Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

How to Get Her

🇦🇨Aumner
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.3k
Views
Synopsis
"I like you! I've always like you...the reason why I'm always pestering you is because i hate it when there's someone else getting your attention. I want your attention to be focus on me and me alone!" Wtf? Anong pinagsasasabi ng baliwng ito? Wait...nagcoconfess ba sya? Di nga? Ang lalaking ito na walang ibang ginawa kundi pagtawanan ako. Ah alam ko na! "Hay~ isa na naman ba ito sa mga bagong pakulo mo? Sinasabi ko sayo na kahit anong gawin mong pang-iinis sa akin ngayon hindi na kita papatulan kasi matured na ako mag-isip ngayon hindi tulad mo na isip bata" "What the hell?! Alam mo ba kung anong ginagawa ko ngayon?" "Nambubwesit ano pa ba?!" "I'm trying to confess here idiot!" And here he goes... "Palibhasa kasi wala pang nagkagusto sayo kaya masyado kang ignorante pagdating sa con fession" 1 "Sabagay sino ba naman ang magkakagusto sa isang tulad mo? Hindi na nga kagandahan masyado pang maldita" 2 "Halos kada minuto dumadada daig mo pa ang bagong gising na Ina kung makadada akala mo rin naman may punto ang mga pinagsasasabi" 3 "At higit sa lahat napakahina! Kahit pitik lang siguro hihimatayin na---" PAK! Phew~ sarap talaga sampalin ng mukha niya. "Ano bang problema mo ha?! Ang aga-aga binubwesit mo na naman ako. Sawang-sawa na ako sa pagmumukha mo alam mo ba yun? Pwede ba kahit isang araw lang patahimikin mo naman ako!" And i walk out.

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - How To Get Her

YUIKA POV

"I like you! I've always like you...the reason why I'm always pestering you is because i hate it when there's someone else getting your attention. I want your attention to be focus on me and me alone!"

Wtf? Anong pinagsasasabi ng baliwng ito?

Wait...nagcoconfess ba sya? Di nga?

Ang lalaking ito na walang ibang ginawa kundi pagtawanan ako.

Ah alam ko na!

"Hay~ isa na naman ba ito sa mga bagong pakulo mo? Sinasabi ko sayo na kahit anong gawin mong pang-iinis sa akin ngayon hindi na kita papatulan kasi matured na ako mag-isip ngayon hindi tulad mo na isip bata"

"What the hell?! Alam mo ba kung anong ginagawa ko ngayon?"

"Nambubwesit ano pa ba?!"

"I'm trying to confess here idiot!"

And here he goes...

"Palibhasa kasi wala pang nagkagusto sayo kaya masyado kang ignorante pagdating sa con fession"

1

"Sabagay sino ba naman ang magkakagusto sa isang tulad mo? Hindi na nga kagandahan masyado pang maldita"

2

"Halos kada minuto dumadada daig mo pa ang bagong gising na Ina kung makadada akala mo rin naman may punto ang mga pinagsasasabi"

3

"At higit sa lahat napakahina! Kahit pitik lang siguro hihimatayin na---"

PAK!

Phew~ sarap talaga sampalin ng mukha niya.

"Ano bang problema mo ha?! Ang aga-aga binubwesit mo na naman ako. Sawang-sawa na ako sa pagmumukha mo alam mo ba yun? Pwede ba kahit isang araw lang patahimikin mo naman ako!"

And i walk out.

"Why do you hate him so much?"

Tanong ng bestfriend kong si Rose dahil siguro kanina pa salubong ang kilay ko dahil sa eksena namin kanina ni Drachir Moen.

as in hindi ba obvious kung bakit? Wala nang ibang ginawa ang mokong na yun kundi guluhin ang araw ko.

"Peste!"

Rose chuckled.

We live in a modern yet magical world....yes! MAGICAL! where magic mattered the most and I have the weakest mana that's why my Magic Ability which is Barrier are so easy to break that even a normal punch could shattered it.

"Ano ba kasing nangyari na naman sa inyo kanina? Totoo bang nagconfess siya sayo?"

Napanganga ako sa sinabi niya.

Ang bilis naman 'atang kumalat ng fake news dito sa Lavish University?

"Naniniwala ka dun? Iniisip niya sigurong ipahiya ako sa harap ng maraming tao kung sakaling paniwalaan ko siya but no! Hmm-hmm matinik 'to"

Napapangisi na lang ako habang naiisip kung gaano siya kabadtrip ngayon na nagfail siya sa pinaplano niya.

"You know what? Halos tatlong taon na kayong nagbabangayan kaya hindi na ako magugulat kung mafafall ang isa sa inyo hehe"

Kinilabutan ako sa sinabing yun ni Rose.

"Nakakatakot din pala yung mga taong malawak ang imahinasyon"

Sambit ko at tumawa nalang siya hanggang sa makarating kami sa training center.

Ang malawak na gusaling ito ay ginawa para maimprove ang mga Magical Abilities ng mga student.

Ang Lavish University ay pag-aari ng Royal Family at karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga royal's at noble's.

Ang iba naman ay nagmula sa mayayamang pamilya at ang tanging paraan para makapasok ang isang commoner sa Unibersidad na ito ay kapag malakas siya at malaki ang potensyal ng kanyang Magical Ability.

Although madalas din silang na-bubully dahil na rin sa katayuan nila sa buhay.

I came from a Count Estate pero madalas pa rin akong mapagtripan dahil mahina ang mana ko.

