Panibagong araw na naman pa ulit ulit lang din naman ang ganap sa buhay ko gigising, kakain, pasok ng school, uuwi ng bahay, kakain ulit saka matutulog halos ito lang yata ang nanyayare sa buhay ko. Ang boring no?
Hi ako nga pala si Jess 17 years old nothing special about me I'm just average person I live in Brgy. Isla Layag kung saan makikita ang kagandahan ng isang tulad ko, magisa nalang ako sa buhay dahil ulila na ako hindi ko nakilala ang magulang ko simula nung ipinanganak ako, basta ang sabi sa akin sa ampunan iniwan lang ako sa kalsada at may isang taong kinuha ako at dinala sa kanila. Kung tatanungin nyo ako kung nagagalit ba ako sa magulang ko na iniwan lang ako na parang basura sa daan ang isasagot ko lang ay "ewan ko" kasi hindi ko alam ang dahilan nila kaya parang naging normal na sakin na walang magulang pero hindi ko kasi naramdaman na wala ako nun kasi may mga taong tumayo bilang magulang ko marami silang nag paramdam sa akin na hindi ako ulila, na isa akong anak na walang magulang pero batang may pagmamahal sa mga magulang.
"Hoy! Jess gising na! diba papasok ka pa nandyan na yung guro nyo''
Na mulat ang aking mata ito na nanaman panibagong araw sa isang katulad ko.
"Oh lalabas ka na ulit jess musta mo ko kay mayora ha!"
"Jess ako rin send my love for her"
"Jess umayos ka ha wag ka tatanga tanga run!"
Ang saya talaga rito diba jess? Staying here for half of my life will be saw challenging.
"number 495-208 labas na tawag ka ng guro mo!! bilis!!"
"opo" tugon ko habang naglalakad sa hallway na iisa ang kulay para sa lahat, madilim na daanan at mga bakal sa paligid may katahimikan kapag sa gabi pero pag ganitong araw ang hinihintay ko ay isang tunog na kumakalansing upang ako ay palayain tama lumaya pansamantala.
"Nandito ka na pala napaka tagal mo naman ...pa libhasa lampa" bungad sa akin ng isa sa kasamahan ko, lumapit ako kay mayora ng biglang ihampas sa akin ang isang plastic na baso
"Manahimik ka dyan Lilang ah...at ikaw napakatagal mo naman di mo ba alam ang oras ha?" sigaw ni mayora
"Pasensya na ho, mayora di na mauulit"
"tsk o sya gaya ng dati eh masihin mo ko...bilis" agad akong sumunod sa kanya kung hindi baka mas lumala pa ang mga parusa ko na haharapin.
Isa lang naman yun sa natutunan ko sa aking guro sa mga kasamahan ko rito at sa nagsilbi kung mga magulang, dito sa lugar na tinuring kong tahanan ang kulungan. At pagiging kong kriminal ng bayan pero kung tatanongin nyo ako muli kung dapat ba kong magalit sa magulang kong nag abanduna sa akin muli kong isasagot ay "ewan ko" nasasaakin na siguro ang dahilan na hindi mahalaga. Hindi ako mahalaga kaya nila ako inabanduna kaya ako narito dahil sa kakahanap ko sa sarili ko na punta ako sa kamay na mapang abuso at humantong na nga dito sa tahanan kong itoring ang kulungan bukod sa pangalan kong jess ako rin pala si number 495-208 my case was murder. I kill my parents.