Chereads / Gusto Kitang Maging Jowa Sir! / Chapter 7 - Chapter 6: New Girl

Chapter 7 - Chapter 6: New Girl

Ayon umalis siya, napaka walang kwenta ko naman para utusan siya.

Napatingin ako sa harapan, si Sir pala na nakatayo.

Nakatingin ito sakin, biglang nanginig ang buong kamay ko.

"Bakit ba 'to nakatingin sakin na parang nagagalit," sabi ko sa sarili ko.

"Jennifer?"

"B-bakit?"

"Hindi mo ba 'to nakikita?"

"Ang alin?" tanong ko.

"Yung basura sa tapat mo, hihintayin mo pa bang ako ang kukuha niyan?"

Agad ko itong pinulot dahil umiba 'yung tuno ng boses ni Sir parang galit.

Matapos kung pulitin ay napansin ko parin na nakatingin ito sa akin.

Umupo nako, syempre tapos nako sa pinagawa niya wala ba akong karapatan para umupo.

"Jennifer,"

Ano na naman Sir?? Nakakapagod na po panay tawag sa pangalan ko, sabihin niyo na kasi na may gusto kayo sakin, ay charot.

"Ano?"

"Wait me kapag natapos na ang klase,"

"Bakit po?"

"Ako na ang hahatid sayo," sabay alis.

Umiba ata simoy ng hangin, may gana na siyang sabihin 'yun.

Nakita ko si Edrian na may dala-dalang snacks, 'yung mga sinabi ko binili niya talaga, ngumiti ito sa akin.

"Here, so don't be sad okay?" sabay abot, agad ko naman itong kinuha.

"Salamat!" nabigla ako ng makita ko si Sir na nakatayo malapit sa pintuan na parang naiinis or nagagalit akala ko ba umalis na siya.

Pero iniba ko agad ang tingin ko, tumingin ako kay Edrian at ngumiti.

Kumain ako hanggang sa maubos hindi ko pa nga siya binigyan sa pinamili niya HAHAHA.

Biglang nagsalita si Edrian, pero bakit nakatingin parin si Sir sakin may mali ba akong ginawa? Hindi pa naman class hour ah.

"Jennifer, can you attend on my upcoming birthday?"

"B-birthday? Syempre! Kailan ba 'yan? Akalain mo magb-birthday 'yung kaibigan ko," masaya lang talaga ako para sa kanya.

"It will happen on friday, it will be an big event and you're my special guest," sabay ngiti, feeling ko tuloy ang special kung tao.

"Asahan mong pupunta ako!"

"Thanks a lot, no need sa regalo, ang importante pumunta ka,"

Wala rin naman akong budget mahirap lang kami, mukhang mas okay kung a-attend nalang ako kaysa hindi pumunta magbibigay pa ako ng regalo.

"Edrian!"

Napalingon kami, babae?

"Oh Martha? Pano ka nakapunta rito??" sabay ngiti, ang laki ng ngisi niya girlfriend niya ba 'to?

"Well, buti pinayagan ako at tsaka I'm the fiancé sa anak ng head, wala ba akong karapatan?"

What head? So it means sya 'yung magiging asawa ng baddass na si Scott.

Magkaibigan pala 'tong dalawa.

"By the way, sino 'tong girl nato? Is this your girlfriend? She's pretty ah,"

"A-ahh, not yet she's my friend she's Jennifer," pagpapakilala niya.

"Ahh I see, hello Jennifer I'm martha, Edrian's cousin,"

Ay pinsan niya pala, maling akala pala 'yung kanina sa bagay ipapakasal pala siya kay Scott.

"I'm Jennifer, kaibigan niya." sabay ngiti sa totoo lang nakakailang 'yung sitwasyon ngayon eh.

"Sorry, napagkamalan ko kayong mag-couples, okay see you later guys kailangan ko pumunta opisina ni grand pa,"

"Mag-ingat ka," sabay ngiti ni edrian.

Lumakad na ito papalayo, parang mayaman 'yun ah. sa kasuotan palang ang astig maraming alahas.

"Edrian, siya pala 'yung magiging asawa ng anak ng head rito sa school?"

"yes, they are destined since when they are young," saad nito.

"Ahh okay,"

Ganoon pala, sa pagkaka-alam ko kay Scott napaka-aroganteng tao, 'yan talaga ang hindi ko gusto sa mga tao.

Pumasok na si Sir kaya napatigil kaming lahat.

Nag-aral kami, grabeh napaka hirap ng discussion I mean mahirap intindihin.

"Jennifer, can you answer this problem?"

"A-ano sir!?" nabigla ako, hindi ko namalayan na naka-iglip ako ng tulog.

"I said answer this,"

Pumunta ako sa blackboard na sabay kamot sa ulo ko, nakita ko si Edrian na parang chine-cheer up ako.

"Kaya ko 'to," sabi ko sa sarili ko.

Sinubukan ko, sana tama 'to.

"Wrong, hindi ka ba nakikinig sa discussion? That's the effect of being lazy in the class, walang natutunan," padabog itong binura, ngayon ko pa 'to nakita kay Sir, parang galit siya eh, saan ba?

Natapos na ang class, may narinig akong chismiss sa labas.

"Alam mo 'yang si Jennifer pabida talaga,"

"Oo nga eh, sana ma-kick siya ng tuluyan, hindi pa ba sapat 'yung ginawa natin last time, 'yung suspension nag-reklamo pa tayo sa head,"

"Mga mahina talaga,"

S-sila nagpakana? Aba mga gago 'to ah.

Lumapit ako sa kanila na galit na galit.

"Kayong dalawa, anong sinasabi niyong suspension??"

"Oo, suspension para kahit isang araw mawala ka sa paningin namin," saad ni Ms. Secretary, plastik pala 'to.

"Tama na Princess, hali kana," wika ni Joy kay Ms. Secretary.

"Teka aalis kayo? Hindi pa nga ako nakakaisa sa inyo, eh," hindi na ako nagpadalos-dalos pa, agad kung sinuntok si Princess dahil sa galit sinunod ko na ang Joy na 'yun.

Suspension? Dahil sa ginawa ko ngayon, wala akong paki sino ba naman hindi magagalit niyan.

Napahawak sila sa kanilang mukha, rito ako natawa dahil nasaktan sila.

"Mga mahina, kayo ang totoong mahina, gumagamit ng tao para makaganti ng isang tao," sabay alis.