Chereads / Parallel World: Rogue College / Chapter 4 - Head on the game

Chapter 4 - Head on the game

"Sigurado ka bang amin na to?" Binatuhan ko ng masamang tingin si Walter. "Ayaw mo? Akin na lang kung hindi mo gusto. Madali naman akong kausap." Isang matingkad na ngiti ang ibinigay niya sa akin kaya inirapan ko nalang siya. "Ikaw? Anong problema ng sa'yo?" Agad namang umiling si Victor at isinuot ang relo niya.

Wala na ding nagawa si Walter kundi ang suotin ang relo niya. "Try to say a lie" Victor spoke to Walter. "Napakabaho ng baba mo!" I press my lips together to suppress my laughter. What kind of lie is that! I heard a whine from Victor maybe because his watch vibrating. "Napakalaking sinungaling mo talaga, Walter!" Natatawa na lang ako ng malakas atsaka umiling na 'din. These boys.

"Tara na! Malalate na tayo!" It's our PE today and they said, our instructor in PE is Ms. Fiona. Not surprisingly anymore, she is indeed like Blanche's Librarian. Naunang maglakad si Walter and I followed him happily.

"Ilang oras mo 'to natapos?" I smiled. Mabuti naman at naitanong niya sakin yun. "Well, Naka-adjust ako sa different time zone ng earth at dito at masasabi kong, malaking tulong ang 26 hours niyo dito." Nakangiting sabi ko. Ginulo naman ni Walter ang buhok ko, which makes me smiled.

"Victor!" Napalingon ako sa likuran ko at nakita namin si Victor na bihasa. "Let's go!" I exclaimed, napalingon siya sa amin atsaka ngumiti bago pahabol na tumakbo papunta sa amin. "Anong problema?" I asked.

"Sumigaw kasi si Magtanggol, diba pag sumigaw meaning may panganib?" I nodded my head. "But, when I look around. Nobody was there. What does that mean?" I blinked my eyes as looked around also. "Huwag mo na munang isipin yun, meron din kasing times na sumisigaw sila, lalo na kapag nagugulat or naiinis sila." I explained. Ganun 'din naman si Rolex. Sumisigaw siya ng walang dahilan.

"Ganun ba?" Walter asked. "Oo, kaya hali na kayo! Malelate tayo!" Nauna na akong tumakbo sa kanilang dalawa at tinungo ang field. Nang makarating kami sa field, halos mapatili lahat ng estudyante dahil nagdatingan ang mga blue coat students na sakay sa kanilang walis.

I thought there's gonna be a class?

"Hazel!" I gasped when Victor held me. Mabuti nalang at nadali niya ako kundi baka nabangga na ako nung mga naka blue coat. "Sino sila?" I asked. "Students from COY Wizard School." I deeply frowned, bumitaw naman na sa pagkakahawak si Victor sa akin atsaka tumingin sa mga estudyanteng nasa harapan namin.

"Long time no see, Rough." Itinago ako ni Victor sa likod ni Walter, They know him? "Kangna. " Napalingon ako sa nagsalita and I frowned, I meet this guy before. In the subway, nakasabayan ko siya papasok sa loob. "Long time no see too, Joseph. How's your sprain ankle?"

"Tara sa bleachers, Hazel." Tumango naman ako atsaka dinapuan ng tingin ang intense na pagitan ng dalawang grupo atsaka sumunod kay Walter. Ahead of us are the students who wore a blue coat too, they are from COY too? "Walter? Anong meron ba ngayon?" Naguguluhang tanong ko.

"You'll find out too soon."

"Good Morning, Students of Rogue College and COY Wizard School." A loud cheer from the audience filled the field. I don't have any idea what's going on, but I choose to listen attentively to Principal King.

"I know there are many students who are confused. Especially 1-A" Yep, Our section. "I am deeply sorry for the disturbance, but don't worry, you got to know something in this activity. For now, let's welcome the athletes of Soccer in COY Wizards School." Again, a loud cheer filled up the field.

