Chereads / The Badass Twins / Chapter 73 - Chapter 72

Chapter 73 - Chapter 72

Ryder's POV

Ano pa ba ang aasahan ko sa tinagurian ng The Flash Emotionless of ACES? Napakabilis namang talagang magdrive nito. Nangunguna sila Worth sa'min. Hindi pa ako makapag-concentrate sa pagmamaneho dahil pinipisil pisil ni Godee ang baywang ko.

"Hon, malakas kiliti ko diyan. Please stop."

Saway ko muli sa kanya. Rinig ko pang tumatawa siya bago niya tigilan ang pagkiliti sa'kin.

"Gusto mo bang manalo?"

Of course. Kailangan naming manalo sa race na ito para na rin sa kalayaan naming dalawa. Kung mananalo man kami may hihingin akong pabor kay Heaven na alam kong siya lang ang makakagawa sa ina nila.

"Opo"

Sagot ko sa kanya at binilisan ang pagdrive sa Bigbike ko. Konting distansya ang agwat nila Worth sa'min. Dahil sa bilis ng takbo ng mga motor namin ay nagsitabihan ang mga sasakyang nakakasabay namin sa kalsada. Binibigyang daan ang dalawang Bigbike na nagkakarera.

"Mukhang may makikisali sa laro natin, Hon."

Wika ni Godee. Hindi ko mapigilang ngumiti sa tawag niya sa'kin. Kung wala lang kami sa gitna ng karera ay kanina ko pa sana siya hinalikan. Binigyang pansin ko ang sinabi niya. Ayun na naman ang mga umaalingawngaw na tunog ng Calixtus Police Car. Sumulyap ako saglit sa side mirror ng motor ko. Marami silang humahabol sa'min at tansya ko ay mahigit sampung police car ang mga ito.

"Stop your Bigbikes now!"

Anunsyo ng isang Calixtus Police officer. Hindi namin ito pinansin at lalo pang binilisan ang pagmamaneho. Tumingin ako kanila Worth na kapantay na namin. Sabay silang tumingin ni Heaven sa'min at kita ko sa mga mata nila na nakangisi silang dalawa. Tumingin muli ako sa kalsada dahil binilisan na naman ni Worth ang pagmamaneho. Ang bilis!

"I repeat! Stop your Bigbikes now!"

Ang ingay ng mga Calixtus Police car. Ang mga wangwang ng sasakyan nila ay siyang nagbibigay sa mapayapang gabi. Hindi ko sila masisisi dahil tungkulin nila ang manghuli ng mga taong sumusuway sa batas ng kalsada. Ngunit, kung alam nila kung sino ang kanilang mga hinahabol baka sila na mismo ang maunang umuwi sa mga tahanan nila.

Nagpantay muli kami nila Worth. Ganon na lang ang kaba ko ng sabay na tumayo ang kambal at walang pakialam sa bilis ng takbo ng mga motor namin. Chill at balanse silang nakatayo saka sabay nagtaas ng mga gitnang daliri nila sa mga humahabol sa'min. Tumatawa silang bumalik at umayos ng upo. Sa inis ko ay binilisan ko ang pagmamaneho at naunahan na namin sila Worth.

"Damn! Godee! Wag mo ng uulitin yun!" Ako ang natakot sa ginawa niyang pagtayo kanina. Paano na lang kung mawalan siya ng balanse? Hindi namin hawak ang tadhan at hindi natin alam kung anong maaaring mangyare sa ngayon o sa bukas o sa susunod pang bukas.

"Hahahahahahha! Oo na po sorry."

Aniya at niyakap ako. Gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa niya at napangiti sa ere. Binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng motor ko dahil sabik na akong halikan siya.

Heaven's POV

Aish. Napalatak ako ng naunahan na kami nila Ryder. Pinagalitan pa ako ni Worth dahil sa pagtayo ko kanina sa Bigbike niya. Sa inis niya ay binagalan niya ang pagpapatakbo ng motor niya na siya namang kinayamot ko.

"Seriously? Baby, don't be childish. Matatalo na tayo nila Ryder."

"Tss. Pagbigyan mo na sila Ryder na manalo."

Suminghal ako sa sinabi niya at yumakap ng mahigpit sa katawan niya. Sa sobrang higpit ay napapadaing siya sa sakit.

