" Ano ba naman Corin ang tagal-tagal mo naman kumilos, mali-late na tayo sa class natin" reklamo sa akin ni Mia.
Nandito sya ngayon sa bahay ng Tita ko upang sunduin ako. Nagkaron kasi kami ng usapan na dadaanan nya ko sa bahay para sabay na kaming pumasok. Mabilis kong kinuha ang bag ko at sabay na kaming lumabas ng kwarto ko. Nagpaalam ako kay Tita na kadarating lang galing trabaho.
" Umuwi ka kaagad after ng class nyo ha" bilin nito sa akin bago ako lumabas.
" Iba din si Tita no? Never napagod kaka-paalala sayo na after class uwi agad ng bahay, as if naman umuuwi ka talaga ng after class" pang-aasar sakin ni Mia habang papalabas kami ng gate.
"Kailangan ko din mag-unwind noh. Nakakastress kaya mabuhay. At isa pa ganun lang talaga si Tita. Alam mo naman na dalawa lang kami na magkasama sa bahay kaya gusto nya na kahit papano ay nakakasabay nya ko kumain o di kaya ay nakakabonding" seryosong sabi ko dito habang papalakad sa may sakayan ng tricycle.
" And stop calling me Corin nga. Just call me Gab, Gabbie, Ella wag lang 2nd name ko okay?" dugtong ko pa dito.
" Yan, di ka pa makamove-on sa taong ghinost mo kaya hanggang ngayon binabangungot ka kapag tinatawag kang Corin" biro nito sa akin.
Hindi naman mangyayari yun kung di lang sana ako nakinig sa kanila na mag-install ako ng "dating app". Di ko naman sinasabing kasalanan nila kasi gusto ko din ng makakausap ng araw na yun kaya napapayag nila ako.
Akala ko lang din kasi talaga nakamove-on na ko cause somehow nakakalimutan ko na yung mga taong nanakit sakin pero iba pala kapag iniwanan ka ng mga taong yun ng trust issues sa buong sistema mo. Mahirap....kasi magkaibang healing process pala yung gagawin mo.
" Ano ba, Mia. It's been 2 years na kaya. Wala na sakin yun. Ayoko lang talaga sa second name ko, okay?" giit ko dito habang pababa ng tricycle at sumakay na agad kami ng bus papuntang campus. Tahimik lang kami sa buong byahe hanggang sa makarating sa aming room.
Pagdating sa room ay sakto namang kadarating lang din ng Prof namin. Hindi ko alam pero nawawala talaga ang focus ko sa pakikinig kapag sumasagi sa isip ko yung naging usapan namin ni Mia kanina. Well, aaminin ko nakokonsensya pa din naman ako dun sa tao. Iniisip ko pa rin kung kamusta na ba sya? Okay lang ba sya? May girlfriend na kaya yun? Wow, self after mo i-ghost yung tao may karapatan ka pa pala mag-isip ng ganyan?
" Kapag nahuli ka nyan na di ka nakikinig sa class nya mapapalabas ka ng di oras" bulong sa akin ni Thea na may halong pagbabanta. Umayos ako ng pagkakaupo at tuluyan ng nakinig sa klase.
Sa Cafe.
Habang kumakain kami ay nanatili pa din akong tahimik. Kung mapapansin nyo hindi ito yung typical na palagi nyong nababasa sa libro or nangyayari sa cafe. Sa amin kasi di naman uso yung mga heartthrob, hottie, fandom or pang-bubully. Makakalabas ka pa sa campus namin ng buo ang katawan mo na mga walang pasa o di madumi ang suot mo at never kang uuwi na luhaan dahil pinaiyak ka ng hinahangaan mo. May mga gwapo at maganda dito pero normal silang namumuhay ng payapa katulad namin.
" Alam nyo kanina pa yan ganyan sa class natin. Parang ang lalim ng iniisip" pagsusumbong ni Thea kila Mia at Sophie.
" Baka kasi iniisip nya talaga yung na-ghost nya?" biro ni Mia.
