CHAPTER 2
Xuxia Queen
"So, ano titingnan mo na lang 'yan? Wala ka bang balak kumain?" untag ni Molly sa 'kin.
"Just mind yourself tutal doon ka naman magaling." cold kong sagot.
Huminto siya sa pagkain pagkatapos ay seryoso niya akong tiningnan.
"Wait, are you mad at me?" tanong niya.
"Yes. Big time." I rolled my eyes on her. Nakakabadtrip lang naman kasi 'yong ginawa niya sa 'kin kanina. I badly needed her help pero tinanggihan niya ako. Tsk.
Hindi siya nakasagot sa sinabi ko. Ilang saglit pa'y umupo sa table namin si Billy, our gay bestfriend. As usual, nakataas na naman ang kilay ng bakla habang tinitingnan kaming dalawa. Lakas din talaga ng pang-amoy ng baklang 'to.
"So ano na naman bang drama 'to? Nag-away na naman kayo Queeniebells at Mollycules?" tanong niya.
Hindi sana ako sasagot pero alam kong kukulitin at kukulitin niya kami. I was expecting na pareho kami ng sagot but in the end, we arrived with a contradicting answers. "Oo" ang sagot ko samantalang "hindi" ang naging sagot niya.
"Your answers are enough for me to confirm na may pinag-awayan nga kayo. First day na first day nag-aaway kayo?" sabi ni Billy at nagsimula ng kumain. "So ano na naman bang issue?" dugtong pa niya.
Tahimik lang ako habang pinaglalaruan ang kutsarang hawak ko. Ayokong mag-explain kay bakla. Hindi ko naman kasi kasalanan ang nangyari kaya dapat siya ang magkuwento sa kanya.
"She's mad at me dahil lang sa hindi ako nakipagpalit ng upuan sa kanya. Umupo kasi sa tabi niya si Red Spencer which made her uncomfortable." malungkot na sabi ni Molly. Bakas sa mata ni bakla ang pagkabigla na kalaunan ay napangiti rin.
"You sat next to Spencer, the cold-hearted punk?" nakangising tanong ni bakla. I think he's trying to tease me para lang mawala ang inis ko kay Molly.
"Ako ang nauna roon. Siya ang lumipat dahil sira ang arm chair na inuupuan niya sa likod." I corrected pero halatang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Tss.
"Hindi naman sa kung sino ang nauna at kung sino ang lumipat ang isyu rito. The thing is, seatmate pa rin kayo." sabi niya sabay lagok ng juice niya.
"Oo, naging seatmate kami but it's just for eight minutes I think." Nanlaki bigla ang mata ni bakla na para bang hindi kapani-paniwala ang sinabi ko. "Nakipagpalit kasi ako ng upuan sa taong nasa harapan ko," pagpapatuloy ko.
"You mean after kang tanggihan ni Molly, you switched with the person in front of you?" pag-uulit niya.
Tumango na lamang ako bilang sagot. Parehas kaming napalingon ni Billy when Molly clears her throat.
"Bat mo kasi tinanggihan si Queeniebells ghourl? Alam mo namang hindi pa siya tuluyang nakakapag-move on sa manok na pulang 'yon."
Gusto kong matawa sa sinabi niya. "Manok na pula" kasi ang tawag ni Billy kay Red. Uminom muna ng tubig si Molly bago tuluyang nagsalita.
"But what she did is worse. She switched with Primo. Primo Gustavo." Napatakip ng bibig ang bakla nang tuluyang magsink-in sa utak niya ang sinabi ni Molly.
"Shocks! Siya 'yong baliw na baliw sa katibuan mo di ba?" kinikilig na sabi ni bakla. "Matuto ka naman kasing mag-ayos ghourl. Isang Gustavo 'yong nagkagusto sa'yo na ngayon ay katabi mo na. Mahiya ka naman. Gusto mo switch na lang din tayo ng katawan?" Mabilis na nagsalita si Molly at nagbanta kay bakla.
"Gusto mong makatikim nitong kamao ko?" banta ni Molly. Nagpeace sign agad si bakla.
Si Molly lang naman 'yong bestfriend kong hindi marunong mag-ayos babae. She's pretty pero nilalayuan siya ng mga lalaki dahil akala nila tomboy siya. Ang cool kasi ng pormahan at kilos niya. But there's one guy na head over shoes sa kanya and that's Primo Gustavo, ang kinaiinisan niyang lalaki sa lahat. Kung may isang bagay man na lagi niyang pinagkakaabalahan, iyon ay ang hilig niya sa panonood ng Thai BL Series.
