PHIL
"The whole world is excited! Bukas na ang launch ng panibagong event sa larong tinatangkilik ng marami! Halos bilyon ng manlalaro ang naghihintay rito. This game was established six years ago ngunit hanggang ngayon ay namamayagpag parin ito!"
" That's right partner! Nagbubunga ng magandang reviews ang isang dekadang preperasyon para magawa ang larong ito! "
Kauuwi ko lang galing sa pag gagala ay ito agad ang bumungad sa akin, nakita ko ang aking nakatatandang kapatid na naka dekwatro nasa couch at tutok sa harap ng Holographic Television o HTV.
Napabuntong hinga nalang ako ng malalim.
"Kuya? Nag saing kana ba?"I ask my older brother habang hinuhubad ang suot na sapatos, pero ang loko hindi sumagot bagkus ay nasa ang HTV ang buong atensyon.
"Inaasahan na ang latest event ay mayroong napakadaming features, kabilang naruon ang bagong server na inaabangan ng lahat. Kaya naman nasasabik na ang ilang mga manlalaro sa naturang bagong update! "
Napabuntong hininga nalang ako bago tinungo ang kusina at nagsaing. As I got there nasagot na ang tanong ko.
Sa ayos palang ng kusina, hindi pa nag saing si kuya.
Gusto ko siyang batukan dahil sa pagiging pabayang kapatid nito pero wag na at baka bumalik sakin ng triple.
Pagkatapos kong maisalang ang sinaing ay iniwan ko muna ito at nag palit ng damit.
Mahirap na, susuotin ko pa ang damit na ito bukas dahil nagtitipid ako sa labahin.
Pagkababa ay tutok pa rin si kuya sa HTV kung saan nasa commercial pa rin ang laro na kinakaadikan nito.
I cant help not to shrugged.
Hindi ko na rin siya binara dahil alam kong walang patutunguhan kung dadakdakan ko nanaman siya sa kaniyang adiksyon.
Adik ang kuya ko sa kasalukuyang Virtual Reality Games na sikat ngayon at imbes na kontrahin pa siya dahil napapabayaan na nito ang sariling buhay, hindi ko na pinursue. After all mabuting diyan nalang siya na addict at hinde sa drugs.
Tsaka kahit addicted ito sa laro ay hindi naman nito pinapabayaan ang trabaho bilang accountant, yun ngalang iregular ang schedule nito pag pasok sa kagustuhang mas mahaba ang kaniyang oras sa paglalaro.
Hays. Mabuti pa siya kahit ni minsan hindi pumasok sa isip niya ang ginagawa ng kaniyang kuya. After all He despite it.
Lalo na't isang malaki itong hindrance para sa kaniya. I want to finish studies with flying colors kaya naman, ayoko ng mga epal na ganiyan.
Nga pala kanina pa ako dada ng dada pero di pa ako nagpapakilala.
I'm Philiel Sinco Palejo but Phil nalang ang itawag niyo sakin dahil sobrang mahaba ang pangalan ko na kinuha pa ni mama sa panahon ng kupong kupong.
I'm 18 years old, Graduating sa kursong Environmental Science sa isang public university.
Kung hahanapin niyo kung nasaan ang mga magulang namin, ayun nasa langit na. Namatay sila dahil sa isang aksidente 10 years ago.
I'm still a child when that happens kaya naman madali akong naka overcome.
Hindi dahil sa hindi ko sila mahal ha? It's a psychological mechanism. Plus anjan naman ang kuya ko na kasama ko hanggang ngayon.
Even though his an addict to Virtual Games responsible naman itong kuya.
"Oh? Nakauwi ka na pala?" See? Ganiyan ka addict ang kuya ko. Na ultimo ang magandang nilalang na katulad ko ay hindi niya napansin. Hue,
"Ay hindi kuya, Konsensya ko lang to nahiya kasi sa'yo ang konsensya ko kaya naman siya na ang nagsaing para sa atin-"Hindi ko na natapos ang pambabara sa kaniya ng makatanggap ng batok galing sa dito.
See? That's why I hate bara bara him. Namamatok.
"Ewan ko sayo,"Sabi ni kuya and he storm out the kitchen.
Panigurado ng mapagtanto na nakasaing na ako ay pumasok ito sa sariling kwarto upang maglaro ng paburito nitong laro.
I just rolled my eyes at him.
Kinuha ko nalang ang glassphone sa bulsa at tumingin ng Webnovel Chip sa isang online app store.
Kailangan ko palang bumili ng bagong Webnovel Chip dahil puno na ang storage ng dati kong Hyper Drop Gear. Kailangan pa naman dahil duon ko nirerestore ang mga libro ko.
You see, books with paper are not really common in this timeline. 2125 na ho. Kahit nga pinto namin di-sensor na.
As I click buy and filled the transaction details ay agad akong tumungo sa kusina upang I off ang electric stove. Luto na kasi ang kanin.
Hindi ko tuloy na pansin na may nag popped pala sa notification ko.
