"Kailangan ba talagang itago nyo ako? Hindi ba, ang usapan natin last week na isasama nyo na rin ako ni Tita Laurie sa line-up ng mga trainees!" Hindi ko na mapigilan na umiyak sa sobrang pagka-asar.
Maayos ang usapan namin last week with Tita Laurie, pero bakit sinabi nila na sa susunod na line-up nalang ako sasama gawa academics first! Heck, alam nila na mas gusto ko ang music kaysa sa mathematics.
"Come on, Islanna. Tingnan mo ako, nag-quit muna ako sa pagba-banda para mag-aral muna. Naghihintay naman ang opportunities." pangungumbinsi sa akin ni Kuya Iggy na sa wakas, nagbukas na ng camera.
"Aminin mo na lang kasi Kuya Iggy na ayaw niyo akong dalawa na magkaroon ng balde-baldeng letters araw araw!"
"What the hell, Islanna!" Tumigil siya sa kanyang ginagawa, at humarap sa camera na sa tingin ko ay nakapwesto sa kanyang tagiliran. "Tell me, may ginawa ba sayo si Emerson or Saxory to act like that?"
My forehead creased na agad pinalitan ng isang malamyang ngiti. "Natatakot ba kayo na malaman na kapatid niyo ako? Na malaman na ang kapatid ng isa sa mga most anticipated composer, at rookie ay may kapatid na mahina sa math?"
"Ano naman kinalaman ng Math sa music?"
Mabilis kong sinarado ang aking laptop. Narinig kong may sasabihin pa si Kuya Iggy sa kabilang linya, however it doesn't matter anymore gawa nandito na ang isa kong kapatid. "May nangyari ba ngayong araw para umiyak ka?" he asked bago tuluyang pumasok sa aking kwarto.
While he was busy observing my room, I looked at him fiercely. I know Kuya Iggy is the one who makes plans for our future. But this guy is the one who makes our ways towards that planned future.
"Kung nakakamatay lang ang tingin mo, panigurado duguan na ako dito." he non-chantly said, and pocketed his hands inside of his varsity jacket. I gasped in disbelief, "Alam mo na may meaning 'yon Calli!" nanggigil kong sigaw, but it doesn't ring the bell. Imbes patulan ang aking sinabi, he sat on my swivel chair.
Itinaas niya ang kanyang mga kamay sa hangin, at para bang batang naglalaro sa merry go round nang paikutin niya ang swivel chair.
Natulala ako sa aking pwesto habang pinapanood ang pinaka seryoso sa aming tatlo na magkakapatid na tila bang tuluyan na nawala sa kanyang sarili.
When he had enough playing my swivel chair, paika ika siyang tumayo. And the next thing he did...
He Collapsed!
"Calli!" tawag ko sa kanyang pangalan pero hindi siya gumagalaw. Tumayo ako sa aking kama, at lumapit kay Kuya Calli. Hinarang ko ang aking kamay sa harap ng kanyang ilong to check if he was still breathing, however I was stopped when I heard loud stomps coming from the stairs.
"Islanna have you seen - f'ck dude! you are very wasted sa dalang wine ni Ate Leonor!"
Na-estatwa ako sa aking posisyon nang pumasok sa aking kwarto ang pinsan namin. Gumilid ako sa tabi as he went towards my brother. "Ano nangyari kay kuya?" tanong ko sa aking pinsan. Walang salita, inalog alog niya si Kuya Calli bago huminga ng malalim.
"Maraming nainom si Calli kanina sa party. Kung hindi lang namin kaibigan ang Villanueva na iyon, iisipin ko na sinusubukan niya talagang hanapan ng butas ang kuya mo."
I don't understand what my cousin said. Hinayaan ko siyang buhatin si Kuya Calli sa aking kama. He instructed me to fetch water na siyang ginawa ko. Bumaba ako sa kusina, at naabutan ko si Manang Celia na nagluluto.
