aghh! sino ba yung tumatawag ' sir Eason '
hala si sir eason pala
" INCALL "
Sir Eason: major sargiento
Leng: Yes po sir
Sir Eason: Naka destino kana sa Mahalan City District 1 bangbag
Leng: Sir ang layo naman po
Sir Eason: You have 10 trainings sa bangbag kaya bukas ay pumunta ka sa station para maabutan mo ang bus na papunta doon
Leng: Pero sir.....
...Sir Eason Hang up..
Ano ba iyan ang layo non tapos sampung trainings pa ang tuturuan ko aghh! lord grabe nato.
3:30 AM
"beep...beep...beep.."
aghh! ang bilis naman ng oras parang kakatulog ko lang maliligo na nga ako
*Pagkatapos Maligo*
nakakain na ako lahat lahat wala na ba akong naiwan andito na yung deodorant,creamsilk,shampoo at underwear ko ayos na ito aalis na nga ako
after 30 mins
andito na ako sa station namin
" Major Leng sumakay kana sa bus...teka ito pala si captain Max siya ang kasama mo sa bangbag parehas kayo ang magtuturo sa training i hope na mag kasundo kayo mag iingat kayo sa inyong lakbay " sabi ni sir Eason na akala mo isang taon kami sa bangbag " Grabe ka namn sir parang matagal na kaming babalik HAHAHA " sabi ko habang natatawa " Sir mauna na kami salamat " sabi ni captain kelei " bye sir " singkit ko habang kumakaway papasok sa bus
after 13 hours
"hay! sa wakas nakarating din tayo grabe ang ganda pala dito para akong nasa ibang lugar " Major Leng Sargiento And Captain Max Suriño Welcome to Mahalan City bangbag district 1 " pag welcome sa amin ng pulis " Thank you po sir " pagsasalamat naming dalawa ni captain Max "halana't pumasok na tayo sa campo" sabi sa amin pumasok na kami grabe ang ganda pala dito pinakilala sa amin lahat ng mga tao sa campo at mga bagay na hindi namin alam ni captain Max " ito pala ang iyong kwarto Major Leng ... *beep beep* excuse me po"
sabi ni manong at may biglang tumawag (manong kasi di pa siya nagpapakilala). " Major Leng at Captain Max pwede po ba kayong makitulong sa pagbigay ng tulong sa baryo mahusay? " sabi sa amin " Pwede naman " sagot ni Captain Max " kayo po Major Leng Ayos lang po ba sainyo?" sabay tanong sa akin " Oo ayos lang sa amin yon ano" sagot ko " Tara na po sakay na po tayo" sabi at pinasakay na kami
Isang Oras Ang Naka lipas
" Grabe ang layo pala nito " sabi ko na na pamangha sa ganda ng view " Opo ma'am kaya po mahirap po lakbayin " sagot ni manong ( iba naman ito) " Ay ganon po ba" sagot ko "Opo...Ako nga po pala si mang jolo ang kapitan po dito" pagpapakilala ni mang jolo "Ikinagagalak ko po kayong makilala mang jolo sabi ko na may kasamang ngiti so ayun na nga tumulong kami grabe nakakapagod maglakad ng isang kilometro na ang dala mo ay dalawang kilo ng biga at delata pero masaya dahil pagdating mo sa baryo makikita mo yung mga taong sasalubong ng ngiti sayo kaya Worth it siya.
Sa sobrang pagod ko umupo muna ako sa ilalim ng puno ewan ko anong puno to basta puno " Grabe nakakarelax dito" sabi ng hindi ko kilalang lalaki " Oo nga e siguro masaya tumira dito " sabat ko habang nakapikit. " Masaya talaga" sagot niya " ano pong pangalan ninyo manong " sabi ko na sabay dilat ng mata " manong?" sabi niya na parang nainis sa sinabi ko pagbukas ko ng mata tumambalang sa paningin ko ang isang gwapong lalaki sa harapan " Ay! Hala pasensya napo akala ko po kasi matanda na kayo" pagpapasensya ko " ako yung tumatakbong congressman dito sa bangbag district 1 sakop ko itong baryo Mahusay " sagot niya grabe ang ganda ng boses niya " Ahh ano pong pangalan niyo? " tanong ko syempre diba " Ako nga pala si Felix ,ikaw ano ang pangalan mo?" sagot at may kasamang tanong " Ah Ako nga pala si Major Leng Sargiento " sagot ko nagulat ako nakikipag shake hands siya nakipag shake hands nadin ako " ikinagagalak kitang makilala Major Leng" sabi nya na may ngiti " Ikinagagalak ko din po na makilala kayo sir Felix " sagot ko na may ngiti.
warn: sa mga names po nila ay gawa gawa ko lang po at sa mga lugar ay gawa gawa ko lang din po kaya po wag niyo pong totohanin itong kwento maraming salamat po.