Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

ISABEL AVENUE

Tak_Dong_Kyung
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.9k
Views

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - CHAPTER 1

Paano na?

Year 2028

Amalia's POV

"Last year mo na ito sa course mo, bakit ngayon pa kailangang magkaganito, ano bang nangyayari sayo?" Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang mga katagang yan. Paano na? Yung future na palagi kong sinasabing magkakaroon ako, nawala na lang lahat bigla na parang bula, sobrang hirap. Ano na ang gagawin ko? Bakit ngayon pa kung kailan malapit ko ng maabot ang pangarap ko? Gusto kong magwala at isigaw lahat ng sakit na nararamdaman ko. Talaga nga namang hindi lahat ng ninanais at sinasabi mong maabot mo sa future ay magkakatotoo. Sobrang laki ng Dissappointment ko sa sarili ko. Ang sakit sakit, buong buhay ko pinag igihan ko na mag aral ng mabuti at pinangakuan ko ang sarili ko na di ako bibitaw hanggat di ako nagiging successful. Tandang tanda ko pa mismo ang nangyari, diko alam kung maaayos ko pa ito.

~~~~~

"Miss De Lara , Mag-aabogado ka ba ng lagay na yan? Masyado kang emosyonal, anong magiging saysay ng pag ka abogado mo kung di ka magiging madiskarte," saad ng aking senior na nag gaguide sa aming OJT. "Alam mo tatapatin na kita Amalia De Lara, hindi kita gustong kasama dito, ayoko ng bait-baitan sa Korte, masyado kang mahina para ipagtanggol ang dinedepensahan mo, Diba Judge Abrantes?" Dagdag pa niya, "Kung ako sayo iseminar mo muna yang alaga mo, di siya aasenso kung di siya gagamit ng mahiwagang taktika, Iha, pera ang labanan dito wala ng malinis pag pasok mo sa gobyerno, kahit gaano ka pa katino, lason pa rin ang tingin sayo ng mga tao," hirit naman ni Judge Abrantes. Gusto ko pa sanang manahimik at magpigil pero diko na nagawa kaya nasampal ko si Almira na senior ko sa mga pinagsasabi nila, tulala namang nakatingin sakin ang judge na nanonood kung paano ako alipustahin ng senior ko, "PERA, yan lang ba mahalaga sa inyo, nakakasuka kayo," aalis na sana ako ng hilahin ni Almira ang buhok ko, "Sa tingin mo makakapagtapos ka pa niyan sa ginagawa mo?" Hindi naman ako pavictim at paawa para hindi lumaban sa kanila "OO, natatakot ka ba sakin? Na baka ikaw ang dalin ko sa korte pag nagkataon at uupo ka ng panigurado sa upuan ng nasasakdal," ang Judge na nanonood sa amin ay tila ngumingisi ngisi pa, "Almira bitawan mo na siya, Masyado na yang kampante akala niya mapapalagpas natin ang ginagawa niyang pambabastos sa atin," nagpintig ang aking tenga at diko mapigilan ang kamao ko ng tumama ito sa ilong niya nagpakawala ako ng isang malakas na suntok upang magising siya sa mga pinagsasabi at ginawa nila sa mga inosente kahit sa akin, sumosobra na sila pinakawalan nila ang tunay na may sala, at idiniin ang isang inosente para sa pera. Matapos ang matinding eksena na yon ay kaagad na akong umalis.

Kinaumagahan ay nabalitaan ko nalang na nareport ako sa dean namin dahil sa pagpatol ko sa senior ko at sa judge na walang modo.

"Miss De Lara, Last year mo na ito sa course mo, bakit ngayon pa kailangang magkaganito, ano bang nangyayari sayo?"

Tanong niya sa akin hindi ako makakibo at magawang depensahan ang aking sarili dahil sa mga nangyayari, nanghihina ang tuhod ko diko na alam ang gagawin ko.

"Wala akong magagawa Miss De Lara kung hindi Suspindihin ka pansamantala sa loob ng 2 linggo, mali ang ginawa mong pananakit sa Senior mo at sa Judge na humawak sa kaso na dinedepensahan mo, alam mo ang batas," wala akong magagawa , wala akong kakayahang ilagtanggol ang sarili ko, wala akong pera at lalong wala akong koneksyon, "Naiintindihan ko po Maam," tanging naging sagot ko, "Pero dahil alam kong may dahilan ka, at kilala naman kita dahil palagi kang nangunguna sa klase mo, hindi mo ihihinto ang pag oojt mo, bibigyan kita ng isang consideration, ipapaalam ko sa lahat na suspendido ka ng dalawang buwan," "Po? Dalawang Buwan, Maam Gagraduate napo ako sa loob ng dalawang buwan na yon, akala ko po ba ay dalawang linggo lang, Maam dipo ako pwedeg sumuko , malayo layo na rin po ang narating ko, nakikiusap po ako sa inyo,"

"Huminahon ka, makinig ka muna sa akin, mabuti kang bata, hindi ako ang fairy Godmother mo dahil wala tayo sa faifytale iha, Isipin mo nalang na naiintindihan ko ang sitwasyon mo, kaya ilalagay kita sa isang law firm sa gawing Isabel Avenue Doon ka mag OOJT ipapalabas lang natin sa lahat na suapemdido ka pero ang totoo ay nag OOJT ka na, may Attorney ka na na makakasama mo don at igaguide ka niya ng maayos may kalayuan dito sa University natin at sa dati mong pinapasukang Law firm pero alam kong kaya mo," nangingilid na ang aking luha sa sobrang galak, "Diko po alam paano ako makakabawi sa inyo, maraming salamat po Maam," "Ang Gusto ko lang kalabanin mo ang mga tiwali at palabasin mo ang mga baho nila,--" "---Pumunta ka na don bukas hanapin mo Si Attorney. Jefferson  Salazar, sabihin mong pinapunta kita,"