Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

PRACTICING my first real kiss

🇵🇭Vanessassy
--
chs / week
--
NOT RATINGS
13.8k
Views
Synopsis
Mars Ochoco wishes for nothing but to have her treasured first kiss with her crush, When ditzy Mars Ochoco got herself rejected by her long-time crush, Ezekiel Bautista, fate brought her heartbroken self to her dashing but arrogant classmate, Mark Villareal. He offers Mars an unconventional deal that she can't seem to refuse: teaching her how to kiss to help her win her crush back. But can Mars really trust a deal where she has nothing to lose but everything to gain?
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1: The First Kiss

Ano nga ba talaga ang first kiss? 'Yon ba 'yong kiss ng parents mo? Ng kapatid mo? Ng mga pinsan mo? O ng girl friends mo? O ng kahit sinong lalaki dyan sa tabi-tabi? Nako! H'wag naman sana ang panghuli dahil magmumukha akong cheap! Siguro nga posible rin 'yong panghuling sinabi ko. Pero syempre, dapat sa isang taong maaaring may gusto ka o sadyang may malisya ang pagkakahalik niyo sa isa't-isa.

Hindi rin sa cheeks, noo, leeg, baba o kung ano-anong parte ng katawan ang tinutukoy kong hahalikan. Syempre, sa lips natin! Paano naman kung hindi sinasadyang mahalikan ka? Considered ba 'yon? Hindi naman siguro, 'di ba? Pero paano mo naman masisiguradong romantic ang first kiss mo kung hindi ka pa nakakahalik ng iba? Considered rin ba if you're "practicing" it with another person?

Hay nako! So many questions, so little time! Twelfth grade na ako at wala pa rin akong first kiss! Marami ngang gwapo sa paligid ko pero kung hindi sila taken, mga bading sila. Kung hindi naman sila bading, mga suplado sila!

Oo, mga nakakainis na suplado. Lalo na si Ezekiel Bautista! Naturingang pogi, napakasungit naman! Pero siya lang talaga ang pinangarap kong maging first kiss. Seventh grade pa lang kami, crush ko na talaga siya.

Pero kahit sungit-sungitan niya pa ako, hinding-hindi ko siya tatantanan hangga't hindi ko siya nahahalikan. Oo na, cheap na kung cheap. Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos na magka-partner kami sa Physics Lab, pati na rin ang pagiging escort niya at muse ko sa section namin, hindi talaga maiiwasang mag-intensify ang pagkakaroon ko ng crush sa kanya. Nako, kung ano-ano na ang pinagsasabi ko! Bakit ba kasi nagustuhan ko pa siya?

Pero napukaw nila lalo ang atensyon ko nang biglang umiyak si Jillian at nag-walkout si Ezekiel. Papunta siya rito sa classroom, dire-diretso siya sa kanyang upuan niya tapos ay nagbuntong-hininga. Napansin niya atang nakatitig ako sa kanya. Lumingon siya at nagtama ang aming mga mata. Nakipag-eye to eye siya sa akin.

OMG. Eto na ba ang katuparan ng aking pangarap?! Pangarap na magkahiwalay na sila ni Jillian?

Nagulat ako nang tumayo siya at lumapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko habang nakatingin pa rin siya sa mga mata ko. Magki-kiss na ba kami? Kung panaginip ito... Lord, 'wag niyo na akong gisingin!

"Mag-usap tayo mamayang uwian. Hintayin mo ako dito sa classroom," sabi niya bago siya tumayo at lumabas ulit. Sinundan ko siya ng tingin. Nasa labas pa rin si Jillian at umiiyak pa rin ito. Dinaanan lang ni Ezekiel ito at tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. Lalo namang ikinaiyak ni Jillian 'yong hindi pagpansin sa kanya ni Ezekiel.

***

"OMG!!! Ang saya-saya! Uwian na!"

Napatingin sa akin ang mga kaklase ko na parang nababaliw ako. Mabuti na lang at wala si Ezekiel, kundi inirapan na ako non.

Nasaan kaya 'yon? Bakit kaya siya nag-cut ng klase? Nagulat ako nang biglang may bumatok sa akin.

"Ano naman 'yang pa-tili-tili mo dyan?" tanong ng epal kong kapatid na si Maria Florencia Ochoco, also known as 'Renz.' Actually kakambal ko 'to pero hindi kami magkamukha. Parehas lang kaming loka-loka pero mas maganda ako.