At nangunguna sa nang-tritrip sa akin ang kasalukuyang pinakamalakas na student dito sa Lavish University

Si Drachir Moen of Phantomhive Duchy.

Ugh. Sobrang yabang talaga ng asungot na yun porket nasa bloodline nila ang Magical Ability niya.

Sa mundong ito bihira lang ang may mga Magical Abilities kaya naman sinisiguro ng King of Pangea Kingdom na mahasa ang mga taong nabiyayaan ng magical abilities and keep them under his surveillance.

Madalas mag-away ang bawat kaharian at sa digmaang ito mahalaga ang kahariang may malakas na Magician.

Dati ang pinakamaka-pangyarihang tao dito sa Pangea Kingdom ay ang Crown Prince na si Cross Monroe.

But not until that bastard Drahcir Moen Phantomhive was born.

Ang Phantomhive Duchy ay naiiba sa lahat dahil hindi Magician ang galing sa kanilang angkan kundi Summoner's

At halos sampung dekada na silang walang naipro-produce na summoner kaya naman humina rin ang kanilang impluwensya pero nang ipanganak si Drachir Moen ay halos isang kurap lang ang bilis ng pag-angat nila hanggang sa puntong kahit ang royal family ay hindi na sila kayang kontrolin.

Kaya ang laki na rin ng ulo ng bwesit na yun!

Sikat na sikat siya lalo na dito sa University. Halos lahat 'ata ng babae nagkakandarap sa kanya pero marami rin ang natu-turn off dahil sa ugali niya.

Paano kasi ang yabang! Lahat ng tao maliban sa sarili niya tinatawag niyang mahina.

"OMG! Buhay pa ba siya?"

"Sir, hindi na 'ata siya humihinga"

"Tumawag kayo ng healer bilis!"

Saktong pagpasok namin sa training ground after namin magpalit ng combat uniform ay nagkakagulo na ang nga estudyante at proctor's sa loob.

"Anong nagyayari?" Tanong ni Rose sa mga estudyanteng nagsisilabasan.

Pero hindi pa man sila nakapag-paliwanag ay nakita ko na sa loob ang duguan at wala nang malay na lalaki na nakalupasay na ang babang parte ng katawan sa sahig.

Ang tanging dahilan kung bakit nakaangat pa ang itaas na parte ng katawan niya ay dahil mahigpit ang pagkakahawak ni Drachir sa kwelyo niya habang walang tigil na binubugbog ang mukha nito.

Nakakalat ang maraming dugo sa sahig, may ilan din akong nakitang mga ngipin.

Wtf?!

Napatingin ako ng diretso kay Drachir na mukhang hindi pa rin napapansin ang kaguluhang nangyayari dahil sa kanya.

Mukhang hindi niya marinig ang pagsigaw ng mga proctor sa kanya o sadyang nag-mamaang-maangan lang talaga siya.

"Phantomhive, you will kill him! Please stop it!"

Halos mag makaawa na ang proctor na hindi alam ang gagawin dahil takot din siyang lapitan si Drachir.

Ang mga estudyante ay panay rin ang pagsigaw kay Drachir na tumigil na siya pero wala ni isa man sa kanila ang may lakas ng loob na lumapit sa kanya.

Muli akong napatingin kay Drachir...

Hmm? What's this? Ito ang unang beses na nagpakita siya ng todo-todong emosyon.

Madalas siyang nakangisi kaya ito ang unang beses na nakita ko ang ibang emosyon sa mukha niya.

He's angry.

Nanlilisik ang mga mata niya.

Anong kinakagalit niya?

"That's enough!"

Napatingin ang lahat sa nagsalita habang humahakbang ito papalapit kay Drachir na patuloy pa rin sa pagsuntok sa mukha ng lalaking kanina pa walang malay.

Oh!

Golden hair and deep blue eyes.

It's the crown prince!

Nakatayo na sa harapan niya ang Crown Prince but as expected...

Hindi pa rin siya tumigil at napakalaking sampal yun para sa Crown Prince

Kung anu-ano pa ang pinagsasabi ni Cross Monroe pero hindi pa rin ito tumigil

Bakit hindi na lang niya batukan? Kung hindi lang nanganganib ang posisyon ng Estate namin kanina ko pa siya binato ng sapatos ko

Sabagay sinampal ko na man ito kanina and i can't imagine myself doing it again

Masyado lang akong nasobrahan sa mga sinabi niya na nakalimutan kong anak siya ng isang Duke and that he is the strongest

"Did you see that?! Totoo ngang kahit ang royalty walang lakas laban sa kanya"

"Somehow nakaka-awa ang ating crown prince"

"Ano pang silbi ng royal family kung hindi nila kayang pasunurin ang isang Duchy?"

"Well, Phantomhive is the strongest! Anong magagawa niya?"

Nagsimula nang magbulungan ang mga tao sa loob at napasinghal nalang ako sa mga narinig ko.

Muli akong napatingin sa crown prince na mukhang nahihiya na rin sa sitwasyon niya at nagulat ako nang magtama ang mga mata namin

But what surprise me is not because our eyes met but because he smiled

A sign of relief is visible in his face when he smiled.

At muling bumukas ang bibig niya habang nakaharap kay Drachir.

And Drachir stop.

Mabilis niyang binitawan ang kwelyo ng lalaking binubugbog niya and i flinch when he's ferocious eyes suddenly look at me.

He's golden brown eyes is scary and yet...somehow it is so beautiful at the same time.