Chereads / Dance of your Love / Chapter 4 - Chapter 2

Chapter 4 - Chapter 2

Bago lumabas ng kwarto pinagmasdan ko muna nang maigi ang buong paligid nito pati na din ang sala. I really miss this home.

"Anak" inakbayan ako ni mama at nag pakawala ng isang bugtong hininga.

"Tara?" pilit akong ngumiti at inakbayan pabalik si mama. Nauna nang lumabas si papa at si Kate dahil inaayos nila ang mga dalang gamit sa sasakyan.

Kinuha ko ang earphone sa bag ko at isinaksak ito sa tenga ko. Emo emo yern? Sadghorl?

Isinandal ko ang ulo ko sa bintana at nakatingin lang sa bawat dinadaanan.

Habang malayo pa ang probinsya nila papa. Nag kwento nalang muna si Mama ng about sa love story nila ni papa. Kaya tinanggal ko ang earphone dahil kahit ilang beses ko nang narinig ang kwento nila hindi pa din nakakasawa.

Highschool palang mag kakilala na si mama at papa, dahil mag kasama sila sa isang dance group sa school. Nung una ayaw ni mama kay papa dahil may gusto daw talaga itong iba at kaibigan lang ang tingin n'ya kay papa. Mayaman ang boyfriend ni mama dati at kung ituring ito ay parang prinsesa pero bigla n'ya nalang nalaman na may kasintahan itong iba sa manila. Simula noon si papa na daw ang palaging nasa tabi ni mama hanggang hindi n'ya namalayan na nahuhulog na s'ya kay papa.

Diba, Lakas maka Prince Charming? Kaya naiintindihan ko si mama kung bakit ayaw n'ya sa mayayaman.

Ang dami pang kwento ni mama hanggang sa makatulog nalang ako at pag gising ko bumungad nalang nalang sakin ang mala kahel na kalangitan, mga maliliit na bundok at palayan na ang aming nadaaanan. Kate was taking picture of sunset. So, I also took picture din dahil maganda nga naman ang tanawin at ang malamig na hangin na nagmumula dito.

Itinigil ni papa ang sasakyan sa tapat ng isang bahay na luma. Ang gate ay na ngangalawang na at may mga baging na din. Binuksan ni papa ang gate. Hindi ako makapaniwalang asa kanila pa din ang susi sa padlock nito. Halos taon na din kami hindi nakakabalik dito.

Ibinaba ko ang maleta at sumunod na sa kanila sa loob. Grabe wala pa din talaga pinag bago ang bahay na ito maganda pa din. Sumalampak ako sa isang sofa na gawa sa kahoy dahil nakakapagod ang byahe kahit na umupo lang naman ako.

"Channel dun ka na ulit sa dati mong kwarto. Ikaw din Kate"

Umakyat ako sa dati kung kwarto, halos mag kasing laki lang ito kagaya ng kwarto ko sa Manila. May isang maliit na higaan at isang maliiit na aparador at may bintana sa uluhan ng higaan.

-

Kinaumagahan pag tapos mag almusal nag ayos ako ng mga gamit sa cabinet pati na din ang mga kurtina at sapin sa higaan. Hapon na ako ng makalabas sa kwarto dahil madaming alikabok na kaylangan tanggalin. Nagpaalam ako kay mama kung pwede ba akong mag gala-gala pumayag naman s'ya para daw maging pamilyar ako sa lugar. Niyaya ko naman si Kate pero hindi s'ya pumayag dahil ka face time n'ya ang mga kaibigan nya.

I wore jacket and pants. Hindi ko man alam kung saan ang patutulungan ko dahil hindi ko naman kabisado ang lugar na ito dahil ang tangi ko lang natatandaan ay ang burol sa unahang parte ng lugar na ito. Hinayaan ko lang ang mga paa ko na dalhin ako kung saan.

May nakita akong daan sa may palayan kaya sinundan ko yun hanggang makarating ako sa isang tahimik na flower field. Tanging ingay lang ng mga tuyong dahon ang naririnig ko at ang ingay ng mga puno dahil sa hangin. Nang makarating ako sa dulo ay ay naririnig ako tubig na nag mumula sa taas. Bumungad sakin ang isang water falls. Umupo ako para pagmasdan ang waterfalls napakalinaw ng tubig at napaka daming bato sa baba. Walang katao tao kaya ang sarap sa feeling.

