Dana's POV
Naalibadbaran ako sa gurong ito. Oo nga at magaling siyang magturo ngunit isa siyang pedophile! Napakasama pa ng ugali! Tama bang lasunin niya ako? Hmp!
"Everyone, kindly answer my question, What is Entrepreneurship?"
Ang elegante ng pananalita. Boses pa lang nang-aakit na. Yuckkkkkkkkk!!!
Babae kang tao Dana kaya dapat hindi ka na-aatract sa kanya! Isa siyang reyna ng mga ahas na hindi dapat tularan!
Kung hindi lang siya dakilang pokpok. Idol ko na sana siya dahil isa talaga siyang mahusay na guro. But, I'm disappointed to her manner and attitude. Hindi dapat siya nang-aakit ng mga estudyante niya.
I look at Worth-oppa, nakangiti siyang nakikinig sa guro namin. Goshhhh! Hindi niya na ba mahal si Heaven? Paano na ang mga pinaghirapan niyang abutin para sa Amoŕe niya? Naging successful siya sa buhay dahil naging inspiration niya si Heaven. Tapos ngayon, biglang naglaho lahat dahil lamang dumating ang ahas na guro namin. Damn shit!
"Dana Miller! Can you stand up and answer my question?"
Bumalik ang tingin ko kay Miss Ekans. Pekeng nakangiti na naman ito sa'kin. Ewww. I rolled my eyes to her before confidently standing like a model. Akmang magsasalita na sana ako ng may sumipa sa pintuan ng kay lakas dahilan upang masira ito at tumalsik. Inis kong binalingan ng tingin ang may salarin.
"Gosshhhh! Why you do that, Comma-----" Natigilan ako sa sasabihin ko ng makita ang suot ni Heaven. "OMG! You look like a human!" puri ko sa kanya. As in. Ang ganda ng Commander namin. Noon pa man ay hinahangaan ko na talaga ang ganda niya at ang ugali niya minsan. Ito ang unang beses na sinuot niya ang uniform ng Huntress University and I can't believe that she's so definitely gorgeous goddess! That's our Commander!
"Bakit mukha ba akong aswang dati?"
Turn off sa boses niya. Haist. Hindi na mawawala ang maangas na boses nito. Pero, ngumiti pa rin ako bago siya tinarayan.
"Duhhhh, si Tokyo lang ang mukhang aswang sa paningin ko noh. Aish! Bakit mo ba sinira na naman ang pintuan ng class room natin?" mataray kong usal kay Heaven. Nakangiwing tinuro niya ang taong nasa likuran niya na lumitaw na lang bigla. Oh my goshhh!!! It's Venomous my crushieeee long time ago. I'm attracted to his fierce electric blue eyes, pale skin, yummy muscular biceps, slim nose, double eyelids, straight eyebrows, small face, and his...
'Perfect height with the perfect smile!'
Goshhhieeee! Iyon ang chant namin nila Godee at Dawn sa kanya. As a fangirl. You know.
"Bakit nandito ang taong yan!"
Bumalik ang ulirat ko ng marinig ko ang mabangis na boses ni Blade. Tumayo pa siya at dinuro pa si Venomous na cool lang na sumabay kay Heaven na pumasok dito sa class room namin. Lahat ay nakatingin at manghang mangha sa dalawang bagong dating. Nagsimula na ring mag-ingay ang klase.
"Ang ganda ni Heaven"
"Bagay na bagay sa kanya ang uniform natin"
"Yeahhh, perfectly fit to her"
"Queen of Goddess and the guy beside her is the King of Greek gods!"
"God! That's Venomous the famous chief!"
"My perfect future husband!"
"My perfect future boyfriend!"
"Marryyyy meeeee Venomous!"
"Ang pogiiiiii niyaaaa hihihi!"
"Crushhhhhhh ko yannnnnnn!!! Venomous come to me, bebe ko!!!"
Biglang tumahimik ang lahat ng isigaw iyon ni Dawn. Luh siya. Goshhh. Gusto niya pa yatang magka-war dito sa room. Blade already has dark aura around him and anytime he can kill Venomous an instant.
"Sorry girls but I'm taken to my baby."
Sambit ni Venomous saka inakbayan si Heaven. Dahilan ng lalong pag-alburuto ni Blade.
"Fuck off, Venomous!"
"CLASS! PLEASE QUITE!"
Duhhhh! Napa-ikot ang mata ko ng Umepal ang guro naming ahas. Tahimik na nga ang klase kung kailan siya nagsalita. Papansin. "And you two, please seat down." aniya kanila Heaven at Venomous. Hindi nakaligtas sa'kin ang tingin niya kay Venomous. Shittyyyy! Pokpok talaga!
"Ok, back to our discussion. Dana, can you answer the question that I asked to you?"
