Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Always Been You (Former Title: I Love You The Same)

🇵🇭carmielopezmckay
--
chs / week
--
NOT RATINGS
17.6k
Views
Synopsis
“The only stupid thing I did was letting you go without letting you know how much I felt for you.” Title: Always Been You Author: Carmie Lopez Genre: Romance Blurb Elizabeth is not the prettiest, not the sexiest, not the smartest girl in the campus but she’s the luckiest among the girls. Paano kasi, kaibigan lang naman niya ang dalawang lalaking popular sa school nila. Ang poging playboy na si Bruce, na kasundo niya sa lahat kalokohan at ang guwapong henyo na si Thad, na kasangga niya sa problema. Akala rin ng dalaga ay siya na ang pinakamasuwerte sa lahat pero… Nagbago ang ihip ng hangin nang ma-in love siya sa isa at nang ma-in love ang isa sa kaniya. Binasted niya ang isa at binasted siya ng isa. Ang gulo-gulo tuloy! Matuling lumipas ang sampung taon at maraming nagbago. Ang problema, nakapag-move on na ang lahat maliban sa kaniya.
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

"Kapitbahay, tabi tayo." Walang pakundangang kinuha ng dalagita ang bag na nakalagay sa katabi niyang upuan saka ipinalit ang sarili nitong bag. "Lina, kuhanin mo 'tong bag mo." Mabilis na lumapit si Lina sa babae saka kinuha ang bag. "Palit tayo ng puwesto tuwing aalis si Mrs. Caballero," tukoy nito sa adviser nila na nagtuturo ng Mathematics.

"Okay," mabilis nitong sagot.

Wala naman kasi itong choice kundi ang pumayag. Kahit mga kaklase nilang lalaki'y takot dito dahil malaki itong babae at matapang, maliban kay Bruce. Kung si Elizabeth ang siga sa mga babae, si Bruce ang katapat nito sa mga lalaki.

"Elizabeth, hindi ka talaga takot sa adviser natin?" Hindi nito pinansin ang kaniyang sinabi basta umupo ito sa katabing silya na kinauupuan niya. "Kung nakinig ka sa lecture kanina imbes na mag-drawing sana 'di ka pinalipat ng upuan."

Pinagalitan si Elizabeth dahil nahuli ito ni Mrs. Caballero na nagdo-drawing habang nagtuturo ang huli. Hindi 'yon ang unang beses na ginawa 'yon ng babae, sa sobrang dami'y 'di na niya mabilang. Pati sa iba nilang subjects ay ganoon din ang ginagawa nito. Active lang ito tuwing breaktime at lunch.

Pinagtabi sila ng upuan ng adviser nila para mahawaan si Elizabeth ng kasipagan niya sa pag-aaral kaso wrong move iyon dahil lalong lumala ang katamaran nito. Hindi lang assignments at projects nito ang kaniyang ginagawa, pati ang pagsagot sa test paper nito.

Naubos siguro ang pasensiya ni Mrs. Caballero kaya nang mahuli itong 'di nakikinig ay nilipat ito ng puwesto sa tabi ni Bruce, sa unang row sa left column malapit sa pintuan. Kapag nagpasaway ang dalawa ay madaling palabasin. Subalit mukhang walang takot si Elizabeth dahil bumalik ito sa dating puwesto sa tabi niya.

"Bakit ako matatakot sa kaniya? Huwag siyang magkakamaling saktan ako dahil kahit dulo lang ng daliri niya ang lumatay sa balat ko, kakasuhan ko siya ng child abuse." Matapang nitong deklara na animo'y maalam sa batas. "Saka 'di ko kailangang matuto ng Math. 'Di ko magagamit 'yong x at y chuva-ek-ek na 'yan kapag bumili ako ng pagkain sa tindahan. Pie graph lang ang may pakinabang sa 'kin dahil natuto akong hatiin nang maayos ang pizza."

"Ang tigas talaga ng ulo mo," napapailing niyang wika pero sa kabilang banda ay gusto niyang tumawa. Basta pagkain ang pinag-uusapan ay tumataba ang utak nito. "Baka malaman 'to ni Mrs. Caballero."

"Bakit magsusumbong ka ba, Mr. Class President?" mataray nitong tanong na may halong pagbabanta.

"Kung gusto kitang isumbong, sana pinuntahan ko na si Mrs. Caballero." Pasalamat ito dahil siya ang class president kaya malakas ito sa kaniya. "At saka 'di ko naman kukunsintihin ang katamaran mo kung isusumbong lang kita."

"Sabi ko nga." Lumiwanag ang mukha nito at sumilay ang magandang ngiti sa labi. Lumitaw ang biloy nito sa magkabilang pisngi at nawala ang mga mata nito. And cute-cute nitong tingnan. "Hulog ka talaga ng langit sa akin, Franco. Kaya mahal na mahal na mahal kita. Ikaw ang nag-iisang paborito kong KKK." Sumuntok pa ito sa hangin.

Nagsalubong ang kaniyang kilay. "Anong KKK?"

"Akala ko ba ikaw ang pinakamatalino sa klase natin? KKK lang hindi mo pa alam."

"Kataastaasan Kagalanggalang Katipunan ng mga anak ng Bayan, iyon ba?"

Pinaikot nito ang mga mata. "Masyado kang literal. Oo na, alam kong matalino ka at mangmang ako. 'Di ko alam ang totoong meaning ng KKK pero may sarili akong version." Pinuno nito ng hangin ang dibdib bago huminga nang malalim. "KKK." Nilakasan nito ang boses. "Kaibigan, Kaklase, Kapitbahay na maaasahan habang buhay," sigaw nito sabay taas ng kanang kamay habang sumusuntok sa hangin. "Mabuhay si Thaddeus Franco! Mabuhay!" masiglang sigaw nito at nagmartsa sa kinatatayuan. Ginaya ito ng iba nilang kaklase. "Mabuhay ang presidente—"

"Anong mayroon at bakit nagkakagulo kayo?" Natigil sa pagsasalita si Elizabeth nang bumalik ang kanilang adviser. Siguro narinig nito ang ingay mula sa classroom nila kaya bumalik ito. "Sinong may pasimuno nito?" Hindi maipinta ang mukha ng ginang.

