Chereads / Parallel World: Rogue College / Chapter 30 - Melancholy

Chapter 30 - Melancholy

Mahigit isang araw na akong nakakulong sa hawla na ito. No food, no water. I feel dry na but I continue on fighting, I tried using magic for the food but I think because of the spell that Ms. Rhea use kaya hindi ko magagamit ang wand ko and the fact na wand 'to galing kela Lolo. Ewan nalang.

Humiga ako sa lupa at tumingin sa kisame ng hawla na ito. I've been gasping for air every second but that didn't help me to feel better. My mouth is getting dry too. Napatingin ako sa pinto ng hawla kasi may narinig akong rustle galing doon.

"Hazel? Ang dilim naman dito" My arms reach the shadow of someone in front of me. "Bilisan mo or else isasarado ko 'to."

"Opo." A flicker from someone's wands created a light kaya doon napunta ang attensyon ko and my eyes widened as I saw Walter with a meal tray and water. "Hazel! Jusko" He rushed in my direction hugging me.

"Paano ka nakapasok?"

"Shhh... Hinipnotize ko ang nagbabantay sa hawla mo at pina-isip sila na ako si Sir Jielo. Kumain ka muna" Sabi ni Walter at ibinaba sa harapan ko ang pagkain. "Hindi ba masyadong delikado?" Ngumiti si Walter at sinubuan ako. Wala na rin akong magawa kundi ang ngumanga at kainin ang sinubo niya.

"Iiwan ko tong baso ng tubig sayo. Kailangan ko pang puntahan sila Axl, at Victor."

"Nasaan sila?" Bumuntong hininga si Walter at tinuro ang hawlang nasa tabi ng akin. "Dinakip din sila katulad mo." Napakamot ako sa kilay ko bago ko dinapuan ng tingin ang hawlang nasa tabi ng akin.

"Si King ang dumakip kay Axl, si Sir Jielo kay Victor." Tumingin si Walter sa relo niya bago siya lumabas at nagpaalam don sa gwardya. Uminom ako ng tubig bago ako tumayo sa lupa at tiningnan ang hawla na nasa kabila.

I squinted my eyes to see the guy inside his cage and Rick is there. "RICK!" Napalingon si Rick sa akin at napatayo sa lupa bago lumapit sa hawla niya pero hindi niya hinawakan ang railings, siguro dahil makokoryenta rin siya.

"Anong nangyayari?" He give me a signal to keep quiet at bumalik sa posisyon kung nasaan ako kanina. Ginawa ko ang inutos niya at tumingin sa pinto kasi may narinig na naman akong rustle.

Someone came inside my cage and light from their wand flickers.

"Come with me" Aangal pa sana ako pero kinuha na ni Principal King ang braso ko at pilit akong pinapalabas sa hawla ko. "Let her go, Uncle! Diba ako lang naman ang kailangan niyo!? LET HER GO!" Tumingin ako sa gawi ni Rick at ngayon ko lang napansin na magli-lima pala kaming nakahawla ngayon kasama sila Franco at Ethel.

"No! Hazel!" My eyes darted on Victor's cage. He keeps on hissing because of the pain from the railing of his cage. Hinila ng malakas ni Principal King ang braso ko kaya napalingon ako sa kanya.

Tinahak namin ang daan papunta sa field atsaka niya ako tinapon sa gitna.

I hurriedly covered my ears because of the loud screams that instantly gave me chills. Napa-angat ang tingin ko at kaagad ring pumikit dahil nakatingin sa akin ang mga Manyeo habang pinapalibutan ako.

"NO! HAZEL!!" I groaned when someone touched my cheeks. Iminulat ko ang mga mata ko at tiningnan ang mata ni Warren.

"Hazel..." He greeted me with a smile on his lips. His nails buried on my cheeks are making me hissed in pain.

"I heard na hinahanap mo raw ako?" I remain quiet habang nakatitig sa kanya. He fished out his wand, revealing his true self. He has shoulder length hair, has a scar on the left side of his face, and eyes are red on the left side and black on the right. My lips parted, now I'm looking at the real Hideux and he is so hideous. Nakakatakot ang mukha niya.

