Chereads / Sora Hoshiko / Chapter 2 - My First Enemy Encountered

Chapter 2 - My First Enemy Encountered

Hindi masasabi ang kamatayan ng isang tao walang nakakaalam kung kailan o saan tayo pwedeng mamatay pero papaano kung sabihin kong ang kamatayan ay wala sa iyong kapalaran kundi nasa sarili mong kahilingan ito'y tiyak na isang reyalidad kahit kailan pwede kang mabuhay at pwede ka ring mamatay kung iyong nanaisin kaya naman nanaisin mo pa bang humilingan ng kamatayan? Ngunit bago ka gumawa ng isang pasya tandaan mo na ang sarili mong pagpapakamatay ay mayroong mabigat na parusa! nanaisin mo parin bang kitilin ang iyong buhay para tapusin ang walang patutunguhan mong buhay?

"Ginoo? Ang ginoo nga!!! Halika kayong lahat magsilapit kayo nandito ang ginoo!" Malakas na sigaw ng isang babae.

"Ginoo pano po ba kayo napunta dito? saan po ba kayo nanggaling?" Nagmamadali niyang tanong napakaraming tao ang nakapalibot sa akin ngayon para bang maniningil ni nanay kung akoy titigan.

"Teka! Ang sakit ng likod ko! Oh! Baket ako nandirito? Baket parang iba na ata ang mundong minulatan ko? Teka! Asan ba ko?" Mahina kong sambit ang sakit ng likod ko parang ilang araw akong nakahiga.

"Ginoo! Ilang buwan na namin kayong hinahanap kahit saan kami pumuntang probinsiya ay hindi namin kayo matagpuan, saan ba kayo pumunta? Kamusta ang iyong likod?" Tanong ng babae sakin napatingin na lang ako sa buwan para bang may ibang kaganapan na nangyari.

"Teka! Sino ba kayo? At bakit laging ginoo ang inyong tinuturan? Akoy may sariling pangalan bakit hindi nyo ako tawagin sa aking ngalan? Ha? May mali ba sa aking tinuran?" Napakarami kong tanong nakatingin lang ako sa kanila ngunit tila niisa sa kanila walang nakarinig sa aking sinabi sobra nilang tahimik mga adik ba tong mga to? Hay Naku! Nasan ba kase ko?

"Ginoo! Mas mabuti kung tutungo na po tayo sa bahay panuluyan" sagot ng isang lalaki matangkad siya mukang 5'8 ang height niya moreno at mukang habulin ng mga babae.

"Ikaw!" Sambit ko.

"Ano pong inyong ipaguutos ginoo? Mayroon po ba kayong nais?" Tanong agad ng lalaki.

"Ako ba'y inyong binihag? Teka! Mahirap lamang ang aking mga magulang kaya naman wala kaming maipampapalit na salapi" sagot ko nagsitawanan ang ilan sa kanila at mukang nagtaka naman ang lalaking kausap ko dahil napakamot na lamang siya sa ulo.

"Sumagot nga kayo!" Malakas kong sigaw nagsitahimikan naman ang lahat matapos kong sumigaw.

"Ginoo! Halinat tayo ay magsimulang maglakad upang hindi tayo gabihin" sambit ng isang babae ang kanyang itsura ay masasabi kong kakaiba dahil sa tono ng kaniyang pananalita mukang siya ang sinusunod ng mga taong kasama niya.

"Ngunit nakatitiyak akong hindi ako tagarito" sagot ko napatahimik na lamang ako bigla nang bigla akong nginitian ng babae at akoy binigyang daan.

"Ginoo! Mabuti na lamang at nahanap na kayo nagalala ng husto ang ating tribo" sambit ng lalaking katabi kong maglakad.

"Maaari ba tayong magusap? Marami kase akong katanungan ako ba'y iyong pahihintulutan?" Pakiusap ko.

"Ha? Ginoo! Tila kayo ay nagbago? Di nyo po ba kilala kung sino ako?" Sagot ng lalaki siya ang lalaking habulin ng babae ngunit parang walang pake sa kung anong meron sya.

