The Great Emperor Of The Blues

Kytinia
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 11.8k
    Views
Synopsis

Simula

Lumipas ang anim na buong taon ng pakikisabak, kapwa'y nagdusa ng matinding pinsala. Datapuwa't, ang angkan ng Dakilang Bughaw na Kagubatan ay bagsik na mas nagdusa ng matinding pagkawala pangalawa lamang sa wala na ikinahahantong sa kabilang panig na manalo.

Kulob ng mga pagdusa at pagkawala sa kabilang panig, hindi birong nalipul nila ang buong angkan ng Dakilang Bughaw, kahit ang mga kabataan ay hindi pinatawad.

Nagtapos na ang darakilang digmaan, ang pinakainaabangan ng lahat.

Ang Dakilang Bughaw ay mistulang naging libingan ng mga wala ng buhay. Marahil, ito ang kanilang hindi maiiwasang katapusan.

Lumubog ang araw at sinundan ng pagsikat ng kabilugan ng buwan. Isa-isang naglaho ang mga bangkay na tumabon sa kagubatan, sumunod ang mga dugo na tumuyo sa lalong yumayabong na lupa.

Ang lahat ng natirang malulusog na mga bughawng halaman sa buong kagubatan ay isa-isa ring lumalanta at lumulubog sa lupa, hindi nag iwan ni kahit isang bakas ng buhayng nilalang na karaniwang makikita sa isang kagubatan.

Animo'y isang disyerto ang bagong kinalabasan ng dating isang Dakilang Bughaw na Kagubatan.

Ngunit isang himala ang nangyari. Ang kasalukuyang mapayapa, tahimik at mapurol na mala-disyertong gubat ay unti unting lumiwanag tila ba'y binibigyan ng kabilugan ng buwan ng buhay ang kagubatan.

Ang payak na kayumangging lupa ay naglabas ng kakaibang mala-bughaw na liwanag, animo'y isang mabilog na liwanag ang nais kumawala sa ilalim ng lupa.

Ilang pagtatangka pa ang nangyari bago nagtagumpayng kumalas ang mabilog na liwanag na nagsanhi ng malakas na ingay tila ba'y mayroong malaking bomba ang sumabog. Nang nakawala ang mabilog na liwanag ay kagyat na tumapat ang liwanag nito sa kabilugan ng buwan na nasa itaas lamang sa tapat ng gitna ng kagubatan na nagbuo ng isang matuwid na linya.

Ang liwanag na ito ay kitang-kita sa buong Lupain ng Kalikasan na nagpapukaw ng pansin ng mga nilalang sa buong Lupain ng Kalikasan. Lumiwanag ang mukha ng mga nilalang sa buong lupain, isa lamang ang ibig sabihin nito.

*Ang pagkatawang-tao ng Dakilang Emperador ng mga bughaw.*

Unti-unting kumupas ang liwanag at ikinalitaw nito ang isang kumikinang na halamang kulay bughaw na utay-utayng lumalaki hanggang sa kapantay na nito ang sukat ng isang tao.

Ang kaninang pumapahingang mga nilalang ay ngayo'y nakalikom na at nakapaligid sa kanilang nasaksihan. Sa nagdaang siyam na raang siglo, ngayon lamang muling nagkatawang-tao ang Dakilang Emperador. Isa itong mahalagang kababalaghan sa buong Lupain sapagka't hindi lamang ito ang hari ng mga bughaw ngunit ang dakilang hari sa buong Lupain ng Kalikasan. Sa kadahilanang nangyayari lamang ito sa isang beses sa isang asul na buwan kaya kahit mabulag man sila kinabukasan ay dapat parin nila itong masaksihan sa kanilang sariling mga mata.

"Pagbati mahal na Emperador." Sabay pagyuko ng Karimlang Luntiang Bakulaw.

Nang ginawa ito ng kanilang nakatatanda ay hindi na sila nag atubili pa at agaran ding bumati at yumuko. "Mga pagbati mahal na Emperador!" sa kanilang sariling wika.

Muling kumislap ang halamang bughaw at sa matinding liwanag na binigay nito ay hindi napigilan ng mga nilalang na mapapikit. Isa… dalawa… tatlo, unti-unting nawawala ang pagkislap at pinalitan ito ng maamong iyak ng isang sanggol.

