Cia's Point of View
I started studying at Flamboyant Cerise School ever since I was 8 years old. However, I noticed that every year, at least 2 students and 1 teacher choose to take their own life. The reason? No one knows except for people who can see the invisible threads. This school has always let us believe that our future isn't in our hands. Moreover, there were rumors saying that only 2 persons can see, touch, tie and cut the threads.
I have this friend who was pretty strange when we started to have our own minds. We have been classmates since grade school. He's older than me but I still consider a peer since we're in the same grade level. Ethan and I became friends because we both have an attitude that we don't care about our surroundings, we have our own world. They call us the 'History Duo' and with our popularity on our campus, we are often judged as cold or annoying but to be honest we show our affection through teasing. And lastly, we're both Leo babies which make us courageous, eager to conquer everything, wants attention, radiant joyful and a bit haughty.
Cold morning in the Philippines. The second quarter is coming to an end so we seniors are in full swing. Sometimes it's nice to be a child again, times when all mistakes can be corrected and there is no expectation from anyone.
"Morning, Cia" bati ni Ethan sakin.
I think he's in a good mood and I should destroy that state of mind.
"May quiz sa music~" Ibinatid ko sa kanya. Wala lang, gusto ko sirain umaga ng lalaking toh.
"I know, pati sa math ata" Pagpapaalala niya.
Wait, what?! I wasn't informed, ugh.
"Page?!" inis kong tanong habang natataranta. "Yung tungkol kahapon" sagot niya. Kay ganda ng aking tanong tapos iyan ang iyong isasagot. "Ano ba yung kahapon?" tanong ko ulit sa kanya.
"Cartesians planes and functions" maikli niyang tugon.
Basic lang yan. "Mag graph ba daw tayo?" Aaminin ko, hindi ako marunong mag graph lalo na linear equation.
"Depende kay sir pwayer"
That was an inside joke in our class. Our adviser have a bit of gay behavior and accent yet he have a family. Everytime he enters the classroom, he'll say prayer with a gay accent like pwayer.
Thus, he never fails to make me laugh. He's like a brother to me, he knows me better than anyone, even myself.
"Aish,hindi na ako mag-aaral" isinaad ko habang sinarado ko ang libro ng malakas. Idadaan ko nalang toh sa panalangin.
Unti-unting humaba ang pila ng seksyon namin ng nagsidatingan na ang aming mga kamag-aral. Nag-reserba ako ng konting distansiya sa aking harapan upang doon paupuin si Selene.
Nagulat ako ng dumaan siya sa gilid, "Bakit ka nagmamadali?" agad kong tanong sa kanya.
"Uy Cia, alam mo na ba?" habang inaayos ang kaniyang palda.
Ang gagaling ng mga tinatanong ko, tanong din ang isasagot sa tanong.
"Hindi ko pa alam~" saad ko pabalik. "Gagi wag ka ngang mamilosopo. Si Mr. Suarez daw-"
"Dead" sambit ni Ethan. Napatingin ako sa kaniya bigla, "Yung phone mo? Wala akong dalang charger." Walang nyang kong wika.
"Hindi gaga, si Mr. Suarez yung patay na" Pinalo ako ni Selene.
Natawa ako dahil alam ko naman na joke lang ang kanilang mga sinasabi.
"Hoy! Respeto naman kay sir" pagsasaway ni Selene.
"Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa" pabulong niyang sabi.
Malakas na tunog ang bumilog sa gymnasium at naramdaman ko ang paglapat ng palad ni Ethan sa likod ng aking ulo.
"Aray naman!" sapagkat ako'y binatukan ni Ethan.
"Yupidabi, umayos ka! Di naman kita inaano d'yan" inis kong sabi. Baka mawala ang katalinuhan ko sa bigat ng kamay ng lalaking toh.
"Tawanan mo pa ang pagkamatay ng tao, sige. Bumagsak ka sana sa quiz" ani ni Ethan na naka-seryosong tingin sa akin.
"That's not a nice joke, you know?" seryoso kong tanong at humarap kay Selene.
"Anyways, bakit daw? Medyo biglaan naman."
Nagdadaldalan pa rin kami tungkol kay Mr. Suarez kahit nagsisimula na ang Alma Mater song.
"Actually, he was absent for around three weeks and was depressed since his fiancée of two years decided to back out from their planned marriage. I mean, Napasin naman natin ang pagkatamlay niya ih" bulong na tugon ni Selene at napabuntong hininga.
"10-A Stand up!" Mrs. Red commanded.
Hindi ko na napansin na tapos na pala ang kanta. Naglakad siya patungo sa aming at nagsimulang magsalita ng malumanay at mahina,
"Matatanda na kayo, ayusin niyo ang pagtrato sa mga guro na nagtuturo sa inyo, understand?"
Na sa dulo na siya ng aming pila at hinihintay kaming sumagot.
As if we're acting like children.
"Understand, 10-A?" nilakasan niya ang kanyang boses.
"Very well, Mrs. Red" sabay-sabay naming sambit.
Pinapunta na kami sa classroom.
Pagpasok palang namin may kani-kanyang usapan na agad.
"Cia, alam mo na ba yung nangyari kay Mr. Suarez?" tanong ni Faith. Halatang gusto niyang makipag chismisan.
"Medyo, konti lang ang alam ko" sagot ko.
"Eto na nga, mare. Si sir daw naghamon sa daan na para bang wala siya sa sarili niya bago siya nagpakamatay." Pagkukwento ni Faith.
"Diba ganun talaga daw nangyayari pag naputulan ng sinulid?" sumbat ni Leah. Sinulid? Crimson Thread once again is the cause of this. Everything that happens here, that thread is the only reason why it's happening.
Natigilan kaming lahat sa pagsasalita ng nag-ingay ang pinto at iniluwa nito si Ms. Hale.
"Palengke, palengke na naman! Hindi ba kayo nauubusan ng kwento sa araw-araw" sigaw ni Ms. Hale.
"First section pero first din sa kaingayan" pagtutuloy niya sa pagsesermon sa amin.
Sila naman ang nagsabi na school is the best place to find friends tapos papagalitan niyo kami,tsk.
"Recitation tayo ngayon. Let me just shuffle the index cards" sambit niya habang binalasa ang index cards na hawak niya.
Hindi nakapag review pero kakayanin yan, stock knowledge tayo ngayon-- ako lang pala.
"Don't worry, common sense lang naman ang mga tanong~" saad ni Ms. Hale.
Tsk, ibang klaseng recitation toh.
"Sean, pick a number~" utos niya. "4~"sagot ni Sean.
Lahat ng tao sa classroom ay halatang nagulat sa numerong binigay niya .
What has gotten into Sean? Is he insane? Alam niyang bawal yung number na yun. In Japanese beliefs, four is an unlucky number. He could've just said number between 3 and 5. Ang mga taong hindi sumunod sa patakaran na iyon, sila'y puputulan ng sinulid ng taong naka-red mask.
Dahil ang sinulid na hindi nakikita ay hindi basta basta humahaba.
"Have he lost it?" bulong ni Leah ngunit hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ni Sean kung kaya't ikinibit balikat ko nalang.
"Okay, Faith, stand up" At agad na tumayo si Faith.
Mas lalo kaming nagulat ng hindi sinaway ni Ms. Hale si Sean.
"Why do the leaves fall from our Campus Tree" tanong ni Ms. Hale.
Bakit nga ba? Hindi ko rin alam. siguro dahil wala ng sustansya yung puno.
"The tree is connected to the lives of people here on our campus. Once a leaf falls it means one of us will either die or be out of their mind and be ill."