"Hindi ko kase maunawaan mukang kakaiba ang inyong salita at ang inyong mga pananamit anong lugar ba ito? hindi rin kita matandaan ano nga ba ang iyong pangalan?" Tanong ko.

"Ginoo!" Tanging salitang aking narinig.

"Sa totoo lang napakarami kong di maalala tulad na lang ng paano ako napunta sa lugar na ito? At napakarami pang iba" sagot ko.

"Totoo po bang wala kayong maalala? Kahit ako di nyo matandaan? Alalahanin mong mabuti kung sino ako tignan mo ko sa muka" sambit nya.

Napatigil na lang ako sa paglalakad ng bigla nya na lang akong hilahin sa kamay at tinitigan sa muka, abnormal ba tong taong to?

"Ginoong Chunweng! Ano bang iyong ginagawa? Aming ginoo pagpasensiyahan nyo po ang paghawak sainyo ng aking alaga nagalala lamang siya sa inyo ng labis" sagot ng babae nakayuko ito sa aking harapan ganun din ang mga taong kasama namin ngunit agaw pansin sa akin ang tila pagiyak ng lalaking kausap ko kanina nakaluhod sya sa aking tagiliran habang walang tigil ang pagpatak ng kaniyang mga luha.

"Ayos lang! siya ay aking kaibigan kaya naman ito ay tila di na bago sa amin! Magpatuloy na tayo sa ating paglalakad tiyak akong gagabihin tayo" sagot ko at agad ko siyang tinulungan makatayo ngunit bigla ulit siyang napaluhod ng lumingon ako sa paligid sila ay nakayuko ng lahat kaya naman nakisabay na lang ako at yumuko na lamang rin.

"Isang malugod na pagbati sa inyo mahal na reyna!" Halos sabay sabay nilang sambit agad akong napatingala sa sobrang pagkabigla mukang pinagtitripan ako ng mga taong to muka bang mapapaniwala nila akong may reyna pa sa pilipinas nakakatawa lang sila tignan.

"Reyna? Reyna ka dito? Muka yatang maling tao ang inyong nakuha" Sabi ko at unting unting lumapit sa kanya.

"Ang lakas naman talaga ng loob ng inyong ginoo! Tila hanggang ngayon ay hindi pa rin niya natututunan ang kagandahang asal, tama nga talaga ang sabi sabi na ang inyong tribo ay walang kabutihang asal na itinuturo sa kanilang tanan at muka yatang nasiraan ng ulo ang inyong ginoo" tugon ng reyna.

Ang kaniyang muka ay makinis ngunit balot na balot ng tela ang kaniyang katawan masasabing siya ay tunay na maganda at mukang pinapaboran siya ng kalawakan dahil kapareha niya ang buwan ngayon nakasentro pa sa kanya kaya naman ang liwanag ng buwan ay nakadapo sa kaniyang kagandahan.

"Ha! Satingin mo ba ang kinalakihan kong tribo ay walang malaking impluwensyang panlabas para makakuha ng magaling na tagapagturo? Nagkakamali ka mahal na reyna napakarami kong mabuting asal na natutunan ngunit sa aking palagay hindi ko nararapat na ipakita o kahit ipahayag sa isang taong hindi nagpapakita ng kaniyang pinagaralan" sagot ko nakakatakot tignan ang kaniyang mga mata nanlilisik ito sa galit.

"Mahal na hara! Hindi po nararapat ang inyong sinambit patungkol saaming tribo" sagot ng babae nakayuko parin silang lahat kaming dalawa lamang ng babae ang nakatingala sa reyna.

"Alin sa aking pahayag ang mali upang aking bawiin? Magsalita kayo!" Galit na tugon ng reyna.

"Siguro walang mangangahas na sabihin sayo ang sarili mong kamalian! Tama ba ko mahal na hara? dahil isa kang reyna responsibilidad mo rin naman na itama ang iyong di kagandahang asal ikaw na mismo ang umunawa sa aking mga tinuran kamiy aalis na, magandang gabi sainyo hara!" Sagot ko parang lalong nanlisik ang mga mata nya at kitang kita sa kamay nya ang kaniyang galit, pinatangila ko na ang lahat ng aming kasama at nagsimula na kaming maglakad.

