MAPALAD ang isang taong isinilang sa mundo na salat sa karangyaan. Malas naman ang taong ipinanganak sa kahirapan.
Mapalad naman ang batang may ama at may kumpletong pamilya. Malas naman ang batang walang ama, wala naring pamilya.
Mapalad ang ipinanganak na binuo dahil sa pagmamahalan. Malas naman ang ipinanganak dahil sa isang pagkakamali lamang.Lahat ay balanse.
Tama?
Siguro nga.
Tama ngang balanse ang mundo maging ang buhay nang tao. Pero nakakalungkot dahil nasa malas na buhay si Rheynette Boquia isinilang.
Nabuo at iniluwal nang kanyang ina sa isang pagkakamali. Hindi pinagplanuhan kumbaga. Isang gabing kapusukan nang ina at ng amang hindi niya nakilala.
"Inay? Ano pong pangalan nang itay ko?" isang umaga habang nasa kalagitnaan sila nang kanilang umagahan.
Tinaasan lamang siya nang kilay ng kanyang Ina at hindi na sinagot, nagpatuloy ito sa pagsubo.
"Malapit na po ang kaarawan ko Nay. Magdedesi-otso na po ako...." kahit hindi siya sinagot nang kanyang Ina nagpatuloy siya sa gustong sabihin.
"Ano naman ngayon kung nalalapit na ang kaarawan mo? Hoy Ynette! Huwag kang ambisyosa ha? Huwag mong sabihing gusto mong makita ang itay mong walang pake sayo?" masakit at nakakapanghina nang loob ang sinabing iyon nang kanyang Ina sa kanya.
Sa tuwing magkakaroon sila ng pag-uusap ng kanyang Ina tungkol sa hindi niya kilalang Ama. Lagi siyang binabara nito at masasakit na salita ang lumalabas sa bibig nang kanyang Ina.
"Nagbabakasakali lang naman po ako Nay. Matagal ko na pong gustong makilala ang itay ko..."
"Ambisyosa ka talaga!" nagulat siya sa biglaang paghampas nang plato nito sa lamesa na ikinagulo nang kaldero at baso, kaya nahulog at umalingawngaw.
Mas kinikagulat niya ang biglaang paghawak nito sa kanyang pisngi at pisilin nang sobrang diin kaya nakaramdam siya nang sakit.
"Hoy Ynette! Huwag mo nang balakin pang kilalanin ang ama mo dahil ako nga na binuntis nun ayaw nang makita! Ikaw pa kaya na nabuo lang dahil sa pagkakamali? Ha! Ambisyosa!" madiin na sabi nito sa kanya saka siya pinakawalan.
Napaupo siya sa sahig dahil malakas ang pagkatulak nito sa kanya. Napapikit siya dahil sa sakit nang puwitan niyang tumama.
Ramdam niya ang pangingilid ng luha sa kanyang pisngi. Hindi niya lubos akalain na ganun siya ituring nang kanyang Ina sa araw-araw. Sa tuwing ibubuka niya ang kanyang bibig nakikita niyang naiinis at umaapoy sa galit ang kanyang Ina.
Ganoon ba talaga kalaki ang galit nito sa kanya? Hindi niya nakikita ang pagmamahal nang Ina noon paman.
Lagi siyang kinukutya ng mga kaklase niya mula elementarya hanggang high school dahil anak daw siya nang isang bayarang babae sa bayan nang Subic, Zambales.
Kahit ganoon, iniinda niya ang sakit na nararamdaman sa tuwing inaasar at kinakantyawan siya.
Ano pa nga bang magagawa niya kung ang binigay sa kanyang buhay ay ganoon? Hindi naman niya maisusumbat iyon e. Kaya hinahayaan na lamang niya.
"Ayusin mo ang kalat dito at magkaroon ka naman ng pakinabang saakin! Pasalamat ka Ynette binuhay pa kita kahit gusto kang ipalaglag ng ama mong walang kwenta!" lumabas ito at naiwan siyang tahimik na umiiyak.
Tumayo siya pagkatapos pinagpagan ang bistidang yari sa manipis na tela, kulay dilaw.
"Okay lang yan Rheynette! Huwag ka ng umiyak, mahal ka naman ng Inay mo e. Ganun lang talaga siya sayo dahil mahal ka niya. Tama!" pangungumbinsi niya sa sarili.
