SA isang park sa lungsod ng maynila taong 2123 ay maraming tao ang nag si si takbuhan papalayo. Ang dahilan ng kanilang pag takbo ay dahil sa pag litaw ng isang Diyablo sa mismong Pasyalan.
Sa Park na iyun ay naroon ang isang bata na nakaupo ngayon habang umiiyak, at sa harap naman ng bata ay isang nilalang na may itim na balat at malaking katawan. At ang bilang ng mga kamay nito ay Apat at may Malalaking Sungay at Mapupulang mga mata.
Ang Nilalang na ito ay tinatawag na Diyablo.
"Wag!! Wag kang lalapit!!" Sigaw ng bata na ikinangisi ng diyablo.
"Kekekeke! Sige iyak lang bata iyan na ang huling iyak mo sa mundo!" Sabi ng diyablo at aatakihin na sana nito ang bata ng biglang isang malaking Sibat na gawa sa tubig ang biglang tumama sa kamao nito.
"Subukan mong kantiin kahit isang hibla ng buhok ng batang iyan Ako ang Papatay sayo!" Sigaw ng isang binata na nakatayo sa isang stop light.
Nang tumingin naman rito ang bata ay nagkaroon siya ng pag asa.
"Kuya Edrian!!" Maiyak iyak na sigaw nito
"Hmmm!! Mukhang hindi lang batang bagong sibol ang magiging agahan ko kundi pati ang isang taga akademya ay magiging agahan ko" Sabi ng diyablo at lumingon ito sa kinaroroonan ni Edrian.
Si Edrian ay nababalutan ng Tubig. Ang tubig na ito ay hindi ordinaryo dahil ang tubig na ito ay nagagawan niya ng kahit anong hugis na isipin niya.
"Ang lakas naman ng loob mong magtungo rito ng mag isa, Mukha yatang minamaliit mo ako bata!" Sabi ng diyablo.
"Huwag mo nang hangaring mamatay sa kamay ng maraming kalaban dahil saakin palang wala ka ng ibubuga" Sabi ni Edrian at ang tubig na nakapalibot sa kaniyang katawan ay tila nanginginig.
Nagtaka naman ang diyablo sa nangyayari ngunit naalerto siya sa biglaang paglitaw ng binata sa kaniyang harapan.
Ang kaniyang mga pulang mata ay Kumislap at sa isang kisap mata ay nasa likod na siya ng binata.
"Hindi ako basta kalaban, dahil isa ako sa 12 demon Chief commander" Sabi nito kaya naman nanlaki ang mata ni Edrian.
Isang mabilis na pagtama ng kamao ang tumama sa mukha ni edrian. Sinalo niya iyun ng buong buo. Ngunit ang Edrian na sumalo ng suntok ng diyablo ay biglang naging isang likido pabagsak sa sahig.
"Isa kang walang kwenta!" Sigaw ng binatilyo at sa likod ng Diyablo ay ang binatilyong napapalibutan ng marahas na Asul na enerhiya at sa kanang kamao nito ay ang marahas na bugso ng tubig.
"Water Sage Art: Water Pulsing Punch!!!" Sigaw ng binatilyo at buong pwersang inatake ang diyablo. Ang diyablo naman ay napakuyom ng kaniyang kamao at may itim at pulang enerhiya ang pumalibot rito.
"Wag mo kong maliitin Hangal!!!!" Sigaw ng diyablo At Doon nga'y nag Tama ang Dalawang mag kaibang Enerhiya. Ang purong Asul Na Enerhiya at ang Pula at Itim na enerhiya . Nang mag tama ito ay nag karoon ng shockwave kaya naman nakuha nito ang atensyon ng nasa paligid.
Sa Lugar naman kung nasaan ang Dalagang may naglalagablab na mga kamay ay kasalukuyang nakatayo sa lugar kung saan huli niyang nakitang lumiko ang batang paslit na kaniyang hinahabol.
"Hanep naman yung alaga ni Edrian ang Bilis Tumakbo!" Reklamo ng Dalaga.
Napagdisisyonan niya muna na maglakad lakad at pinahinto ang paglabas ng kaniyang apoy ganun nadin ang kaniyang enerhiya.