Hindi ko alam ngunit bakit hindi ko mapigilang sabayan sila sa trip nila parang pakiramdaman ko ito ang lugar ko dahil ang isipan ko ay sumasangayon sa mga ikinikilos ko ngunit ang pakiramdam ko lamang ang gumugulo sa utak ko at nagpaparamdam na hindi ako taga rito.

"Ate! Tinawag niyong reyna ang babaeng nakasalubong natin kanina, totoo bang may reyna pa sa ating bansa? siya ba ang ina ng bansang ito?" Tanong ko sa babaeng sumagot sa reyna.

"Mali kayo ginoo! Siya si reyna hayami ang reyna ng probinsiya ng ahmya" sagot nito.

"Kung inyo pong pahihintulutan maaari niyo akong tawagin na lamang sa aking pangalan" sabi niya pa.

"Pangalan? Hindi yata nararapat na tawagin ang isang nakakatanda sa kaniyang pangalan ito'y nagpapakita ng kawalan ng respeto" tugon ko.

Ilang oras rin kaming naglalakad habang naguusap ng bigla siyang tumigil sa paglalakad at inutusan ang lahat ng aming kasama na magpahinga muna dahil malayo pa ang malapit na bahay panuluyan pinaupo ako ni ate sa silong ng isang puno mukang matanda na ang punong ito inaalagaan din ito dahil ang mga sanga ay halos pare pareho ang mga haba napakaganda sa lugar nato napakasarap ng hangin at ang lamig ang sarap ding huminga nakakagaan ng kalooban.

"Ginoo! Ano bang tunay na nangyari sa inyo? Nakakapagtaka ang biglaan mong paglisan kahit si pinunong nao ay hindi alam kung saan ka pumunta at anong ginagawa mo sa probinsiya ng amya?" Tanong ng babae.

"Ginang kohaku? Ang aking buhay ay isang napakahabang kwento na nakasulat sa libro ngunit walang nakatala dito!" Sagot ko kita sa kaniyang muka ang pagtataka maging ako ay nagtataka rin parang narinig ko na ang salitang aking nabanggit.

"Paano mo nalaman ang aking pangalan? At hindi ko naunawaan ang iyong sinambit? Ito ba ay isang tula?" Tanong niya, agad siyang tumayo at nagmasid sa paligid.

"Ito'y nakasulat sa punong ito alam kong madalas kang nagpupunta dito dahil dito mo ako pinapwesto at alam mong may silong dito hindi rin ito masyadong tanaw pag ikaw ay naglalakad dahil pababa ang daan papunta rito kaya naman alam na alam mo ang lugar na ito" sagot ko ngumiti siya at hinawakan ako sa muka.

"Napakahabang paglalakbay siguro ang iyong hinarap" sagot ni ginang kohaku.

"Paglalakbay?" Tanong ko huminga siya ng malalim at tumingin sa akin.

"Walang nakakaalam kung papaano ka napunta sa lugar na ito ngunit nakatitiyak akong may dahilan ang pagpunta mo dito hindi mo ba alam kung ano ang ginagawa mo sa probinsiya ng ahmya?" Tanong niya.

"Alam ko ngunit hindi pa ako handang sabihin ito sa iba" sagot ko hinawakan niya ako sa ulo at pinahiga sa kaniyang kandungan.

"Ginang totoo ba talaga ang lahat ng nangyayari ngayon?" Tanong ko.

"Oo naman totoo ang mga kaganap na nangyayari hanggang ngayon ay hindi ka parin tumitigil sa pagtatanong ng mga katangisip" sagot niya napakasarap matulog sa lugar na ito presko at nakakaantok ang paghawak ni ginang kohaku sa aking buhok.

"Napansin kong wala ka namang pinagiba gaya ka parin ng dati napakabilis mong makatulog sinusuklay ang iyong mga buhok" ang mga huli kong salitang narinig mula sa kaniya.

Kung paggising ko ay nandito parin ako sa lugar na ito nais ko na lamang manirahan dito kung saan tiyak akong ako ay sasaya at walang problemang dapat kong alalahanin ngunit ramdam kong hindi ito magiging madali lalo nang nakatitiyak akong hindi talaga ako ang tinatawag nilang ginoo.