Chereads / I Am Her / Chapter 2 - CHAPTER 1

Chapter 2 - CHAPTER 1

"Hindi mo naman atang gustong sawayan mga magulang mo" pagtatanong sa kaniya ni Kath habang nililibang nito ang saril sa hawak-hawak na basong may laman na alak.

Kaibigan na niya ito mula pagkabata kung kaya't di katakatakang kilala na nito ang pasikot-sikot ng buhay niya.

Tahimik siyang napaupo sa upuang nasa veranda ng kwarto niya. Kasalukuyan silang naka tambay sa kaniyang silid dahil sa abala ang lahat sa kaniya-kaniyang trabaho para sa gaganaping kasalan bukas ng kaniyang kambal.

Nagpabuga siya ng isang malalim na hininga, hindi niya maiwasang maawa sa kakambal niya, mula pa noon ay pinangarap nilang makasal sa lalaking mamahalin nila ngunit di niya malunok ang sariling laway dahil sa awa sa rito, hindi niya maatim na magiging produkto ito ng sapilitang pagpakasal para negosyo ng kanilang pamilya.

Aminado siya mailap siya pagdating sa pagsuway sa kanilang mga magulang ngunit mas nangingibabaw ang pag-aalala niya sa nararamdaman ng kakambal.

"Hindi ko alam kung sino bang kakampihan ko" parang wala sa sariling ani'ya.

Agad nilapag ni Kath ang hawak na baso sa kalapit na mini table at tumabi sa kaniya tsaka siya yinapos nito ng mahigpit.

"Hindi mo naman kailanga'ng pumili" sabi nito "gawin mo lang yung para sayo tama" dagdag pa nito.

Ngumiti siya rito, ganito talaga sila ng kaibagan niya kapag may seryosong pinag-uusapan sila. Nakakadagdag ito ng gaan pagdating sa mga problema niya sa buhay kung kaya't ganon nalang rin siya magpasalamat sa Diyos at binigyan siya ng ganoong klase ng kaibigan.

"Oo nga pala kamusta na kayo ni Geoff?" pagtatanong nito patungkol sa isa pa nilang kaibigan.

Nahalata ata ni Kath na ilang araw rin silang hindi nagpapaansinan satwing nagkikita-kita silang tatlo.

Ang totoo'y nag karoon sila ng kunting hindi pagkakaintindihan hanggang sa umabot sila sa punto na parang wala silang pakialam sa isa't-isa.

"Natanong mo" tipid siyang tumawa rito. Pagdating talaga sa pakikiramdan si Kath ang pinaka sensitibo sa kanila, masyado itong mahirap mataguan ng nararamdaman. Awra mo palang kuhang-kuha na agad nito.

"Eh wala lang, napansin ko lang kasing parang may something sa inyong dalawa" sagot nito "Nag-away kayo?"

"Wala...Hindi"

"Okay, sabi mo eh" sabi nito bago kinuha ulit ang baso at tinungga ang laman 'non.

Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata-- nakatulog pala siya, hindi man lamang siya ginising ng kaibigan niya.

Madalim na sa labas ngunit hindi pa siya kumakain, pasado alas-siete na panaman pero wala pang laman yung tiyan niya.

Dagli siyang umalis ng kaniyang kama't lumabas ng kwarto niya. Sakto lang rin naman ang pagbaba niya dahil nakahanda na rin sa hapag ang pagkain nila para sa gabing iyon. Kasalukuyan na rin naroroon ang kaniyang mga magulang maging ang kapatid niya, aakyatin pa naman sana siya ng isa sa mga katulong nila pero yumukod nalang ito sa kaniya ng makita siya palapit sa lamesa.

Maraming pagkain ang nakahanda kanilang hapag para sa gabing iyon. Karamihan ay mga Filipino Cuisine ang mga nakahanda roon tulad ng pakbet, adobo at letson'g manok, biko bilang panghimagas at iba pa.

"Good evening 'ma 'pa" aniya at humalik sa mga pisngi nito. Binati rin niya ang kambal at ganon rin naman ito sa kaniya.

