Third Person Point Of View
Nagsimula ang laban para sa buhay ni Shannon laban sa dalawang Dryads. Si Angelic, ang Dryad na mayroong itim na buhok at si Mana na mayroong asul na buhok.
"Black Hole!" Nagpakawala si Shannon ng itim na bolang patuloy sa pag-rotate sa dalawa.
Napansin ng dalawang Dryads na hinihigop sila ng bolang lumulutang sa ere kaya naman ginamit ni Angelic ang kaniyang Inflicter Ability na binalot sa kaniyang spear na hawak. "Inflicter Slash!" Winasiwas niya ang kaniyang spear at kumawala ang transparent na slash patungo sa Blackhole at ito'y sumabog.
Agad namang sumugod si Shannon kay Angelic dahil nabalot ng itim na usok ang buong stage matapos matamaan ng Inflicter Slash ang Black Hole. Pinunterya ni Shannon si Mana, akmang susuntukin niya ito subalit sinalo ni Mana gamit ang kaniyang kamay na mayroong kaliskis na matitigas ang suntok ni Shannon na nakabalot ng pwersa ng apoy. Itinulak palayo ni Mana si Shannon nang walang kahirap-hirap.
"TSK." Angal ni Shannon.
"You can't easily hurt us if you're not going to use a great battle IQ." Sambit ni Angelic kay Shannon, animo'y minamaliit niya ang istilo ng paglaban mayroon ito.
Tumawa naman ang reyna ng mga Dryads na si Fibel sa sinabi ni Angelic. "Execute her immediately." Utos niya sa dalawang Dryads na kalaban ni Shannon.
"Tumahimik ka hindi ka kasali sa laban na'to." Sigaw naman ni Shannon kay reyna Fibel. "You stupid queen!"
Mas nairita si reyna Fibel kay Shannon. "Kill her now." Utos ni Fibel kina Angelic at Mana. (This woman. How can she stay strong like this. Her spirit should've long be broken after I defeated her.) Hindi makapaniwala na sabi ni reyna Fibel sa kaniyang sarile. (What the hell is this feeling. I'm starting to feel sad if Angelic and Mana will kill her. She should be executed now before something else happen to me.)
*****
Naghahabol ng kaniyang hininga si Shannon, ganon din ang dalawa nitong kalaban. May sugat sa dibdib at braso si Shannon habang si Angelic naman ay may sugat sa kaniyang paa. Si Mana naman ay may sugat sa kaniyang pisnge.
Napahawak si Shannon sa kaniyang uluhan sa nauna na niyang natamong sugat na ang Reyna ng mga Dryad ang may gawa.
"Shannon!" Nagaalala na sigaw ni Mariel kay Shannon.
"Mariel. Ano bang nakita mo sa babaeng 'yan at ganiyan ka na lang kung mag-alala sa kaniya?" Takang tanong naman agad ni reyna Fibel kay Mariel.
"Ate! Itigil mo na'to. Kapag namatay siya, pati tayo madadamay sa gulong magaganap sa pisikal na mundo. Napanaginipan ko ang tagpong ito, alam kong magkakatotoo 'yon. Itigil mo na ang pagpaslang sa kaniya." Sinipa muli ni Reyna Fibel sa ulo si Mariel.
"Kailan kapa naging manghuhula?" Inis na tanong ni reyna Fibel sa kapatid saka napalingon kay Shannon.
Seryoso ang mukha nito, hindi mababakas ang kawalan ng pag-asa sa mukha nito. Lalong sumakit ang dibdib ni reyna Fibel sa Kaniyang nakitang lagay ni Shannon. (Na naman...bakit ganito...lalong lumalakas kapag tinitignan ko ang taong 'yon.) Napahawak ng mahigpit si Reyna Fibel sa Kaniyang dibdib. "Angelic, Mana, ano ba..." Nahirapan siyang maka-hinga. "Tapusin niyo na ang babaeng 'yan!" Sigaw niya sa dalawa na kahit gustuhin man nila ay nahihirapan silang tapusin si Shannon dahil lumalaban talaga ito sa kanila.
"You can't kill me." Lumapad ang ngise ni Shannon sa dalawang kalaban nito. (These two, individually that Ringgo bastard that I killed outside of Uzbane City is stronger. If I will kill them, no one may be able to protect this kingdom if someday, a really strong magus came into this place. They are the pride of all the monster races who got extinct. No matter what happens, they need to continue existing.) Sabi ni Shannon sa kaniyang sarile. Hindi nito sini-seryoso ang laban na kaniyang ginagawa dahil ayaw nitong mapahamak ang dalawang Dryads.
Gumawa siya ng pakpak na gawa sa apoy lumipad pasugod kay Mana.
"Scale Shield." Gumawa ng shield na gawa sa kaliskis si Mana nang makalapit si Shannon at sumuntok sa kaniya.
Nasangga man ay napa-atras parin si Mana sa ginawa ni Shannon. Pumaibabaw sa ere si Shannon at nag-ipon ng enerhiya.
Nagpakawala kay Shannon ng Inflicter si Angelic subalit umilag lang si Shannon rito.
"Energy Blast!" Nagpakawala ng malaking white energy ray si Shannon sa kinaroroonan nina Angelic at Mana.
Sinabayan naman ito ng malakas na pwersa ng Inflicter ni Angelic at shield ni Mana pamprotekta sa kanilang dalawa.