"Alam niyo para kayong mga batang nagtuturuan kung sino ang mali. Buti na lang talaga at nasa kabilang block ako dahil kung hindi, for sure mai-stress lang feslak ko sa inyo," komento ni Billy sa aming dalawa.
Molly rolled her eyes before she continues eating. Bumuntonghininga na lamang ako at kumain na rin.
"Red Spencer is silent and I think there's a reason why he acts cold and different." Napahinto ako sa pagkain dahil sa sinabi ni Billy. "I have this weird feeling na baka..." I cut his words and finally butt in.
"Kung ano man yang iniisip mo, nagkakamali ka. Stop overthinking Billy. You two are different, okay?" I pointed out. Kinurot niya agad ako sa tagiliran saka ngumiti.
"You can't blame me for thinking that way Queen. I never saw him dating a girl for a year. So sino ba namang hindi maiintriga?" sagot niya at ngumisi pa. I think he's testing my temper again. Tss.
"How about you Billy brother?" Parehas kaming napatingin kay Molly na nagsalita. "Hindi ka pa namin nakikita na may kasamang lalaki. Wait. Are you just faking it? Paminta ka ba talaga? Or doble kara? Saang category ka?" Pansin ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ni Billy. Ibang klase rin talagang magbiro itong si Molly. Hindi ka talaga makakailag sa sakit.
"Wow. Insultuhan lang ghourl? Kung hindi lang kita kilala baka na offend na ako." panimula niya. "Saka tinatanong pa ba yan? Obvious naman talaga na pilantik na ang mga kamay ko ever since lumabas ako sa bulwagan ni inang reyna."
Hindi na kami nakapagpigil pa ni Molly at sabay na tumawa sa loob ng cafeteria. I think this is the perk of having a gay bestfriend. Hindi lilipas 'yong isang buong araw na hindi ka matatawa sa mga jokes niya. I'm contented to have them both.
"Basta dalawang bagay lang ang alam ko. You're gay and Red is not. May ibang rason kung bakit gano'n ang attitude niya and I think it was something personal." pinal kong sabi.
"Okay. Ayoko ng kumontra pa at baka mamaya niyan magsabwatan na naman kayong dalawa." Billy said while raising his hand as a form of defeat.
"Akala ko ba wala ka ng pakialam sa kanya at kakalimutan mo na siya? You swallowed your words." sampal niya sa akin. Uminom muna ako ng tubig bago sumagot sa kanya.
"I really meant what I've said but that won't give you enought right to judge him."
"Okay. Whatever." sagot niya saka nilibot ang tingin sa paligid na para bang naghahanap ng guwapong mabibiktima.
I sighed for the nth time. Hindi pa rin talaga ako maka-move on sa sinabi ni Billy kanina. How does he come up such an oblivious idea? Bakit ba kasi naging subject siya ng usapan namin? Mas lalo ko lang naisip ang eksena kanina sa classroom noong nag-assume ako na nakatitig siya sa 'kin. He's damn hot while licking his lollipop. Parang gusto ko na ring maging lollipop in an instant. Shit. I'm wet!
I shook my head bago tuluyang matangay ng mga iniisip ko. Hindi pwedeng magpadala ako sa nararamdaman ko. Wake up Xuxia! Stick to your beliefs. Don't let your heart overpowers your brain.
****
Kasalukuyan kaming naglalakad papunta ng locker room para ilagay ang libro namin sa Bioethics at Microbiology na binigay sa amin kanina.
"Shu, tabi tayo sa Research Project class mamaya," biglang sabi ni Molly. Pumulupot siya sa 'kin habang nagmamakaawa na pumayag ako sa pabor na hinihingi niya.
"Gustuhin ko man ay wala rin naman akong magagawa. You know how unpredictable Mr. Experto is. Sigurado akong may panibagong twist na naman siyang naisip." sagot ko at saglit na huminto.
"Paano mo naman nasabi 'yon? Mind reader ka ghourl?" pagbibiro niya. If there's one thing I hate about Molly 'yon ay ang tulugan ang mga subjects na hirap siya. Her future is really at stake.
"Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya last year sa Epidemiology and Research Methods?" tanong ko sa kanya. Ginaya niya ang awrahan ni Pres. Duterte habang kinakalkal sa isip niya ang nangyari noong huling taon.
"Wala akong matandaan. Tulog yata ako ng mga sandaling 'yon," sagot ng gaga at humagikhik pa.
"Sige tabi na muna tayo. Pero kung sakaling may twist na namang naisip si Mr. Experto, I'm afraid I can't help." Tumango siya saka kami muling nagpatuloy sa paglalakad.
Nilagay agad namin sa mga locker namin ang mga librong dala pagkatapos ay naglakad pabalik ng classroom para sa susunod na klase.