"Kasi naman, my dearest twin sister, mag-uusap kami ni Papa Ezekiel after nitong klase natin. Baka maisakatuparan na ang pangarap ko sa buhay!" sabi ko habang may napakalaking ngiti sa aking mga labi. Napatingin ako sa paligid at napansin kong kami na lang ang natira.

"Ate, kailan mo ba titigilan 'yang pangarap mong maging first kiss si Ezekiel? E parang ngayon lang ata niya nalaman na nag-e-exist ka!" natatawang sabi nito.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. "At least, alam na niyang nag-e-exist ako!" sabi ko habang tumataas-baba ang mga kilay ko.

Napakamot naman sa batok si Renz. "Nako! Kapag ikaw napaiyak dahil dyan sa pesteng pangarap mo, tatawanan talaga kita." Nginitian ko lang siya. "Hihintayin pa ba kita?" tanong niya habang kinokolekta ang mga gamit niya at naghanda ng umalis.

"Hindi na siguro, sister. Umuwi ka na. Magpapasundo na lang ako kay Kuya kung sakaling late na talaga," sabi ko habang inaayos na rin ang aking mga gamit.

Tumango naman siya. "Sige. Ingat, Ate, and good luck!" Bumeso muna siya bago umalis.

Tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko. Pumunta ako don sa teacher's table at inilapag sa sahig 'yong gamit ko. Matagal pa ba bago dumating si Ezekiel? Baka mamaya ay ugatin na ako rito kahihintay sa wala.

Umupo ako sa ibabaw ng teacher's table. Nakaharap kasi ito sa pintuan, mas madadalian akong makita kung paparating na si Ezekiel. And after 30 minutes of waiting, dumating din siya. Saan ba siya nanggaling? Bakit ang tagal niya?

"Sorry na-late ako," sabi niya habang nakayuko at nakahawak sa kanyang mga tuhod. Humihingal-hingal pa siya.

"Ayos lang," sagot ko. Nginitian ko pa siya for good measure. "Saan ka ba nanggaling?" tanong ko sa kanya habang pinapanood ang pag-upo niya sa armchair, medyo malayo siya sa akin. Napabuntong-hininga siya sa hindi malamang dahilan.

"Hinatid ko pa kasi si Jillian. Hindi niya kayang umuwi habang umiiyak at mag-isa," paliwanag nito. O, teka... 'di ba...?

Pinutol niya 'yong itatanong ko. "Break na kami? Oo, at ikaw lang ang nakakaalam," sagot nito na parang nababagot.

Napatingin ako sa kanya. What's wrong with him? "A-Anong ibig mong sabihin, Ezekiel?" Napataas ang kilay ko sa sagot niya.

Katahimikan. Silence. Binalot kami ng awkward silence. I think I should speak na, ang awkward e. Ang gulo ko!

"Ano nga pala 'yong gusto mong sabihin sa akin?" tanong ko sa kanya. Tiningnan ko siya ng mabuti.

Napatingin rin siya sa akin, 'yong tingin na parang may naalala. Tumayo siya bigla, lumapit pero hindi naman gaanong kalapit. "Nag-break kami ni Jillian dahil sa'yo," sabi nito.

Say what?! Dahil sa akin? Bakit naman?

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko. "Dahil sa'kin? Papanong dahil sa akin?!" Grabe. M-May gusto rin ba siya sa akin?

"Oo, dahil sa'yo. Alam kasi sa buong school na may gusto ka sa akin."

What?! Dahil lang don? May problema ba sa utak si Jillian? Ano naman kung may gusto ako, 'di ba?! Tsaka, hello? Swerte niya nga dahil girlfriend siya, ako hanggang daydream lang!

"Dahil lang don? Baka naman may—" Pinutol niya ulit ang sasabihin ko. Aba, kanina ka pa, ah!

"May gusto ako sa'yo? Asa. Hinding-hindi kita magugustuhan." He smirked. Ouch. Dahan-dahan naman sa pananalita! "Ginamit ko lang ang pangalan mo sa pakikipag-break ko kay Jillian. Sakal na sakal na kasi ako sa kanya," paliwanag nito. Malinaw na hindi siya nakakaramdam ng hiya sa sinasabi niya.