Pagkaupo niya ay agad siyang nagsalin ng pagkain sa kaniyang pinggan, lumapit rin ang isa sa mga katulong nila at sinalinan ng tubig ang kaniyang baso.

Nabuhay sila sa marangyang buhay kung kaya't nasanay silang pinagsisilbihan ng mga tao. Kahit kailan ay hindi nila nagawang paghirapan at magtrabaho para sa mga gusto nila.

Kung kaya't kung sakali man makadanas sila ng paghihirap sa hinaharap siguradong bagsak na bagsak sila.

Ngunit hindi iyon hahayaan ng pamilya nila, kung meron man pwedeng kapitan upang umangat at kakapitan nila.

Katulad nalang ng buhay nila pagdating sa pagpili ng mapapangasawa. Upang mapanatili ang kayamanan ay kinakailangan makapangasawa sila ng kapareho nilang may katayuan sa estado.

Bawat isa sa kanila ay walang 'ni katiting na espasyo para sa pag-ibig. Nakakalungkot man isipin ngunit umiikot parin ang buhay nila sa Arrange Marriage.

Masyadong mahalaga ang kayamanang mayroon ang pamilya nila kung kaya't mahalaga sa kanilang kalimutan ang sariling kasiyahan para magpatuloy ang pamamayagpag ang kanilang angkan sa bansa, pwera nalang kung isa kayo sa maswerteng magkapalagayan ng loob tulad ng kanilang mga magulang.

"Bukas na bukas darating ang Lolo ninyo" pagbibigay alam ng kanilang ina.

Bigla siyang natigilan sa pagsubo ng pagkain ng marinig ang sinabi ng kaniyang ina.

Darating ang bukas ang Don Fernandina--ang kaniyang lolo na siya namang kinakatakutan nila.

Ang mga magulang kasi nito talaga ang nagsimula ng arrange marriage na siya namang ipinagpatuloy naman nito sa kanilang pamilya.

"Akala ko po'y hindi siya makakarating bukas?" medyo nagtataka pang tanong ng kaniyang kakambal na si Alleigh.

Napag-usapan kasi talaga ang tungkol rito, sinasabi noong una na hindi ito makakadalo dahil narin sa mga trabaho nito sa Italya.

Mga bandang otsienta na ito ngunit mahahalata pa sa kilos nito ang pagiging likas na malakas, dahil dito'y hindi mo ito matatawag na matanda sa isang tinginan lamang.

Maaga nga lamang itong nabyuda sa asawa nito mula pa nong siete anyos pa lamang sila.

Tulad ng pamilya nila ay produkto rin ang mga ito ng arrange marriage.

"Hindi pwedeng hindi dumalaw ang lolo niyo, masyandong malapit sa kaniya ang mga Vallejo" pagpapaliwanag ng kanilang ama. Halata sa awra nito ang di pagsang-ayon sa mga nangyayari ngunit hindi nila pwede sawayin ang kanilang lolo.

"Alam kong nahihirapan kayo sa sitwasyon natin,lalo ka na Alleigh" pagsisingit ng kaniyang ina "Alam kong alam niyo na maski kami ay ayaw na mangyari 'to pero pwedeng salungatin ang lolo ninyo"

"Matututunan niyo rin namang mahalin yung taong ipapakilala sa inyo" dagdag naman ng kaniyang ama.

Mabuti kung ganon, ngunit hindi naman lahat na pagkakataon ay pareho sa kwento ng magulang nila kahahantungan nila.

Hindi sila sigurado kung anong mangyayari sa kanila kapag tumagal ang panahon.

"Excuse me" aniya ni Alleigh, halata sa awra nito hindi pagsang-ayon sa mga magulang nila "Tapos na po ako"

Agad itong tumayo't umakyat ng kwarto nito.

Mula pa noon hirap ang mga tao sa pagtukoy sa pangalan nilang dalawa dahil na rin sa likas na pagkakaroon nila ng magkaparehong pisikal, maski nga kahit nunal pareho sila.