"You killed my parents!" Ngumiti si Hideux sa akin at tumango. Binuksan niya ang palad niya and a chair glide to his place and he sit on it. "Your mom killed me first." He said. I clench my teeth. How dare he?

Malamang na kailangan siyang patayin ng mama ko dahil isa siyang halimaw!

"They attack me first." Dagdag niya and in a snap of his finger, tobacco appears on his palm. He lits it and takes a puff. "But it's sad to know that they are dead now. Akala ko kasi malalaman ng daddy mo ang ginawa ko" My hand turned into fist dahil sa sinabi niya.

"And I'm happy to know na dito ka nag-aaral at buhay ka! What can you say about my Manyeo's?" He smiles at me which makes my blood boil in anger. "They are just like you" I smiled kaya nawala ang ngiti sa labi niya.

"Hideous." I added.

His red eyes causes a fire kaya napaiwas ako ng tingin. "Ibalik siya sa kulungan!" Naramdaman ko ang kamay ni Principal King sa braso ko pero kinuha ko yung galing sa pagkakahawak niya. "I can handle myself."

Tumingin ako sa gawi ni Hideux bago ako sumama kay Principal King pabalik sa kulungan ko. "Hazel! Hazel!" Napalingon ako kay Victor at tumakbo sa kulungan niya. "Wala ba silang ginawa sayo? What happened there?"

"Wala... pero mukhang mapapasabak tayo sa gulo."

"I knew it!" Kinuha na naman ako ni Principal King kaya sumunod ako sa kanya at napa-aray nang itapon niya ako papasok sa kulungan ko at sinara ang pinto.

Kinuha ko ang wand ko at kahit madilim, ginamit ko ang senses ko para maramdaman ang letrang nakaukit doon.

A mharú. To kill.

To kill. Hideux

Char.

Kinuha ko ang isang baso ng tubig na nasa lupa ang ininom iyon. Tumingin ako sa pulang kalangitan at huminga ng malalim. I need to do something, ngayon na kilala at alam ko na ang itsura ni Hideux, I need to think of a plan. But how can I do that?

"FUCK! LET ME GO!" Napatayo ako galing sa pagupo sa lupa dahil sa sigaw na narinig ko.

I accidentally place my hand on the railing and I got electrified by it kaya hinawakan ko ang kamay ko at tumingin sa gawi ni Victor na pilit tinatanggal ang pagkakahawak ni Sir Jielo sa kanya. "Victor!" He turned his head to face me before they off to go.

Dadalhin din ba siya kay Hideux? Magpapakilala din ba si Hideux sa kanya? Pero kilala na niya si Hideux. Ang labo naman kung magpapakilala si Hideux sa kanya.

Umupo ako sa lupa at niyakap ang mga binti ko, praying na sana nasa maayos na kalagayan si Victor ngayon. Sana walang nangyaring masama sa kanya.

I woke up with a clang in my door kaya napunta doon ang atensyon ko. My eyes winched when I saw a silhouette standing ahead of me. I carefully sit up from laying on the ground and hum when someone caresses my cheeks. "I told you, she's sick and she needs my help"

Huh? Kelan pa ako nagkasakit?

"Dapat bukas magaling na siya!" Someone puffed.

Napatingin ako sa pinto ng hawla ko kasi sinarado na yon. "Rick? Anong ginagawa mo dito?" I asked softly, he fished out his wand and it creates a light kaya yon ang nagsilbing ilaw naming dalawa. "Nakita kita kanina na mahina and I thought you passed out. That's why I asked the watcher if I can move to your cage so I can take care of you and help you get better" He said.

"Nakatulog lang naman ako"

"Shh... don't say that. Remain sick para walang mangyaring masama sa'yo." Walang mangyaring masama? Napatingin ako sa hawla na katabi ng kay Rick. "Si Victor? Rick, si Victor?" Ngumiti si Rick sa akin at hinimas ang mukha ko. A soft caress that I think, I felt before.

"He's fine. He fall asleep too" Napatango ako sa sinabi ni Rick at hinawakan ang braso niya habang nakahawak siya sa mukha ko. "Si Oishi?" He covered my mouth and give me a sign to keep quiet.

