Chereads / In Love with You / Chapter 1 - All For You (Short Story)

In Love with You

🇵🇭LovelynFaith
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - All For You (Short Story)

A/N: HI READERS! SANA MAGUSTUHAN NYO TO!

DON'T FORGET TO VOTE MY STORY!

ENJOY READING! ^^

Haley's POV

Andito ako sa harap ni Kyousuke pilit lumalapit sakanya ngunit pinagtatabuyan lamang ako nito. Sa halip ay pansinin ako tinutulak ako palayo sakanya, masakit para sa akin ang ginagawa nya pero dahil mahal ko sya kaya kong tanggapin lahat. Ganun ko sya kamahal e.

"Umalis ka nga sa harap ko, Haley!" Pagtataboy nito sakin.

"K-Kyousuke, mag-usap naman t-tayo." Pangugumbinsi ko sakanya. "Kahit sandali lang." Dagdag ko pa.

"Hindi!" Matigas nitong sambit sakin dahilan para mapayuko ako.

"Nang dahil sa Mommy mo Haley nawala ang kumpanya namin! Kumpanyang iniingatan namin! Pinagkatiwalaan namin kayo tapos ganun ang gagawin nya? Kino corrupt ang kumpanya namin!?"

"I-I'm sorry, Kyousuke."

"Sorry? Ha! Sayo na yang sorry mo! Umalis ka nga dito!"

Matapos ang pangyayaring iyon ay umalis ako. Umalis ako nang umiiyak sa daan, wala na akong pakealam kung pinagtitinginan ako ng ibang tao. Ang sakit! Ang sakit sakit! Yung matagal mo ng mahal pinagtatabuyan ka ng ganun-ganun na lang na para bang wala kaming pinagsamahan sa isa't-isa.

Pinunasan ko ang luha sa aking mukha at nagmadaling umuwi ng bahay para mag-impake at pumunta sa ibang bansa.

Pagkadating ko sa bahay ay agad akong dumeretso sa aking kwarto at kumuha ng bag at nagsimulang mag-impake ng mga damit ko.

"Anong ginagawa mo? Lalayas ka? Saan ka pupunta?" Sunod-sunod na tanong ng aking ina.

Ikaw ang dahilan kung bakit nangyari lahat ng to!

"Sige lumayas ka na! At wag ka ng babalik ulit dito sa pamamahay ko!" Pasigaw nitong ani.

"Pamamahay mo?! Kailan pa naging iyo to?!" Inis kong tanong sakanya.

Hindi sya makasagot sa tanong ko.

Tsk! Hindi naman to sakanya!

Matapos kong ma-impake lahat ng damit ko ay agad akong lumabas ng bahay. Naghintay ako ng taxi na dumaraan dito, nang makakita ako ng taxi ay agad kong itinaas ang kanan kong kamay saka ito huminto sa harap ko. Nang huminto ay agad din akong sumakay sa loob.

"Saan ho tayo, Ma'am?" Tanong ng driver sakin.

"Sa Airport."

Nang sagutin ko ang tanong nya ay nagsimula syang magmaneho. Hindi naman kalayuan ang airport sa bahay namin kaya panigurado akong mabilis ang pagdating ko doon.

Wala pang trenta minutos ay nakarating na rin ako, nagbayad muna ako ng pamasahe bago ako bumaba ng sasakyan.

Hindi alam ng Daddy ko ang pinaggagawa ng babaeng yun sa kumpanya. Nasa America si Daddy para sakanyang business trip at doon ko balak pumunta.

Mag-aasawa ako doon subalit hindi yun ang dahilan ko kung bakit ako napunta sa America. Pupunta ako doon para kumuha ng mga ebidensya laban sa Mommy ko, kung paano nya kinorupt ang kumpanya. Sa oras na malaman ito ng Daddy ko ay panigurado akong papaalisin sya sa kumpanya maging sa bahay namin.

Pumila ako para makabili ng ticket papuntang America.

Umabot ng isang oras bago ko nabili ang ticket. Nang mabili ko iyon ay pumunta ako sa waiting area at umupo habang hinihintay ang flight ko.

Nang inannounce ang pupuntahan ko ay agad akong tumayo at pumunta sa eroplano.

Nang makarating ako ay agad din akong umupo sa isang upuan na may numerong A1.

May sinabi ang piloto na kung ano-ano at napakahaba, pinakinggan ko lamang ito. Nang matapos ay pumikit ako habang naghihintay.

Nagising ako nang may kumalabit sa akin. Tinignan ko ito nang naka-kunot noo. Isang flight attendant ang bumungad sa akin.

"Ma'am, we're already here."

Natigilan ako sa sinabi nya at lumingon-lingon at tama sya, ako na lang kasi ang naiwan dito. Andito na kami, andito na'ko.

