Chereads / The Ceo and His Secretary / Chapter 1 - Chapter 1

The Ceo and His Secretary

🇵🇭Amore_Love_3441
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 2.3k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

Gian's PoV

Bata pa lang kami ni Dana ay magkaibigan na kami at mortal na magka-away. Ganoon kami nito ka-close kaya kung minsan nga naitatanong ko paano kami naging magkaibigan na dalawa.

Bully si Dana sa akin dahil mataba ako noong bata pa ako. Samantalang ito kain nang kain pero hindi naman tumataba. Mukha rin itong si Sadako dahil sa mahabang buhok nitong hindi nito magawang ayusin.

Napailing ako habang inaalala ito.

Ano kayang ginagawa ng bruhang iyon?

Araw ng Sabado, walang pasok kaya naman nasa bahay lang ako at walang magawa. Kun'di asarin ang bunso kong kapatid na tiyanak este si Giana. Nakita ko itong busy habang naglalaro ng computer games sa PC ko.

Tinabig ko siya at pinaalis sa harapan ng study table ko.

"Kuya!" pagrereklamo nito.

Kadalasan isinusumbong niya ako kay Mama kapag inaaway ko siya. Bente uno anyos ako at labing walong gulang naman ang kapatid ko. At masasabi ko na si Giana ang paboritong anak nina Mom at Dad. Masama ko siyang tinignan at saka pinisil ang ilong nito.

"PC ko ito noh!" parang batang sabi ko.

Masama niya akong tinignan habang hawak ni Giana ang ilong nitong pinisil ko. "Magkapatid pa ba tayo kuya? Palagi mo na lang akong inaaway. Naglalaro lang naman ako ng mga games sa PC mo dahil bawal akong maglaro ng games dahil magagalit si Dad."

Natawa ako sa tanong nito. "Lumapit ka sa akin Gia, dali!"

Nang lumapit ito ay pinisil kong muli ang pisngi nito at saka tinakbuhan. Para kaming bata na naghahabulan sa mansion namin na sobrang laki na halos hindi na kami nagkikita-kita. Iisa lamang ang katulong namin sa malaki naming bahay dahil si Mom ang hands on sa lahat ng mga bagay. Sa pag-aaral namin ni Giana at sa trabaho ni Dad. Si Mom din noon ang assistant secretary ni Mom at kakaiba ang love story nila dahil para itong fairytale.

Nasa kusina si Mom na abala sa pagluluto ng agahan namin samantalang si Dad naman ay nagbabasa ng dyaryo sa may garden. Ganito kami kapag umaga pero kapag hapon na kanya-kanya na kaming tulog syempre. Jezzz!

"Gian, ano ba? Inaaway mo na naman ba si Giana?" sermon ni Mom sa akin.

"Of course not?" mariin kong tanggi na nilabian pakunwari ang bunso kong kapatid.

Pinandilatan ako ni Mom. Tsk! Tiger na naman siya. Hinagkan ko siya at agad na linapitan si Dad. Kumuha ako ng tiyempo para sabihin dito ang gusto kong sabihin sa kaniya.

"Dad, pwede ko ba hiramin ang kotse mo?" kinakabahang tanong ko. Binaba nito ang hawak na diyaryo at ipinalo sa akin.

"Dad!" Reklamo ko sabay hawak sa braso kong pinalo nito.

"At saan ka naman, pupunta? Binata ka na Gian pero asal bata ka pa rin. palagi mo na lang pinaglalaruan ang kapatid mo." Sermon sa akin ni Dad.

Hinihingal na si Giana nang lapitan kami ni Dad sa may garden. Umupo ito sa tabi nito. "Buti nga sa iyo, kuya. Naku huwag mong ipapahiram ang kotse mo sa kaniya Dad. Alam mo Dad gagamitin lang ni Kuya Gian iyan para magpasikat sa mga babae sa Academy.

Inirapan ko si Giana. Kahit kailan talaga ay hindi man lamang niya ako suportahan. Ibibisto mo pa ako talaga akong tiyanak ka! Kainis! Ang hirap talaga kapag panganay sa akin lahat ng sermon buti na lang at mabait akong anak.

Nakaka-badtrip hindi ko tuloy mapormahan si Bernadette ang kaklase ni Giana na muse sa classroom nila.

Ngumiti si Dad sabay hagis sa akin ng susi ng kotse. Yes! Mapopormahan ko na si Bernadette, ang crush namin ng bestfriend kong si Dana.

"Thanks Dad, you're the best."

Umupo ako sa tabi nito habang nanenermon na naman si Mom. Ngumiti si Dad at ginaya ang buka ng bibig ni Mom. Strikto si Dad sa amin ni Giana pero napakaswerte namin dahil lahat ng gusto namin ibinibigay ni Dad na siya namang ikinagagalit ni Mom. President si Dad ng isang malaking kumpanya pero kung umasta ito ay parang hindi ito boss.