W-Why? Bakit ako pa? Bakit sinasabi niya sa akin 'to ngayon?

Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang boses ko pero I still managed to speak. "Bakit mo sinasabi sa akin 'to ngayon?" My cheeks were wet. Umiiyak na pala ako. Dyahe!

Then off he went.

Natulala naman ako. Akala ko ngayon matutupad ang wish kong magkaroon ng first kiss. First major heartbreak pala ang mapapala ko ngayon. Kung alam ko lang, sana sumabay na lang ako kay Renz. Kawawang Mars! Basted. Nakakahiya.

Hindi ko namalayang nagdidilim na pala ang paligid at nakaupo pa rin ako rito sa teacher's table. Umiiyak pa rin ako dahil sa mga sinabi ni Ezekiel. Ang sakit kaya! Akala ko talaga... nako! Mukhang mamamaga ang mga mata ko nito. Tatanungin ako ni Mama at Papa pati na rin si Kuya at si Renz kung anong meron. Ano na lang ang sasabihin ko? Sesermunan na naman ako ni Papa panigurado.

Nagulat ako nang biglang may pumasok sa pintuan. Si Ezekiel!

Ay, hindi pala. Teka—kaklase ko rin 'to. If I'm not mistaken, best friend 'to ni Ezekiel. Baka pinabalikan niya ako!

Nakakunot ang noo niya. "Ala-sais na ah. Ano pa ang ginagawa mo dito?" tanong niya habang nakatayo malapit sa pinto.

"W-Wala lang. Ikaw? Bakit nandito ka pa?" tanong ko pabalik sa kanya.

Sabihin mong pinabalikan ako ni Ezekiel! Sabihin mo! Sabihin mo!

He shrugged. "Tatambay lang, kakagaling ko lang ng practice." Ay, so much for assuming. Varsity nga pala 'to. Ano nga palang pangalan nito?

"Ano nga palang pangalan mo?"

Napakamot naman siya ng batok nang marinig ang tanong ko. Ngumiti siya ng pagkalaki at nagsalita, "Mark Villareal at your service, Marciana!"

Utang na loob. Ayoko sa lahat, 'yong tinatawag ako sa totoo kong pangalan! Pinigil kong huwag ipakita ang inis ko.

"Mars na lang itawag mo sa akin. Mars Ochoco," sabi ko habang nakangiti. Napansin kong nakatitig siya sa akin. May dumi ba sa mukha ko? OMG. Baka tumutulo ang sipon ko! "Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko sa kanya.

Napakunot ulit ang noo niya, parang nagtataka. "Umiyak ka ba?" tanong niya.

Napahawak naman ako sa magkabilang pisngi ko. Hindi pa pala ako nakakapagpunas ng luha at sipon! Mabuti na lang at medyo madilim na.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya ulit nang hindi ako sumagot. 'Di rin siya feeling close 'no?

This time, ako naman ang nagkibit-balikat. "'Yong kaibigan mo kasi, pinaiyak ako," sagot ko.

Napataas 'yong kilay niya. "Sinong kaibigan? As far as I know, walang nagpapaiyak ng babae sa barkada ko," sabi pa nito. Halata rin sa mukha niya ang pagtataka.

Napasinghot ako ng sipon. "Si Ezekiel. So, ayan. Meron ka nang kilala sa barkada mo na nagpapaiyak ng babae," sabi ko habang naiiyak ulit. Unti-unti siyang lumapit.

"Anong ginawa niya sa'yo?" tanong niya, nakasimangot.

This time, hindi na ako nakapagpigil pa at umiyak na ulit ako. "Ginamit niya akong dahilan para maghiwalay sila ni Jillian. Tapos binasted niya ako." Humagulgol ako. Nakakahiya kayang mabasted!

"Ang sama niya, 'di ba? Nagpaiyak siya ng dalawang babae within a day? Paano ako nito bukas? Baka awayin ako ni Jillian! War-freak pa naman 'yon!"

Natawa naman siya sa mga sinabi ko. Pero ako naman etong si sawi, iyak pa rin nang iyak. Hindi pa rin siya tumigil sa pagtawa.

"Tumahan ka na nga. 'Di bagay sa'yo umiiyak!" sita niya sa akin. Nang-iinsulto pa ata 'to!

