Pagkatapos mag-almusal ay umalis kami ni Lily sa bahay. Naglakad kami papunta sa malaking mansion na nasa pinakagitna ng Isla. Sa mansion ay apat kami na magkakaibigan ang may-ari—si Howard ang pinakamatanda, ako, si Clive at Aiden.
Matagal na kami magkaibigan. Nagkakilala kami sa bahay ampunan at parehas kaming may mga issue. May mga masalimoot kaming mga nakaraan. Marahil nagsama kami dito sa Isla dahil naiintindihan namin ang isat-isa.
"Matagal pa ba tayo Oliver?" sinilip ko si Lily. Naghahabol ito ng hininga, sinandya kong bagalan ang lakad.
"malapit na" natanaw ko na ang mga tauhan ni Howard, si Howard ay isang boss ng mafia. Siya ang nagsisiguro ng seguridad dito.
Sinalubong kami ng mga guwardiya. Hindi ko sila pinansin at dumeretso sa loob ng bahay. Habang naglalakad ako ay hindi ko narinig ang yapak ni Lily, nilingon ko ito.
Nakaawang ang bibig at namamangha na tinignan ang mansion.
"tara na" naiinis kong sabi. Minsan lang kasi ako umuwi dito, marami kasing tao. Mas gusto na maoag-isa.
Pagpasok ay hinarang ako ni Clive, sinundan ko ang mata niya na dumapo kay Lily. Ngumisi ito.
"Kaya pala hindi ka na umuuwi dito Oliver" makahulugan niya tawa. "hello, princess. I'm Clive, Oliver's best friend"
I snorted. "Nasaan si Howard" tanong ko.
"Nasa library" tumango ako at hinila anh braso ni Lily pero pinigil ni Clive.
"He wants to talk to you alone" tinignan ko si Lily. Namumula ang pisngi niya. Umiling ako.
"Oh come on man, ngayon lang kita nakitang ganito ka possessive. Is she your girl?" dagdag ni Clive.
"She's no one" sagot ko. Totoo naman na hindi ko siya kaanuano. Mahigit isang linggo lang kaming magkakilala, ni hindi ko nga alam kung magkaibigan kami. She's a good fuck though. I don't have any warm feelings to her aside form pity and lust. Yon lang yon.
May sakit na dumaan sa mata niya. Umiwas ako at iniwan siya sa kamay ni Clive.