Chereads / Sweetest Goodbye / Chapter 1 - Chapter 1

Sweetest Goodbye

🇵🇭Cursed_Vindex
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 3.3k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

Patient 73 is not on her room again, isn't she? Ang babaeng iyon talaga. " Iling-iling na ani ng nurse sa kausap nitong nurse na bumisita sa kwarto ng sinabing pasyente.

Tila hindi na bago ang pangyayaring iyon. Sanay na ang mga nurse at doctor na laging nawawala at kung saan saan pumupunta ang pasyente. Sa loob ng dalawang linggo, araw-araw sa paghahabol at paghahanap sa pasyente ang madalas nilang gawin.

Sa kabilang banda, masayang umakyat ang isang dalaga sa huling palapag ng ospital. Ito ang pangalawang beses na pumunta siya roon. Malamig na hangin ang sumalubong sa kaniya paglabas ng pintuan, ang maikli nitong buhok ay tumatabing sa maliit nitong mukha.

Mula sa pwesto niya ay muli niyang nakita ang ganda ng ibaba, at ang siyudad na hindi naman kalayuan sa hospital. Hindi pa siya nakuntento at inakyat nito ang pader at umupo roon. Pumikit siya't yinakap ang sarili nang biglang lumakas ang hangin.

MISS! Miss What are you doing?" Magpapakamatay ka ba?" Her smiles fade away as she heard someone shout behind her. She turned her head to the right side where the man was standing and saw the man's concerned face looking at her. She mentally rolled her eyes.

What if I do?" Mapanghamong ani nito sa lalaki na tila naalarma sa sinabi niya. Don't!" Napasigaw ang binata nang dahan dahang  tumayo ang dalaga mula sa kinauupuan nito. Isang maling apak lang ay tiyak na sa ground floor ang bagsak nito.

Miss, bumaba ka na diyan. Mapaguusapan naman natin 'to eh.  Alam mo bang mapupunta ka sa impyerno kapag tumalon ka diyan?" Parang tangang pagkukumbinsi ng binata pero wala na siyang pakialam pa.

Here, hawakan mo ang kamay ko. " Tarantang ani ng binata habang dahan dahang lumalapit sa dalaga na ikinatawa ng isa. Napatingin siya sa kamay nitong nakaabang sa ere. May nagtutulak sa kaniya na hawakan ito at ginawa nga niya, at hindi niya inaasahang makaramdam ng kakaibang emosyon sa loob niya. Sa gulat, napabitaw siya bigla at napaatras ang paa. Akala niya'y tuluyan na siyang malalaglag nang bigla siyang hapitin ng binata na naging dahilan ng pagkabagsak nilang dalawa sa sementadong sahig.

The man groaned as his back hit the floor. His back is in pain right now but it's his least of concern for now.

Hindi makapaniwalang umupo ang dalaga habang hawak hawak ang dibdib nitong malakas ang tibok. Shit! That was close! She said to her self. Kung may sakit ako sa puso ay baka natuluyan na ako."

Are you okay? " Nag-aalalang tanong ng binata.

Saglit siyang tinignan ng dalaga at agaran ring iniwas ang paningin. Yeah, I'm fine." Mahina nitong tugon.

Wait here, I'll buy you water." At wala pang ilang segundo narinig niya na lang ang pagbukas-sarado ng pinto.

Ilang minuto na ang lumipas at wala pa rin ang binata. She stood from her seat nang kumalma na rin ang puso niya. Maybe hindi na siya babalik." Iling-iling nitong pagkakausap sa sarili. Ganon naman palagi." Nakangiwing ani nito.

Naglakad siya sa direksiyon ng pintuan. Balak niyang pumunta sa garden nitong ospital at doon naman magpalipas ng oras.

Nang pipihitin na nito ang doorknob ay bigla itong bumukas na ikinagulat niya. Mas nagulat siya nang tumambad sa kaniya ang hinihingal at pawisang binata.

Here... here's your water." Tumingala ito sa kaniya at iniabot ang hawak nitong tubig habang nakangiti. At heto na naman ang hindi maipalawanag na pakiramdam na parang kumikiliti sa puso niya. Sorry for the delay." Dugtong pa nito.

Mas kailangan mo iyan." Iling-iling nitong ani sa binata.

Nah,take this, I have one too." Sabay pakita ng isa pa niyang hawak na bote ng tubig.

Okay... Thanks."

Sabay silang umupo sa isang mahabang upuan, malayo ang distansiya sa isa't-isa. Wala ni isang nagsasalita at parehas na nakatutok sa isang direksiyon,at pawang nagpapakiramdaman lang.

What you did earlier was dangerous." He's the one who broke the silence.

I know." She answered almost whispering. Pero hindi ko naman talaga balak magpakamatay." Dugtong pa nito habang nakayuko at pinaglalaruan ang mga daliri.

But still, you almost fall down there." He seriously said while looking at her.

Binawi ng binata ang tingin, at muli, saglit na namutawi ang katahimikan sa pagitan nila.

T-thanks." Kagat labing pagpapasalamat nito sa binata.

For what?"

For helping me."

Whoever in my position will also do that." He answered.

Hinahanap ka na siguro. Why don't you get back to your room?" Pag-iiba nang usapan ng binata.

No thanks, it's suffocating there you know." She answered rolling her eyes, at narinig  niya ang mahinang pagtawa ng binata na nakapagpatigil sa kaniya.

Maya-maya'y pansin niya nag pasimpleng pagtingin ng binata sa relo niya.

You can leave me now." Nagulat pa ang binata sa biglaang pagsalita ng isa.

But how 'bout you?" He asked with a hint of concern in his voice.

I told you, I'm fine. See." Iginalaw-galaw pa niya ang katawan na nakapagpatawa sa binata.

Okay then... Bye." Tumango lang siya rito at nginitian ang binata.

My name's Dillion." Nagulat pa ang dalaga nang muli itong humarap sa kanya para ipakilala ang sarili at ilahad sa kanya ang kamay nito. Napalunok pa siya bago makipagkamay.

Lenore... Lenore is my name."