Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Adrienne where are you?

shannen_malay
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.7k
Views
Synopsis
Si Adrienne Rhose Devila ay isang matalinong babae na napadpad sa Cavite. Upang magbagong buhay, siya at ang kanyang pamilya ay lumipat sa lumang bahay ng kanilang lolo at lola. Ngunit habang sa pagtagal nya dito, siya ay may napapansing mga kakaibang mga pangyayari sa lumang bahay.

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Kabanata 1

SA destinasyon namin sa Tanza,Cavite, Ang magagandang tanawin rito na nagagandahan, mga ibong malayang lumilipad, ang mga berdeng puno, at ang mainit na sikat ng araw.

Kami ngayon ay titira sa lumang bahay namin sa Cavite na pinamana saamin nina lolo at lola. sabi ni mama na malaki daw ang bahay at pinamana sa kanilang magkakapatid. wala naman sa mga kapatid ni mama ang titira sa isang lumang bahay kaya kayla mama nalang daw.

Bagama't ayaw ko rin sumama sa kanila dahil narin sa kalayuan sa Kaibigan pumayag na lang ako dahil sa pagpilit sa akin.

Kay bigat ng atmospera sa loob ng van, dahil narin sa bigat na nararamdaman ko. pinili kong wag tumingin kayla mama at papa at nasa bintana lang tingin.

"Anak" Tawag saakin ni mama.

"Anak, pasensya na,alam kong mahirap sayo ang mapalayo sa kaibigan mo at sa lugar na tinirhan natin. pero, mahirap rin naman saamin eh. kailangan lang talaga nating tumira sa lumang bahay dahil pinalayas na tayo ng walang-utang-na-loob mong tita." Mahinahong saad ni mama.

Nawala ang tingin ko sa bintana at tumingin kay mama, si papa na nagdra-drive ay naghihintay naman sa sagot ko.

"Naiintindihan ko mama, nagulat at nagalit din ako dahil biglaan. siyempre malapit ako sa mga kaibigan ko at hindi naman ako agad masasanay sa bagong kapaligiran." saad ko. tumango lamang si mama at nabaling ang tingin ko sa bintana.

Naipikit ko na lamang ang aking mata, sa pag-iisip na kung ano ang magiging buhay namin sa cavite.

"ANAK gising na andito na tayo." pagyug-yog saakin ni mama. napadilat naman ako at napatingin sa paligid.

Lumabas naman si mama at papa upang kunin ang mga gamit. ako ay sumunod nadin sa kanila at tumulong sa kanila.

Napa 'wow' naman ako ng makita ko ang bahay, ang laki! parang mansyon na tatlo lang naman kaming titira dito pero parang limang pamilya ang titira dito.

Pumasok na nga kami sa lumang bahay, wow okay na puro antiques at yung sahig ay hindi tiles. parang bato lang sya na makinis.

"Adrienne dalhin mo na ang mga gamit sa taas wardrobe--ayy Antonio! tulungan mo ang anak mo sa pagbubuhat ng cabinet at kama nya!" Utos ni mama kay papa. napakamot nalang si papa sa ulo at tinulungan ako sa pagbubuhat.

'Mukhang hanggang bukas pa kami matatapos nito' sa isip-isip ko.

KINABUKASAN ay natapos na namin ay pag-aayos ng mga gamit. at nakaupo ako ngayon sa sofa at nanonood ng T.V. ayos na ang kuryente,tubig at ano-ano pa. kaya naman nakasalpak lamang ako sa sofa habang nanonood ng Bleach.

Umalis naman sina mama at papa at bumili ng mga iba pang gamit sa bahay habang ako ay nanatili upang magbantay sa bahay.

*BOGSH

Napabalikwas ako sa lakas ng tunog na nahulog sa kusina. dali-dali naman akong napatakbo roon. mahirap na baka yung mga tupperware ni mama magasgasan patay ako doon.

Nang makapunta ako ay parang wala namang nahulog. at akmang babalik na sana ako sa panonood ng may nakita ako sa bintana.

Isang babaeng nakatingin sa akin.

Sa pagkurap ko naman ay nawala sya. sino ang babaeng yon?

Baka namamalikmata lang ako.

Pero sa mga sumusunod na araw ay doon na nag-umpisa ang mga nakikita ko.

ITUTULOY.