MBF-3 Damoves No. 2
"Hmm ang ganda yata ng gising mo bes?" Bungad agad sakin ni kaira
"Oo nga, anong nakain mo?" Tanong naman ni athena
"Wala naman" masiglang sagot ko
Pero meron talaga hihi
"Kunwari kapa diyan ahh" tukso nila
Bahala kayo, di ko muna sasabihin baka tukso nila ako, mahirap na hmz!
Habang naglalakad kami...
"Kanina kapa yata naka ngiti diyan ahh"
"Oo nga kwento ka naman diyan"
Gusto ko sana pero... Sorry guys, peace!
"Wala" tipid kong sagot
"Sige ikaw bahala, basta sabihin mo samin ha, makikinig kami" usisa ni kaira
"Sige na tara na baka malate pa tayo" singit ni athena
"Uy elise" tawag sakin ni keila, leader namin sa reporting
"Bakit?" Tanong ko
"Nakalimutan mo na ba? Ngayon ang reporting natin!"
Halatang frustrated na siya, ohh noo!
"A-ahhh e-eehh, sorry nakalimutan ko" paktay tayo diyan huhu
*Kring kringg
"Tara na!"
So ayon takbo kami ng takbo, para kaming hinahabol ng aso hahaha buti nalang pag dating namin wala pa si prof.
"Elise ano na? Pano natin gagawin ang reporting?" Frustrated na tanong ni keila
"Ahh ehhh----" naputol ang sasabihin ko nang...
"Okay class, let's proceed to our reporting, let me hear from group 1" sigaw ng prof. Namin
A-ano group 1? K-kami yon ahh
"Representative please" dagdag ng prof. Namin
Naglilingon ako nag ba-bakasaling may mag volunteer sa group namin, habang lumilingon nakita ko si ranz, si ranz my crush, oo nga pala classmate ko siya sa subject na ito.
Nang bigla kong naalala ang sinabi ni kaira na damoves no 2
"No.2 kailangan presentable ka sa harap niya"
Presentable? Kasama ba dun ang pag papakitang gilas? Baka pwede na yon? Pagkakataon na to self! Yohoo!
"I volunteer sir" sabay taas ng kamay ko
Kinakabahan ako pero okay lang, plus points to sa grades at plus points syempre kay ranz mwhehehe
"Okay go on Ms. Fuente" sagot ni sir
Nagulat sina kaira at athena sa ginawa ko, pati narin ang aming leader, ehh hindi ako nakapaghanda
"Kaya mo to elise!" Bulong ko sa sarili habang papunta sa harap
Nagsimula na akong mag report, madali lang namn kasi history lang yung i rereport ko
Buti nalang sobrang dali nito tss.
"Magandang araw sa inyong lahat, ngayon ay tatalakayin natin ang paghiwalay ng england sa simbahang katoliko" pagsisimula ko
"Ipinagpatuloy ni cranmer at iba pa ang repormasyon sa england." Pagpapatuloy ko
Hays nakaka stress ahh
" Sinusugan nila ang pagsasalin ng bibliya at sinimulan ang paggawa sa book of common prayer"
"Ano ang book of common prayer?" Tanong ng isa kong kaklase
"Well, uhm ito ay ang koleksiyon ng mga dasal at serbisyo para gamitin sa simbahan ng anglikan" sagot ko
Ohh diba? taray ko hehe
"Noong 1563, nagkaroon ng kuwestiyon sa mga turo ng simbahan ng England tungkol sa paniniwala sa holy Trinity"
"Sa pagkaka alam ko, isinulat ito hindi bah?" Tanong ng kaklase ko
"Ahh oo tama ka, sinulat ito bilang 39 articles of religion" sagot ko
"Ginamit ni henry ang kapangyarihan ipinagkaloob sa kanya sa act of supremacy. May ilang katoliko ingles na sumuporta sa reporma na tumangging alisin ang kanilang katapatan sa santo papa. Ngunit hindi si sir thomas more"
Ahhh ano ba yan bat ka nakatitig sakin ranz matutunaw ako shemms naman ohh wag genyen, naku focus elise okay?