"Please, go to your designation place, boys." Sumunod naman ang mga naka blue coat atsaka tumabi ng kaunti. They are facing the crowds, waving their hands as if they are celebrities. "And now, The Athletes from Rogue College." Unang pumasok, Yung lalaki nakisingit kanina. Sumunod sa Kanya ay isang lalaki na mahaba ang buhok at ang sumunod naman doon ay, matangkad na lalaki, kasama ang isang lalaking magka same height niya lang.

"Is that, Victor?" Tinuro ko si Victor na nasa pinakahuli. "Yes, sadly." I laughed and smiled widely. "Cool!" Tinampal ni Walter ang kamay ko kaya napunta sa Kanya ang attention ko. "Why?" I asked confusedly. "Anong cool? Eh last year nga, nagkasugat-sugat siya, because of the aggressiveness of his enemies."

"Who are those enemies?"

"Them." These small guys? "How?" I saw a bitter smile coming from Walter's lips and gently shook his head. "They manage to cheat in the middle of the game. When they play soccer, they need to play like how mortals play it. Kick, run, run, and kick. No magic included but they use magic to win." What the hell? That's literally cheating! "Hindi ba 'Yun Nakita ng judges?"

"They did, but they didn't call it out. Because they are visitors." What the hell. Ang unfair Naman ata 'nun? If Victor is physically hurt, they should call it foul. The fact na mas tinuonan nila ng pansin ang visitors kesa sa estudyante nila. Are they out of their minds?

"Sick heads," I whispered. Nagkatinginan ng diretso silang lahat at nakita kong biglang sumeryoso ang mukha ni Victor. At doon ko lang napansin ang sugat sa pisngi niya. "Mr. Jielo." Lumabas si Sir Jielo galing sa ilalim ng bleachers at may hawak-hawak na siyang bola.

"On your positions." Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pagkatapos kong malaman ang nangyari sa laro nila, last year, hindi ko alam kung dapat ba akong ma-kampante o matakot o maging masaya. "Do you think, they won this time?" Tanong ko kay Walter.

"Joseph is competitive when it comes to this. Alam kong gagawin niya ang lahat para makuha ulit nila ang tropeyo. Ipagdasal nalang natin na walang hindi magandang mangyayari sa larong ito ngayon." He's right. Sa tingin palang nung leader nila ay mukhang competitive na ito.

All the students from Rogue can't even watch the game. They look tensed and worried. Siguro ay nasaksihan din nila ang nangyari last year. Pero, Paano Kung gawin din nila 'Yun? Paano Kung gamitin din ng COY ang mga kapangyarihan nila para, Manalo? Does history repeat itself?

As the whistle blows, Hindi ko Alam Kung saan ako titingin. They move so fast that I need to lean my back on the backrest of the bleachers. Napakabilis ng mga sipa at takbo nila, especially the students from COY. I just blink my eyes and- "2 POINTS FOR THE GUEST."

"what!? that fast!?" I can't help it. I get frustrated when it comes to games. Hinanap ng mga Mata ko si Victor and I saw him on the wing-back. I know that soccer should have 11 players pero, iba ito. Each school has 6 players only.

I turned my hand into a fist while I was watching the intense game between the two schools. It was breathtaking because all of them are good and fast. They are so quick that for instance, I am watching and following Joseph and for a second, I am now watching the other member. Yes, they are that quick. "2 POINTS FOR HOME."

"YES!" I heard the loud cheer from Walter and I just see myself, smiling and cheering for my school. Parang nabuhusan naman ng malamig na tubig ang mga estudyante sa Rogue nang magka score at nabuhayan ang mga lantang Dahon. They are now cheering for our school and it's refreshing to hear them cheering than, watching in silence.

Feeling ko mababasag ang eardrum ko dahil sa kaliwa ko naman ay ang malakas na cheer ng mga taga-COY. They have themselves their banners, feeling ko para akong nanunuod sa isang national na palaro, Kasi may pa fireworks pa silang nalalaman. Huminga nalang ako ng malalim and to focus on the game. I need to have an eye, I know if something happens, my retentive memory can help things out.

The moment, Victor was about to kick the ball to score, napatayo kami ni Walter sa kinauupuan namin. He falls to the ground and holds his leg. "What happened?" Nag-aalang tanong ni Walter. "I don't know, but we need to check it out!" Iyon na lang ang naging sagot ko sa tanong niya, I really don't have any idea.

