Matapos silang kumain ay busog naman ang lahat lalo na sina Li Xiaolong, Li Jianxin at Night Spider. Parang di mo nakita kung paano ito tumanggi sina Li Jianxin at Night Spider ngunit ng matikman nila ang luto ng ina ni Li Xiaolong na si Li Wenren ay halos mag-agawan pa ang mga ito. Napakasustansya kasi ng pagkain lalo pa't sariwang mga gulay at mga pananim mismo ang niluto nila na siyang makakatulong din kina Li Jianxin at Night Spider. Pero ang pinakamatakaw sa lahat ay si Li Xiaolong dahil makailang plato pa ang nakain nito bago tumigil.
"BURRPPP!!!!"
Sunod-sunod na dighay nina Li Qide, Li Jianxin, Night Spider at ni Li Xiaolong.
"Masarap ba ang niluto ko?!" Tanong ni Li Wenren sa mga taong nasa hapag-kainan nila ngayon na sina Li Qide na asawa niya, si Li Xiaolong, Li Jianxin at Night Spider.
"Oo naman mahal, ikaw kaya ang may pinakamagaling na skill sa pagluluto." Masayang tugon ni Li Qide sa kaniyang magandang asawa.
"Ay sus, nambola ka pa mahal eh." Medyo may kilig na pagkakasabi ni Li Wenren.
"Ay opo Tita Wenren, kayo po talaga ang thea best na tagaluto ng Li Clan. Walang duda, ililipat ko na sa'yo ang korona." Masayang pagakasabi ni Li Jianxin habang animo'y may invisible na korona ito at mabilis na inililipat kuno sa ulo ni Li Wenren na siya namang game na sinabayan ng ina ni Li Xiaolong.
"Mukhang napasubo po ako sa pagkain Tita ah. Medyo istrikto kasi sa lugar namin kaya medyo walang lasa ang pagkain namin doon hahaha." Sambit ni Night Spider habang medyo may lungkot pero napatawa na lamang ito.
"Ah ganon ba iho? Pwede ka namang pumunta rito kung gusto mong lutuan kita ng masasarap at masustansiya mga pagkain." Masayang Sambit ni Li Wenren habang makikitang bukal sa loob nito ang kaniyang sinasabi.
"Ahaha... Wag na po Tita masyado na akong nakaabala po sa inyo eh hehe..." Nahihiyang sambit ni Night Spider habang nagkamot pa ito ng kaniyang batok.
"Ah ganon ba, sayang naman pero kung may oras ay bukas ang aming maliit na tahanan para sa iyo iho lalo ka na iha." Malumanay na sambit ni Li Wenren habang makikita ang saya at tuwa nito sapagkat nasarapan ang kaniyang bisita sa kaniyang nilutong pagkain.
Namula naman si Li Jianxin dahil medyo nahiya siya. Masarap talagang magluto ang tita niyang si Li Wenren kaya nga hindi nangangayayat ang pamilya nito kahit simple at mahirap lamang ang pamumuhay ng mga ito. Hindi mo mababakasan ng problema ang tahimik na pamilyang ito.
"Okay lang po Tita... Aalis rin kasi ako ilang araw mula ngayon kaya kailangan ko ring magbantay at magsanay. Pero sa susunod Tita ay siguradong babalik ako at makikikain hehe." Natatawang sambit ni Li Jianxin na animo'y medyo nilalabanan ang hiya at awkwardness na nararamdaman nito.
Maya-maya pa ay nagsalita si Li Xiaolong sa isang bahagi ng lamesang nakaupo ito.
"Ako ba mama, di mo ba ko tatanungin kung masarap ba ang luto mo o hindi?!" Sambit ng inosenteng si Li Xiaolong habang makikita ang nangungusap nitong mata.
"Ahh... Ehhh... Kailangan pa bang itanong ko yan anak?!" Sambit ni Li Wenren na nagtataka.
"Oo mama... Medyo okay lang naman yung lasa tapos medyo malabnaw at mapait yung gulay...BURRPPPPP!!!!" Pagsasalita ni Li Xiaolong ngunit mabilis itong malakas na napadighay.
"Hahahahahahahahahaha!!!!!!!!!"
Malakas na tawanan ang namuo sa buong lugar na kinatitirikan ng maliit na bahay. Makikita ang saya sa ngiti ng bawat isa.
"Hindi pala nasarapan sa luto ang anak ko hahahaha!!!" Halos maluha-luha na sambit ni Li Wenren.
"Hahahaha... Okay na sana Xiao xiao anak kaso yung dighay mo talaga yung nagpatunay hahahaha!!!" Maluha-luhang Sambit ni Li Qi dahil sa sobrang tawa nito.
"Oo nga Little Xiao... Medyo galingan mo yung aktingan mo ng konti, lumabas yung ebidensya eh hahaha...!" Tawang-tawa na sambit ni Li Jianxin habang hindi nito mapigilang tumawa pa ng malakas.
"Hahaha... Huli pero di kulong hahahaha..." Tanging nasambit ni Night Spider. Naalala niya ang eksaktong araw noon na ganitong-ganito rin ang nangyari sa kaniya.
Namula naman si Li Xiaolong sa hiya. Medyo papaiyak na sana ito nang tiningnan ni Li Wenren sina Li Qide, Li Jianxin at Night Spider na nagsasabing "itigil niyo yan."
Nataranta naman si Li Qide at mabilis itong lumapit sa kaniyang anak upang aluin. Kinarga niya pa ang anak nitong si Li Xiaolong at nagsalita.
"May bago akong libro para pwede mong gawing training bukas. Gusto mo ba yun?!" Sambit ni Li Qide. Isa ito sa pinaka-nakakapagtakang bagay sa lahat lalo pa't hindi parehas sa kaedaran nito ay kendi at mga pambatang bagay ang gusto pero ang anak niya ay kakaiba. Mahilig itong mag-training mag-isa at palagi rin itong tumutulong sa bukid. Pati mga Kalabaw at baka nila lalo na ang mga toro ay nakikipag-wrestling pa ang anak niya rito. Noong unang beses na nakita niya ay halos mahintatakutan pa siya pero ng makitang halos mag-agaw buhay at hindi makatayo ang mga ito sa anak niya ay halos nangilabot siya dahil limang taon pa lamang ito ngunit may ganoon na itong lakas ngunit nalulungkot rin siya dahil balang-araw ay mawawalay ang anak nila sa kanila.
Agad namang umaliwalas ang mukha ni Li Xiaolong at napayakap ito ng mahigpit sa kaniyang amang si Li Qide.
"Alam mo talaga pa ang gusto ko. Bigay mo na sakin pa ng mabasa ko na at matutunan ko agad hehe." Sambit ni Li Xiaolong habang nakangiti pa ito.
Napangiwi naman si Night Spider dahil sa kaniyang nakita. Sa edad niyang anim ay hindi na ito nagti-training at mas pinili pa nga nitong makipaglaro sa nga kaedaran niya pero ang batang ito ay tuwang-tuwa pa sa training na nasa isang ordinaryong manual.
Tiningnan niya si Li Jianxin upang kumpirmahin ang sinabi nito ngunit nabigla siya ng makitang nakatingin ito sa kaniya habang nakataas pa ang kilay ng magandang dalaga na animo'y nagsasabing "ano ka ngayon? Ayaw mo maniwala look?!"
Bumusangot naman ang mukha ni Night Spider habang makikita ang labis na pagkatalo sa mukha nito.
"Ano ba namang klaseng batang to?! Bata pa ba to?! Kung tama ang aking hinala ay siguradong malaki ang potensyal ng batang ito sa hinaharap." Sambit ni Night Spider habang makikita ang labis nitong saya sa mukha nito. Kung totoo kasi ang hinala nito ay siguradong uunlad ang pamumuhay ng Li Clan maging ang estado nito sa Sky Flame Kingdom.