"Oo na! Hindi na bagay kung hindi bagay! Pangit na kung pangit! Nang-iinsulto ka pa, umiiyak na nga ako!" pagmamaktol ko na parang bata na inagawan ng candy.

Lalo siyang natawa sa pag-iinarte ko.

Lumapit siya pero natalisod siya sa bag kong nakaharang sa sahig. Na-out of balance siya at na-trap ako sa pagitan ng mga braso niya at na-trap ang lips ko sa lips niya.

Ang first kiss ko! OMG.

Parehas kaming hindi nakagalaw, but our eyes were wide open! Super wide! Hindi pa rin kami gumagalaw at nakadikit lang talaga 'yong lips namin. He suddenly closed his eyes then moved his lips! I don't know why or how but my lips seemed like they were moving too. Napapikit na rin ako sa hindi malamang dahilan!

I found myself wrapping my arms around Mark's neck while kissing him. He stopped but he didn't move. Ako naman, na-realize ko na ang cheap ng ginawa ko kaya naitulak ko siya. Nagulat siya at napaatras. Napatulala ako sa kanya habang hawak ang mga labi ko.

What the hell just happened?!

"Wow," sabi niya na habang naghahabol ng hininga.

Napatingin ako sa kanya. Anong sinabi niya?! "Anong sabi mo?!" sigaw ko sa kanya. Nakangiti pa rin siya sa akin. Hindi ko alam kung nang-iinis siya o ano!

Lumapit ulit siya sa akin. "Ang sabi ko, 'Wow'," sabi pa nito. "First time mo 'no?" tanong nito habang nakangisi.

Napaatras ako at tumama ako sa teacher's table. "P-Paano mo nalaman?!" tanong ko. Napakagat ako sa lower lip ko. OMG! Nakakaasar 'tong lalaking 'to! Napatingin siya sa lower lip ko kaya tinigilan ko ang pagkagat dito.

"Hindi ka kasi marunong humalik," sabi niya sabay tawa, as if natural na bagay lang 'yong tinutukoy niya. First kiss ko 'yon! Sacred para sa akin 'yon 'no!

Nanlaki ang mga mata ko. "Ang yabang mo! Hindi ka nga nagpapaiyak ng babae, nanghahalik ka naman ng basta-basta!" sigaw ko sa kanya. Grabe, feeling ko puputok na ang butsi ko!

Pinulot niya 'yong bag niyang nahulog din sa sahig dahil sa ka-clumsy-han niya. Naglakad siya palabas ng classroom, pero bago siya umalis, may pahabol pa siya. "Pero, infairness, ang sarap mong halikan." Kumindat siya sabay alis.

Nanlaki ang mga mata ko lalo. Kinilabutan ako sa sinabi niya at sa pagkindat niya. Napatingin ako sa paligid. Saksi ang classroom na ito sa aking hindi inaasahang first kiss! Teka, madilim na. Makaalis na nga, baka may iba pang naka-witness non, ayoko ng banggitin at baka magpakita pa sa akin.

Napatakbo ako sa hallway dahil sa kaduwagan ko. Malas ko nga lang nang makita ko siya sa may gate. Nagyoyosi. Eew. Hindi ko na lang siya ulit tinapunan ng tingin. Hindi naman kami close para pagsabihan siya na masama manigarilyo.

"Hoy," narinig kong tawag nito.

May pangalan ako 'no! Tingin mo papansinin kita?

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad.

"Hoy!"

Hindi ko pa rin siya pinansin kahit na alam kong sinusundan na niya ako.

"Kapag hindi mo ako pinansin, ipagkakalat kong naghalikan tayo sa classroom."

Napahinto ako agad at tiningnan siya ng masama. Ano bang klaseng term 'yong ginamit niya?! Nakakakilabot!

He smirked at me. Inakbayan niya ako nang nakahabol siya sa akin. "Papansinin mo rin naman pala ako e," sabi nito matapos bumuga ng usok. Wow, nakaka-turn-off si kuya. Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin.

"'Wag ka ngang magyosi sa harapan ko! Ang baho-baho!" I hissed at him.

Nginitian niya ako matapos niyang itapon 'yong yosi niya. Gwapo sana e, mukha lang tambutso.

"May io-offer ako sa'yo," sabi niya.

