ito ng mini blizzard.

"Repetitive attacks won't do anything against me!!" Mayabang na sabi ni Bry. Kumalmot ito sa ere. Nagawang hiwain ni Bry ang hangin sa harapan niya at namuong pareho sa isang scythes na patalim ang kinalmot nitong hangin. Sumugod ang limang slashes kay Frosh na sa sobrang bilis ay hindi niya nailagan.

Isa sa limang wind slashes ang tumama sa dibdib ni Frosh, dahilan para ito ay masugatan.

Bumagsak si Frosh sa lupa at napasigaw sa sakit ng sugat niyang natamo. Nagsimula na din siyang umiyak at sa kaniyang isipan, nagsilabasan ang mga ala-ala na ayaw na ayaw nitong naalala dahil sa kalungkutan na dulot nito kay Frosh.

"What the fuck, you're crying?" Natawa naman si Bry sa nangyari kay Frosh. "Iyakin ka pala bakit ka naging isang gangster? Ang weird mo talagang lalaki!!" Dagdag nito.

Naglakad si Bry palapit kay Frosh. "I'm going to finish you." Anunsyo nito nang siya ay nakalapit na kay Frosh. Akmang sasaksakin niya gamit ang kaniyang mga daliri sa dibdib si Frosh nang bigla na lamang itong sumigaw ng mas malakas pa keysa sa kanina. Umapaw ang napakalamig na aura ni Frosh. Nagulat hindi lamang si Bry kundi pati na ang ibang mga gangsters sa paligid. Isang itim na usok ang lumabas mula sa katawan ni Frosh. Nagkaroon ito ng mga kulay itim na marka sa kaniyang katawan, tinubuan ng dalawang sungay sa ibabaw ng ulo nito, naging purong kulay itim ang mga kamay at paa. Sa isang iglap lamang, naramdaman ni Bry na parang may pumitik sa kaniyang tiyan, at nang ito'y kaniyang tignan, nakita niyang mayroon na itong butas at dumudugo.

Dumistansya siya kay Frosh at hinawakan ang kaniyang tiyan. Lumingon siya sa kinaroroonan ni Frosh, nakita niyang tumayo na ito, ang mga mata nito ay matingkad na kulay dilaw. Napansin din ni Bry na mayroong dugo sa kanang kamay ni Frosh.

(Sinuntok niya ako ng sobrang bilis?! What the fuck is going on? What's that form? What is she? More importantly, this is a fatal wound. I need to get the fuck out of here to get treated or else, I'll die.) Nagpanic na sabi sa sarile ni Bry Salar.

"Hey brat, what do you think you're doing with this body?" Tanong ni Frosh kay Bry. Nanindig ang mga balahibo ni Bry dahil nag-iba ang boses ni Frosh. Sa puntong ito, nalaman niyang iba na ang nagsalita. "It's time for punishment."

"S-sandali..." Nahirapan na magsalita si Bry dahil sa sugat niya sa tiyan.

Gumawa naman ng snow si Frosh at pinasugod ito kay Bry. Sa pagtama ng bawat butil ng snow kay Bry ay lumusot sa kaniyang katawan na parang isang bala ng baril.

"Hindi ko ginus-" Hindi natapos sa sasabihin nito si Bry dahil walang natira kahit buhok nito sa kaniyang pagkatao.

"Bullet Snow." Bigkas naman ni Frosh sa spell na kaniyang ginawa.

Matapos nitong talunin at mapaslang si Bry Salar, bumalik sa normal ang katawan ni Frosh at nawalan ito ng malay.

Sa laban nilang dalawa, nanaig si Frosh Beelze.

*****

Sa dako naman nina Rialyn at Ruke na naglalaban na din...

Marami ng sugat sa katawan na natamo si Rialyn habang kaunti pa lang ang kay Ruke. Mga galos nga lang ang mga ito.

Nakapalibot kay Rialyn ang pwersa ng hangin habang nagpalipat-lipat ng pwesto naman sa ere si Ruke na balot ng kidlat ang katawan.

Tumatawa-tawa pa ito habang nagpalipat-lipat ng pwesto at nagpapatama siya ng mga boltahe ng kidlat kay Rialyn.

"Ano na Rialyn Madzua? Hanggang depensa ka na lang ba? Paano na opensa mo? Suko kana?" Patuloy na nagpatama ng mga boltahe ng kidlat si Ruke kay Rialyn.

Si Rialyn naman ay inis na inis at kinagat ang ibabang labi nito hanggang sa punto na ito'y magdugo.

(Masyado siyang mabilis. Nakakainis.)

"You think you're strong enough because you manage to defeat Makina? Don't fuck around...I'm stronger than Makina Hercve. The reason I want to fool around is because it's fun seeing real fools doing foolish actions. In the Academy, Andrew, Mefisto and I are the 3 strongest magi!!" Paliwanag ni Ruke kay Rialyn.

"Edi ikaw na..." Sabi naman ni Rialyn na ginawang coat sa buong katawan niya ang hangin na bumabalot sa kaniya at sumugod siya kay Ruke na nagpalipat-lipat sa ere.

