Chereads / Kerstel_Amorous / Chapter 12 - Chapter 12: Minus Three Hundred

Chapter 12 - Chapter 12: Minus Three Hundred

"Ano Sir?! Bakit naman?"

Ang laki ng bawas non sa grades ko.

"Look at yourself self,"

Tumingin ako sa sarili ko, wala namang mali.

"Wala namang mali," reklamo ko.

Nakaka-irita 'yung ganyan ha.

"Hindi mo talaga nakikita, then minus -200,"

"Sir naman!!!! Asan ba kasi ang mali!?!"

Napipikon ako, napaka laking bawas ang 200 sa grades ko, masisira ako nito.

"Don't you see -300."

Punyeta, anak ka ba ni Satan? Sh*t nagagalit talaga ako.

Tumayo ako, kaya napatingin lahat ng mga kaklase ko.

"Saan ba kasi ang mali ko? Wala naman ah, 'wag mo nga gamitin ang kapangyarihan mo bilang isang guro para makatalo ng isang estudyante na kagaya ko!" galit kung wika.

P-pero... ngumiti lang??

Ngumiti? Anong nakakatuwa sa sinasabi ko? Galit ako, hindi niyo ba nakikita.

"Ka-inis, saan ba kasi?"

Sinubukan kung kumalma para hindi ako magmukhang tanga sa harapan nila.

"The mistake is yourself why don't you see it?"

"Ha? Sarili ko? Syempre makasalanan tayong lahat dahil binuhay tayo ng-

"Don't go to the topic of bible, what I'm saying is this," sabay turo sa sarili ko.

Ano ka na naman Sir, hindi ko na talaga gets ang pinagsasabi niyo.

"Ako? Ito na naman, diretsohin niyo nga ako,"

"Huwag na mapapahiya ka lang so final, minus -300 jennifer,"

"P-

"Just go to my office if you have any questions,"

Aba gag* 'yun ah, bakit hindi niya pa sabihin rito, ganon ba ako nakakahiya para hindi niya sabihin sa lahat.

Bumulong sakin si Patrick na ikina-inis ko na naman.

"Ano ba ginawa mo? Minus three hundred ang laki ah, pero 'yung grad-

"Tumigil ka ang ingay mo," saad ko sakanya.

"Ayy okay, cold ka gurl?" asar niyang wika.

Nang matapos ang group project namin ay nag-lunch na ako.

Hindi ako kakain, pupunta ako sa office para ipaglaban ang grades ko, hindi maaari 'yun.

Walang basihan ang ginagawa niyang pag-minus.

Kumatok ako.

"Come in," saad ni Sir.

"Narito ako para mag-reklamo," sabay upo.

"Para saan? Sa grades mong basura oh sorry it's my mistake,"

Nang-aasar ba 'to? Sarap mong patungan Sir este batukan.

"Ano ba talaga ginawa kung mali? Na hindi niyo masabi sa lahat? kung hindi mo sasabihin baka isumpa kita,"

"Secret,"

Pumunta ako rito para sa grades ko tapos sasabihan niya ako ng secret aba gag* 'to gusto ko na talaga siya suntukin.

"Kung hindi mo sasabihin mag-rereklamo ako sa head," panakot ko sa kanya.

"Fine. it's just a joke don't take it seriously,"

Aba mabuti at sinabi mo 'yung totoo, nakakagulat ka kahit wala akong kasalanan sinasabi mo talagang meron.. sinungaling na Teacher!

"Alis na po ako Sir," sabay lakad.

For the first time hinayaan niya akong lumakad na hindi na tinatawag ang pangalan ko.

Nakita ko si Edrian na nakatayo parang hinihintay ako, pero 'wag masyadong assumera.

"Bakit ka nandito? May hinihintay ka?"

"Ikaw," ikli niyang sagot.

So 'yon nga ako pala hinihintay niya, sino pa nga ba si Princess? na kontrabida.

"Ganon ba tara na," yaya ko sa kanya.

"Wait, may sasabihin ako,"

"Ano 'yun?"

"Nakalimutan mo yata,"

"Nakalimutan? Ang ano?"

"I see," sabay ngiti na parang dissapointed.

Nakalimutan ang ano kaya? Mag-isip ka Jennifer nagiging lusyang nako dahil sa pagkakalimutin ko.

Nabigla ako dahil may naalala ako.

"Birthday mo ngayon?!"

"Yup, gusto kung pumunta ka sa party ko this night," sabay ngiti.

Buti at hindi na siya cold nakahinga ako r'on.

"Syempre pupunta ako,"

"Promise?"

"Oo, promise!"

Masaya kaming naglakad pabalik sa classroom, bumalik 'yung dating kami.

Ngayong gabi na gaganapin ang party ni Edrian excited ako para sa kanya.

Sinabihan niya akong pwedeng magpasama basta ako, wow iba 'yung appeal ko sa kanya.

Sasama si Patrick sakin, mabuti na 'yun na may kasama.

"Uyy beng. Ano ba maganda suotin sa party? Tuxedo ba? Pero wala ako non sigurado puro mayayaman bisita niya,"

Oo nga rin, 'yan rin naisip ko kaya dapat maganda 'yung susuotin namin sa party ni Edrian.

Teka si Sir gusto niya bang sumama? Ay baka hindi nah may gagawin pa siya.

"Ako ng bahala sa susuotin niyo," saad ni Edrian na ikinagulat namin.

"It's my birthday so I should treat my guess," sabay ngiti.

"Ayun beng! Hindi na natin kailangan ma mroblema."

"Salamat Edrian," sabi ko sa kanya.

"You're welcome always my princess,"

Biglang sumapaw si Patrick.

"Ayy. Ano 'to bakit maypa-princess na naganap rito?"

Tumahimik ka diyang bakla ka, kahit papaano tumawa naman si Edrian.

Nakalipas ang ilang oras, pumunta kami sa bahay ni Edrian na ngayon ko pa nakita kung gaano ka laki.

"Iba 'to, ang laki ng bahay niyo Edrian," manghang sabi ni Edrian na pati rin ako ay na mangha.

"Tama nga hinala ko richkid ka," biro kung wika.

"It's all yours now,"

"Ha? Sino tinutukoy mo?" tanong ni Patrick.

"I'm talking about Jennifer not you," magka-away pala ang dalawa.

"Oops. Teka muna ikaw patrick rito ka sa tabi ko para hindi kayo mag-away,"

Nagulat ako ng bigla niya akong hinila palapit sa kanya.

"Bakit ako pa ang lalayo kung pwede naman siya," saad ni Edrian, nagbibiro ba 'to sa sinasabi niya?

"Ayy sanaol, okay sige na, ako na 'yung thirdwheel, ayos lang Jen total bday niya pagbigyan mona,"

"Sige,"

Ngumiti si Edrian sakin at sabay lakad na kasama ako, naiwan mag-isa si Patrick sa hall.

"Ako nalang mag-isa kung maghahanap kaya akong ng chix rito,"

"Sakto may gwapo sa bandang 'yun, makapunta nga,"sabay lakad.