Ngunit kung mayroon man silang pinagkaiba, yun ang ugali nila.

Bata pa lamang sila mahinhin na talaga siya at ang kanyang kakambal na si Alleigh ang kabaliktaran niya.

Kaya kung sakaling dumadating yung panahon na nabubully siya, palagi namang nasa tabi niya ang kambal niya.

Hindi niya lang talaga maintindihan kung bakit nanatili itong walang kibo sa kasal nitong alam naman niyang hindi nito gusto.

Masyado itong mailap sa mga tao pero magkasundo naman sila pagdating sa kanilang dalawa. Siguro'y dahil na rin sa koneksyon mayroon sila bilang magkambal.

"Ma, Pa, pagpasensyahan niyo na si Alleigh" paghihingi niya ng paumanhin sa mga ito " Siguro naman ay naiintindihan niyo po siya"

Hindi nagsalita pabalik ang mga ito ngunit ngumiti ang mga ito kung kaya't gumaan-gaan ang pakiramdam niya kahit tipid lang iyon.

Natapos sila ng walang kahit na isang nagsalita, dahil na rin ata sa atmosperang bumabalot sa kanila nong mga oras na iyon.

Matapos siyang tulungan si Nanay Luding-- ang kanilang pinagkakatiwalaang Katulong sa paghuhugas ng mga ginamit na pinagkainan ay agad na siyang nagtungo sa kaniyang kwarto.

Inasikaso muna niya ang kaniyang sarili bago siya dumiritso ng higa sa kaniyang kama.

Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya si Alleigh. Hindi siya pinapatahimik dahil sa sobrang awang nararamdaman niya.

Sa huli'y naiisipan nalang bumisita sa messenger niya.

Naging sunod-sunod ang tunog non dahil sa daming mensahe galing sa mga kaibigan niya't kakilala. Karamihan doon ay mga pagbati para sa kakambal niya.

Pero sa lahat-lahat na nabasa't nakita niya, iisa lang ang tinutukan ng mata niya.

Ang pangalan ng kaniyang kaibigang lalaki na Geoff.

Online ito ngayon.

Hindi niya alam kung tatawag ba siya rito, nagdadalawang isip siya dahil nagkatampuhan sila nito.

Nagkayayaan kasi sila nitong magmall pero hindi niya ito nasipot, nakalimutan kasi niya ito nong panahong iyon.

Kung tatawag siya'y baka hindi siya nito kibuin. Baka e-decline rin nito ang tawag niya.

Kaya napagpasiyahan nalang niyang magpadala ng mensahe rito.

Matapos non ay pinatay na niya kaniyang cellphone at inalagay iyon sa kalapit na side table.

Uminat-inat muna siya bago tuluyang makatulog ng mahimbing.

Nagising siya dahil sa mainit na sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng kaniyang kwarto. Tumagdag pa ang maingay na yabag mula sa labas.

Inasikaso muna niya ang sarili, naligo siya't pumili ng pansamantalang susuutin. Aayusan siya mamaya, magpapalit rin siya ng damit na gagamitin para sa kasal ng kakambal niya kaya napili nalang niyang mag roba.

"Ma'am gising na po, kailangan na po kayong maayusan" biglang katok sa kwarto niya ng isa sa mga katulong nila.

"Okay, sige saglit lang" sagot niya.

Muli niyang ibinalik ang paningin sa salamin at tiningnan ang sarili.

Muli niya ipanadaan ang suklay sa kanyang mahabang buhok na kasalukuyang basa pa rin.

Matapos non ay agad na rin siyang lumabas at dumiritso sa kwartong pag aayusan nila.

Nagpadala na rin siya ng mainit na kape at tinapay para malamanan ang kaniyang tiyan.

Naroroon na ang kaniyang kapatid nang makarating siya roon. Naayos na ang simpleng kolorete nito sa mukha pero inaasikaso naman nito ang kaniyang mga kuko.

Tulad niya, naka roba rin ito. Hindi tuloy maiwasan ang papalit-palit na tingin sa kanila ng mga taong nasa loob.