Napatingin ako sa kanya at napaisip. Ano kaya 'yon? Dapat ko kaya siyang pagkatiwalaan? Hindi naman kasi kami close 'no!

"Ano naman 'yon?" tanong ko. "By the way, ihahatid mo ako sa bahay namin ha?" sabi ko sa kanya bago tumawid.

Nagulat ata siya sa sinabi ko kaya napahinto kami sa kalagitnaan ng pagtawid. He chuckled. "Kapal nito. Papahatid ka sa bahay mo?" tanong niya sa akin. Nagsimula ulit kaming maglakad.

Aba, aba, aba. Huminto ako sa paglalakad. Tinulak ko siya at inilagay ang mga kamay ko sa bewang. "Sino kayang mas makapal ang mukha sa ating dalawa? Ikaw nga 'tong hindi ko naman ka-close, hinalikan ako sa lips! Ni hindi nga tayo friends tapos aakbay-akbay pa sa akin ngayon?!" sigaw ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay.

Bumuntong-hininga siya at napakamot sa batok niya. "Oo na, ako na ang makapal mukha," he said, rolling his eyes. Inakbayan niya ulit ako at nagsimula na ulit kaming maglakad. "Pero gusto mo ngang malaman 'yong offer ko sa'yo?" tanong niya habang pinipisil-pisil niya ang balikat ko. Manyak talaga.

Inirapan ko siya. "Ano ba 'yon?" naiirita kong pagtanong. Naku-curious na ako r'yan sa offer na 'yan.

He smirked. "Tuturuan kitang humalik. Lahat ng klase ng halik. Tapos ilalakad kita kay Zeke para siya ang maging first REAL kiss mo," sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko.

Napataas ang mga kilay ko at napabuka ang bibig ko. "Nababaliw ka na ba? Ako? Tuturuan mong humalik?! E hindi naman tayo!" sigaw ko sa kanya. Tinanggal ko 'yong kamay niya sa balikat ko. Nakakarami na ng pisil!

Tumawa siya sabay siko sa akin ng pabiro. "Hindi ako nababaliw, okay? Kung 'yong pagiging hindi natin friends ang pinoproblema mo, madali lang 'yan. E di maging friends tayo! Close friends pa. Ganon kasimple!" pamimilosopo nito. Binilisan ko ang paglalakad ko para maiwan siya.

No such luck. Nahabol niya pa rin ako. "Pero hinding-hindi ko na magiging first kiss si Ezekiel," sagot ko sa kanya. "Dahil sa'yo! Dahil sa kamanyakan mo!"

"Bingi ka rin, 'no? Kaya nga first REAL kiss, 'di ba?" naiirita niyang tanong. "Siya ang iko-consider mong first. Utak naman!" paliwanag niya sa akin.

Ano ako, five years old?! Binatukan ko siya kahit napakahirap na challenge na 'yon. Matangkad kasi siya.

"Pasensya ha? Wala akong alam sa mga ganyang bagay!" sagot ko. Napasimangot ako habang nag-iisip kung papayag ba ako o hindi.

Natawa siya. Nakakahalata na ako, kanina niya pa ako pinagtatawanan. "Halata naman e. Wala ka ngang alam sa halik. Maski smack, wala!" Tawa siya nang tawa. Akala mo wala ng bukas kung makatawa. Hindi ko na lang siya pinansin. Titigil din 'yan.

Hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng bahay namin. Sobra kasi akong absorbed na absorbed sa iniisip ko. Napansin ko ring nakaakbay na ulit siya sa akin. Napakagaling na manyak talaga!

Tinanggal niya 'yong pagkakaakbay niya sa akin. "Ano? Nakapag-isip ka na ba?"

Huminga ako ng malalim. "Okay. Papayag na ako," sagot ko. Sana naman hindi ko ito pagsisihan.

Ngumiti siya ng pagkalaki-laki. "Yes! Wala ng bawian 'yan, ha?"

Tumango ako.

"Pero may kundisyon! Magiging girlfriend kita habang tinuturuan pa kita." Hinila niya ako bigla sabay hinalikan sa lips. Mabilis siyang tumakbo paalis at maya-maya lang ay huminto rin at humarap sa akin. "Bye!" he waved, grinning.

Ugh! Perv!

I stomped my feet then went inside the house.

Lahat ng klase ng halik? Teka, ilan ba ang mga 'yon?