We paved our way down from the bleachers at maging ang ibang estudyante sa Rogue ay naglapitan narin. My eyes lure around the bleacher, squint when I see a student from COY putting back something inside his coat. "Ren!" I snapped to reality when I heard Walter.

"Halika na." I nodded and helped him on lifting the cramped Victor.

"His leg just needs a rest. Some of his nerves got tensed." I and Walter nodded our head, bago namin hinila ang upuan na nasa gilid para maka-upo sa tabi ni Victor. "Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko. Tumango naman si Victor atsaka ngumiti. "Na-tense lang daw ang paa ko, magiging maayos naman ako."

I shook my head. "No, may nag-spell sa'yo." They looked at me confusedly as I heave a long sigh. "Seryoso ka ba d'yan sa sinasabi mo, Ren? Nakita naman natin kanina, Diba, Walang naglabas ng wand sa players ng COY." I nodded my head. I am 100% sure.

"Oo, seryoso ako. I saw it with my own two eyes, and yes, you're right, Walter. Dahil wala sa players ang gumawa 'nun sa, Kanya. It was one of the students of COY Wizards School." Nagtitinginan silang dalawa atsaka bumuntong hininga. "They really don't play fair." Mahinang bulong ni Victor.

"AHHHHHH!" Napatakip ako sa tenga ko dahil sa sigaw ni Rolex, Magtanggol at No-Jams. "Ang ingay!"

"E silent nyo dali!" Sumunod naman sila sa sinabi ko atsaka sinilent ang relo nila. I also silent mine, pero napako ang tingin ko sa pearl na binigay ni Headmistress Pearl. Again, it turns white. "Bigla, Silang sumigaw.. what does it means?" Tanong ni Walter.

I was about to answer when the door opens and a bunch of students in blue coats approached us. "It's been a year, nang makita kitang nakahiga sa kama, Rough." Tumayo ako sa pagkaka-upo sa monoblock atsaka lumapit kay Walter. Walter, held my hand away from them.

"Masakit ba?"

"I knew it was you." Nakangiting sabi ni Victor atsaka umupo galing sa pagkakahiga. He knew? or did he just realizes? "Talaga? Kung hindi rin naman dahil sa'yo ay baka, nanalo pa kami ng palaro 2 years ago." I frowned deeply atsaka tumingala kay Walter.

"I'll tell you later hehehehe" Pabulong niyang sabi. Inirapan ko nalang siya atsaka tumingin ulit sa mga taga COY na nasa harapan namin. "Walter Jamora- long time no see, and who is that girl behind you?"

"She has nothing to do with you, Fredrick." Fredrick? I remain silent until their intense conversation ended. Hinawakan ni Walter ang magkabilang balikat ko atsaka bumuntong hininga. "Pasensya ka na sa kanila. Siya ba ang nakita mong naglabas ng wand kanina sa field?"

I close my eyes to remember the face of the male. "No. Hindi s'ya." I answered before I open my eyes. "Kung hindi siya, sino?" I can't answer that question, Victor. Hindi ko alam kasi bigla na lang nabura ang mukha niya sa ala-ala ko. It feels like, someone used a spell on me to forget the face of that young man.

"I'm sorry." 'yon nalang ang sabi ko sa kanila atsaka huminga ng malalim. Humiga na lang ulit si Victor atsaka tumingala sa kisame. I know I had to do something, pinagmayabang ko pa naman sa kanila na human CCTV ako ng Blanche. "But... do you wish to go back to that time?"

"Anong pinagsasabi mo?" Ipinakita ko sa kanila ang kwintas kong time turner atsaka ngumiti. "But sadly, You can't see it. Magpagaling ka na muna." Nginitian ko si Victor at kitang kita ko ang pagka-inis sa mukha niya. "I can walk naman."

Nagkatitigan kami ni Walter atsaka tinulungan siyang tumayo. "Dahan dahan lang." Bulong ko sa kanila atsaka kami naglakad papunta sa malaking cabinet na nandito sa campus hospital. "Walter, hawakan mo ang kamay ni Victor at humawak kayo sa'kin.

Tumango naman sila. Tumingin ako sa oras and it's already 11 pm. I need to rewind the time to 10 am. Nang makahawak na siya sakin, hinawakan ko ang kwintas ko atsaka pumikit.