"Shu, sa'yo nakasalalay grade ko rito. Alam mo namang mas malala pa 'to sa lahat. It's a combination of facts, analysis and calculation. My god! Inaantok na naman ako," bulong ni Molly nang makaupo kami sa loob.
"Can I ask a favor too?" Mabilis siyang tumango at ngumiti. "Wag na wag mong susubukan na matulog this time." Namilog ang mata niya sa sinabi ko na para bang imposible ang hinihingi ko.
"Seriously? Hindi ko kayang ipangako 'yan." sagot niya.
Hindi ko na nagawang sumagot pa dahil sa biglang pagpasok ni Mr. Experto. Tahimik kaming lahat habang sinusundan siya ng tingin. I have an odd feeling na may pasabog na namang magaganap.
"Good life everyone!" bati niya sa aming lahat na sinagot din namin pabalik ng 'Good life Sir'. "So, any empty seat?" Our eyes roam around the class only to find out if there's any vacant chair. Lahat kami ay napako ang tingin sa isang upuan sa likod.
"There's one vacant chair, Sir," sabi ng isa sa mga kaklase namin. "Who's absent in this very first day?" muling tanong ni Mr. Experto.
Muli kong nilibot ang tingin sa paligid. I know what I'm doing is wrong if I want to forget him pero gusto ko lang makasigurong hindi siya ang tinutukoy ni Mr. Experto.
"I think it's Red Spencer, Sir." Napalingon ako sa nagsalita. She's right, wala nga siya rito.
"Mr. Spencer? Again?" pag-uulit niya.
Bago pa man makasagot ang kaklase namin ay may biglang pumasok sa loob. Humahangos ito habang nakahawak sa magkabilang tuhod niya. Nakuha agad ang atensyon ko ng lollipop sa bibig niya.
"I'm here," tipid niyang sagot. Nang tuluyang makabawi ng lakas ay diretso siyang naglakad papunta sa likod sa bakanteng upuan.
"Throw out your lollipop Mr. Spencer or else you will get yourself out in this classroom," utos ni Mr. Experto. Kitang-kita ko kung paano niya panliitan ng mata si Sir bago nag-iwas ng tingin.
Sa halip na itapon ay mabilis niya itong kinibkib hanggang sa maubos at stick na lang ang natira na kaagad niya namang isinilid sa bulsa.
"May I have your attention please." Lahat kami ay napatingin kay Mr. Experto na naglalakad sa harapan. Napansin ko agad ang hawak niyang papel sa kanang kamay niya. Pansin ko ang kakaibang tensyon na bumabalot sa paligid.
"I have here a piece of paper that contains your seat plan." Nagsimula ng mag-ingay sa loob dahil sa sinabi ni Mr. Experto. Dahan-dahan niyang itinaas ang papel at tiningnan. "Whoever your seatmate would be your partner for whatever activity is to be conducted and everything in the long run of this subject."
Napalunok ako ng wala sa oras. I'm not afraid for the upcoming activity but for my partner. Lagi kasi akong minamalas pagdating sa ganito. I hope swertehin ako this time.
"This seat plan and pairing is applicable only during my class. Switching of seats are not allowed. Your scores lie in your hands. The cooperation of your partner is your key to pass this subject. Do I make myself clear?"
"Yes, Sir." We said in unison.
"Now I'll be calling out your names. Kindly stand as soon as you and your partner's name are called." Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba lalo na nang tawagin ni Sir ang unang pares.
"Primo Gustavo & Luna Martini"
Napalingon agad kay Molly nang tawagin ang pangalan ni Primo. Kitang-kita ko sa mukha niya ang labis na tuwa na para bang nagpapasalamat na hindi siya ang naging kapartner nito.
"Molly Calzadilla & Ricci Zarco"
Isang impit na sigaw ang narinig ko kay Molly. Pumalakpak pa siya bago tumayo sa upuan niya saka kumaway sa kapartner niya. She's lucky enough to have a partner like him. Ricci is a certified bookworm but selectively social. Siguro naman magkakasundo rin sila.
Hindi na ako nag-aksayang lumingon sa mga sumunod na pares na tinawag ni Mr. Experto. Naghihintay lang ako na matawag ang pangalan ko at ng magiging partner ko.
Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay, napangiti ako nang marinig ko ang pangalan ko.
"Xuxia Queen Del Martin and...."
Napadiin ang hawak ko sa palda ko sa sobrang takot at kaba. Sana naman may pakinabang ang magiging partner ko. Ayoko kasing makapartner 'yong taong walang pakinabang.
"Red Spencer." Nagpantig ang tenga ko nang marinig ko ang pangalang iyon.
Waaaaaaaaah. I'm doomed!