"What? You can fly? Ano to suspense party?! Ipakita mo agad ang kakayahan mo, kung ayaw mong matuluyan!!" Nainsulto si Ruke sa ginawa ni Rialyn dahil nagawa nitong makalipad. "Lightning Mega Strike!!" Lumapit din kay Rialyn si Ruke at direktang pinatama sa kaniya ang spell nitong inactivate. Sa lakas ng boltahe ng kidlat na tumama kay Rialyn, nabuwag ang hangin na nakabalot sa katawan ni Rialyn at nakuryente ito. Bumagsak sa lupa si Rialyn nang umuusok ang buong katawan nito dahil sa pagkakakuryente.

"D-damn it!!" Inis na sabi ni Rialyn na sinusubukan muling kumilos at tumayo. Kahit na ramdam ng buong katawan niya ang pamamanhid at sakit ay hindi siya susuko. (I'm going to become a great person!! I'm going to witness Shannon Petrini's domination. I want to witness how she will change this messed up land!! I can't afford to lose and die in here, we have members that we need to support!! Damn it all!! Listen to me you fucking weak ass body of mine!! Move!!)

"Rialyn Madzua, this is my grave digger attack just for you!!" Natutuwa na anunsyo naman ni Ruke kay Rialyn. Gumawa si Ruke ng isang bola ng kidlat na may ilang boltahe ang lumalabas mula dito at tumama sa lupa kung saan hindi lang mga Havoc Gangsters ang natatamaan kundi pati na rin mga Crimson Orange Gangsters.

"Katawan ko!! Bumangon ka!!" Sigaw ni Rialyn na unti-unti namang nagawa na matayo, ngunit nang hindi tuwid at nanginginig pa ang mga binti.

"Haha...rayuma 'yan?" Pangaasar naman ni Ruke kay Rialyn.

(I'm not weak, I'm not a loser. I'm not my sister. I am me, always would be. I'm not going to hold the others back just because I will lose against Ruke and they have to face him.) Determinado ang mga mata ni Rialyn na nakatangin sa kaniyang mga binti na nanginginig.

*Mini Flashback*

"What the hell did you say Rialyn?" Malakas na sigaw ng nagalit agad na ama ni Rialyn matapos niyang sampalin si Rialyn dahil sa sinabi nito.

"I'm leaving home. That's my decision, you can rot in your wealth, I have no plan to become part of it!! I am going to be a free bird, soaring in the sky, achieving my goals in life using my own way!!" Inulit ni Rialyn ang kaniyang sinabi sa kaniyang ama na mas lalong nagalit at bumunot ng baril na nasa beywang nito nakatago. Ikinasa niya ito at itinutok sa ulo ni Rialyn.

"Hindi ka aalis ng bahay, dito ka nababagay, Rialyn."

"No I don't belong here, atleast from the moment I lost my sister Reanel." Lumapit si Rialyn at idinikit ang kaniyang noo sa dulo ng baril at ngumite. "Shoot. Hindi mo na ako mapapakinabangan kapag umalis ako 'diba? Then shoot." Hinamon pa ni Rialyn ang ama nito na bunutin ang gatilyo subalit hindi ito nito ginawa.

"Huwag na huwag mo nang ipapakita ang mukha mo sa akin, simula sa araw na ito ay itinatakwil na kita, layas. Hindi kita kilala." Ito ang huling sinabi ng ama ni Rialyn sa kaniya bago umalis sa silid si Rialyn at kinuha ang kaniyang mga gamit.

Bumalik siya sa Palkia City, sa gusali kung saan nagbebenta ng bigas si Zayn, dito siya nanirahan.

*****

Makalipas naman ang ilang araw, matapos ang pangyayaring pag-atake ng mga robot sa Palkia City, si Rialyn ay palihim na nageensayo kada gabi sa kagubatan sa labas ng Palkia City. Isang gabi sa kaniyang pag-eensayo, bigla niyang naalala ang araw na kaniyang pag-alis sa pamamahay ng mga Madzua. Sa sobrang inis nitong naramdaman sa mabilisan na pagtakwil sa kaniya ng kaniyang ama na parang siya ay wala lang talaga sa kaniya at biglang nagkaroon ng malakas na pwersa ng hangin sa paligid ni Rialyn. Gumaling ang mga galos sa katawan ni Rialyn na kaniyang natamo at ang mga puno at halaman ay nabuwal at lumipad ng napakataas sa himpapawid. Hindi din makapaniwala si Rialyn na sa pagkawala ng malakas na pwersa ng hangin, nahulog at bumalik sa dati nitong pinagtataniman ang mga puno at halaman.

"What the hell is going on?" Hindi makapaniwala na sigaw ni Rialyn sa kaniyang ginawa.

*End Of Mini Flashback*

Napatawa ngayon si Rialyn, nawirduhan si Ruke sa kaniya.

"Have you lost your mind now because you're about to lose and die?" Tanong ni Ruke kay Rialyn.

Bigla namang umapaw ang aura ni Rialyn. Ang tumawa nitong mukha kanina ay napalitan ng isang galit na mukha kasabay ng malakas na pwersa ng hangin na namuo sa paligid.

"I'm going to punch the hell out of your disgusting hubris being, Ruke!!" Inis na anunsyo ni Rialyn kay Ruke na napataas ng kilay sa narinig.

Unti-unti naman na gumaling ng kahit paano ang nakuryente na katawan ni Rialyn. Nagawang makatayo ng tuwid nito ngunit hindi nagawang pagalingin ng buo ng hangin sa paligid nito si Rialyn.

Itutuloy.