"Kanina pa nila hinahanap si Oishi and there's no sign of him." Is he serious? Oishi is in the dorm, kasama ang pamilya namin, and they didn't find him? I'm happy. As long as walang mangyaring masama kay Oishi, I'm easing my worries.

Kinuha ni Rick ang wand ko at nag cast ng spell doon. "I saw you struggling with your wand earlier, so there. Huwag mong ipakita na ginagamit mo yan. They might take it away from you" I nodded my head, gripping on my wand tightly. "Si Keith at Walter? Where are they?"

"They are looking for a way to help us out. For now, Wala pa akong alam sa mangyayari sa atin at kung bakit nila tayo dinakip" Nakatungo ako sa sinagot ni Rick at bumuntong hininga.

"Are you scared?" Tanong ni Rick sa akin and I nodded my head as an answer.

"Yes..." I replied.

"Who told you to go back here? Diba sabi ni Uncle King meron kang 1 week vacation?"

"Headmistress Pearl gave me a message saying that your life is in danger. Why?" His lips parted. "Nang umalis ka sa office ni Victor, pumasok si Warren sa loob ng office and he overheard our conversation about my confession as Axl Ancient. Little did I know that he is Hideux. Nang maka-alis ka, No students are allowed to go out of their dorms unless said so."

"And then?"

"And then... Uncle King gave me this" Itinaas niya ang jacket na suot niya and I almost jumped in surprise when I saw a butterfly scar near his chest. "That's the butterfly Headmistress gave to me! Its color red then turns black as it died! Kanina, nabuhay ang butterfly and it flew" Ibinaba ni Rick ang jacket niya at napapadaig sa sakit kaya tinulungan ko siya.

Now he's half naked in front of me. "It still stings" Sabi niya at tinutok ang light ng wand sa scar niya. Napatingin din ako doon at sinuri ang paso niya. "Wait..." Rick lay down on the ground kaya nagkaroon ako ng malaking chance para suriin ang paso niya sa dibdib.

"It smells like,"

"Burn? Inside my body is burning." Kung sanay may kapangyarihan lang ako na gumaling si Rick-

Teka! Ginamitan niya pala ng spell ang wand ko! Hinawakan ko ng mahigpit ang wand ko and was about to cast the herbals pero pinigilan ni Rick ang kamay ko. I was alarmed when he attached his lips to mine as I'm trying to push him away but he didn't part his lips to mine.

"HOY! ANONG GINAGAWA NIYO?!" My eyes grew wide dahil sa narinig ko. A smirk formed in Rick's lips before he parted his lips to mine. "I'm kissing my girlfriend. Am I not allowed to do that?" Girlfriend!?

Kelan pa niya ako naging girlfriend!?

"LUMABAS KA DIYAN"

"Vomit, Hazel." He whispered.

Ano daw? "Huh? gago ka ba?"

"Just do it. Do act." I stared into his eyes longer than the usual and he moved his face kaya hinawakan ko ang baba ko at umaarte na parang naduduwal.

"She's really not feeling well. Can I take her out? I think my girlfriend is pregnant" Loko? Dahil lang sa kiss mabubuntis ako!?

"Pumunta kayo sa hospital" Tumango si Rick at kinuha ang coat niya sa lupa bago ako inalalayan na tumayo. "Let's go, Love. Careful" Binuksan noong nagbabantay ang pinto ng hawla ko atsaka kami pinalabas. Syempre todo acting pa ako habang naglalakad kami paalis doon sa field.

Nang makalayo na kami, kinuha ni Rick ang kamay ko atsaka kami tumakbo papuntang dorm ng boys. "Faster!" Aba! Maka faster tong lalaking 'to. Ang bilis niya kaya tumakbo! Walang nagbabantay sa dorm kaya dumiretso kami sa skeleton na hagdanan para hanapin si Lolo at si Oishi.

Tinuro ko kay Rick yung mga posibleng kwarto kung nasaan sila Oishi at siya na ang nagbukas ng mga yon. Dumiretso naman ako doon sa pinuntahan ko kanina at pinihit ang door knob. A hug embraces me which makes me feel at ease. "Insan! Ano nangyari sayo? Ang dami mong sugat ah-"

"Rick! Hala! ano nangyari sa inyo?" Sinarado ni Rick ang pinto ng kwarto.

