"Anong nangyari?" gulat na gulat si simon sa nakikita niya sa harapan niya.
"Tila ba parang panaginip lamang ito" Sama samang emosyon ang kanyang nararamdaman sapagkat kakaibang katawan ang nakikita niya sa harap ng kanyang nga mata.
"Ako'y nasa ibang katawan? parang panaginip ngunit ito ay totoo! naririnig ko ang mga ibon, nararamdaman ko ang sahig at isa pa ako ay nakararamdam ng gutom?"
Si simon ay nakakita ng malinis na ilog sa di kalayuan at ito'y kanyang pinuntahan.
*/ naglalakad */naglalakad */naglalakad
Nang tumigil na si simon sa ilog ay agad itong uminom.''' gulpppp''''
Naghilamos at ito ay bumalik sa katinuan.
"Ngunit ako ay parang nasa katawam talaga ng binata! Randam na randam ko ang aking pagkabinata!!... Tt- Teka!!!! ano 'to"
Gulat na gulat sapagkat nakita niya ang madusing ma muka sa ilog na kaniyang muka pala.
"Ako ito?! !!!!"
"Teka? totoo nga? totoo na ako ay nabuhay muli!"
Biglang napaisip si Simon tungkol sa nakaraan niyang buhay at nagbabalak na makaangat uli!
"Ha Ha Haahahahahahah!!!! Ako ay aangat muli! gagawa ako ng aking Emperyo at ito'y aking pauunlarin!"
Masayang sinabi ito ni Simon at naalala niya ang nakaraan niyang buhay
"Sa nakaraan kong buhay ako ay mula sa normal na pamilya sa edad na 16 ay ako ay nag pangarap na mag sundalo. Sumiklab ang gera at sakto na kailangan ng kaharian namin ng magagaling na sundalo! Tumaas ang ranggo ko sa di mabilang na digmaang aking sinalihan. Naging Heneral sa edad na 29 at naging malapit sa hari. Walang tagapagmana ang hari at ako ang kanyang pinili upang umakyat sa trono! Pinatunayan ko na karapat dapat ako at ito ay aking napagtagumpayan! Pinaunlad ko ang lupain ko ngunit hindi nagdedeklara ng digmaan kahit malalakas ang hukbo ko, Maliban na lang kung mauuna ang kalaban na kalabanin ako!, Lumaki ang lupain ko sa pagtalo sa mga nagnanasa sa lupain ko at naging emperador sa edad na 40, At namatay ng 82!!"
Masaya at tila abot langit ang ngiti ni simon sa mga sinasabi at pinaplano niya.
Sa di kalayuan ay may maliit na bayan
*/ kumukulo ang tiyan ni Simon
"Hayyss! Gutom nako! Wala akong makitang hayop na aking pwedeng patayin,,... Ayun isang bayan! Ako muna ay hahanap ng aking makakain!"