"Thank you for waking me up." Pagpapasalamat ko sakanya at binigyan sya ng ngiti.

Lumabas ako sa kinaroroonan ko at bumungad sa akin ang isang tahimik na daan.

Naglakad ako palabas at kinuha ang gamit ko. Hindi ko alam kung saan ako tutuloy ngayon dahil wala naman akong kakilala rito maliban kay Daddy. Gusto ko man syang tawagan subalit baka maistorbo ko pa sya kaya binulsa ko na lamang ang cellphone ko.

Palabas na sana ako ng airport nang biglang may humarang sakin.

Tinitignan ko ito nang naka-kunot noo.

"Will you get out of my way?" Malamig kong ani sakanya.

"Easy, you forgot this." Mahinahon nyang sinabi.

Inabot nya ang maliit na bag at kinuha ko naman ito.

"Thanks." Tipid kong ani.

"Hey!"

"What now!?" Inis kong tanong sakanya.

"I'll drive you home."

"No need, besides I can handle myself so get out of my way."

"I'm Ken, short for Kenneth."

"Nice to meet you."

Natawa ito ng bahagya.

"Will you get out of my way, Mr?" Inis kong tanong rito.

Grrr.

"You're name first." Asar nitong sambit sakin.

"Haley."

Hindi ko na sya hinintay magsalita at naglakad.

"Hey! Wait for me!" Pasigaw nito.

Hindi ko sya nilingon bagkus ay nagpatuloy ako sa paglalakad palabas.

Nasa may pintuan ako nang bigla akong itulak sa pader.

Aray!!

"I said, wait for me!" Asik nitong ani.

Sinipa ko sya sa may tuhod nya at agad naman itong napa aray palayo sakin.

"Do that again and you'll see." Mahina kong sabi.

Lumabas ako at naghihintay ng masasakyan ko papuntang hotel.

Nang huminto ang sasakyan ay agad akong pumasok at sinabi sa driver ang hotel na tutuluyan ko.

Walang katrapik-trapik kaya mabilis akong nakarating.

Pagkababa ko ay pumunta ako sa cashier saka ako nag check in- matapos kong makipag-usap sa cashier ay dumeretso ako sa elevator. Pinindot ko ang 3rd floor dahil naroon ang kwarto ko.

Nang makalabas ako sa elevator ay binuksan ko ang pintuan ng aking kwarto at umupo sa kama.

Kailangan kong makakuha ng ebidensya laban sakanya.

Nagpalipas muna ako ng ilang araw saka ako nagsimulang maghanap ng ebidensya.

Andito ako sa lobby ng hotel gumagamit ng laptop at nagbabakasaling may mahanap na pwedeng pakasalan dito sa na-search kong date.

"Hey, Haley!" Bati ni Jake.

Si Jake ang kaibigan ko dito at alam nya lahat kung bakit ako nandito.

"Hey, Jake! What's up?"

"Are you looking for something? And what's that? You're searching for a date?" Tanong nya.

"Yeah, I need to get married here."

"Why?"

"For my residence here."

"Oh! Can I?"

"Yes! You can!"

Nagdaan ang mga linggo ay kinasal kami ni Jake. Pure American si Jake at nagkakilala kami sa isang bar dahil doon ako uminom ng alak at nag-isip ng paraan kung paano ako makakakuha ng ebidensya. Mabait naman sya pero hindi ko alam kung may pagtingin ba sya sakin basta ang mahal ko si Kyousuke. Sya lang at wala ng iba.

Kumusta na kaya sya ngayon?

Kumakain kaya sya sa tamang oras?

May bago na ba syang mahal?

Wag ka mag-alala dahil kukuha ako ng mga ebidensya laban sakanya para tuluyan na syang mapaalis. Hintayin mo lang ang pagbabalik ko, Kyousuke.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip tungkol kay Kyousuke nang makita ko si Daddy na papunta sa aking mesa.

"Haley." Usal nito.

"D-Dad, ano pong ginagawa mo dito?" Pilit na nilalabanan ang kaba ko.

Kaba na baka malaman nya na ang katotohanan nang walang ebidensya.

"Sinabi sakin lahat ni Jake. Anak, bakit hindi mo sinabi sa akin lahat?" Pagtatanong nya na may halong lungkot.

"Wala po kasi akong ebidensya, Dad." Mapait kong sinabi.

"Ngayong alam ko na ang lahat, Haley. Mapapalayas ko na sya sa kumpanya at sa bahay natin."

"Kulang pa ang mga ebidensya, Dad."

"Alam ko pero sapat na ang nalalaman ko at panigurado akong may alam din si Kyousuke."

"O-Opo Dad. M-May alam po sya kaya nga nya po ako pinagtabuyan dahil sa ginawa ni Mommy." Malungkot at nakayuko kong paliwanag sakanya.