"Huwag kayong lumabas. Delikado." Sabi ni Rick habang ginagamot ni Oishi ang paso niya. Todo aray naman siya dahil ginamit ni Oishi yung mga herbal na itinuro sa kanila. Nagsabi din ako sa kanya about sa mga herbal na naalala ko and now, Rick's asleep katabi si Oishi.

Tumabi naman sa akin si Lolo at binigyan ako ng tubig. He wanted to heal my wounds pero wala naman siyang power kaya tubig nalang ang binigay niya sa akin.

"Nakita mo na si Hideux?" Tumango ako kay Lolo at uminom ng tubig.

"Tinatapos namin ang mga kagamitan ngayon. Pula ang kalangitan, katulad ng dati." Napalingon ako kay Lolo dahil sa sinabi niya. "Dati?" I asked curiously. Tumango si Lolo at tumayo malapit sa bintana kaya tumabi rin ako sa kanya.

Malayo ang dorm sa field kaya malabong may makakita sa amin dito. Tumingala si Lolo sa kulay dugo ng kalangitan at bumuntong hininga. "Apat na full blooded wizard, isang mortal ang dapat na ialay para kay Hideux. Pero dahil sa nanay mo, hindi yun nangyari." Pinagkrus ni Lolo ang braso niya habang nagkukwento.

"Sa linggo ang araw ng pag-alay. Ngayon ay biyernes. Dalawang araw bago ang linggo, dapat may maihahanda na silang iaalay para kay Hideux." My head hang low dahil sa sinabi ni Lolo.

"I'm one of them," I confess.

"Anong sabi mo, apo?"

"Me, and Rick. We're one of them." Nabalot ng katahimikan ang kwarto. Pati sila Uncle ay napatigil sa ginagawa nila para tumingin sa akin. "Hindi ka nagbibiro di ba?" I nodded my head atsaka ko lang napansin na napaluha na pala ako when I feel my wet cheeks.

Lumapit sa akin sila Uncle para yakapin ako and I hug them back.

"I'm one of the offering, Lolo... Natatakot ako"

"Jusko." They hug me tighter which makes me burst into tears harder. I've never been scared in my entire life but knowing that I'm one of the offerings for Hideux makes me scared. I don't know what to do. Akala ko hindi ganito ang mangyayari.

Pinunasan ni Uncle Benj ang mukha ko bago hinagkan ang noo ko.

"Huwag kang mag-alala munting prinsesa, nandito lang kami para panatilihin ang kaligtasan mo" Nakangiting sabi nito sa akin. "Kung isa ka sa alay, bakit ka andito?" Tanong ni Lolo sa akin. They are in circles and I'm in their center with Uncle Benj's arms wrapped around me.

"Tumakas kami ni Rick. He make excuses pero alam kong hahanapin nila kami." I said. Niyakap na naman ako ng mahigpit ni Uncle Benj. "Akin na yang kamay mo" I tilted my head to Uncle Benj at pinunasan muna ang mukha ko bago ko ibinigay ang palad ko sa kanya.

Nagtanong ang mga kapatid ni Uncle Benj pero dumiretso lang kami dun sa equipment kung nasaan yung mga pinatulis nila na mga bagay. Dinala niya ako kung nasaan ang bow and arrow tapos itinapat ang kamay ko don.

"Medyo masakit to ng konti kaya tiisin mo" Tumango ako. Binuksan ni Uncle Benj ang kamay ko atsaka tinutok doon ang kutsilyo. I groaned when he gives my palm a cut na ikinabigla nila Lolo at pilit na pinapahintio si Uncle Benj pero ako na mismo ang tumigil sa kanila.

I watch my blood drops on both bow and arrows. Hinawakan ni Uncle Benj ang sugatan kong kamay at binalot ito ng towel. "Ayos ka lang apo?" Tumango ako sa tanong ni Lolo at hinawakan ang kamay ko.