"Mì Amoŕe?" saway niya kaya natawa ako at umayos na ng yakap sa baywang niya. Pero, agad din akong nairita ng marinig na naman namin ang wangwang ng mga Calixtus Police car.

"Kainis naman ang mga pindehong ito. Di talaga sila titigil sa kahahabol sa'tin. Tsk!"

Singhal ko saka tumingin sa side mirror ng Bigbike ni Worth. Nagsalubong ang kilay ko ng makita ang lima sa mga Calixtus Police officer na naglabas ng baril. Nakadungaw ang kalahati ng katawan nila sa sasakyan ng bintana nila. Praktisado at sabay sabay nilang ginawa iyon. Ang galing!

"Babarilin nila tayo, Worth." mahina siyang nagmura kaya hindi ko mapigilang tumawa. Inayos ko rin ang mini earphones ng helmet ko at sa helmet ni Worth.

Activate the group call.

Hindi naman mahirap kabisaduhin ang mga kung ano anong buttons sa mga helmet namin. Helmet na gawa sa teknolihiya ng mga Hunterose. Inaasahan na ng mga bumibili nito na kakaiba ito at kamangha mangha. Sinadya nila lolo Iyubov na gumawa ng mga Helmet na may mini earphones para na rin sa kaligtasan ng mga byahero. At para na rin sa mga pasaway niyang apo. Halimbawa naroon si Godee.

"They're going to shoot us."

Alam kong narinig na nila Godee at Ryder ang sinabi ko dahil sabay ang mga itong suminghal.

"Shoot to kill."

Saad ni Godee. Tumingin ako sa harap upang tignan kung saan na sila ni Ryder. Hindi na namin sila maabutan ni Worth. "Wait, panalo na pala kami sa karera natin. We're here already in the Battlefield. Kailangan niyong iligaw ang mga Police Calixtus na yan bago pa nila matuntun ang Underground na ito."

Sambit pa ni Godee kaya pala ang tahimik na. Kumunot ang noo ko ng marinig ang mahinang ungol ni Godee. What the heck!

"Guys, come on! Nasa bingit kami ng kamatayan at nagawa niyo pang mag-make out!"

Sigaw ko sa dalawa. Ganun na lang amg inis ko ng wala na akong marinig na tugon sa kanila. Mga hinayupak amp. Tinanggal na nila ang Helmet nila. Inis kong pinakyuhan ang nagpaputok sa'min ni Worth.

"Are you okay, Mì Amoŕe?"

"Yeah. Just focus in driving, baby. And make it faster."

"Make it faster? Hmm"

"Lul. Isa ka pa"

Iba kase ang pagkakaintindi niya doon sa sinabi ko.

"Turn right, Worth"

Boses iyon ni Ryder. Mukhang nasa Hideout sila ng Monstrous Trio squad doon sa Battlefield ng mga Gangster. May mga Computer System room kami doon. Ginagamit sa pang-trace kapag may labanan na tulad nito. Habulan sa kalsada with the Calixtus.

Sinunod ni Worth ang sinabi ng kaibigan. Lumiko kami sa kanan kung saan walang mga sasakyan na dumadaan. Nice idea.

"Bente lahat ang mga Police car na humahabol sa inyo at bawat isang sasakyan ay may apat na Calixtus. Good luck guys."

Wika ni Godee. Napa-iling ako dahil mukhang masaya pa siya sa mangyayare sa'min ni Worth. Kumunot na naman ang noo ko ng may narinig akong ungol. Aish.

"Stop what you doing guys!"

Singhal ko sa dalawa pero sila pa tong mas nagalit.

"Don't disturb us, twin"

"Oh come on! Naririnig ko ang mahinang moans mo, Twin! At ayaw kong marinig iyon ng baby ko!"

"Hahahahahaha! Uhmmm... Shit... Ryderrr... Fuckkkk... Honnnn... Fasterrr"

Ungol ni Godeeeeee!!!! Kinginaaaa!!!

"Pakyu ka Godee! Tangna ka!!! Hindi na kita kambal!!! Tinatakwil na kita"

"HAHAHAHAHAHAHAHHA Ulol! Yumuko kayo ni Worth. Babarilin na naman kayo."

Aniya kaya inis kong tinignan kung sino ang babaril sa'min. Shit. 15 guns. Nakatutok sa gawi namin ni Worth.