" Oh baka kasi sasagutin nya na si Luke? Tagal na din nanliligaw nung tao, baka nagbago na pagtingin ng kaibigan natin dun" natatawang sabi naman ni Sophie.
" Parang wala ako sa harap nyo ah" pabiro kong pagmamaldita sa kanila sabay inom sa juice ko.
" Eh parang hindi ka din naman namin kasama" pambabara ni Thea.
" Hirap bang takasan ng multong ginawa mo?" ani ni Mia na natatawa-tawa pa habang kumakain ng pizza.
" Mahirap yung second year college na tayo tsaka parang ilang buwan na lang pala birthday ko na no? Di ko man lang naenjoy pagiging nineteen ko. Aww" pag-arte ko sa kanila para maiba ang topic.
" OA mo ha. Kaka-start pa lang ng klase natin, wala pa ngang 2 weeks eh" busangot na sagot ni Sophie.
" Ibigay mo na nga Mia yung contact number na sinasabi mong kaibigan mo dito kay Gab ng maka-move on na dun sa lalaking ghinost nya" pabirong sambit ni Thea kay Mia.
" Okay lang naman sana sakin kaso yung tropa ko na yun masyadong pure para lang ma-ghost nitong kaibigan natin" pabiro ni Mia.
Hindi naman ako nasasaktan sa mga sinasabi nila dahil alam ko namang totoo yun. Wala din naman silang alam na minahal ko yung tao, ang alam lang nila ay nagbago ang isip ko at gusto ko magfocus sa pag-aaral dahil nanganganib din naman ang scholarship ko nung panahon na yun. Ni hindi ko nga nagawang ipakilala sa kanila yun or ipakita man lang ang picture nung taong yun.
" Edi samin mo na lang ireto ni Sophie yang tropa mo. Loyal naman kami. Tsaka pwede bang ipakita mo na samin ang picture nyan, dalawang taon na oh, baka pwede mo na din ma-share samin dba?" reklamo ni Thea.
" Hindi pa din. Masyado syang gwapo at baka kulitin nyo pa ko" pagdadamot ni Mia.
"Ang damot mo naman. Parang di friends to oh. Kahit name na lang nung tao kung ayaw mo ipakita samin picture nyan" pagmamakaawa ni Thea.
" Edi wala ka ng ginawa kung hindi i-stalk yung tropa ko" pabirong sagot naman ni Mia.
" Eh bakit ayaw mo nga munang ipakita? siguro type mo yan no?" at muntik pang masamid si Mia sa pag-inom nya ng softdrinks.
" Gaga, friend ko yung tao. Nananahimik buhay nito, grabe na pinagdaanan nya kaya kung masasaktan man sya ng isa sa inyo or magkasakitan kayo if ever na ma-failed yung relationship nyo ay di ko alam ang gagawin ko sa inyo pareho. Alam nyo yun, pareho ko kayong mahal. Pareho kayong mahalaga sakin, so kapag dumating yun di ko talaga alam ano mafi-feel ko. Lalo na kung kayo ang nakapanakit sa kanya o sya ang makapanakit sa inyo. We never can tell." seryosong sagot nito at muli uminom ng softdrinks.
" Oo na, oo na. Joke lang naman e " at tinapik ni Sophie sa braso si Mia. Ngumiti lang ito at nagpatuloy sa pagkain. Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone nito at nakipag-usap sa kabilang linya.
Sa totoo lang mahirap naman talagang manimbang sa pareho mong kaibigan lalo na kung tinuring mo na itong di naiiba sayo, kung ang turing mo sa kanila ay isa ng pamilya. Kung ako din naman ay ayoko din mangyari sakin yun. Itong mga taong 'to na nasa harapan ko ngayon, through life's ups and downs never akong iniwan.
" Okay, sure. We'll be there. Bye." rinig ko pang sabi ni Mia sa kausap nya at tuluyan ng binaba ang cellphone.
Nakangiti ito ng nakakaloko na pabalik-balik lang ang tingin sa mukha namin. Kahit ako ay nahihiwagaan sa mga ngitian nyang yun.