Alam niyang iniisip ng mga ito pagkakamukha nila.

"Gravvveehh kalorke kayo!" pagbibiro ng isang bakla sa kanila na sa tingin niya'y siyang maglalagay ng kolorete sa kaniya.

Napatawa nalang ang lahat dahil inakto nito.

Ipinaupo siya nito sa upuang katabi lang rin ng kakambal niya. Tulad ng araw-araw na awra, walang imosyon itong ipinapakita, tulad nga ng sinabi niya--masyadong itong mailap sa mga tao.

Nilingon siya nito na sinuklian niya naman ng ngiti. Alam niyang ngumiti ito pabalik sa kaniya pero hindi iyon mapapansin sa isang tinginan lamang.

Kakambal niya ito kung kaya't kung sino man ang mas nakakakilala rito, siya yon at ang mga magulang niya.

Nagsimulang na siyang ayusan, hindi nga siya nagkakamali, yung kaninang bakla talaga ang naglagay ng kaniyang kolorete sa mukha, habang mayroon namang isang naglilinis ng kaniyang kuko sa kamay at isa sa paa. Mayroon ring nag aayos ng kaniyang buhok na kanina lamang ay basang-basa, natuyo na rin kasi ito dahil sa blower.

Minsan pa siyang napapapikit dahil sa sobrang liwanag ng mga ilaw na nakatapat sa kaniya, pero tinitiis rin naman niya, syempre kailangan dahil ayaw naman niyang magmukhang tanga mamaya sa simbahan.

Laki sila maginhawang buhay, kilala rin ang angkan nila kung kaya't halos buong buhay nila ay hindi pwedeng hindi sila palaging nakaayos, buong buhay nila ay hindi nawawala ang simple ngunit magandang kolorete sa mukha. Ngunit hanggang ngayon ay hindi niya maiisip kung bakit hindi parin siya masanaysanay hanggang sa ngayon.

Napalingon nalang tuloy siya sa kaniyang kakambal ng wala sa oras, hanggang ngayon ay malamig pa rin ng awra nito.

Kadalasan sa mga bride na kakilala niya, nag-aayos palang pero nasisira na agad yung kolorete sa mukha dahil sa kaiiyak sa tuwa, pero kabaliktaran iyon sa kapatid niya.

Naging tahimik ang pag aayos sa kanila hanggang sa sila nalang din ang natira kwarto.

Ipinapasuot na kasi sa kanila ang kaniya-kaniyang kasuotan. Since kaya naman nilang magsarili ay nagpaiwan nalang silang dalawa sa kwarto.

Ngayon ay tahimik silang dalawa habang nakatitig sa nakaharap sa kanilang dalawang Mannequin na suot ang kaniyang kulay lila'ng infinity dress at puting bridal gown ng kaniyang kambal.

Hanggang ngayon ay hindi parin niya lubos na naproproseso sa kaniyang isipan na ilang oras nalang ay mapapalitan na ang apilyedo ng kaniyang kapatid. Ilang oras nalang ay tuluyan na itong matatali sa lalaking hindi naman nito mahal.

"Allison" biglang tawag sa kaniya ni Alleigh. Hindi ito nakatingin sa kaniya ng lingunin niya ito. Nanatili ang mga mata nito sa damit na nasa harapan nito.

"Bakit? takang tanong niya.

"Pwede ba akong humingi ng pabor sayo" sa pagkakataong iyon ay inilipat naman nito ang paningin sa kaniya, naroroon sa mga mata nito ang nakakubling lungkot "Sa tanang buhay ko ay naging balasubas ako,gusto ko iyong baguhin. Balak kong iwanan ang mga iyon sa huling kalokohan gagawin ko ngayon?"

"Anong ibig mong sabihin?"

.

.

.

.

.

.

.

.

"Maaari bang magpalit muna tayo ng damit?"

Biglang tanong nito na ikinatigil ng oras para sa kaniya. Mahal niya ito at handa siyang gawin ang lahat ng ikakasaya nito--basta ba't ikakabuti nito.