Napadaan siya sa isang Coffee shop at tila nag ningning ang kaniyang mga mata ng makita niya ang brand ng sale nito. Bagong Flavour ng Coffee. Papasok na siya ng coffee siya nang biglang nagkaroon ng malakas na pagsabog napatingin siya sa dereksyon kung saan naroon ang Luneta park.
"Naman oh!" Reklamo ng Dalaga at agad siyang Romesponde sa lugar na iyon. Sa pamamagitan ng kaniyang pulang enerhiya ay nagawa niyang makalipad. Isa ito sa kakayahan ng mga God's Children's May kakayahan silang tumalon ng mataas o kaya naman ay lumipad. Ilang metro nalang ay malapit na siya sa kinaroroonan ng pagsabog ay may Itim na bola ng enerhiya ang muntikan ng tumama sa kaniya.
Mabuti nalang at agad siyang naka ilag. Napatingin siya sa nilalang na pinanggalingan ng enerhiya.
"Anong Problema mo!" Reklamo ng dalaga ng makita na isang lalake ang nagpakawala ng itim na bola ng enerhiya.
"Hmm! Anong problema ko kamo! Wala naman nandito lang ako para pigilan ka!: Sabi ng lalake at bigla itong napalibutan ng Itim at Asul na Enerhiya.
"Ako si Baal isa sa 10 Demon General" Sabi ng lalake na ikinagulat naman ng dalaga.
"Demon General!! Imposible papaanong may Isang Demon General sa Lugar na ito" Sabi ng dalaga at ang kaniyang pulang enerhiya ay mas pinalakas pa niya at doon nga ay lumabas sa kaniyang mga kamay ang naglalagablab na apoy.
"Hmm! Sa tingin mo ba ay kakayanin mo ako Binibini!" Sabi ni Baal.
"Tsk! Wala akong pakealam kung isa kang Demon General" sabi nang dalaga.
"Ako si Alicia Blaziwart at isang A ranker" Sigaw ng dalaga at ang kaniyang pulang aura ay mas nagliwanag at walang pag aalinlangang inatake si Baal.
---
Sa Park naman ay Tuloy parin ang pagbabanggan ng mga enerhiya nina Edrian at ng Diyablo. Hindi niya akalaing mag tatagal ng ganito ang laban. Tiningnan niya si Shawn na ngayon ay nakatayo sa Gilid ng statwa ni Dr.Jose Rizal.
"Hmm! Hindi ko hahayaan makain mo ang kapatid ko!!" Sabi ni Edrian at ang kaniyang Asul na Enerhiya ay mas naging marahas.
Sa loob naman ng kaniyang katawan ay ang unti unti pag taas ng kalidad ng kaniyang Aura. Mas nag ningning ito kesa sa dati. Hanggang sa ang asul na aura nito ay naging halos crystal sa sobrang kinang. Sa labas naman ay napapalibutan na ng Usok si Edrian. Hindi iyun basta basta usok kundi Ito'y isang uri ng elemento.
Ang Ice Element!! Ang diyablo namang kaharap niya ay nagulat sa biglaang pagbabago ng elemento ng binatilyo. Nakaramdam siya ng pagkabahala. Dahil sa pagbabagong nangyayari sa binata.
Sa Isip naman ng binata ay nagagalak ito sa pagbabago ng kaniyang elemento. Matagal na niya itong inaaral kaya naman nanabik siya. Ngunit hindi iyun sapat para mag diwang hanggat Hindi pa niya natatalo ang diyablo.
"Ikaw!!! Diyablo Ito ang Huling Segundo mo sa mundong ito" Sigaw ni Edrian at ang kaniyang malamig na enerhiya ay mas lumakas hanggang sa ang kaniyang kinatatayuan ay nag yelo.
"Ice Element: Piercing Spears!!!!" Sigaw ng Binata at isang mabilis na pangyayari ang naganap.
Nagkaroon ng malakas na pagsabog sa loob at labas ng Luneta park. Ang isa ay ang pagkapanalo at ang isa ay Pagkatalo...