Sinubukan kung bumaba pero biglang dumulas yung paa ko pinilit kung iangat ang sarili ko pero hindi ko kaya tanging baging lang ang nagsisilbing hawakan ko. Sinubukan kong sumigaw para humungi ng tulong pero walang tao at alam kung walang makakrinig sakin. Tiningnan ko ang ibaba kung saan posibleng kababagsakan ko. Halong takot ang kaba ang nararamdaman ko dahil hindi ako m arunong lumangoy. Sa huling pag kakataon sinubokan ko ulit huimingi ng tulong at nag babaka sakaling sa pag kakataong ito ay may makarinig sakin.

Miya-miya pa ay nagulat ako ng may biglang humawak sa kamay ko.

"Kapit kung ayaw mong tuluyan malaglag" narinig ko ang boses ng isang lalaki at may nilawit itong isang lubid. Dahil sa ngalay ko dahan dahan koi tong hinawakan at nararamdaman ko ang unti-unbti kong pag taas hanggang sa makarating ako sa taas.

"Sala---"hindi ko pa natapos ang sasabihin ko pero bigla nalang umalis yung lalaki.

"Wait.. I just wanna say thankyou" hinabol ko s'ya pero patuloy parin sya sa pag lalakad.

"Pasensya na bago lang kasi ako dito"

"Hey! Naririnig mo ba ako? Mr. Unknown" patuloy lang ako sa pag sasalita pero ang isang ito wala pa din pakialam.

"Okay bye. balik nalanmg ako dun kasi mukhang masarap naman doon e. Mukhang mas masarap kausap yung hmmm tubig.. tama tubig. Hindi yung parang tanga ako dito kakasunod sayo pero hindi ka naman nag sasalita" Tumalikod ako sa kanya at dahan dahan nag lakad.

"Sa susunod kasi wag kang pumunta sa hindi mo kabisado" napatigil ako ng marinig ko ang malaking boses sa likuran ko.

"Eh kaya nga sorry diba.. tsaka teka nga bat ba ang sungit mo? nag papasalamat na nga yung tao" I nooded, sungit naman ng lalaking ito. Tanggap ko pa yung pag susungit n'ya kung hindi ako nag sorry.

Wala pa din emosyon yung mukha n'ya. Ano natameme ka ngayon dyan. Tsk. Naglakat ako at iniwan s'yang magisa na nakatayo.

"Teka, saan ka pupunta?"

"Bat mo tinatanong sasama ka?" patuloy pa din ako sa pag lalakad at hindi s'ya nililingon. Madilim na kaya binibilisan ko ang lakad ko.

"No, Ihahatid kita delikado." Napatigil ako sa sinabi n'ya, Gentlemen na suplado

"No, din. Mr. Unknown. I can handle myself noh"

"Okay, ikaw din. Gabi pa naman baka mamaya may makasalubong ka dyang white lady" o talaga ba ako pang tinakot ng isang ito.

"Okay lang kaya ko naman magisa tsaka tumakbo ng mabilis, champion siguro ito ng running ano" napatigil ako ng maramdamang kong wala nang tao sa likod ko at may biglang kumaluskos sa damuhan kaya napatakbo ako. Napatigil ako ng biglang may tumawa.

"Duwag ka pala eh. tara na duwag" sa sobrang kaba ko natawa nalang ako sa pang aasar n'ya hindi naman para talaga purong suplado. Sumunod ako sa kanya sa pag lalakad madilim na at tama s'ya mukha nga talagang delikado na mag lakad ng mag-isa kaya pumayag na din ako na mag pahatid sa kanya.

-

Sa buong pag lalakad namin walang nag sasalita ayoko naman s'yang kausapin. Dahil tuloy-tuloy lang s'ya sa pag lalakad.

"Kanan o kaliwa?" napataas ako ng noo ng mag salita s'ya.

"Kanan" lumiko s'ya kaya sumunod nalang ulit ako at ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng mag kabilang jacket.

Nang makita ko ang gate ng aming bahay tumigil na ako dun.

"Salamat nga pala" bahagya akong ngumiti sa kanya . Pero walang ekspresyon ang mukha nya.

"Ahhh… nga pala salamat ulit sa pa ligtas kanina" I was shivering when I'm talking to him. Masyadong seryoso ang isang ito. Pepe ba ito? O sadyang ayaw lang magsalita.

"Channel nga pala, and you are?" pag papakilala ko, at nag babakasakaling umagot na s'ya sa huling pag kakataon.

"Bye, pumasok ka na" tsk. Seryoso ba s'ya. Ayaw mo mag pakilala okay.

Pumasok ako sa gate hindi ko alam kung bat ganto yung nararamdaman ko. Wala naman nakakakilig sa sinasabi n'ya pero bat ganto yung pakiramdam? Gwapo pero suplado.