Three person povs :
Sa simula tanging mga tao, hayop at halaman lamang ang naninirahan sa mundo na nilikha ng Diyos na makapangyarihan sa lahat.
Ngunit nagbago ang lahat ng suwayin ng ibang Diyos ang utos ng nakakataas na lumikha sa kanila.
Nagsipag-asawa ang mga diyos at diyosa ng mga tao dahin upang isilang ang bagong mga lahi na tinatawag na 'immortals '
"Huwag nyo po ibuntong sa aming mga anak ang inyong galit bathala. Bagkus kami na lamang ang inyong parusahan" pakiusap ni Alisha
Si Alisha ang Diyosa ng hangin at kabusilakan. Naawa naman sa kanya ang Diyos ngunit lahat ng ating gagawain ay may kaakibat na kaparusahan.
"Ihihiwalay ko ang inyong lipi sa mga tao. Sapagkat malaki ang pinsala nila lalo na't para na silang diyos tulad natin " sagot ni Bathala
Inihiwalay nga ang mga immortal sa mga tao. Hinati ng Diyos ang mundo sa dalawa. Hindi nya din linagyan ng daanan upang mas mapayapa ang pamumuhay ng mga tao.
Ang mga diyos at diyosang ito ay sina :
Alisha - Ang diyosa ng hangin na syang pinamulan ng mga anghel. Ang lipi nya ay kahalintulad sa mga alagad ni bathala na nasa langit. Pinangalanang mga anghel ang kanyang lipi sapagkat kalugod lugod sila sa diyos.
Hinango naman ang pangalan ng lugar ng mga anghel kay Aero-ang lalaking iniibig ni Alisha at sa anak nilang lalaki na si Qin. Kaya ngalan ng nasasakupan ng mga anghel ay Aeroqins
Vishnu - ang diyos naman ng apoy na aksidenteng umibig sa isang binibining taga Asia ng hindi sinasadyang mapana sya ng diyos ng pagibig na si Eros.
Dahil doon ay naisilang ang lipi ng mga bampira. Sa anak nyang si Vladimir ipinangalan ang nasasakupan nila na tinatawag na 'Vladimire'
Briska - ang diyosa naman ng lupa. Umibig sya kay Brosiem na isang mangangaso na nagligtas sa kanya sa kapahamakan. Sa kanya nagmula ang lipi ng mga werewolves o taong lobo na syang immortal na kaaway ng mga bampira. Dahil tulad nila ay magkaaway na tunay si Briska at Vishnu.
Sa anak niyang si Brospoie at sa asawang si Brosiem ipinangalan ang nasasakupan nila na 'Brossempoy'
Alequa - diyos ng tubig. Sya ang pinagmulan ng lipi ng mga sirena. Sa bunsong anak nya na namatay na si Aquila ipinangalan ang lugar at kaharian sa ilalim ng karagatan na tinawag na 'Aquarine'
Entheria - diyosa ng kalikasan. Sya ang tinatawag na inang kalikasan o inang bayan ng mga tao. Sya ang isa sa anak ni bathala na sumaway kay bathala. Sa kanya nagmula ang mga diwata,diwani o nimpa.
Sa kanya at sa asawang si Chant ipinangalan ang kaharian ng mga diwata na tinawag na 'Enchantria'
Magandrat - diyos ng mahika. Nagkaroon sya ng kambal na anak na may magkaibang layunin.
Ang isa ay si Wellindria, ang tagapagtaguyod ng mabuting mahika at ang tanging sumusunod kay bathala.
At ang kambal na lalaki ay si Hellindrio na may ugaling tulad ng kanyang ama. Sya ang naging dahilan ng tuluyang pagkawala ng tiwala ni bathala sa mga immortal. Dahil sya ang may natatanging kapangyarihan na gumawa ng itim na mahika na galing kay Sitan.
At dahil doon nahati sa dalawa ang immortal. Ang mga mabubuti at masasamang kampon ng kasamaan.
Si Hellindrio ay mabuti naman ngunit aksidente nyang nalikha ang itim na kapangyarihan at ang mga portal kung kaya itinakwil sya.
Ninakaw ang kanyang nilikha ng kanyang isang anak. Alam nyang masama ang idudulot nun kung kaya gumawa lumikha sya ng mga tinatawag na elemental na ipinabahagi nya sa bawat kaharian.
"Ang mga iyan ang magsisilbing gabay at dagdag sa kung sino mang pinili ni bathala na maging tagapagtanggol nyo sa darating na paglusob ni Sitan."wika ni Hellindrio na mababakas ang pagsisi sa mukha.
"Kuya, magiingat ka sana sa iyong paglalakbay. Naniniwala akong hindi mo intensyon ang nangyayari na ito "nag-aalalang sabi ni Wellindria.