"Thank you for purchasing the latest Webnovel Chip, as one of our valuable customer, a freebie will be included. Kindly wait for more than a half day for the shipment of your order."
Hmm.A freebie? Not bad. Sana naman maganda ang freebie nang sa gayon ay maganda rin ang feedback na ibibigay ko.
——
"Omg ?! Nakapag set kanaba ng Reminder sa event?"
"Of course ako pa! Hindi ako magpapahuli!"
"Kyaaahh pasali sa grind mamaya!"
"Who do you think will gain the God Title?"
"Of course isa iyun sa top 10 ng world rank!"
"Kyaaahh! Excited na ako!"
Gusto kong mag focus sa kinukopyang notes sa glass tab pero hindi ko magawa, kahit gusto ko na silang ibalibag sa ingay nila pero diko pa rin magagawa.
Recess time kasi at walang teacher, kaya may kalayaan ang bawat studyante at ang tatapang mag usap. Buti sana kung aktibo sa klase.
Pero the heck?! Pwede naman nilang hinaan ang mga boses ah? This is so annoying! Kanina pa akong umaga naiirita!
Ngayon araw kasi ang launch ng laro na pinag uusapan nila. Someone even tried to talk to me awhile ago pero inisnob ko pa.
Tanungin ba naman ako kung attend ako sa event nila? As in heck?! Ni hindi ko nga alam kong anong pangalan ng larong sinasabi at kinaka adikan nila. All I know is that, that game is surely a bad influence.
Patunay narito ang nangyari ngayon, instead of taking snack they choose to talk about that game. Tss.Mga pariwara!
Ilang saglit pa ay natapos rin ang recess, tila nagulat pa ang kapwa ka klase nang mag ring ang alarm. Pero ang mas nagpagulat sa kanila ay ang sudden quiz ni Ma'am pagkapasok, hindi sila prepared eh, kaya ayun lima lang kaming nakapasa, puro top pa sa klase.
I laugh evily, yan kasi unahin pa ang larong iyun.
PAG DATING ko sa bahay ay bumungad sakin si kuya na nasa pintuan, he is holding a white parcel box .
"Bunso, may dumating na package oh."bungad nito na iritable ang boses at alam ko na kung bakit. Hindi kasi ako nag iwan ng pera kaya panigurado ay siya ang nag bayad.
"Hala?! Ngayon na ba ang dating? Akala ko sa makalawa pa, wala pa naman akong pera dimo sana tinanggap kuya." Ani ko sa kaniya at nagpuppy eyes pa.
Bago paman niya pako mabatukan ay nakailag ako.
"Wag ako! Hindi ka kamo nag iwan ng pera kasi alam mo andito ako!"He said annoyingly so I just gave him a peace sign.
"Love you Kuya!" Sabi ko sa kaniya at tumungo sa kusina, inilagay ang parcel sa hapag at nag saing na, nag suot rin ako ng desposable apron. I'm preparing to cook adobo also Pambawi ko sa pang scam kay kuya mwehehe.
______
Matapos ang ilang oras ay natapos rin ako sa lahat ng gawain, tumungo ako sa kwarto upang I check ang parcel.
Well the new Wattpad Chip is quite wonderful, transparent na ito ngayon na akala mo ay simpleng chip lang malayo sa kulay itim na kulay dati. Siguro ay marami ang new features nito.
Mag-half bath muna ako bago I set ang mga gamit.
Since I already have a modem stand and Dimensional Hyper Drop Gear ay isinalpak ko nalang ang Wattpad Gear chip.
Nagtaka pa nga ako dahil dalawa ito, but then I remember the freebie.
Mukhang isang extra storage chip ito.
Which is quite good dahil mas marami akong mapag lalagyan ng libro.
Humiga ako sa kama at sinuot ang Dimensional Hyper Drop Gear.
I closed my eyes and press the on button of the head gear. Automatic naman itong umilaw ng kulay asul.
"Link start."I said the algorithm password.
Ilang saglit pa ay tila nahulog ako sa kawalan.
This is how Dimensional Hyper Drop Gear work.
Making the brain or consciousness enter a dimensional place created by a certain system aslong as my access ka rito.
I saw the images of the astral space na aking ikinalito, dahil hindi naman ito ang opening ng Wattpad Library sa dating Chip pero pinag walang bahala nalang ito dahil baka upgraded lang.
Pero Infairness ahh, realistic ang mga bituin na nakikita ko. I even saw the sun and different kind of meteors. Siguradong five star ang magiging feedback rate ko dito.
Hanggang ilang segundo pa ay dumilim ang paligid at natagpuan ang sarili na nakalutang sa kawalan.
huh? Hindi ba dapat nasa library na agad ako? Anong kaartehan to?
"Welcome to Trian Word Online, New Player,"
Naguluhan ako sa aking narinig.
W-What?! Did I just heard it right?
Anong Trian World Online? Hindi ba't dapat Wattpad library ang bubungad sakin? What the heck is happening?! Is this a sort of a joke?
Bago pako maka react ay isang bata ang bumungad sa akin.