"Teka nga pala akala ko ba may lakad kayo ni Dana?" tanong ni Mom na hinanap sa paligid ang aking matalik na bestfriend.

Kinuha ko ang hawak niyang bandehado at ipinatong iyon sa lamesa. Ang bango talaga ng luto ni Mom at masarap pa. Kaya ako tumaba ng husto noong bata pa ako dahil doon.

Speaking of her?

Nasaan na nga pala ang kaibigan ko na iyon? Hindi yata nito naamoy ang niluto ni Mom na adobo. Nasa katapat na bahay lamang namin ang tinitirahan nina Dana. May-ari rin ng kumpanya ang mga magulang nito. Iyon nga lamang ay over protective sila kay Dana dahil nag-iisang anak lamang si Dana. Tinulungan ko si Mom sa paghahanda ng agahan namin. Habang si Giana ay naglalambing naman sa aming Daddy. Nakaupo ito at malapad ang ngiti sa kaniya. Nakahilig si Giana sa braso ni Dad na tila may binubulong. Baka nagpapabili na naman ito ng computer na katulad ng sa kaniya.

Ibinababa ko ang mga plato nang magtanong ito. "Kuya, hindi ba may laro kayo ng basketball sa Monday?"

Ibinaling ko ang tingin sa kanya.

"Bakit?"

"Wala lang gusto ko lang manuod. Papanuorin kita syempre! I-tsi-cheer kita at ipagmamayabang sa mga mga classmates kong boys."

"Papanoorin mo ako o si Max ang i-tsi-cheer mo?" nakangising tanong ko.

"Sino naman Max, iyon?" Kunot-noong tanong ni Dad kay Giana.

"Wala dad, kaklase ni Kuya. Hindi ko siya type no! Masiyado akong maganda para sa kanya."

"Giana!" malakas na sabi ni Dad.

"Joke lang po." Niyakap nito si Dad para hindi ito magalit.

Inirapan na lamang niya ako. Natutuwa akong asarin ito dahil pikunin masiyado.

"Gian, kamusta na nga pala ang mga studies mo?" seryosong tanong sa akin ni Mom. Umupo na rin ito sa tapat namin. "Napapadalas yata ang pagba-basketball mo? Alam ko naman na iyan talaga ang hilig mo pero sana naman ay isipin mo ang pag-aaral mo. Graduating ka na ngayong taon, Gian."

Naging seryoso ang usapan namin at nagseryoso na rin ako. Hindi naman strikto sina Mom at Dad pagdating sa mga gusto namin sa buhay. Iyon nga lamang ay mas pinili ko pa rin na tahakin ang landas ni dad. dahil ako lamang ang inaasahan nito para pangasiwaan ang negosyo namin.

"Okay naman po medyo nahihirapan lang ako sa mga activities namin, lalo na kapag on the spot na. Mahirap pong pagsabayin ang pagiging varsity player at bilang isang graduating student. Pero... Mom. I promise to do my best para mapagsabay ang lahat ng bagay."

Humigop ng kape si Dad bago ito magsalita. "Mahihirapan ka kapag hindi ka nag;aaral ng mabuti at kung puro barkada ang iniisip mo. May girlfriend ka na ba, Gian?"

Nabilaukan ako sa tanong ni Dad. "Wala po at saka hindi ko pa nililigawan si---"

Naputol ang sasabihin ko sana kay Dad dahil sa malakas na sigaw ni Dana. Heto na naman siya, magugulo na naman ang buhay ko.

Nasanay na ako sa lakas ng boses nito. Tuwing umaga at tuwing kami ang magkasama. Para itong may microphone sa loob ng bibig nito.

Binalingan ako ni Mom. "Salubungin mo na dahil tiyak ako na nagugutom na rin iyon."

Nasanay na si Dana na pumupunta rito sa bahay namin. Nasanay rin itong natutulog sa kwuarto ko kaya naman naiinis na rin ako. Magulo na nga ang kuwarto ko, lalo pang nagugulo kapag kasama ko ito.

Nang masalubong ko siya ay hindi niya ako pinansin. Parang may nakakadiri akong sakit na kailangan niya akong layuan. Agad nitong tinungo ang hardin kung saan kami nagbri-breakfast.

Sinundan ko na lamang si Dana habang nagkakamot ng ulo. Naka-jersey shorts ito at sando at may suot na sumbrero na animo'y isang lalaki talaga. Hay! Kaya nagiging boyish ang kapatid ko dahil kay Dana. Ito ang palagi nitong kasama.

Nakita kong hinagkan nito si Mom at nakipagbeso naman kay Dad. Para kaming magkakapatid dahil close ito sa family ko at maging ako rin sa family ni Dana puwera na lang sa Mommy nito na sobrang bait este sungit sa akin.