Nagising ako sa sunod-sunod na katok na nanggagaling sa labas ng kwarto ko.
"Bestie, gumising ka na dyan anong oras na oh. Nagpuyat ka na naman sa mga kdrama, bumaba ka na dyan at sabayan mo ko maglunch."
At dinig ko pa ang paghakbang nito papalayo sa pintuan. Isa si Lhexine sa tinuturing kong pamilya, may pamilya naman ako dito sa Maynila ngunit hindi ko nakakasundo si Mommy dahil ako ang bunga ng pagkakamali ni Daddy. Sabi nila kaya daw nagawa yun ni Daddy ay dahil di sya mabigyan ng anak ni Mommy. Naiintindihan ko yung sakit na nafifeel ni Mommy everytime na nakikita nya ko sa bahay kaya mas pinili kong lumayo muna sa kanila para umiwas sa gulo. Hindi naman hinahayaan ni Daddy na magkasakitan kami ni Mom, it's just that di ko rin ma-take na makita yung galit at pain ni Mom everytime na magtatalo sila ni Dad because of me. Wala naman ako magagawa kundi saluhin lahat ng masasakit na salita ni Mom. Siya lang naiwan na nanay ko e, yung tunay kong nanay namatay naman after ako ipanganak.
"Bestie, bumaba ka na dyan. Isaaaaaa!!" malakas na sigaw nito na nagpabangon sa akin agad.
Habang bumababa ako ng hagdan ay nakabusangot na ang mukha ni Lhexine. Dumiretso ako sa bathroom upang maghilamos at agad na nagtungo sa hapag-kainan.
" Sorry na Lex, kain na tayo. Hmmmm so bakit sunog muna ang tocino"? biro ko dito.
" Kasi alam kong favorite mo yan" pagtataray nito sakin.
" Eh bat mo naman sinunog?"
" Deserve mong di makakain ng masarap na tanghalian. "
" Kasi mas deserve akong kainin, Lex?" nakangiti kong tanong dito na nagpatawa sa kanya ng malakas.
" Yuckkkk. Kaya di ka pinapatulan ni Trevor eh"
" Hoyy, foul na yan ha. Izo-zonrox ko yang bibig mo, masyadong madumi"
" I'm just stating the obvious" sabay subo nito ng pagkain.
" Oo na, oo na" pagsuko ko dito dahil alam ko namang hindi nya ko titigilan.
Pagkatapos namin kumain ay nagpunta kami sa Coin Laundry Shop. Hindi sa hindi kami marunong maglaba. Wag nyo kami i-judge , talagang tamad lang kami maglaba. Sa susunod na sahod naman namin ni Lex ay napagkasunduan namin bumili ng automatic na washing machine. Pag nilagay mo daw kasi ang damit mo dun kusa na itong nasasampay ay mali kusang nawawala daw ang feelings mo sa isang tao. Bahala na lang kayo mamili sa dalawa kung ano advantage ng may automatic na washing machine.
" Ang lalim naman ng iniisip mo, e hindi ka pa rin naman mahal ng kaibigan mo"
Hays kahit kelan talaga pasmado bibig nito. Hindi na ko sumagot dahil ayoko rin naman ma-realtalk no? Alam ko na yun, narinig ko na yun sa kanya ng maraming beses at nakakainis lang dahil di naman ako natatauhan.
" Hmmm, bes." mahinang tawag nito sakin na para bang nag-aalangan if sasabihin nya yung gusto nyang sabihin sakin.
" If di mo kaya sabihin, reserve mo na lang muna" at nginitian ko sya. I know her very well.
" Tinawagan ako ng company ni Trevor last week. And pinag-iisipan ko if tatanggapin ko ba yung offer nila." seryosong ani nito.
" Hoy gaga ka. Opportunity yun. Malaking company yun at kung maganda naman ang offer bakit mo tatanggihan?" seryoso kong sambit dito. Wala naman talagang problema if dun sya mag-work and isa pa matalino sya kaya talagang pag-aagawan sya ng malalaking company dito.
" Proud ako sayo, Lex. Sobra. Grab mo yun ha, wag ang hindi." dugtong na sabi ko sa kanya habang papalabas kami sa shop.
" So, okay lang makatrabaho yung Trevor mo?" tanong nito habang naglalakad kami pauwi ng bahay.
" Oo naman bakit hindi? Ayaw mo nun pwede mo sya ireport sakin kapag may babae syang pinopormahan? " biro ko dito.
" Parang di naman maiiwasan yun, bestie. "
" Hoy, Lex sinasabi ko sayo ha. Una ko ng na-mine si Trevor maghanap ka ng sayo" biro ko ulit dito.
" Whatever" at tumawa ito.
Wait, type nya ba si Trevor? Hindi ko alam bakit naiisip ko ang mga ganitong bagay sa kaibigan ko at kay Lhexine pa. Walanjo naman Trevor pati sa kaibigan ko nagkakasala ako. Pagdating sayo palagi akong tanga mag-isip. Di naman ako bobo pero bat di ako makapag-isip ng tama.
" He's not my type."
Omg nakakahiya. Nabasa ba nya yung utak ko as in?
" At kung maging type ko man siya, mas pipiliin ko friendship natin" at pumasok na ito sa bahay.
Nakatulala lang naman ako na nakasunod sa kanya.
" Lex, I'm sorry for being stupid." at niyakap ko sya. Ayokong mafeel nya na di ako tiwala sa kanya. Siya lang ang nakakaintindi sakin at ang laki kong tanga para pagdudahan sya.
" I understand of being inlove, Sol. Kaya yang puso mo ingatan mo yan. I'm just here and never mo ko makikitang kinukuha ang mga bagay na dapat ay para sayo." seryosong sabi nito na nagpaluha sakin.
" Umiiyak ka ba dahil sa sinabi ko or tinanggap mo ng di ka talaga kayang mahalin nung Trevor?" inalis nito ang pagkakayakap ko sa kanya at tinitigan ang mukha ko.
Kainis talaga. Alam nyang nagdadrama ako tapos biglang mangbabasag.
" Maganda ka naman bestie. Try mo mabaliw sa ibang lalaki naman. Sobrang loyal mo sa taong di ka gusto eh" at hinampas ko sya ng malakas.
" Aray ha" reklamo nito na binawian din ako ng hampas. " Sa ganda nating ito, sila dapat ang naghahabol satin noh" pagmamayabang pa nito habang nagpiflip hair.
" Excuse me. Di ko pa nga ginagapang eh, naghahabol na agad, Lex? "
" Maghanap ka nga ng kausap mo" sabay walkout nito. Hahahahhaa alam kong kapag bumanat ako ng ganito hindi na ko yun makakapang-asar sakin.
" Basta, Lex ha. Palagi kitang pupupuntahan sa bago mong trabaho"
" Umayos ka. Di ako ang pakay mo dun. " pagmamaldita nito.
" Syempre, ikaw. Asset ka dun eh. Basta turo mo sakin office ni Trevor ha. Ichecheck ko lang office nya if gaano kaganda"
" Malala ka na"
" Joke lang e. Okay na ko sa pipicturan mo na lang. Basta update mo ko palagi ha. Akyat na ko sa kwarto, manunuod pa ko ng Snowdrop."
"Mag-order na lang tayo ng dinner natin mamaya ha."
"Okay"