"O, hija. Hindi mo sinabi sa akin na dito uuwi si Ivan ngayon." aniya. I realized na nagluluto pala siya ng lugaw. Nagkibit balikat na lamang ako, at tumawa, "Ako rin ho, manang. Hindi ko aasahan na lasing pa."
Bihira ko lamang makita si Kuya Calli na ganong kalasing. I am aware na my brothers do multiple shots, pero hindi humahantong sa pagko-collapse.
Pagkakuha ko ng tubig sa maliit na basin, dahan dahan ako umakyat pataas sa aking kwarto. Nang makapanik ako, mabagal akong naglakad papunta sa pinakadulong kwarto.
"O nandyan ka na pala. Alam mo ba kung paano ma-contact si Ignacius?" pagsalubong sa akin ng aking pinsan. Inabot ko sa kanya ang palanggana. Subalit hindi pa roon natatapos dahil nagpakuha pa siya sa akin ng bimpo na aking pinag taka.
"Bakit kailangan ng bimpo, Ary?" tanong ko kay Ary. Ako lang ba o siya rin? Napanguso na lamang ako, at kumuha ng bimpo sa kwarto ni Kuya Calli. Nang makakuha ako, bumalik ulit ako sa aking kwarto. But before I can enter my room, I heard Ary said something na hindi ko maunawaan.
Iniling ko ang aking ulo baka nag a-assume na naman ako ng bagay bagay. Nabigla si Kuya Ary ng makita niya ako, kaya ngumiti ako. "Wala ako narinig promise." I assured, at nakita ko kung paano siya namutla. "Ah, wala naman ako sinasabi Islanna, baka may nakikita ka na diyan." aniya para mawala ang aking ngiti.
"Hindi ako mahina Ary, kaya please bago ko ibigay sa iyo ang laptop ko para makausap si Kuya Iggy. Ano nangyari muna kay Kuya Ivan?"
"Bawal bang auto knock-out gawa matapang ang wine na binigay sa amin ni Ate Leanor." patanong niyang sagot. Maige ko siyang pinagmasdan, and I can feel he is suppressing something in his mouth. Nang nararamdaman ko na naasiwa na siya akin, umupo ako sa aking study table. Pumilas ako ng papel mula sa aking math notebook, at isinulat doon ang telephone number ng Apartment na tinitirahan ni Kuya Iggy sa Germany.
"Iyan. Alam kong importante ang sasabihin mo kay Kuya Iggy kaya ayan ang gamitin mo na number. Just tell when the Landlady answered you na you are for Sello Ignacius Tesio, and you are his cousin." abot ko kay Ary, at kinuha ang aking school bag sa ulunan ni Calli, pati na rin ang jacket na suot suot ko kaninang umaga.
"Saan ka pupunta, Isla?" Ary asked. Nakatalikod ko siyang kinawayan, bago isuot ang aking shades na nakasabit sa aking malaking jacket, "Sa Library lang, maghahanap ng kaibigan!" paalam ko.
***
Nakarating ako sa library ng Eastern Margaritaria. I don't know what made me choose na ito na lamang ang aking puntuhan kaysa sa City Library na nasa Capital. Malawak ito, pero mas malawak ang nasa capital dahil parang museum na 'yun gawa may mga antigong bagay na nakadisplay sa entrance.
Pumasok ako sa loob, at bumungad sa akin ang malamig na hangin na mula sa malaking aircon na nakalagay sa itaas ng entrance door. Iniwan ko ang aking bag bukod sa aking headset at laptop bago magpatuloy sa taas.
I quietly walked upstairs dahil sabi nila na kapag mga pa-three at the afternoon daw ay marami raw mga college student ang nag-aaral dito, kaya kapag nakagawa ka ng ingay, mas gugustuhin mo daw na ilibing ng buhay.
Hindi ko na maalala ang iba pang details dahil nakikinig lang naman ako sa usapan kanina nila Maru at Yeza na hindi ko pa naman gaano ka-close.