Lumapit si Daddy saka ako niyakap ng mahigpit at niyakap ko rin sya pero umiiyak ako.

"I-I'm sorry Haley." Paghingi nito ng tawad sakin.

Nag-usap muna kaming tatlo ni Jake kasama si Daddy. Malaki rin ang pasasalamat ko kay Jake. Anak pala si Jake sa business partner ni Daddy.

Nagpaalam na kami sa isa't-isa at nagdesisyong umuwi. Hindi na ako naka uwi sa hotel dahil sabi ni Daddy sakanila na lang ako tumuloy, hindi naman ako nagdalawang isip na pumayag.

Nang makarating kami sa bahay na tinutuluyan ni Daddy ay pumasok kaming dalawa. Umupo muna kaming dalawa sa sofa saka kami nag-usap ng masinsinan.

"Haley." Pagtawag nito sakin.

"Yes, Dad?"

"Uuwi tayo bukas."

"Ho? Bukas po agad?

"Yes. And I want that girl suffer."

"Sige, Dad."

"Sige na, matulog ka na sa iyong kwarto at maaga pa tayo bukas."

"Opo."

Pumunta ako sa aking kwarto para magpahinga.

Bago ako natulog ay naisip ko si Kyousuke bigla.

Magkikita na rin tayo sa wakas!

Hindi ko namamalayang nakatulog na pala ako.

*zzz*

"Haley."

"Hmm?"

"Wake up!"

Naidilat ko ang aking mata nang ginising ako ni Daddy.

"Fix yourself, Haley. We'll go to our private plane."

Wala na akong nagawa kun'di ang sundin sya kahit inaantok pa'ko.

Inayos ko ang sarili ko at nagpalit rin ng damit.

Nang makalabas ako sa kwarto ay nakita ko naman agad si Daddy na nakabihis na.

"Let's go, Haley. They're waiting for us. Doon ka na kumain."

Hindi ako nakapagsalita at sinundan si Daddy.

Pumasok kami sa isang kotse saka ito pinaandar ni Daddy ng mabilis. Tinignan ko ang mukha ni Daddy mukhang galit sya base sa kanyang itsura.

Mabilis kaming nakarating sa kung ano man ang tawag dito. Agad naman kaming umakyat sa hagdan at pumasok sa eroplano.

Gusto ko sanang kausapin si Daddy subalit hindi ko magawa dahil wala syang kaemo-emosyon sa kanyang mukha at baka pati ako mapagalitan nya.

Nanatili kaming tahimik- ang buong byahe namin ay tahimik.

"Sir, andito na po tayo." Ani ng piloto.

"Salamat Gavin, maaasahan ka talaga."

"Wala pong anuman, Sir."

"Haley, let's go."

"Susunod na po."

Pagkababa ko ay may nakita akong kotse na nakaparada sa harap namin. Agad naman kaming sumakay sa kotse at pinaandar ang kotse.

Mahigit isang oras kaming bumyahe dahil sa trapik.

Pumarada si Daddy sa labas ng bahay namin saka kami lumabas mula sa kotse.

Naunang naglakad si Daddy papasok sa loob ng bahay namin habang ako ay nasa likod ni Daddy.

"Lucas? K-Kailan ka pa bumalik? Halika tumuloy ka at sino ang kasama mo?" Sunod-sunod na tanong ng aking ina kay Daddy.

Natigilan sya nang makita akong kasama ni Daddy.

"H-Haley, ikaw pala yan." Halos mautal sya sa harap ni Daddy nang makita ako.

"Athena." Pagtawag ni Daddy kay Mommy.

"B-Bakit Lucas? May kailangan ka ba?"

"Oo!"

"Maupo muna kayo."

Nang sabihin nya yun ay umupo kaming dalawa ni Daddy sa sofa.

"Hindi ko na to patatagalin pa, ano ang ginawa mo sa kumpanya?" Diretsahang tanong ni Daddy.

"Anong sinasabi mo dyan? Wala akong alam sa sinasabi mo, Lucas."

"Wala kang alam? Ano yung sinasabi sakin ni Haley na kino korupt mo ang kumpanya?"

"Naniwala ka naman dyan sa magaling mong anak?"

Sa sobrang pagpipigil ko ng galit ay nakisabat ako sa usapan nila.

"Ako pa talaga ngayon ang may kasalanan, Athena!?" Pagpipigil kong galit na tanong sa kanya.

"Puro lang naman kasinungalingan ang sinasabi mo Haley! Pati Ama mo napaniwala mo!"

"Kasinungalingan? Sige, tara puntahan natin si Kyousuke at tanungin sya kung anong kagaguhan ang pinaggagawa mo sa kumpanya, nang magkaalaman na!"

