DISCLAIMER:
------Names, places, characters, incidents and events happen on this story are either the products of the authors big wide imagination or used in a fictitious matter. Any resemblance to actual person living or dead, or actual event are purely coincidentals only.
A Girl?!
NORZAINE MONTES POINT OF VIEW
SAAN na ba ang seksiyong yun? Bwesit na paaralan na to. Bat ba kase ang lawak. Wala rin namang kwenta ang mapang to eh. Di maintindihan.
Kumaliwa ang sabi dito sa mapa then, No! Kanan siya, ay hindi! Diretso pala.
Saan ba kase?
Waaahhh! Sana di ko na lang talaga tinanggap ang offer ni mommy kung ganito lang pala ang dadanasin ko. Uwaahhhh!
Pero sayang naman kase ang kapalit eh. Uwaaahhh!
Pano na'ko niyan?
THIRD PERSONS POINT OF VIEW
"PUSTAHAN! Bakla ang bagong presidente natin. Uwoooo!" malakas na sigaw ng lalaking nagngangalang Cloud Griffin na kilala bilang pangatlong may saltik sa kanilang section.
Malakas naman niyang ibinalibag ang pusta nitong limang pisong pera sa mesa nito.
"Game ako diyan! Sigurado akong lalaki yun. Hundred percent ako diyan!" saad naman ng isang lalaki na nagngangalang Benjamin Villanueva o kilala bilang Benj sa kanilang section.
Pabalibag rin niyang nilahad ang pusta nitong piso.
Napaayos na lang sila ng upo nang...
NORZAINE MONTES POINT OF VIEW
SA WAKAS! Nahanap rin kitang section ka. Andito ka lang pala, kung saan-saan pa ako pumunta. Hmp!
Sa comfort room, sa office ng mga guro at ibang buildings, pero andito ka lang pala!
Hmp!
Huminga muna ako ng malalim bago hawakan ang door knob.
Pipihitin ko na sana ito nang mga mapansin ang malaking nakasulat sa pinto na, 'RULES'.
Naka-capslock pa. Seriously?
RULE#1:NO GIRLS ALLOWED
Aba't! Kung ibawal ko rin kaya ang pumasok ang mga lalaki.
RULE#2:MGA GUWAPO LANG ANG PWEDENG PUMASOK.
The heck! Is this even a school policy?! Pwede na lang kung all boys school to. Siguro mga abnormal talaga ang mga meron sa loob ng klaseng to.
Nagkibit balikat na lang ako at akmang bubuksan ko na sana ang pinto nang may nagbukas na nito.
Bumungad sakin ang isang medyo may katandaan na lalaki. Maybe he's already in his mid-40's? Baka ito yung propesor namin.
"You are?" kunot noong tanong nito.
Ngumiti muna ako ng malapad bago nilahad ang kamay.
"The new president of this section, sir." tinanggap naman nito ang kamay ko at nag-shake hands kami.
"Welcome to section K, miss." aniya
"Thank you." pasasalamat ko
"Pwede na po bang pumasok?" argh!Kanina pa kaya ako nakatayo. Sakit na ng paa ko.
"Sure! Come in." saka siya pumunta sa table niya.
Di na muna ako sumunod dahil inayos ko lang muna ang mukha ko. Alangan namang haggard na haggard ako ay papasok ako.
"So class, meet your new president." may hand gesture pa siya na inaaya na niya ako kaya pumasok na rin ako at di tumitingin sa paligid kundi sa blackboard lang.
"Introduce yourself now miss." nawala naman ang ngiti sa labi ko nang banggitin ito ng prof.
How I hate introductions.
Bumuntong hininga muna ako at ng malalim at ngumiti ng pilit bago humarap.
"Hi I'm," nabitin ang sasabihin ko sa hangin nang mapansin ko lahat ng mga estudyante.
Unang row, puro mg lalaki.
Pangalawang row, lalaki rin?
Pangatlong row, puro mga lalaki din?
Nasaan ang mga babae?
Bat puro mga lalaki?
"Babae?!"
"She's a girl?!"
Lahat sila ay napatayo ng banggitin nila ang mga salitang yun at puro nakanganga pa ang bibig.
Bakit? Ngayon lang ba sila nakakita ng dyosa ng babae tulad ko kaya ganun ang reaction nila?
Pero parang isa iyong malakas na sampal para sa akin nang may maalala ko. Right, just right!
Pero pwede tumulad?
"So hi everyone, I'm," nabitin ulit sa ere ang sasabihin ko nang...
"Di ka welcome..."
"Chupi."
"Talo ako sa pustahan."
"Bwesit!"
"Sayang yung piso ko!Pangbili ko pa sana yun ng lollipop eh!"
Napanganga na lang ako sa sinabi nilang lahat at sabay-sabay pang umupo ang mga loko.
Ganito ba sila magwelcome?!
Wala man lang 'Hi' or just a simple 'Hello'?
O di kaya'y ngiti man lang para mafeel ko ang matinding pagwewelcome nila sa akin?
"You, you, you, all of you," isa-isa ko naman silang tinuro. "I hate all of you!" after I said that ay nagwalk-out na ako at malakas na binalibag ang pinto.
Bwesit sila!
_______________________________________________________________________________________________________________________________