Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 77 - (Havoc Gangsters Arc) Chapter 76 - Matching Up

Chapter 77 - (Havoc Gangsters Arc) Chapter 76 - Matching Up

Third-person Point Of View

Nagsimula ang laban sa pagitan ng Havoc Gang at Crimson Orange Gang. Mga pagsabog at alikabok ang pumuno sa lugar ng labanan. Gumamit ng kani-kanilang mga sandata ang ilan sa mga miyembro ng magkabilang grupo. Sa bilang na mayroong ang magkalaban, lamang sa larangan na ito ang Orange Crimson Gangsters, sumatotal na 650 na miyembro mayroon ang gang habang 97 naman na miyembro mayroon ang Havoc Gangsters.

"Die ants!!" Sigaw ni Bry Salar na siyang nanguna sa pagsalakay ng Crimson Orange sa mga Havoc. Gamit ang kaniyang Blade Magic, pinaghihiwa niya ang mga Havoc Gangsters na kaniyang nakasagupa. Ang Blade Magic ni Byr Salar ay kayang gawing isang matulis na patalim ang kaniyang balat kahit na hindi ito magbago ng anyo. Gagana lamang ito kung siya ay, siyempre, bumigkas ng mga spell sa magic nito.

"Stop that bastard!!" Sumugod si Frosh Beelze kay Bry. Nagactivate ito ng kaniyang Snow Magic. "Snow Magic, Mini Blizzard." Nag-activate si Frosh ng spell ng magic nito. Nagkaroon ng blizzard sa paligid malapit kay Frosh na siyang nagpatigas sa mga Crimson Orange Gangsters na natamaan. Si Bry naman ay ginamit ang kaniyang Blade Magic at hiniwa ang mga Freezing Particles mayroon ang mini blizzard ni Frosh upang siya ay hindi manigas.

Ilang sandali lang ang lumipas, naglaho ang mini blizzard na ginawa ni Frosh.

"You're that weirdo of Mythical Glory Class Section 5. Nakakapag-salita ka pala? Akala ko pipe ka?" Mapagmaliit na sabi naman ni Bry kay Frosh.

Matalim naman na tumingin sa kaniya si Frosh na handang-handa ang mukha na kalabanin si Bry.

"I don't care if you're the number 8 Asteromagus Academy Student. That's just a analysis made from assumption of teachers done by voting not by combat process or magic usage. You're the perfect opportunity for me, to test where did my magic improved to. So be prepared, trash!" Paliwanag ni Frosh kay Bry. Nagpakawala ito ng kaniyang aura na sobrang lamig sa pakiramdam.

Ito na ang pinakamahabang salita na sinabi ni Frosh sa kaniyang tanang buhay.

Tila wala namang pake sa sinabi ni Frosh si Bry at nginitian lamang ito ng sobrang lapad at nakakaloko.

Frosh Beelze Versus Bry Salar.

*****

Sa panig naman ni Rialyn, na inunang hinarap ang mga Crimson Orange Gang members, marami ang kaniyang pinalipad palayo gamit ang kaniyang magic, na hindi pa nito alam na ang totoong tawag dito ay Chaos Magic at hindi pa nagagawa ni Rialyn ang tunay na kayang gawin ng kaniyang kapangyarihan. Mahigit 30 katao ang kaniyang natalo sa isang iglap lang, tinapatan niya ang ginawa ni Bry kani-kanina lang na 16 miyembro ng Havoc Gang ang nahiwa nito.

"Damn, Frosh is fearless." Reaksyon ni Rialyn, dahil nakita niya kung paano inatake ni Frosh si Bry at ang mga ka-miyembro nito.

Muling umatake si Rialyn ng mga Crimson Orange Gangsters, sampu ang kaniyang napalipad. Natigilan lamang siya sa pag-atake nang siya ay harapin ni Ruke, na kaniyang dating kaklase sa Mythical Glory Class Section 5. Isa si Ruke sa mga pinaka-kinai-inisan na kaklase ni Rialyn.

"Don't flamboyantly make our members fly at the same time being knockout like that, Rialyn Madzua." Sabi ni Ruke kay Rialyn.

"An annoying insect has appeared." Sabi naman ni Rialyn na nainis agad kay Ruke, nang makita niya ng malapitan ang mukha nito. "Balimbing ka talaga. Dapat naging puno ka na lang ng prutas na iyon, Ruke!!" Dagdag pa ni Rialyn kay Rule.

Nanlitaw ang ugat sa noo ni Ruke dahil nainis ito sa sinabi ni Rialyn sa kaniya. "Your gangster uniform doesn't suit you." Pangaasar nito kay Rialyn na napatawa.

"Same with you...your gangster uniform atleast. But, I personally think, you joining Crimson Orange Gangsters was perfect. Because it only shows that your just a huge show off and nothing without backers on your side. Hilarious..."

"You really have a sharp tongue..." Malamig na sabi ni Ruke kay Rialyn.

"Wind Magic, Great Wind Push!" Mabilis na nag-activate ng kaniyang magic si Rialyn at gumamit ng isang spell. Isang malakas na pwersa ng hangin ang tumulak kay Ruke palayo.

Hindi naman nawala ang balanse ni Ruke. Nagactivate na din ito ng kaniyang lightning magic. "Dance with death, Rialyn Madzua." Sabi ni Ruke na biglang nawala sa kaniyang kinaroroonan. Kumilos siya nang mabilis dahil sa kaniyang magic pasugod kay Rialyn.

Rialyn Madzua Versus Ruke.

