Chereads / The Path That Leads To You / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

Jester's POV

Pangalawang araw ko na dito sa Bukidnon. Maaga akong nagising, alas singko palang ng umaga nang bumangon ako at nagtungo sa banyo para magshower. Hindi parin ako sanay sa pagtira ko dito sa Hacienda.

But I had to start making adjustments to survive living in this boring place. Inaaminin ko naman na nababagot ako sa nakakabinging katahimikan dito, Ito rin ang dahilan kaya ayaw kong sumama kina mommy at daddy tuwing uuuwi dito kapag undas para madalaw ang puntod ni Lolo.

Hindi ko alintana ang init nang tubig na dumadaloy sa'king katawan habang nagsa - shower. Iniisip ko kung matitiis ko ba ang pagtira rito? Paano nalang ang pausbong kong karera sa larangan ng musika? Tuluyan na kayang ma - disband ang grupo namin? Hell no! I shook my head.

Nang matapos magshower ay napagdesisyonan kong tawagan si Saint, agad namang sinagot nito ang tawag ko.

"Hello, kamusta bro?" masiglang bati ni Saint.

Napabuntong hininga muna ako bago sumagot. " Pare, bad news." tugon ko.

"What's the bad news bro?" Kunot-noong tanong ng kabilang linya.

"Pinatapon na ako ni Dad dito sa probinsya namin." malungkot kong saad.

" What? paano nalang ang concert natin bro? sa susunod na linggo na 'yon!" Tsk! Tsk!" he exclaimed.

"I'm sorry pare, pero as of now wala pa talaga akong naiisip na solusyon tungkol diyan." I shrugged.

" Sige pare, I'll call the other members, Update nlng kita sa viber mo."

" Okay, Salamat pare." ani ko at pinatay ang cellphone.

Habang pababa ako sa hagdan ay nakita ko ang aso kong golden retriever na si Agot, nag - aabang ito sakin sa ibabang bahagi ng hagdan habang kumawag - kawag ang buntot. Napangiti ako habang hinimas ang kanyang malabong na buhok.

Mahigit tatlong taon ko rin itong hindi naaalagaan simula nang may sarili na akong condo, masyado na kasi akong busy kaya wala na akong panahon para rito. Kaya sa mansion ng mga magulang ko nalang muna ito iniwan pansamantala.

Pero nang makita ko itong muli 'nung umuwi ako sa mansion ay agad ko itong sinama sa pagbiyahe namin ni Lola dito sa probinsya, masyado kong namiss ang aso ko.

Maaga pa naman kaya napagdesisyonan kong maglakad - lakad muna para makapag - isip. Sinama ko si Agot para ma exercise rin ito, nilibot namin hacienda. Maganda naman pala ang paligid, ngayon ko lang na appreciate ang kagandahan rito.

The weather is fine that adds the beauty of the cozy sorroundings, it's very relaxing and refreshing too. It has a large variety of plantation, where you could be able to see a wide range of corns,pineapples,bananas and other tropical fruits that stretch from horizon to horizon na ipapamana rin naman sakin pagdating ng araw.

I close my eyes while inhaling a fresh air travelling through my nose, nang biglang narinig ko na tumatahol si Agot at agad tumakbo. Nabitawan ko ang leash na nakasabit sa kanyang katawan.

Kumaripas ito nang takbo patungo sa may kalsada kaya sinundan ko ito. Nang may napansin akong isang magandang babae na nagjo - jogging. Namumula ang mukha niya at pawisan pero hindi iyon nakabawas sa kanyang kagandahan. Akmang lalapitan ng aso ko ang babae kaya tinawag ko ito.

"Hey buddy! Calm down, you scared her." I said in a nervous tone.

Kumalma naman si Agot at nag behave kaya sinabukan kong lapitan ang babae na halatang natakot sa inasta ng aso ko.

"I- I'm sorry miss," nahihiyang sabi ko .

"Bantayan mong mabuti 'yang aso mo, grabe nakakatakot." sagot pa niya hawak- hawak ang dibdib.

"Y- yeah, sorry ulit. Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko rito habang hindi inaalis ang mata sa kanya. She's a total head turner, grabe! Ang ganda niya! sigaw ng utak ko. May makinis at maputi itong balat, medyo singkit na mata, matangos ang ilong, maninipis at namumulang labi na kay sarap halikan. Damn! Nang- aakit ba ang babaeng 'to?

" Sorry, pero wala akong pangalan!" ganti nitong tugon sabay irap sakin at tumalikod.

Nagsimula naman itong tumakbo, nang sa may di kalayuan ay nakita ko itong nadapa. Sapo nito ang kaliwang binti at halatang nahihirapang tumayo. Agad kong nilapitan ito at tinulungan makatayo. Nakita ko ang tuhod niyang may sugat at nagdurugo.