" Malapit nyo na syang makilala" excited na sabi ni Mia saming tatlo.
" H-ha? Sino?" nagtatakang tanong ni Sophie.
" Yung tropa kong gusto nyong makita" nakangiting sagot nito na tila ikinagulat pa ng dalawa.
" Sila lang naman yung may gusto." sabay turo ko kina Sophie at Thea. " Ilabas nyo ko sa usapan nyo dyan ha, sinasabi ko sa inyo. Kapag ako nireto nyo dyan sa una nating pagkikita, ii- FO ko kayo" pagbabanta ko sa kanila.
Inunahan ko na sila sa mga plano nila dahil alam ko naman na ganun ang balak nilang gawin.
" And isa pa, pwede bang wag nyo na din banggitin yung panggo-ghost ko. Don't get me wrong ha. Everytime na napag-uusapan natin yun, wala lang naman talaga sakin and aware talaga ako na maling-mali ako dun. It's just that--
" Uncomfy na?" seryosong tanong ni Thea.
" Ahm no. Like what I said, okay lang sakin na pag-usapan natin pero di kasi ako makausad sa issue na yun" at yumuko ako ng bahagya.
" I'm sorry" wika ni Mia.
" Sorry din" sambit nila Sophie at Thea.
Agad akong nagtaas ng tingin sa kanila dahil ayoko naman mafeel nila na may mali silang ginawa.
" Para kayong mga sira. Bat kayo nag-sosorry? Wala naman kayong kasalanan? Alam ko naman biruan natin, no hard feelings dun. Gusto nyo bang forever na ko ma-stock sa ghosting na yun, ayaw nyo na ko magkalovelife? Binabaog na nga ako ng acads natin e" biro ko sa mga ito na nagpangiti na sa kanila.
" Sabi na eh. Si Luke talaga ang magpapabago ng pananaw mo sa pag-ibig e. " biro ni Sophie sakin na may kasama pang hampas.
" Hello, 19 pa lang ako. Baka advance ka na naman mag-isip ah." pangbabasag ko dito.
" Wala naman akong sinabi na aasawahin mo yung tao, bakit defensive ka ha? May balak ka no?" nakangiting sabi nito.
Hinayaan ko na lang ang sinabi nyang yun para di na din nila ako kulitin. Nauna na kong tumayo at lumabas ng cafe para lumabas na din sila at maisipang umuwi dahil di pa titigil ang mga yun sa kwentuhan lalo na at wala kaming class tomorrow. Maya-maya pa ay nakita ko ngang isa-isa na silang lumabas sa Cafe.
" Uuwi ka na ba, Gab?" tanong sakin ni Mia.
" Oo, baka hanapin ako ni Tita. Di na ko sasabay sa inyo pauwi kasi out of the way din. Para di din hassle sa inyo."
" Seryoso ka? Eh paano kung--
" Hindi ako matutulog sa bus. Wala ng mangbabastos sakin at palagi kong yayakapin ang bag ko para di na nila ako manakawan" seryoso kong sagot kay Mia. Alam kong concern sya pero kaya ko naman talaga mag-commute. May time lang talaga na natatakot ako na mangyari ulit sakin yun pero wala naman akong choice. Ito na ang buhay ko. Kahit naman san ako sumakay ay di ko maiiwasan maexperience ang bagay na yun. Kailangan ko na lang siguro masanay at maging matapang, maging palaban dahil sarili ko lang naman din ang magiging kakampi ko kapag mag-isa na lang ako. Hindi naman kasi palagi na kasama ko sila para protektahan ako.
" Umattend tayo sa Taekwondo class kapag may free time tayo" suhestyon naman ni Thea.
" Yes Master. Umuwi na kayo. Mag-ingat ka sa pagdadrive Sophie ha."
" Yes, sweetie. You too. Madami pang magkakandarapa na boylets sayo kaya umuwi kang ligtas, okay?" at humakbang na ang mga ito papalayo sakin.
Naiwan akong nakatanaw sa mga kaibigan ko. Napakapalad ko talagang nakilala ko sila at naging parte sila ng buhay ko.