ENGLISH VERSION:
https://www.webnovel.com/book/what-a-pain-(mendokusai)_21816270205819405
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
TAGALOG RAW:
"Welcome sa Guidance Room, Mr Souma."
"Wait... Mr Souma nandito ka na naman!?"
'Eh? Hindi ko nga din alam ih. Lagi nalang akong napapatawag wala naman akong ginagawa, what a pain!'
Nakakamangha nandito rin pala si Ma'am Eli yung nagpatawag din sa akin dito dahil daw sa pangongopya ko sa mga kaklase ko.
"Anong ibig mong sabihin, Ma'am Emma?" Hays... Hindi ko naman talaga alam kung bakit nangyari yun. Napagbintangan lang ako.
"Yang lalaki na yan ay nangopya sa aking klase, mismo sa aking klase. Nahuli ko yan, Ma'am Eli at na guidance kahapon."
"Ganoon ba? Napaka suwail naman pala ng bata na ito."
Suwail? Sheesh sila nga yung nangongopya tapos ako pa nasisi baka pwede namang tanungin niyo yung mga katabi ko. Hays, ka umay. Gusto ko sanang magsalita ngunit tatadtarin lang ako ng mga tanong at baka hindi pa ako pag katiwalaan. Tapos hahanap pa ako ng proweba para maniwala sila isa nanamang gawain, wala namang cctv hays nakakaawa ang paaralan na ito. Kaya wag nalang ako magsalita nakakatamad at ayoko ng maraming hustle. Mendokusai!
"Sinabi mo pa, Ma'am Eli at alam mo ba balita ko rin na nangopya rin itong estudyante na ito sa klase ni Ma'am Victorian yung bagong math teacher." Just end this already
"Aba napaka walang modo naman pala ng batang ito pati yung bagong teacher ay nagawang pag kopyaan."
Nag chismisan pa sila, Ugh! Pakibilasan, please. What a pain!!
"Tignan mong bata ito, nagawa pang tumingin sa likuran kahit nandito kaming nasa kanyang harapan. Hindi pa kumikibo at walang balak atang makinig!"
Bilisan niyo na parang awa niyo na nakakabagot dito, I want to eat! I'm getting hungry sa pag-uusap niyo!
"Tatawagan ko na ang parents mo ha, totoy. Hindi ka naman nakikinig sa amin kaya hahayaan nalang namin ang iyong magulang ang kumausap sayo."
"Wa-wa-wa-wait! Magulang..." Wag naman!
"Nagsalita kana rin. Oo, ang tatay mo."
"Wa-wag naman po sana" Please, no.
"Kailangan na ito. Nung una sana kaka-usapin lang kita ngunit nung narinig kong nangopya kana rin sa iba mong mga teacher. Napagdesisyonan kong kausapin na ang magulang mo."
"Pe-" No... no.. no. no!
"AHHH! I DIDN'T DO IT! MENDOKUSAI!!!!!!!!!"
"!!!"
"Pinapatawag niyo daw ako." Yung boses na iyon!!
"Fa-fa-father?!" Oh, oh, oh no!!!!
"Yun, I think there's something we have to talk after this...?"
"Ye-yes, Dad! I can explain." I need to confess everything or Imma go to hell when I go home!
"Well then, let's hear it out." I hate to do this. But, I have to!
"Hindi po talaga ako yung nangopya kundi yung kaklase ko. Kung hindi ninyo mapapansin palagi akong nakatingin sa taas at minsan nakayuko sa aking lamesa ganoon nalang kasi ang aking ginagawa pagkatapos kung matapos ang aking test."
"Nung sinasabi niyo po na ako ay nangopya dahil nakayuko ako habang tumitingin sa papel ng kaklase ko. Mali po kayo dahil by any chance po nahulog yung papel nung kaklase ko malapit sa pinagkakayukuan ko at tiyempo niyong nakita na parang nakatingin ako at nangongopya ng sagot."
Finally! Tapos na rin ang explanation siguro makakaalis na ako at makakauwi ng mahinahon, hindi natatakot sa sermon ng aking ama pag uwi.
"Anong masasabi mo, Miss Emma."
"Hm... Malabo naman ang sinasabi mo, iho. Paniniwalaan ko pa sana yan subalit maraming beses ng nangyari." Sheesh tama nga naman nakakainis kasi napaka gagong nilalang nung babaeng yun!
"Hindi ko inaakalang sinungaling pala ang inyong anak, Mr Souma."
"Kaya nga po. Pag-paumanhin niyo na ho ang aking anak. Wag po kayong mag-alala pagsasabihan ko ang batang ito." Wala naman akong ginagawa, bakit ayaw niyo ako paniwalaan!?
"Mag-sorry ka, Yun." Hays... Kailangan pa ba talaga kahit wala naman akong ginagawa!
"Pasensya na po, per-" Gusto ko lang naman sabihin ang totoo, dad. Bakit ganyan ka makatingin, patay talaga ako mamaya.
"Ma'am Eli at Ma'am Emma!" That voice!????
"Aya, bakit mo ako hinahanap?" Aya anong kailangan mo dito!?
"Mali po kayo, hindi po nangopya si Yun!" W-WHAT THE?!!! EH, IKAW ANG MAY PAKANA NG LAHAT AT ALAM KONG SADYA MO ANONG KAGAGUHAN NANAMAN ITONG GINAGAWA MO?!
TUTULUNGAN MO AKO DITO PARA MAGKAROON AKO NG UTANG NA LOOB SAYO KAHIT NA IKAW TALAGA MAY DAHILAN KUNG BAKIT AKO NANDITO! WHAT A PAIN YOU ARE, AYA!!!
Well... that's how it started between the love story of me and Aya, the most annoying and troublesome person I've ever met. I still wonder... how did I fall in love with this such a pain, woman.
TO BE CONTINUE-