"Patay," mahinang usal ni Elizabeth. Tumahimik ang buong klase. Walang may gustong magsalita kung sino ang nag-umpisa ng ingay pero ang lahat ay nakatingin sa dalagita. Unti-unti itong humarap sa ginang. "Ako po," matapang nitong pag-amin. Deretso itong tumingin sa mga mata ni Mrs. Caballero.

"Aba! Talagang sinasagad mo ang pasensiya ko Elizabeth Marie Lopez." Namumula sa galit ang kanilang guro. Siguro kung may sakit ito sa puso ay baka inatake na ito. "Ilang minuto pa lang akong nawawala ay nagkakagulo na agad kayo."

Mataman niyang tinitigan ang dalagita. Hindi ito sumasagot pero hindi ito nagbaba ng tingin. Wala talaga itong takot.

"At sinong nagbigay ng pahintulot sa 'yo na bumalik ka sa dati mong puwesto?" Nanggigigil na sita nito. "Simula ngayon, sa tabi ka lang ni Bruce uupo. Sasabihin ko sa lahat ng subject teachers ang tungkol sa sitting arrangement ninyo." Nabaling ang atensyon ng guro nila sa kaniya. "Mr. Franco, i-report mo kaagad kapag may ginawang kalokohan ang dalawang 'to."

"Yes Ma'am."

Napalingon sa kaniya ang dalagita. Nangungusap ang mga mata nito na tulungan niya pero marahan siyang umiling.

"May quiz tayo mamaya. Hindi ako nag-review," bulong nito.

"Ano pang tinatayo-tayo mo riyan?" bulyaw ni Mrs. Caballero. "Bumubulong-bulong ka pa. Lumipat ka na sa tabi ni Bruce."

"Opo."

Nakasimangot ito habang naglalakad palayo sa kinaroroonan niya. Sinigurado ni Mrs. Caballero na lumipat ito ng upuan bago nilisan ang kanilang classroom. Kinuha ng dalagita ang science notebook pero imbes na mag-review ay nag-drawing ulit ito. Siya naman ay palihim na pinagmamasdan ang kilos ng dalagita.

"Taba bakit ayaw mong tumabi sa 'kin?" Narinig niyang tanong ni Bruce kay Elizabeth. "Nahihiya ka bang tumabi sa guwapo?" Mayabang nitong tanong. "O naiilang ka sa 'kin dahil crush mo ako?"

"Tantanan mo ako Bruce. Huwag kang mag-ilusyon," sagot ng dalagita na hindi tinatapunan ng tingin ang kausap. Patuloy pa rin ito sa pagguhit. "Mag-review ka riyan. Quiz natin sa science."

"Kung wala kang gusto sa 'kin ibig sabihin gusto mo si Thad," patuloy ng lalaki. "Kung sabagay, mas bagay kayong dalawa. One plus zero equals ten." Siya ang tinutukoy nitong one dahil payatot siya at zero si Elizabeth dahil mataba ito. "O kaya kawayan at baboy para perfect match," pang-aasar nito.

Tahimik lang siyang nakikinig sa usupan nito at ni Elizabeth mula sa kaniyang puwesto.

Nag-angat ng paningin ang dalagita. Matalim na tingin ang ipinukol nito kay Bruce. "Alam mo, guwapo ka sana kaso lang ubod ka ng daldal. Hindi bagay sa itsura mo." Kalmado ang boses nito pero alam niyang naiirita ito sa kausap dahil kilalang-kilala niya ang dalagita. "Kaya imbes na dumaldal ka riyan, mag-review ka na lang."

"Ikaw nga nagdo-drwaing lang." Sinilip nito ang notebook ng dalagita. "Wedding dress?" Tumawa si Bruce.

"Anong nakakatawa sa drawing ko? Isusuot ko 'to balang araw," nangangarap na wika ng babae.

"Hindi sa 'yo bagay. Magmumukha kang siksik na suman kapag nagsuot ka ng wedding dress na mahaba ang manggas."

"Ano bang pakialam mo?" bulyaw nito. "Alam mo, kung gusto mong magkasundo tayo huwag mo akong pinakikialaman."

"Eh, 'di hindi."

"Mabuti." Kumalma na ito. "At saka mag-review ka tuwing may quiz at exam tayo. Sayang ang kaguwapuhan mo kung puro ka lang kuda tapos wala ka namang utak."

"Ang sakit mo namang magsalita."

"Nagsasabi lang ako ng totoo."

"Magre-review na." Kinuha nito ang science notebook mula sa bag. Binuklat nito isa-isa ang pahina ng kuwaderno sabay iling. "Wala akong notes."

"Ha? Anong isasagot natin mamaya kapag 'di ka nakapag-review?" Nataranta si Elizabeth. "Sandali hihiram ako ng notes." Tumayo ito at naghanap ng mahihiraman ng notebook. Pagbalik nito sa upuan ay nakangisi na ito. "Oh, mag-review ka na. Pakopyahin mo ako, ha."

"Oo na."

Binaling niya ang paningin sa ibang direksyon at pinilit na hindi makinig sa usapan ng mga ito. Kung hindi ito pinalipat ng teacher nila'y siya sana ang kinukulit nito. Pakiramdam niya'y may kumurot sa kaniyang puso. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman.