Chereads / That Nerd Is The Lost Sorceress / Chapter 2 - Chapter 1:The Errand Campus Nerd

Chapter 2 - Chapter 1:The Errand Campus Nerd

"Ma, alis na po ako" sabi ko kay mama kaya naman binigyan nya ako ng pera para pambaon ko sa school.Pumara ako ng tricycle sa daan at maya maya ay may dumaan naman kaya nakasakay ako.

Habang sumasakay ako sa tricycle ay minamasdan ko ang magandang panahon, ang malakas na simoy ng hangin at maiingay na mga bus at iba pa.

Nang makarating na ako sa school ay bumaba na ako at papasok na sana ako nang biglang dumating ang sasakyan ni Eldon, at pumarking sya sa parking lot ng school namin.

Si Eldon Verizon, ang Heartthrob Campus dito sa school namin, mayaman din sya at may malaki silang kompanya dito sa pilipinas Halos lahat ng mga babae dito ay inlove sa kanya.

Bumaba na sya sa sasakyan nya at pumasok na sya loob. Kaya sumunod na ako at dumiritso na ako sa room ko. Habang naglalakad ako sa hallway tumitingin na naman sila sa akin na parang nandidiri at walang interest kung tumingin kaya naman di ko nalang sila pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad.

Habang naglalakad ako ay may biglang pumatid sa akin kaya naman nadapa ako sa sahig, natilapon din ang salamin ko kaya naman hinahanap ko ito dahil medyo may kalaboan na ang mata ko, kailangan ko talaga ang salamin ko.

"I guess this is yours"biglang may nagsalita sa likod ko kaya naman lumingon ako at kinuha ko ang salamin ko sa kanya.

" salamat" tanging nasambit ko at umalis naman sya bigla kaya naman di na ako nag aksaya ng panahon at umalis na din ako upang di na sila maka bully sa akin.

Nakarating na ako sa room ko at wala pa naman si Mrs. Salmonte kaya naman bumasa muna ako ng Pocket Book upang di ako mababagot at maya maya ay dumating na ito kaya humanda na kami at bumati kami sa kanya.

"Magandang araw Ginang Salmonte" bati namin lahat kaya naman pinaupo na kami ni maam salmonte at nagsimula na sya sa pagtuturo nya.

"Ngayon itutuloy natin ang leksyon natin sa filipino tungkol sa pag iibigan nina Romeo at Juliet" sabi ni maam sa amin kaya nakinig malang kami sa kanya.

"Isang trahedyang pangyayari tungkol sa dalawang Bida ng storya dahil sa labis na pagmamahal at nang dahil din sa hidwaan ng pamilya nila"

Ang lungkot ng pag iibigan nina Romeo at Juliet nang dahil lang sa kanilang pamilya ay talagang mahihirapan sila sa kanilang sitwasyon. Kung nangyayari siguro yan sa totoong buhay ay talagang ang malas nila dahil may pumipigil sa kanila pero magagawa naman ang lahat kung mahal mo talaga ang tao.

Sa di kalaunan ay nag ring na ang bell, senyales ay mag break time naman kaya nagpaalam na si Mrs Salmonte.

Niligpit ko ang mga gamit ko at tanging ang pockets book ko nalang ang iniwan ko sa mesa upang basahin ko ito.

Nang magsimula na akong magbasa nang may biglang kumalabit sa balikat ko kaya naman lumingon ako at Di na ako magtataka kung sino yun.

"Heyy Nerd can you buy some Snacks for me, ahhm Us pala"Sabi ni Tiffany nasa likod din nya ang mga lady gang nya.

Si Tiffany Salcedo ang Mean Girl dito sa Campus, Very inlove lahat ang mga lalaki sa kanya ngunit si Eldon lang ang nagugustuhan nya.Maganda sya mayaman ngunit B*bo naman.

"Ahh sge wala naman akong ginagawa"pilit na sabi ko kaya ibinigay nya sa akin ang pera nya. lalabas na sana ako sa pinto nang marinig ko ang sinabi nya.

"Uto uto talaga, pero atleast may silbi naman"sabi ni tiffany kaya naman pinigil ko nalang ang galit ko at lumabas na ako room.

Nakarating na ako sa canteen kaya bumili na ako ng palagi nilang inuutos nila sa akin na snacks nila.

Iba talaga ang mga tingin nang mga babae sa akin para talagang may kasalanan ako sa kanila. Kaya umalis na ako nang ibinigay na nang counter ang inorder ko.

Habang naglalakad ako sa hallway ay nadulas ang isang paa ko kaya na out of balance at yun nahiga na naman ako sa sahig. Tinatawanan nila ako na dahil sa pagkalampa ko. Napakamalas ko talaga ngayong araw na to, wala man lang kahit kaunting swerte ngayong araw nato.

Di ko mapigilang umiyak na parang bata sa gitna ng hallway.

"Are you ok?, Let me help you"biglang may nagsalita sa harapan ko habang kinukuha nya yung mga binitbit ko kanina. di ko inaasahan na matutulungan nya ako sa ganitong sitwasyon. noon pangarap ko lang na makaharap sya ngayon naging katotohanan nah.