Pinanood ko si Uncle Benj na nagmumumble ng ritual habang hawak-hawak ang bow and arrows kung nasaan ang dugo ko. "Okay na" I tilted my head to Uncle Benj.

"Anong okay na?" Lolo asked.

"Magagamit na niya tong mga to kung susugatan niya ang kamay niya. Kahit konting sugat ay okay lang para maisummon ang mga ito" Uncle Benj carefully took my hand and uncover my wounded palm, he took water, making the towel wet before he carefully presses it on my open wound.

Lolo takes a look at me and Uncle Benj before he sighs and nodded his head. "How can we stop them?" I asked pero hindi nila yon pinansin.

"Nilagyan mo na ba ng holy water ang mga gamit, Niko?" Tanong ni Lolo sa lalaking nasa tabi ni Uncle Benj.

"Yes, papa. Kakatapos lang."

"Maayos 'yan."

***

Saturday. Bumalik kami ni Rick sa mga hawla namin dahil kasali 'to sa naging plano nilang Lolo. Rick said na siya na daw bahala bumahagi kela Victor, Franco, at Ethel tungkol sa plano at kung ano ang dapat naming gawin.

I'm just sitting on the ground with my eyes stuck on my wounded palm. The cut is not that deep so I don't worry much if it stings tuwing ginagalaw ko siya.

Kumaluskos na naman ang pinto ng hawla ko kaya doon napunta ang atensyon ko. I'm surprised when I saw Walter. Puro dugo ang mukha niya at halos hindi ko na siya makilala dahil doon. "Walter!" I exclaimed, crawling to his direction pagkatapos siyang itapon nung one eye na bantay ng hawla ko.

"Sinong may gawa nito sayo!?" I asked gritting my teeth.

"Hazel..." He whispered.

"Yes?"

"Ikaw... ang alay" Walter whispers while coughing blood.

"Walter! Teka. Gagamutin kita!" Dinala ko si Walter sa madilim na parte ng hawla ko at tumingin sa paligid bago ko kinast ang herbals na dapat kong gamitin para kay Walter.

Nilagay ko sa mukha at sa may tiyan niya ang herbals na kinast ko, hoping that it'll help him to get better.

Hindi kagaya ng kahapon, binibigyan na kami ng mga bantay namin ng pagkain. Minsan pa ay dinuduran nila ito bago ibibigay sa amin kaya yung ginagawa ko ay tinatapon ko sa mukha nila yung mga pagkain.

Nakakabastos kasi ang ginagawa nila.

"Kung ayaw mong kumain, edi huwag!" Sabi nito sa akin atsaka pabagsak na sinarado ang hawla. Nagugutom na ako but who would like to eat that shit though? Dinuruan nila yon tapos ipapakain nila sa akin? Ano tingin nila sa akin? Hayop? Gago pala sila eh!

Hindi pa nagigising si Walter at nakailang palit na rin ako ng gamot sa sugat niya. Nagalaw na niya yung kamay niya which is a good thing! Because that means he's alive and he is fighting. I don't know what happen to how he ended up that way pero nabagabag ako sa huli niyang sinabi.

Ako daw ang alay.

Alay para kay Hideux.

Ganito din ba ang nangyari kay mama dati? Naging alay din ba siya para kay Hideux?

Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang biglang bumukas ang pinto ng hawla ko at may tinulak na naman ang mga guwardiya papasok doon. "Victor?" I mumbled. Nakakunot noo lang si Victor habang naglalakad papunta sa akin at tumabi narin ng upo.

"What are you doing here?"

"Actually, hindi lang ako." Anong ibig niyang sabihin?

"ARGH! LET ME GO!" Napatingin na naman ako sa pintuan ng hawla at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sila Franco, Ethel at Rick na pinagtutulakan papasok sa loob ng hawla ko.

My head tilted to the guard when he spoke. "Bihisan niyo siya ng presentable! Kailangan handa na siya para bukas" I swallowed the lump in my throat, turning my hands into fists.

"Hazel!"

"Anong bukas!? Anong meron bukas?" I asked without touching the railings of the cage. Baka makuryente na naman ako.

"Fiesta" He answered with a smirk.