10am

10am

10am

"Putangigit!!" Napakapit silang dalawa sa'kin ng mahigpit and as soon as I open my eyes, andito na kami sa hallway. "Wait! That's us!" Nakangising sabi ni Victor atsaka itinuro ang mga likod namin. Now, I just realize kung bakit sumigaw si Magtanggol. He sensed the COY Wizard School.

"Victor!" I just watched myself when I called out, Victor. "Let's go!" I heard myself exclaimed,

"Ngayon, Alam ko na, Kung saan ka nakatingin, Victor." Natatawang, Sabi ni Walter, sinuntok naman siya ng, Mahina ni Victor kaya napatawa ako. Nakatingin kasi siya sa labas ng hallways habang hawak hawak ang relo niya. We followed ourselves hanggang sa makarating kami sa field. Ourself earlier headed to the bleachers, pero, Hindi kami dumiretso doon.

Habang inalalayan si Victor, nagtungo kami sa lugar, Kung saan siya natumba kanina. Iginala ko ang mga, Mata ko, pati na rin 'tong mga kasama ko. We are looking for the suspect. My eyes widened when I heard loud cheers from the bleachers, naka score ang COY, just like what happened earlier.

"Ayon!" I pointed to the male on the upper seat of the bleacher where the students of COY, just like what I saw earlier, may pa fireworks nga sila to support their school. "Dalton Lim." Mahinang bulong ni Walter.

"Nasan na 'yung pasyente?" Nanlaki ang mata naming tatlo dahil sa narinig. Humawak ulit silang dalawa atsaka ko ipinikit ang mga mata ko at iniisip ang current time ngayon.

13pm

13pm

13pm

"PUTANGINA!" Napahawak ako sa noo ko at tiningnan ng masama si Walter. Nauna siyang lumabas sa kabinet habang hawak hawak ang tiyan niya.

"Bakit baaa!" Naiinis na sabi ko, sumunod naman si Victor na hawak hawak din ang tiyan nya at nag-uunahan na pumunta sa CR.

"Mga baliw."

---

Binilhan na lang kami ng lunch ni Walter, Nasa classroom kami at sabi naman ni Ms Rhea ay ayos lang daw na dito kami kumain. Habang nagtuturo si Ms sa harap, busy naman kami ni Walter sa pagkain, syempre nag ta-take down notes naman ako.

"Hilariculus!"

Halos mabuga ko ang kinain ko dahil sa ginawang spell ni Walter. Ginawa lang naman niyang monggo ang ibon. The laughs that filled up the room are so genuine. Kaya pati ako ay napapahawa sa kanilang mga tawa. Sino ba naman kasi ang hindi matatawa, puno ng kanin ang bibig niya at tinawag siya ni Ms. Rhea para gawin ang spell.

"Sorry po hehehe" Napatawa sabay iling nalang si Ms sa kanya. "You can eat again." Napa Hagikhik nalang ako sa gilid at itinuon ang atensyon sa pagkain.

I don't have any idea why our instructors are teaching us hilarious spells. Maybe to brighten up the mood. Malungkot, Kasi silang lahat, Nung makarating kami ni Walter. Kaagad naman nilang kinamusta ang lagay ni Victor. Even his teammates asked us the same questions about him.

Pati si Principal King at Ms. Fiona ay na patanong na din sa kalagayan, ni Victor. We lied some details that he is still not feeling well and sleeping, that he won't accept visitors. Feeling ko nga, Kung lie detector itong si Rolex, kanina pa siguro ako nahimatay sa kakavibrate niya. She really detects well, when I am lying or someone is lying.

After the class, we head straight to the campus hospital para tingnan ang kalagayan ni Victor. And, surprise bitches, nakakatayo na siya at naglalakad sa loob ng hospital. "Sana pala ay hindi na ako nagsinungaling na hindi ka pa nakakalakad." Natatawang sabi ko.

"Shit bro! I am happy you can walk now!" I rolled my eyes atsaka ibinaba ang hawak kong plastic kung saan nandun ang mga tira pagkain namin ni Walter.

"Nagka Cramps lang ako dude, hindi ako napilayan. Napaka-OA mo." Tama.