Noon paman laging sarili niya ang nagpapalakas sa kanya. Wala siyang ibang masandalan o masabihan man lang ng problema niya, maliban pala sa dalawang kaibigan niya, ngunit katulad niya danas rin ng mga ito ang problema sa pamilya, sina Rosing at Malia.
Kaya sa sarili niya mismo siya nagsusumbong, sarili lamang niya ang karamay niya noon paman at ang dalawang kaibigan.
"Rheynette!"
Malakas ang sigaw sa labas ng kanilang bahay, boses iyon ni Malia.
"Lumabas kana diyan! Tara na sa bayan at mamasyal!"
Pinagbuksan niya ang mga ito. Nakangiti at mukhang excited ang dalawa dahil ayos na ayos pa ang suot nilang damit. Hindi katulad sa kanya na naka bistida pa at walang ligo.
"Oh? Bakit parang namumula ang mukha mo Rheynette? Sinaktan ka na naman ng magaling mong inay ano? Walang puso talaga iyang nanay mo!" sabi sa kanya ni Rosing.
"Hindi naman sa-"
"Rheynette naman! Huwag mo ng pagtakpan yang magaling mong inay." si Malia.
"Hindi dapat kinukunsente ang mga ganyan!" singit ni Rosing.
"Hayaan nyo na." iyon na lamang ang kanyang nasabi.
Ikinaikot ng mata ng dalawa ang sinabi niyang iyon.
"Hay naku! Ewan ko sayo Rheynette. Kapag talaga nakita namin ulit na sinaktan ka ng nanay mo, makakatikim talaga siya ng sabunot mula sa'min!" hindi maikakaila ang pagkainis sa mukha ng dalawang kaibigan.
Tahimik lamang si Rheynette pero sa isip ng dalawa mukhang hindi ito naniniwala sa kanila.
"Totoo! Sasabunutan talaga namin yang nanay mo na walang ibang ginawa kundi pagalitan at saktan ka. Nanay ko nga inaaway ko kapag nasa mali na siya o kaya naman sumusobra na. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon tama sila. Sa totoo nga aping-api ka na Rheynette e. Imbis na mahalin ka niya, sinasaktan ka." si Rosing.
Alam naman nila na palaban ang kaibigan at hindi talaga ito nagpapaapi kapag nasa tama, ngunit para kay Rheynette isa iyong pagpapakita na hindi niya nirerespeto ang ina, kaya hinahayaan na lamang niyang saktan siya.
"Tama na Rosing. Ano na Rheynette? Sama kana samin, pasyal tayo sa bayan oh..." si Malia.
"Ang aga naman ninyong pumarito. Hindi ba pwedeng mamayang hapon na tayo pumunta sa bayan? Marami pa kasi akong gagawin ngayon." pagsisinungaling niya.
Ang totoo wala siyang gagawin, gusto lamang niyang magmumok sa loob ng kwarto hanggang maghapon.
"Hindi na maaga ang alas dose Rheynette, tanghali na kaya! Sumama kana kasi saamin! Sige ka kapag hindi ka sumama maiiwan ka ditong malungkot." sabi ni Rosing.
"Oo nga naman, tama si Rosing sumama kana." si Malia na sumingit rin.
"Mukha ba akong malungkot?" nagkunwaring masaya si Rheynette sa dalawa ngunit hindi maitatago ang lungkot ng kanyang mga mata.
Parehong napabuntong hininga sila Rosing at Malia pagkatapos ay hinila ang dalaga papasok sa maliit na banyo na siyang ikinatili niya.
Binuhusan lang naman siya ng mga ito ng tubig kahit nakadamit pa siya, nanunuot ang lamig ng hangin sa damit niya na naghahatid ng malamig na pakiramdam.
"Rosing! Malia! Ang lamig! Tama na! Ako na magbubuhos!" sinusubukan niyang agawin ang tabo sa dalawa.
Tawang-tawa ang dalawa samantang napapasigaw sa gulat si Rheynette sa tuwing bubuhusan siya ng tubig upang makapagligo na.
"Gusto mo pa kasing pinipilit Rheynette e. Maganda pala kapag tayo ang nagpapaligo Malia ano? Walang kawala ang isang to!"
Halos mamilipit sa tawa si Rosing samantang si Malia napapangiting tinignan si Rheynette na busangot ang mukha.
Hindi rin nagtagal napilit ng dalawa si Rheynette. Pagkatapos no'n ay pumunta silang bayan.