"Miss, mukhang hindi mo na kayang maglakad, hatid na kita sa inyo." alok ko.

Saglit muna niyang tinitigan ako at sumulyap naman sa hawak - hawak kong tali at sa aso ko.

" Naku, ' wag na! Nasugatan lang naman ang tuhod ko, Hindi ako nalumpo." pamilosopo pa ng babae at nagsimulang maglakad palayo.

Napailing nalang ako habang napangiti, mukhang may magandang rason naman pala ang pananatili ko dito sa probinsya."

--------------------------------

Emerald's POV

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko, Sabado ngayon at kakatapos ko lang magpaenrol nang second semester sa St. Paul College kahapon, STEM ang pinili kong pag - aralan dahil interesado ako sa siyensa at teknolohiya at syempre magaling rin ako sa math. Gusto kong maging isang propesor sa math balang - araw.

But for now, gusto kong mag - ehersisyo muna at makapaglibot sa Hacienda Anivado, sadyang natutuwa sa akin ang Donya kaya lagi niya akong pinapapunta sa mansion niya tuwing may ipapadesinyo siya sa tatay kong arkitekto.

Bahagya kong sinilip muna ang kuwarto ng magulang ko to check if they already wake up, but there's no sign of crackles. Kaya naman napag -isipan kong paghandaan muna sina Papa at Mama nang almusal.

Nagsaing ako sa rice cooker ng bigas at nagluto ng sunny side - up egg, bacon, ham at hotdog. " Perfect!" usal ko at inilapag 'yon sa round table namin sa kusina.

Pagkatapos kong maghanda ng almusal ay nagtungo ako sa kwarto ko para mag bihis. Kinuha ko ang sports wear top na color orange at black cycling. Nagsuot rin ako ng running shoes na kulay puti. I fix my brown long hair in an elastic scrunchie and look at my reflection in a vanity mirror. Ang ganda ko! sambit ko sa sarili sabay ngiti. Hindi naman sa pagmamayabang pero ligawin talaga ang ate 'nyo.

Sinuot ko ang bluetooth earbuds ko sa magkabilang teynga, gusto kong mag soundtrip habang mag jogging. Kinapa ko ang bulsahan ng cycling para ilagay ang cellphone ko, oo nga pala at walang bulsa 'to, kaya nilagay ko nalang sa garter ng panty ko. pake 'nyo ba!

Maganda ang panahon ngayon, Hindi pa gaanong masakit sa balat ang sikat nang araw kaya't inumpisahan ko na ang pagtakbo, sigurado naman akong walang katao - tao ang Hacienda Anivado dahil sa pagkakaalam ko wala si Donya Rosalina dito at nasa Canada para sa cornea transplant. Malabo na daw kasi ang mata nito. Hayyss. Kapag mayaman talaga walang imposible!

Tanaw ko ang lawak ng lupain sa Hacienda, nang sa di kalayuan ay may nakita akong rebolto nang lalaking matangkad, tantiya ko mahigit anim na talampakan na taas, may hawak - hawak na tali ng asong malaki na kulay golden brown. Nakasuot ito ng white round neck t - shirt na hapit sa katawan, litaw rin ang nag - uumpokang muscle sa braso, cargo short na kulay beige at simpleng tsinelas pansapin sa paa.

"Ang gwapo naman niya." usal ko sa sarili. Wait, Pamilyar ko ang mukha niya pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita. Hindi kaya artista siya? hmmm.. humihingal na ako kaya bahagya akong tumigil sa pagtakbo.

Laking gulat ko nang bigla akong habulin ng malaking aso. I automatically freeze. Takot pa naman ako sa aso. My god! Help! 'wag 'nyo po hayaang makagat po ako ng aso 'to, baka mamatay ako sa rabbies, Hindi pa naman ako nagka jowa!

Napapikit ako sa sobrang kaba, tila ba huminto ang aking paligid at tanging tibok ng aking puso ang naririnig, habang ang kamay ko ay nakapatong sa'king kanang dibdib. Hindi ko mamalayan na nakalapit na sa'kin ang gwapong binata kanina. Bahagya pa itong ngumiti sa akin, halatang nagpapa charming.

Humingi naman ng paumanhin sa akin ang lalaki pero tinarayan ko lang ito, Hindi ako easy girl noh? dalagang pilipina kaya 'to! while putting my fallen hair strands in the back of my ears. Ang kaba sa'king dibdib kanina ay napalitan na nang kilig. Hoy girl! Magtigil ka!

Sinubukan kong tumakbo papalayo nang mabilis, dahilan para hindi ko mapansin ng nakaharang na bato sa daan na sanhi ng aking pagkadapa. Hayss, pagminamalas nga naman, ang lampa ko kasi! inis na usal ko. Akma na akong tatayo, when I saw in my peripheral vision the cute guy from earlier coming near me. "Diyos ko, nakakahiya! Parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa. Sh*t! Sana may zombie rito, at magpapakain nalang talaga ako."

