"Malaya na ako" sabi ko kay Arthur at yumakap sakaniya merong luha sa aking mga mata habang yakap-yakap siya. Sa wakas nakawala na ako sa hawla na kay tagal kong pinangarap.
"Salamat sa lahat, salamat dahil hindi mo ako binigo" sabi ko rito at ngumiti. Pinunasan nito ang luha ko at tsaka niya ako niyakap ulit.
"Mag bagong buhay kana, ito na ang kalayaan mo at makakamit muna ito na walang sagabal" sabi nito at tinapik ako sa balikat. At saka ito tumalikod sakin,
"Goodbye" sabi nito na ikinawala ng ngiti ko pumasok na ito sa ferarri ng sasakyan at pinahurotrot ng takbo. Makikita ko pa ba siya? Sayang hindi ko manlang nakuha ang number niya.
Malungkot ako nag lakad, hindi ko alam kong bakit. Gusto ko pa siyang makita. Gustong gusto ko ngunit hindi ko alam saan siya hahanapin.
Umiiyak ako nag lalakad, wala akong kaibigan wala rin akong masasandalan sa aking kalungkutan kundi si Arthur lang! Si Aurthur lang ang nag bigay sakin ng pagmamahal na kailan man ay hindi masusuklian. Bigla ako napahinto ng na alala ko ang kaniyang sinabi nong ako ay na sa presento pa.
"Nandito ka lang para sakin?" tanong ko sakaniya. Tumawa ito na may kislap sa mga mata wala akong nakikita na mga mata niya na merong pang huhusga kahit isa akong babaeng bayaran, pinapahalagaan niya parin ako.
"Hmm.. sabihin natin yes, sa america talaga ako nakatira hindi sa philippines pero ang lola ko ay pilipino kaya dito lang ako kapag nag summer" sabi nito namay ngiti sa labi. Bumukas naman ang pinto ng silda ko at isang babaeng police ang nakatingin sa amin.
"Tapus na ang ten minutes Aurthur" sabi ng pulis. Kumalabit naman ito sakin na nag sign na aalis na siya, tumango lamang ako bilang sagot.
Umiiyak ako na pumara ng taxi hanggang nakapasok ako.
"Sa airport" Nag mamadali na sabi ko rito. Naging mabilis ang pag patakbo ni manong. Hanggang dumating na kami sa airport mga five minutes nalang upang maabutan ko si Aurthur, agad ako lumabas sa kotse tinawag pa ako ng manong ngunit hindi ko muna tinuunan ng pansin at nakita ko si Arthur na papasok na sa airplane.
"Arthur!!" umiiyak na tawag ko ngunit hindi ito lumingon, alam kong hindi niya iyon narinig. Tumakbo ako palapit doon ngunit nahawakan ako ng dalawang bodyguard at-.at- at hindi ko na siya naabutan at sumakay na siya sa eroplano. Umiiyak ako habang nakatingin sa eroplano.
"Arthur bumalik ka!" sigaw habang nag mamakaawa sa papalayong si Arthur.