Tsh. Ano ba yung tanong niya? "You don't know the answer? Kay' please seat down." Luh siya. Nag-iisip pa nga ako. Pina-ikot ko muna ang mata ko bago ako umupo. "You, Young lady, please stand up." turo niya kay Heaven na sinunod naman siya pero nayayamot ito.
"Answer my question, What is the meaning of Entrepreneurshi------"
"Entrepreneurship is the dynamic process of creating incremental wealth and innovating things of value that have a bearing on the welfare of an entrepreneur. The main importance of entrepreneurship is the creation of job opportunities, innovation, and improve the economy."
Nayayamot na sagot ni Heaven at walang pakialam na umupo. Tumingin kami kay Miss Ekans na may pekeng ngiting nakapaskil sa labi.
"Very good, Young lady. And please, wag ka na sanang male-late sa klase ko next time. That's all for today class. See you tomorrow. Galvez, pakihatid ako sa Teacher's office."
Omg! Hindi maaari! I stand up immediately at pinigilan si Worth-oppa na tumayo.
"Hindi pwede. Excuse me, Miss Ekans? Hindi niyo ba kayang maglakad mag-isa? At bakit kailangan ihatid pa kayo? Duhhhh ayos lang sana kung disabled person ka but look at yourself po. You're snake and kicking."
"Excuse me? That's not the proper way to talk to me, Young lady. You're an example of an immoral people."
"Oh my gosh! I'm not immoral! Ang twins yun."
Nagtawanan ang buong klase kaya napa-ikot ko ang aking mata. "Please, get out na po, Miss Ekans. Lumagpas na ang class our niyo dito sa section namin. Have a nice day. God bless you po!"
Sumama ang tingin nito sa'kin saka siya tuluyang umalis. Nakahinga ako ng maluwag ng wala na ang ahas na yun.
"That's our Dana!!!"
Sabay na sigaw nila Godee, Dawn, at Venomous. Tinarayan ko muna sila bago ako umupo.
"Baby, Bakit ba kasama mo ang taong yan!"
Here we go again. Nababaliw na naman ang Presidente naming si Blade. The eccentric leader of ACES. Tumayo siya at dinuro na naman si Venomous na nasa tabing upuan ni Dawn. Ngumiwi lang si Heaven sa kuya niya saka siya nag head down sa desk.
"Masama bang pumasok dito sa paaralan mo?"
Mahinahong tanong ni Venomous kay Blade ngunit nandoon pa rin ang kaangasan sa tono ng boses niya. Ang pagiging presko at maangas ay natural na sa mga comrades ko. Namana nila kay Commander.
"Ang isang tulad mo ay hindi nararapat dito sa kaharian ko. You're one of the General of Calixtus army and an ex-convict criminal."
Psh! Akala mo naman ay hindi rin siya kriminal. Hay naku! Blade. Nasisira talaga ang image mo tuwing sinasapian ka ng masamang maligno.
"Kuya, wag mo naman ganyanin si Venomous. Alam mo bang mas gwapo siya sayo?"
Sumali sa usapan si Godee at nasapo ko na lang ang noo ko sa sinabi niya. Nonsense but true. Totoong mas gwapo si Venomous kaysa kay Blade na lalong nanggigil sa inis.
"Let's talk, Heaven."
Halaaaaaaa!!! OMG! Tumingin kaming lahat kay Worth-oppa. Heaven? Di ba dapat, Amoŕe ang tawag niya kay Commander? Hindi ko na talaga mawari ang pinsan kong ito. Hindi ko alam paanong nagbago ang pakikitungo niya kay Heaven. The woman he loved more than a decades. Then, right now, his change! Ibang Worth Galvez na ang nakikita namin. At naiinis pa ako kanila Blade at Ryder dahil hindi man lang sila nagtataka sa ugali ng kaibigan nila. The emotionless Worth Galvez is gone. Napalitan ito ng isang Playboy? Pilyo? Jerk?
Nakikita ko na sa kanya ang kabataan ni Tito Wayne ang daddy niya. Minsan ng nakwento sa'kin ni mommy na hari daw ng Playboy si Tito Wayne noong nasa middle school pa sila. Nagbago lang daw ito ng dumating sa buhay nito si Tita Essential ang mommy ni Worth-oppa.
Nakuuuu naman, Galvez Clan is the bloodlines of Playboy. Bakit ba nakalimutan ko ang tungkol dito? Edi, sana napigilan ko pa si Commander na mahalin ang pinsan ko.
Maaring siya ang first love ni Worth-oppa ngunit mawawala ang naramdaman nito sa kanya kapag dumating ang Second love? At iyon ay ang ahas naming guro!
HINDI MAAARI!
Huhuhuhu...
Iniisip ko palang nasasaktan na ako para kay Heaven. Our Commander. She's tough and strong woman. Sana lang makayanan niya ang sakit. At alam kong hindi ito papalagpasin ng Monstrous Trio.
They're savage and love to salvage.
Kung dumating man ang araw na iyon, ang tanging magagawa ko ay ipagdasal ang kaluluwa ng papatayin nila.