Tinulungan akong makatayo nang lalaki. Bahagya ko pang naamoy ang men's cologne na gamit niya and take note, Hindi lang siya cute, Ang gwapo pa niya sa malapitan at ang bango - bango pa, nakakalaglag panty!" Gusto kong kurutin ang sarili ko sa kalandiang naiisip.

Inalok pa ako nang lalaki na ihatid sa bahay, eh nagpapa hard to get naman ako kaya tinanggihan ko. Mahirap na baka tuluyan na akong ma - fall at paaasahin lang. Masyado pa naman akong assumera.

Pagdating ko sa bahay ay agad napansin ni mama ang tuhod ko na may sugat kaya pinaupo niya ako isang kulay puting monoblock chair na nasa balcony namin. Agad naman itong kumuha nang pangdis - infect sa sugat ko. Nurse si mama dati pero pinahinto siya ni papa sa pagta - trabaho para mas mapagtuonan niya ng pansin kami ng mga kapatid ko. Nilagyan niya ng betadine ang bulak at sinimulang linisan ang sugat ko.

"Anak, napano 'yang tuhod mo?" bakas sa mukha niya ang pag - aalala.

"Nadapa lang po ma, malayo sa bituka." mahinang tugon ko.

"Mag - ingat ka sa susunod 'nak, nagasgasan na iyang legs mo, makinis pa naman." nanghihinayang saad ni mama .

"Yes po ma." ani ko at pumasok na sa silid ko upang magbihis.

Kinabukasan ay nag presenta akong mamalengke sa public market dito samin. Wala pa namang pasok at wala rin akong ginagawa masyado sa bahay kaya mas mabuti nang may pagka abalahan rin ako.

Nakasuot lang ako nang simpleng blouse at stretchable striped trouser dahil kumportable lang itong suotin. Medyo malayo rito sa amin ang palengke kaya kailangan ko pang mag tricycle papunta sa merkado.

Pagkatapos kong makababa at makapagbayad nang pamasahe sa mamang driver ay palinga - linga akong tumawid sa highway na katapat ng merkado. Medyo malayo pa naman sa tingin ko ang Land Rover na sasakyan kaya agad akong tumawid sa kalsada, nang biglang lumitaw na ito malapit sakin.

Napahawak ako sa magkabilang teynga at napapikit sa takot. I suddenly heard a loud horn coming from the car. I began to slowly open my eyes, at nakita ko ang nakaparadang kotse na muntik na akong banggain kanina.

Bumusina pa ito nang pangalawang beses paraan para magising ako sa pag day dreaming ko. Pansin ko ang pagbaba nang gwapong lalaki mula sa driver's seat at nagmamadaling naglakad patungo sa kinaroonan ko.

"Miss, are you alright?" tanong nito habang sinusuri ang kabuohan ko.

"Oo, okay lang ako, medyo natakot lang ak - ikaw ba 'yong lalaki kahapon?" Kunot-noong bulyaw ko sa kanya.

"Yup, I'm glad na naaalala mo pa ang gwapong mukha ko." nakangiting sambit niya

"Hah! Asa ka! Ang hangin naman dito." nang - aalaskang sagot ko.

"Haha.. just kidding." nakangiting sambit niya habang nag peace sign.

"Ewan ko sa'yo." sabi ko sabay irap. Natu - turn - off na ako sa mga mayayabang at ggss, gwapong - gwapo sa sarili.

Nagmamadali akong tumawid at naglakad patungo sa merkado. Habang naiwan naman ang umiiling- iling na lalaki na agad rin pumasok sa driver's seat nang sasakyan nito at pumaharurot patakbo. Pagdating ko sa merkado ay agad kong nilapitan si Aling Edna na suki ni mama. Bumili ako nang gulay at prutas at nilagay sa dala kong eco bag. Pagkatapos kong mamili ay umuwi agad ako sa bahay.

Nadatnan ko si papa na nakaupo sa sofa sa sala, kagagaling lang din niya sa trabaho. Nagmano muna ako bago pumasok sa loob at inilapag ang mga pinamili ko nang marinig ko ang pinag - uusapan nila mama at papa.

"Nga pala Emelia, nakauwi na pala si Donya Rosalina 'nong isang araw pa." sabi ni papa kay mama.

"Mabuti naman kung ganon mahal." sagot naman ng mama ko.

"May idadaos na welcome party ang donya sa mansion 'nya sa makalawa, imbitado tayo buong mag - anak." nakangiting sambit ni papa.

"Talaga? Ang bait naman ng donya mahal. Tumango lang si papa habang nagpatuloy sa pagsalita.

" Dumating na kasi 'yong nag - iisang apo ni donya galing maynila," narinig ko kay papa bago pumunta sa aking silid.