"Ipinapatay si more ni haring henry dahil sa hindi pagtanggap sa kautusan ng act of supremacy" dagdag ko
"Very good Ms. Fuente" saad ng prof
"Thank you po sir!" Sagot ko
"Okay class dismiss bukas nalang ang iba" sabi ng prof namin
"Ayy wow bessy ahhh, ang galing mo" sabi ni kaira
"Oo nga, papasa naman ng katalinuhan bes" sabi naman ni athena
"Uyy thank you, elise ahh, kundi dahil sayo wala tayong score" singit ni keila
"Wala yon, para naman satin yon ehh" sagot ko
"Sige una na ako" sagot naman ni keila
"Ehemm" bulabog ni kaira
"Oh ano?" Tanong ko
"Alam mo bang kanina kapa tinignan ni ranz, ay hindi pala tinititigan" Panunukso ni kaira
"Oo nga! Parang matutunaw kana nga ehh" sambat pa ni athena
"Totoo bah?" Tanong ko na parang Hindi alam
Enebe hihi keleg ako ehh
Nakita ko rin ang nangyari hindi ako makapag-concentrate dahil sa kanya
Nauutal utal pa nga ako, dahil kada tingin ko sa gawi niya ay grabi nakatitig sheeyyt
"Oo nga bes"
"Speaking of--"
"Hey, good job nga pala kanina, you never failed to amazed me" sambat ni ranz habang papalapit samin
"A-ano?" Tanong ko hina kasi ng boses niya sa last sentence eh pero
"T-thank you" mahinhin kong sagot
Ahhhkk! Sasabog na ako huhue aidez-moi (help)
"Congrats elise"
T-totoo tinawag niya ko
"Salamat ulit" nahihiya Kong sambit
"Uyy in fairness hah!, Na notice ka na bes!" Saad ni kaira nang umalis na sina ranz
"Iam happy for you bes!" Sabi naman ni athena
"Oo nga effective!" Sagot ko
"Tara na kain na tayo, libre ko" dagdag ko na naka pag pasaya sa kaibigan ko
Hays kahit kailan talaga
"Ganyan ba talaga ang effect ng na no- notice" biro ni Kaira
"Siguro" sakay ko sa trip nila
"Aray naman" pagmamaktol ko ng hinampas nila ako
"Sorry, we're Just Happy for you Elise" sabay yakap sakin ni athena
"Huy sama ako diyan" pagtatampo ni kaira
"Group hug" sigaw naming tatlo
"So ano kwento ka naman" usisa ni kaira sakin na parang abot langit ang ngiti
"Well uhm, pinlano ko yun kanina" saad ko
"Ahaha totoo ba yan?" Natatawang tanong ni athena
"Oo nga" tipid kong sagot
"Akala ko ba ayaw mo sa oplan damoves?" Tanong ni kaira na kakaiba ang ngisi
"Napag isip-isip ko kasi na baka pagkakataon ko na to" sagot ko
"Sulitin na natin bago mahuli ang lahat" dagdag ko
Masyadong affected ako sa sinabi ko Totoo naman eh di natin alam ang ating kapalaran
Kaya bago pa mahuli ang lahat sulitin natin, bago tayo magsisi kasi sa lahat ng bagay na ating nilalagpasan nasa huli ang pagsisisi
"Ayy Taray ahh" saad ni athena
"Sana oll!" Hiyaw naman ni kaira
"Tama kaya" sagot ko naman sa kanila
"Tara na nga" dagdag ko
Baka san mapunta ang usapan nato
Bwahahahah
Its a nice day today! Tagumpay ang damoves no. 2 ko nyahahaha
Yahhh! Good job self