Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

he's into her ( fanmade)

🇵🇭blessiethepurple
--
chs / week
--
NOT RATINGS
4.6k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - he's into her ( chapter two)

WEBNOVEL's writing platform-INKSTONE can realize your creative dream and connect you with readers all over the world with words. You can also visit https://inkstone.webnovel.com Create on the PC.

Site iconMAXINEJIJI

CHAPTER TWO

Advertisements

MAX'S POV

"YOU!" Itinuro ako ng lecturer sa unang klaseng pinasukan ko. "Stannap!"

"Stand up daw, 'teh," bulong ng baklang katabi ko.

Napabuntong-hininga na lang ako. "My name is Max," I said in front of the class. "Please teach me well." Palibhasa'y unang araw ng pasukan, lahat ng klase ay puro pagpapakilala lang.

"That's it?" asked the lecturer.

"I've no more to say, sir." I replied and went back to my seat.

"Nonsense," I heard the lecturer said angrily.

Hindi ko akalaing ganito ang kaganda ang bungad sa 'kin ng unang araw ng klase. Pagkarating ko palang ay may pumatid na sa 'kin. Bukod doon ay mukhang hindi maganda ang impression sa 'kin ng mga lecturers. Ang karamihan ay hindi kagandahan ang paraan ng pagtingin sa 'kin.

"Hi!" Nilingon ko ang bumati mula sa likuran. "I'm Michiko." Inilahad niya ang kamay sa 'kin.

"Max," nakipagkamay ako.

"I know, we're classmates," nakakatuwa ang ngiti niya. "Let's have lunch together!"

"Sure," pilit ang ngiti ko.

"Dito tayo," itinuro ni Michiko ang unang mesa pagkapasok sa canteen. "Ito ang table namin ng mga kaibigan ko," aniya habang inilalapag ang gamit. "Mauna ka nang um-order."

Tinanguan ko lang siya saka ako dumeretso sa line. Um-order ako ng chicken spaghetti, sandwich at juice. Saka ako humilera sa mga nakapila papalapit sa kahera.

"115 pesos," anang kahera habang nagpipindot sa makinang kaharap niya. Inilabas ko ang bayad at iniabot 'yon sa kaniya. "Ano 'yan?"

"Bayad," kaswal kong sabi.

"Hindi kami tumatanggap ng cash dito. Hindi ka ba dumaan sa orientation?" nagsimula itong magtaray na ikinakunot ng noo ko.

"Miss, 'eto na," anang pamilyar na tinig ng lalaki. Mula sa gilid ko ay nakita ko ang kaniyang braso. Si Siopao. "Pakisama na rin 'tong sa kin," aniya saka nagbaba ng tingin sa 'kin at ngumisi. "Ibalik mo na lang sa 'kin kapag okay na. Doon ang table namin." Isinenyas niya ang mesang nakahiwalay sa karamihan.

Napabuntong-hininga na lang ulit ako. Mukhang wala na akong choice dahil hindi takot magtaray ang kahera. Nang abutin ko pabalik ang card ay binuhat ko na ang tray at dumeretso sa table na itinuro ni Siopao.

"Thanks." Inilapag ko ang card sa mesa. "I'll pay you later–" Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin nang hampasin niya pataas ang ilalim ng tray. Lahat ng pagkain ay patalon na tumapon sa akin. Mula sa mukha ko ay dahan-dahang nahulog ang spaghetti noodles sa damit ko.

Mabilis na umugong ang matinding tawanan, hiyawan at bulungan sa paligid ko. Wala akong nagawa kundi ang mapapikit sa pagpipigil ng inis.

DEIB'S POV

SA KABILA ng ginawa ko ay parang ako pa rin ang nainis. Wala pa ring kareareaksyon si Taguro. Hindi man lang nagbago ang reaksyon sa mukha niya mula nang pumasok siya ng canteen. Iisa lang ang reaksyon ng mukha niya, blangko. Blunted affect.

May saltik yata 'to, eh.

"What did you do, Deib?" singhal ni Lee.

"Just shut up and let's go." Nginisihan ko siya saka ako nangunang tumayo. Aligagang sumunod ang mga kaibigan ko. Nakangisi kong tinapunan ng tingin si Taguro saka ako naglakad papalayo.

"Teka, si Lee," pigil sa 'kin ni Tob.

Inis kong nilingon si Lee na noon ay hindi ko akalaing lalapit kay Taguro. "Tch! Superhero talaga 'yang kaibigan mo," angil ko kay Tob.

"Loko ka, napahiya 'yong babae!" tatawa-tawang aniya.

Nakangiwi akong nagkibit-balikat. "She messed with the wrong guy, 'dre. That's her karma." Saka ako ngumisi. Nainis lang ulit ako dahil nandoon pa rin si Lee. "Let's go, Lee Roi!"

Tiningnan kong muli ang babaeng 'yon. Napasinghal ako ng pagtawa pero ang inis ay nandoon sa mukha at isip ko. Hindi ko magawang alisin agad ang masamang tingin sa kaniya.

Ang lakas ng loob mong manapak ng gwapo, ah? 'Yan ang bagay sa 'yo. Tch.