Chereads / THE VIRUS- ZOMBIE APOCALYPSE / Chapter 2 - PROLOGUE

Chapter 2 - PROLOGUE

Sa loob ng anim na oras marami na ang nagbago. Marami nang napinsalang istraktura. Tila bumalik ang trahedya na naganap nung panahon ng hapon.

Mga sirang buildings.

Mga sasakyan na sumabog.

Mga tao na animoy nagbago na.

What will you do if a zombie apocalypse started in your country?

Makakaligtas ka pa kaya...

Magpapakamatay...

O maging kagaya ka nila.

Ang kwentong ito ay tungkol kay Calix at ang kaniyang mga kasamahan habang nagbabago ang mundo.

_________________________________________

Calix's POV:

Nandito ako ngayon sa Korean Restaurant sa Mall kasama ko ang  kaibigan ko. Naisipan kasi naming libangin ang sarili naming dalawa dahil ngayon lang din naging maayos ang lagay ng lugar dahil na rin sa naging lockdown ng ilang taon.

" Shhh." sabi ko habang nilalagyan ko ng karne yung pinggan niya."

" Ubusin mo yan kung hindi. Hindi na kita ililibre pa sa susunod ." dagdag ko pa rito na ikinatango naman niya ito.

Busy kaming dalawa sa kinakain namin na samgyupsal na nagkakahalaga ng 499 pesos. Nang napatingin ako sa labas ng restaurant ang mga tao sa loob ng mall nagkakagulo, nagsisitakbuhan ang mga ito na animo'y may shooting para sa isang movie . Ngunit napatayo na lang ako bigla at hinawakan ang kamay ng kaibigan ko nang mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao palabas ng mall.

" C-calix, bakit sila nagkakagulo anong meron? Bakit nagsisigawan ang mga tao palabas ng mall, may artista ba?" tanong nito sa akin habang ngumunguya.

Mas lalong hinigpitan ang hawak ko sa kaniya tsaka sinagot ito.

" Hindi ko alam Sean, kung bakit nagkakagulo ng ganoong kalalala." sagot ko. T'yaka ko muli'ng hinila papasok sa restaurant, ngunit hindi na kami pinayagang makapasok dahil sa kadahilanang magsasarado na raw sila

" Ay Sir, hindi na po pwede maaga na po kaming magsasara dahil yun ang utos mula sa head ng mall." paliwanag nito habang hinihila yung roll up.

" Pero Sir sayang din po yung binayad namin kung di namin kakain yung in-order naming set. Tsaka sir ano po bang nangyari?"

" Hindi ko nga din alam kayo rin maaga na rin kayong umuwi." sabi nito habang iniabot sa akin yung binayad ko kanina.

Kahit ganito ako umasta, mahal ko parin ang kaibigan ko no! Kaya ko siyang ipagtanggol kahit sino.

Palabas na rin kami ng mall agad kong napansin ang mga grupo ng kapulisan na may hawak hawak na ibat ibang klase ng baril. Agad naman lumapit sa amin ang isang pulis.

" May nangyari bang hindi maganda sa inyo?" tanong nito habang kinukuha ang aming temperature.

Napailing na lang ako bigla at ikinataka ko kung bakit nila kinukuha ang aming temperatura.

" Sir, teka nga lang po. Bakit kailangan niyo pa kaming kunan ng temperatura kung gayong  kumpleto naman ang naiturok na doses sa amin. At ang pagkakaalam ko normal lang po ang init namin kanina." sagot ng kaibigan ko na siyang ikinakunot ng pulis.

" Ako pa talagang turuan mo bata! Kung ayaw mong sa kulungan ang bagsak mo sumunod ka!? Kahit kumpleto pa ang itinusok sayo na vaccine kailangan pa rin namin i-check kung ayos ba ang init mo!" saad nito.

" Ah Sir, pasensya na po ganiyan lang po talaga umasta ang kaibigan ko. Ako na lang po humihingi sa inyo ng depensa. Tsaka Sir ano bang meron bakit may biglang nagkagulo at sa loob pa mismo ng mall may suicide bomber ba?" mahinahon kung tanong sa kaniya.

Hindi na ito sinagot ang mga tanong ko ng biglang nagsilabasan ang mga di karaniwang tao at mukhang di kaaya-ayang tignan dahil sa mga itsura nila.

Napaatras na lang ako ng biglang sumugod ang isang zombie sa kinaroroonan namin ngayon. Zombie akala ko ba sa telebisyon lang nakikita ang ganitong klaseng halimaw.

Kumaripas kami ng takbo ng kaibigan ko papasok sa dala nitong kotse para makaalis sa mga halimaw. Maski ang kaibigan ko ang hindi na rin ang alam ang gagawin dahil sa sobrang panginginig nito ng kamay.

" Bro! Katapusan na ba ng mundo p*tang ina nasa movie ba tayo?" Takang tanong nito sa akin habang pinapaandar ang makina ng sasakyan.

" Hindi ko nga din alam bro? Kung nasa prank show tayo ngayon. Pero nakakakilabot dahil mukhang totoo ang mga halimaw na'yon."

Habang nasa loob kami ng sasakyan biglang may sumigaw mula sa harapan ng kotse at dahilan para lumaki ang aming mga mata ng makita naming kinakain  siya ng dalawang zombie.

Agad pinatakbo ni Sean ang sasakyan at wala kaming pake kung may masasagasaan kaming tao dahil ang importante ay ligtas kami.

Napatingin ako sa likod ng kotse at dahilan para mapasigaw sa takot  dahil sa maraming humahabol sa aming zombie.

Napabuntong hininga na lang ako at nag sign of the cross ako." Sana di na lang 'to nangyari."