Nang makapanik na ako sa mismong student's lounge. Halos lumaki ang aking mga mata. Bakit ang daming estudyante?
"Miss, anong ginagawa mo dito?" Muntik na akong mapamura. Luckily, I covered my mouth in time. "May ginagawang thesis research ang mga taga West Colle, kaya bawal ka dito." wika muli ng boses na gumulat sa akin.
Dahan dahan akong humarap sa aking likuran. When I saw who it was, hindi ko mapigilan na lunuking ang sarili kong laway.
"Anong nangyayari San - "
F'ck! Bumalik lang ako sa school para mag-aral sa exam next week, pero harangin ako ng Student President. Kay Malas mo naman Islanna. Pero who knows, blessing in disguise ba this?
"I think I misunderstood something. Sorry, akala ko pwede pang pumasok." Yumuko ako sa sobrang hiya kahit umaasang tama pa rin ang idea ko. I heard Pres Sanchez heaved a sigh. Dahan dahan kong tinaas ang aking tingin.
Nang nagkatinginan kami, I awkwardly smiled, and slowly make my way out, pero bago pa ako makababa ulit, may humawak sa aking braso for me to instantly froze.
"I think my tone is too exaggerated. You can enter, but please proceed to the last floor." Sanchez said as he looked in my eyes directly.
Electricity from his touch disturbs every last nerve of my body. Pigilan mo Islanna, porque pasok siya sa standards mo from what you've heard, hindi dapat ganiyang kakulit ang puso mo.
"Ah... Wala lang 'yun. Kinabahan lang ako baka samahan mo ako sa guidance." Hindi ko malaman kung iiyak ba ako sa sinabi ko. Gosh. Ang kulit mo Islanna!
Binitawan ni President Sanchez ang aking braso and make a way for me. I tried to lift a sincere smile dahil alam kong pagod na rin siya gawa balita ko na araw araw ay halos sampung estudyante ang kanyang dinadala sa guidance.
Kaya mahirap mag-assume.
Agad ko naman sinunod ang kanyang sinabi, at tahimik na nilakbay ang daan papunta sa third floor. Nang tuluyan ko masilayan ang kabuuan ng palapag na 'to, my eyes glittered.
Unlike sa Second Floor, kaunti lamang ang mga estudyante rito, at hindi mo ramdam ang pagka-tense ng sa atmosphere, gawa parang nasa battlefield ako kanina.
After seconds of finding a good spot, I settled sa table na malapit sa bintana. Hindi ko mapigilang matawa sa sarili when I remember a scene in a book na kung saan malimit sa pinakadulo o kaya sa table na malapit sa bintana umuupo ang bida kasama ang kanyang kaibigan.
What a coincidence naman Isla.
Huminto ako sa tapat ng lamesa na aking napili at ipinatong ang mga dala kong gamit. Wala sa plano ko ngayon na bumalik rito. Pero kung may anong boses ang nagsabi sa akin kanina habang nakasakay ako sa scooter na dito nalang.
Binuksan ko ang aking laptop, and connected my headphones. Pumunta ako sa music player na nasa browser and immediately searched for a song that is my cure for this overwhelmed feeling na unti-unting bumabalik. Nang makita ko ang kanta, I clicked it, and for a mere second, I found myself enjoying the soothing voice of The East's Vocalist - Rovin Alora.
Simula ng ilipat ako sa university kung saan nag-aral halos lahat ng mga nakatatanda kong pinsan, ngayon ko lang naramdaman na this campus can really be a home and at the same time - heaven.
Well, it's kinda funny that it's coming from me gawa wala naman akong kaibigan pa rito.
But I know someday, feelings will be mutual, especially right now that I can feel that I am a few steps away in what The East called "Connection to the Harmonious Rhythm".
According to them, everything starts in this library-like-peace.
#
aiberu