Nang narinig ito ng buong Lupain ng Kalikasan ay may namumukalang kaamuan sa kanilang mga mata. Sinong mag-aakalang ang mga mababagsik at mababangis na mga nilalang sa lupain ay mayroong malalambot na puso nang marinig lamang ang iyak ng sanggol sa kanilang harapan.

Ang kaibahan lamang ay ito'y hindi isang karaniwang sanggol.

Nananatiling nakaluhod ang mga nilalang maliban kay Karimlang Luntiang Bakulaw na marahang tumayo at banayad na dinala ang umiiyak na sanggol sa kaniyang mga bisig.

*Ikaw nalang ang natitirang inapo sa angkan ng Dakilang Bughaw. Bigyan mo ng hustisya ang iyong mga ninuno, nawa maibalik mo ang kaluwalhatian ng buong Lupain ng Kalikasan. Ikaw lamang ang aming pag-asa.*

Hindi mapigilan ng Karimlang Luntiang Bakulaw na mapangiti habang minamasdan ang sanggol sa kaniyang mga bisig, ito ang pinakadakilang gawad na ibinigay sakanila. Huminto sa pag-iyak ang sanggol at tumugon ito sa pagngiti.

Lumipas ang anim na taon at lumaking mabuti ang dakilang emperador, tinuruan nila itong magsalita ng pananalitang pantao para magamit sa hinaharap. At tinuruan din nila ito ng mabuting asal na hindi iba sa mga tao.

Anim na taong gulang simula nung nagkatawang-tao ang Emperador ay makikita na ang malaking pagbabago nito. Lumaki man itong mapaglaro ngunit sa kaniyang gulang ay may ganap na itong pambihirang pag-iisip. Walang duda, siya'y pinalaki ng tama ng kanilang nakatatanda.

Hindi man sila mga tao, subalit mas may kabatiran at kaalaman sila kaysa sa mga tao. Gayon pa man, mas kinamumuhian nila ang mga tao kaysa sa pagkamuhi ng mga tao sa kanila.

"Tandang Bakulaw, hindi mo na ako kailangang samahan, kaya ko na ang sarili ko." Pagpumilit ng anim na taong gulang na emperador.

Walang nagawa ang Karimlang Luntiang Bakulaw at hinayaan na lamang ang munting Emperador. Ngayon na ang araw kung saan malaya nang makakalabas ang munting Emperador sa Lupain ng Kalikasan. Hindi nila maitatanggi ang katotohanang naging isang totoong anyong tao na ang kanilang Emperador samakatuwid ay mas maraming matutunan ang Emperador kasama ang mga tao kaysa kasama sa kanila.

Napagpasiyahan ng munting Emperador na maging isang manlilinang ng sining sa pang-diwa, ito lamang ang kaniyang paraan para maging malakas, upang mailigtas niya ang hinaharap ng kaniyang angkan. Hindi niya papayagang muling mapahamak ang kaniyang mga alagad, ito lamang ang kaniyang hangarin. Kailangan niyang masiguro ang kanilang kaligtasan at mabigyan ng hustisya ang buong angkan.

"Mag-ingat ka anak, tandaan mo, wala kang ibang mapagkakatiwalaan kundi ang iyong sarili lamang. Wag kang magtiwala sa kahit na sinong tao, hindi mo alam ang kanilang panloob na kalikasan. Huwag kang masiyadong makalakip sa kanila sapagka't wala kang mapapala kundi pagdurusa lamang sa iyong sarili."

Umangkas na ang munting Emperador sa kaniyang kabayo. Malawak ang mundo at marami pa siyang dapat matutunan. Mahaba-haba ang kaniyang lalakbayin, dangan hinding hindi niya makakalimutang bumalik pagdating sa tamang panahon.

"Huwag kayong mag-alala, tanda at mga kapatid. Hindi ko kayo mabibigo."

Ito ang huling sagot na kanilang nagawad mula sa munting Emperador na ngayon ay unti-unti nang nawawala sa kanilang paningin.

Lumaki na ang kanilang pinakamamahal na Emperador at hindi nila alam kung kailan nila ito muling makikita. Kanilang ipinagdadasal ang paglalakbay ng Emperador, hindi nila kayang pati ito ay mawawala sa kanila. Ngunit hindi nila ito kayang pigilan. Kailangan niyang pasanin ang kaniyang pananagutan.

*Hanggang sa muli, Kamahalan.*