Nagkaroon nang malakas na pag-sabog. Lumusot ang Inflicter ni Angelic pasugod kay Shannon at tinamaan ito. Nahulog at bumagsak sa sahig si Shannon at nawalan ng malay.
"Tapusin."
"Tapusin."
"Tapusin." Sigawan naman ng mga natutuwang mga manonood sa nangyari kay Shannon.
"Tapos na 'to sa wakas." Sumugod si Angelic kay Shannon. Akmang pupugutan niya na ito ng ulo nang biglang gumawa ng halaman na harang si Reyna Fibel kay Shannon.
"Stop it right there." Sigaw ni Reyna Fibel kay Angelic.
Nagtaka ang lahat sa sinabi ng reyna. Nang lumingon sina Angelic at Mana sa kaniya ay nakita nila itong pinagpapawisan at naghahabol ng hininga. Kalaunan ay tumulo ang luha nito sa dalawang mata.
"Mahal na reyna?" Tawag sa kaniya ng nalilito na si Mana.
"Stop this execution now." Sabi naman ni Reyna Fibel. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at linapitan ang isang Dryad na siyang responsable sa barrier na nasa stage. "Elen. Disable the barrier now." Utos niya rito na agad naman nitong sinunod.
Nang maglaho ang barrier ay nilapitan niya si Shannon at tinignan ang lagay nito. "Mabuti naman at ayos pa siya." Nagalak na sabi ni reyna Fibel. "Angelic, dalhin mo siya sa pagamutan. Gamutin mo ang mga sugat niya."
"Hah?"
"Bakit naman?"
"Mahal na reyna ano pong nangyari?"
Reaksyon naman agad ng mga manonood.
"Mahal na reyna, bakit naman po?" Takang tanong ni Angelic.
"Kanina sinasabihan mo kaming tapusin siya."
Nag-bitiw naman ng malalim na buntong hininga si Reyna Fibel sa kanila. "Spring has come." Sabi nito sa dalawa. Lumakad siyang muli patungo sa kinaroroonan ni Mariel na kaniyang pinakawalan. "Bantayan mo siya at ipaliwanag sa kaniya na hindi ko na siya papaslangin." Utos ni Reyna Fibel kay Mariel na nagtataka man ay tumango sa kapatid at tumakbo papunta kay Shannon.
"Our queen..." Hindi makapaniwala na sabi ni Mana.
"Has fallen inlove with this woman?" Tanong naman ni Angelic.
"What the fuck?" Sabay na sabi nila.
Dinala at ginamot sa pagamutan si Shannon. Binantayan siya ni Mariel na lubos na nagpapasalamat at hindi napaslang si Shannon. Kasama ni Mariel sina Angelic at Mana sa kwarto kung saan kasalukuyan na ginagamot ng isang manggagamot na Dryad si Shannon.
"Hindi ko gets...bakit, paano nangyari na nahulog ang loob ni reyna Fibel sa babaeng ito?" Hindi parin makapaniwala si Mana na nahulog ang loob ng reyna ng mga Dryad kay Shannon.
"Come on, look at her. Don't you find her super gorgeous? I mean, I find her gorgeous and strong. I don't know if you noticed it Mana, but she's holding back while fighting us." Sabi naman ni Angelic kay Mana na kumunot ang noo sa narinig.
"What?"
"Isa pa, don't you also find it weird that she have more than one magic ability? She's supposed to be using only one magic." Nagtataka na sabi ni Angelic.
"Yeah, that kind of made me wonder, because the Elementacia is supposed to have a weak mana now. So people living in it can only use one magic." Katwiran naman ni Mana.
Hindi naman nakatiis si Mariel at lumapit siya sa dalawa. "It's because of the Giftia, that's why she have more than one magic." Sabi niya sa dalawa. "Nakalimutan niyo na ba na 50 years kaming naglakbay ni ate sa Vlade Empire, sa physical na mundo? There are people that are using Chaos Magic, it's a bit complicated version of the magic power system Elementacia have because people who have them can cause catastrophic events...Mar-Shannon must be one of those people, and Giftia has summon her to give her other magic in exchange of her catastrophic power." Paliwanag ni Mariel sa dalawa.
"But you and the queen didn't really got good information about Giftia and this Chaos Magi right?" Reaksyon naman agad ni Mana.
"No one knows the truth." Sinegundahan ni Angelic ang sinabi ni Mana.
"Then stop asking why she's using more than one magic. Because only Shannon can answer that issue, but I doubt she has the willingness to tell us about it. So just forget about your curiosity getting answers towards the girl's personality."
*****
Samantala, sa isang kulungan sa Dryaland, sa parehong dimensyon na kinaroroonan ngayon ni Shannon, isang lalaking nakakulong ang tuma-tawa sa saya. Naramdaman nito ang lakas ng aura na nanggaling kay Shannon sa pakikipaglaban nito sa mga Dryad na sina Angelic at Mana.
"Sino kaya ang taong pumasok dito sa Mana Zone na ito? I can't wait to meet the person...I fucking need to get out of this place, Farezona, you fucking scum. I won't forgive you for betraying me...you won't get away easily for killing my parents and my admiration of you. Damn you!!" Anunsyo nito kalaunan ay tumawa ulit. Ang kaniyang mga maroon na kulay ng mga mata, ay suminag sa isang madilim na kulungan na animo'y isa itong mabagsik na hayop na hindi na makapaghintay na makawala.
Itutuloy.