Maganda ang gising ko kasi kakain na agad kami ng almusal.
"Good morning po mommy and daddy!" masayang bati ko.
"Oh! Gising na pala kayong dalawa! Magandang umaga sa inyong dalawa." sabi ni mommy sa amin ng kapatid ko.
"Good morning din po mommy!" Inaantok na sabi ng kaptid ko.
"Emma! Wash your face para magising na yang diwa mo." Sabi ni Daddy sa kapatid ko.
"Ako rin po maghihilamos na rin po ako kasi baka may mga dumi sa mukha ko." sabi ko.
"Ayan Emma, Magsabay na kayo ng kambal mo sa banyo." Sabi ni mommy.
"Opo!" Sabi ni Emma.
Papasuk na ako ng banyo ng bigla akong madapa.
"Aray! Ikaw!" Ang tanging nasabi ng kambal ko.
"Sorry! Bagal mo kasi lumakad."
"Mommy!!! Si Ella dapa niya ko." Pasigaw na sabi ng kambal ko.
"Ella! Emma! Ang aga naman para dito!" Inis na sabi ni mommy.
"Hindi ko po sinasadya, nadulas lang po ako." Sabi ko.
"Sa susunod Ella mag ingat ka para hindi ka nakakasakit ng iba."
"Opo!" Sabi ko.
"Ikaw Emma tumayo ka na diyan at mag hilamos na, lalamig na ang pagkain doon."
Kahit minsan nagkakasakitan kami ng kambal ko hindi nawawala ang pagiging malapit namin sa isat-isa. Lagi kaming nag lalaro ng bahay bahayan, doktor doktoran at marami pang iba. Nasa edad na walo palang kami ngayon ng aking kambal kaya ang paglalaro ang bonding namin.