"Huwag mo akong aalalahanin aking kapatid. Hanggat hindi pa ako tuluyang kontrolado ni Sitan gagawin ko ang lahat para tumulong.
...
Umabot sa kaalaman ni bathala ang mga pangyayari sa mundong mortal at immortal.
Dahil nadin sa pakiusap at dasal ng mga nilalang ay binasbasan nya ang mga ito.
Isang prinsesa ang binasbasan nya upang maging tagapagtanggol laban sa kasamaan. Ang prinsesang ito ay nagmula sa lipi ng mga diwata.
Sa kabilang banda, ganun din ang ginawa ni Sitan. Isang prinsipe mula sa lipi ng mga taga hellindrat ang pinili nya bilang prinsipe ng dilim.
"Hanggat hindi natatapos ang buhay ng kapangyarihang itim hindi matatapos ang layunin ng mga liping iyan. Tanging tunay na pag-ibig ang malakas na pananggalang laban dito. At hindi tusong pag-ibig. " saad ni Bathala sa mga diyos, diyosa, mga mortal at immortal.
"Sa araw ng asul na buwan isisilang ang itinakda. Ito ang hudyat ng madugong laban. Ito ang bunga ng inyong pagsuway sa aking utos. Mangyayari ito tuwing ika-labing syam na daang libong taon. "wika nito bago maglaho.
Simula non ay madalas na lang ang pagpapakita ng diyos sa mga nilalang. Kung meron man ay ang kanyang mga binabasbasan o kaya ang mga gustong balaan.
Ang bawat bagay na ating ginagawa ay may kaakibat na responsibilidad. Hindi damdamin ang pinaiiral kundi magkasamang makatwirang desisyon at malinis na diktita ng puso.
Simula nga noon ay nagsimula na ang madudugong labanan na naging parusa ng kanilang mga magulang at sila ang sumalo.
Wala mang magawa ay pinanuod na lang ng mga napatawad na diyos at diyosa ang paghihirap ng kanilang mga bunga ng pagsuway.
Malungkot man ngunit iyon ang katotohanang hindi matatakasan at dapat harapin ng buong tapang.
...
Nagkaroon ng malaking selebrasyon sa pagdating ng Hari ng Enchantria sa kanyang palasyo ng ligtas. Lahat ng mga monarka, maharlika at may mga dugong bughaw ay imbitado.
Si Haring Clemente Cortez ay ang tanyag na hari sa mundong immortal. Kinagigiliwan sya ng lahat dahil sa taglay nyang katapangan at kabaitan. Ngunit, hindi nga naman maiiwasan ng isang nilalang ang isang bagay na makakapagpadungis sa kanyang katauhan.
May isang lihim ang hari ng enchantria na ikinapuot ng Reyna lalo na ng buong Enchantria sa kanya. Ang kasalanang iyon ay ang pakikiapid nya sa iba. Oo, nagkaroon ng kalaguyo ang hari at yun ay ang isa sa mga kasumpa-sumpang mangkukulam..... si Hestia Gratis.
Nagbunga ang kanyang pagkakasala ng isang babaeng sanggol na syang sumunod lamang sa bunso nyang anak kay Reyna Conteza. Labis ang galit at pagkapoot noon ng Reyna sa Hari at sa mangkukulam ngunit ni minsan ay hindi nya naisipang paslangin ang sanggol. Bagkus ay ang dalawang nasasakdal ang pinarusahan ng kamatayan.
Pinaubaya na lang ng Reyna sa batas ang kasalanang nagawa ng Hari. Kung kaya, pagkamatay ng hari napunta sa kanya at sa mga anak nya ang lahat ng kapangyarihan, kayamanan at ari-ariang pagmamay-ari ng Hari.
Nung una ay inakala nyang madali lang ang magiging buhay nya ngunit sa bawat oras na lumalaki ang bata sa poder nya ay mas lalo lamang lumalalim ang sugat na matagal nya ng pinahilom.
Kung kaya magkaiba ang pamumuhay na kinalakhan ng tatlong prinsesa. Si Prinsesa Constanza ay lumaki na puro sunod sa utos lamang ng kanyang ina ngunit maganda naman ang buhay na tinatamasa sa palasyo. Si Prinsesa Esperanza naman ay malaya, laki sa luho bagkus ay alagang alaga sya ng kanyang ate Constanza at ng Reyna. Samantala si Hermoza, na anak ni Hestia, ay nasa isang sulok dumaranas ng malungkot at mahirap na buhay sa kabila ng karangyaan nya. Bawat kilos nya ay may nakamasid, bawat disisyon nya ay may nakikinig. Sya ay nakakatamas ng masarap at magara na buhay ngunit wala syang kalayaan.