*****

Sa dako naman ni Meryl... nagpalabas ito ng maraming mga strings na kaniyang itinusok sa lupa at ng hugutin niya ang mga ito, mayroong sumama na mga tipak ng lupa sa kaniyang mga strings. Pinagbabato niya ito sa mga Crimson Orange Gangsters, maraming tinamaan sa mga ito at nadaganan. Samantalang ang mga Havoc Gangsters naman ay hinila ng ibang mga strings ni Meryl na ginawa upang hindi matamaan ng mga tipak ng lupa.

"I'm going to support y'all." Anunsyo ni Meryl sa mga miyembro ng gang na kaniyang iniligtas mula sa kaniyang atake na ginawa sa mga kalaban.

Nagsigawan naman sa tuwa at pagpapasalamat ang mga miyembro sa ginawa at sinabi ni Meryl.

"Merging Strings, Naughty Thick Thread!" Pinagsama-sama ni Meryl ang mga strings nito kaya naging makapal na string ang mga ito. Limang makapal na strings na mayroong matulis na dulo ang kaniyang nagawa. "Go rampage!!" Utos ni Meryl sa kaniyang mga strings na umatake sa mga kalaban.

Maraming kalaban ang nasaksak ng mga strings nitong sumugod. Ang ilang nakailag ay nakita naman kung paa dumurog sa lupa na kaninang tinatapakan nila ang mga strings ni Meryl.

"What's up with this monster?"

"Are Havoc Gangsters this strong?"

"How many of us have already went down? Damn it!!" Reaksyon ng ilan sa mga Crimson Orange Gangsters na nakaramdam ng takot sa ginawa ni Meryl sa mga kasamahan ng mga ito.

Dahil sa nangyayari na unti-unting pagkaubos ng mga ito, kinailangan na harapin ng dalawang Echelon na sina Mikee Sustra at Ekre Matondra si Meryl. Walang pake ang mga Echelons sa mga miyembro nila kaya nangyari ang bagay na pagbagsak ng ilan sa kanila. Isang pagkakaiba ng magkalabang grupo, dahil mayroong pagpapahalaga sa mga kasamahan nila ang Havoc Gang.

"You're being too much of a show off, number 10 student." Inis na sabi ni Mikee Sustra kay Meryl na napangite.

"If it isn't the woman who got beat up badly by Senju Fanah?" Mapanukso na sabi ni Meryl.

"What did you say? You're not even present during that incident..." Nanggigil na sabi ni Mikee dahil hindi parin nito nakakalimutan ang ginawa sa kaniyang pagpapahiya ni Senju.

"Devorah told me about it...you're a loser." Muling nangasar si Meryl sa kaniya.

"Cocky bitch!" Sabi naman ni Ekre Matondra kay Meryl na napataas ng kilay.

"Ganon?" Sabi ni Meryl. "Just so you know, there's no such student ranking in the world of gangsters. We're not on the academy so I'm not considered as the top 10 student of Asteromagus Academy at the moment...I'm Meryl Davis, a member of Havoc Gang, one of its Unit Captains, a high ranking officer!!" Anunsyo ni Meryl sa dalawang Echelon na humarap sa kaniya. Ipinikit nito ang kaniyang mga mata na kaagad din nitong idinilat at lumingon sa kaniyang mga kasamahan. "You guys go beat the hell out of their members. Just avoid the Echelons, the Vice president and the President okay?" Utos niya sa mga malapit sa kaniyang mga Havoc Gangsters.

"Masusunod po." Sabi naman ng mga ito na kaagad nagsipag-takbuhan para sugurin ang mga Crimson Orange Gangsters.

"Oh, look at those determine bastards...so overwhelming." Reaksyon naman ni Meryl sa mga kasamahan nito.

"TSK! Like hell!!" Inis na sabi naman ni Ekre na nag-activate ng kaniyang Fire Magic at gumawa ng mga fire balls at pinasugod sa mga Havoc Gangsters.

"Not so fast, bad boy." Sabi naman ni Meryl na kaagad gumawa ng isang malaking bird cage na gawa sa strings. "Cage Of Death Match!" Bigkas ni Meryl sa spell na kaniyang ginawa. Isang bird cage ang kaniyang ginawa na kung saan isang langgam lang ang kayang pumasok at makalabas sa sobrang sikip ng distansya mayroon ang mga rehas na gawa sa strings. Sa pagtama ng mga Fire Balls sa rehas na strings ay nagkaroon lamang ng mahinang pagsabog, hindi nito nagawang wasakin ang ginawa na bird cage ni Meryl.

"What a defensive spell..." Reaksyon ni Mikee sa bird cage ni Meryl. "Pero, bakit pati ikaw, ikinulong mo ang sarile mo?"

"It's fine isn't it? You won't gonna be able to do anything towards our members if you're inside of this cage. The other Echelons will be stop by my fellow high ranking officers so it's a win-win situation for us. Havoc Gangsters are not trash like your members. Zayn Erwan won't recruit people who will be complete useless to us. At tsaka, mababait ang mga kasamahan namin dahil hindi sila mga Royalty o Noble kagaya niyong Orange Crimson Gangsters!!" Umapaw ang aura ni Meryl matapos nitong magsalita.

Ramdam na ramdam ng dalawang Echelon ang lakas na mayroon si Meryl kaya napalunok sila ng maraming beses.

"Don't expect that I will remain as a Stage 3 forever. I'm training my best to meet the expectations of my Unit members and of course, my gang's boss!!" Sabi ni Meryl ng mayroong nasasabik na tunog ng boses sa pagsasalita. Ang limang makakapal na mga strings na ginawa kanina ni Meryl na aktibo parin ay kaniyang personal na hinawakan imbis na pagalawin mag-isa para manipulahin ng mas maigi.

"Hindi kita aatrasan." Madiin na sabi ni Ekre Matondra kay Meryl.

"It's two on one, we have a big chance!!" Sabi naman Mikee Sustra.

Meryl Davis Versus Ekre Matondra and Mikee Sustra.

Itutuloy.