"Haley, calm down." Pagpapakalma ni Daddy sakin.

"I-I'm sorry, Dad."

"Haley is right, Athena."

Hinila ni Daddy si Athena o dapat ko bang sabihing kinaladkad sya ni Daddy.

"Kyousuke!" Pasigaw na tawag ni Daddy kay Kyousuke sa labas ng bahay nila.

Lumabas naman agad si Kyousuke para alamin kung ano ang nangyari.

"T-Tito." Usal ni Kyousuke.

Tinulak ni Dad si Athena sa harap ni Kyousuke.

"Sabihin mo sa akin kung ano-ano ang mga ginagawa nya sa kumpanya ng babaeng yan?"

Agad namang nagalit si Kyousuke nang makita nya si Athena sa harapan nya.

"Dahil sakanya nawala ang kumpanyang iniingatan namin." Nagpipigil nitong galit.

Lumapit si Kyousuke kay Athena at hinawakan sa magkabilaang braso.

"Dahil sayo nawala ang lahat! Kaya mo bang ibalik lahat ng yun ha!? Dahil sayo! Sana namatay ka na lang!" Sigaw nya kay Athena.

"B-Bitawan mo'ko!" Naitulak ni Athena si Kyousuke.

"Ngayon, sabihin mo sakin Athena kung paano kita paniniwalaang wala kang alam? Simula ngayon, ayaw na kitang makita sa kumpanya maski sa bahay!"

Napaupo sa semento si Kyousuke dahilan para mapatingin sya sakin. Gusto ko man syang lapitan ngunit may takot din ako na baka ipagtabuyan ulit.

Wala sa wisyo akong naglakad papunt sa kotse ni Daddy. Pumasok ako sa loob nang umiiyak, nakita ko ang susi ng kotse na nakakabit. Agad ko naman itong pinaandar ng mabilis wala na akong pakealam kung maaksidente ako. Ang gusto ko lang makapag isip-isip.

Napakabilis ng takbo ng kotse at maaari akong makabangga ng sasakyan. Sa sobrang bilis ay hindi ko namamalayang may isang truck na bumabyahe at hindi ko makontrol ang break.

Hinayaan ko na lang na maaksidente ako.

"Mahal kita, K-Kyou--."

Hindi ko na naituloy nang bumangga ako sa isang truck.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero isa lang ang alam ko, nasa ospital ako.

Pinilit kong umupo ngunit sumakit lalo ang aking katawan.

Aaarrgghh

Nakarinig ako ng may pumasok.

Nakita ko si Kyousuke na papunta sa direksyon ko. Napatingin ito sakin nang gumawa ako ng ingay.

"H-Haley." Usal nito nang makita akong gising na saka ito tumakbo sa direksyon ko.

"N-Nasaan ako?" Pagtatanong ko.

"Nasa ospital ka."

Hindi ko alam kung bakit sya naiiyak nang makita ako. Pero masaya ako na andito sya.

"A-Ano ba kasi ang ginagawa mo ha!? Bakit ka ba nag-drive alam mo namang hindi ka marunong! Yan tuloy inabot mo! Ayaw kitang mawala, Haley." Bumuhos ang luha nya matapos nyang sabihin yun.

"Sino ka?" Pagkukunwari kong may amnesia ako.

"H-Hindi mo'ko kilala?"

"Hindi at bakit ako narito?"

"Si Kyousuke to, Haley. Kaya ka narito dahil naaksidente ka."

"Wala akong kilalang Kyousuke."

Gusto kong matawa sa inaasta nya ngayon. Kaya ko lang naman nagawa ang magpanggap na may amnesia dahil gusto kong malaman na mahal nya ba'ko.

"Dapat pala dati na akong umamin sayo, naunahan ako ng galit." Napayuko sya nang sabihin nya yun.

"Umamin?"

"Oo. Matagal na kitang mahal, Haley."

Agad naman akong napangiti sa sinabi nya.

"B-Baka hindi ako yun. Ni hindi nga kita kilala e." Halos mautal kong sinabi sakanya.

"Hayaan mo akong ipaalala ang lahat ng yun sayo."

"Lahat?"

"Oo."

"Sige."

Matapos ang ilang buwan kong pananatili sa ospital ay ganun pa rin ang ginagawa ko sakanya, patuloy pa rin ang pagpapanggap ko.

"I love you, Haley." Usal nito habang kayakap ako.

Napangiti ako at niyakap sya pabalik.

"I love you too, Kyousuke." Mahina kong ani.

Batid kong narinig nya yun kahit mahina lang.

Kumalas sa pagkakayap si Kyousuke at tinignan ako sa mukha.

Nagtataka akong tinitignan si Kyousuke.

"Haley." Pagtawag nito sakin.

"Bakit?"

Lumuhod si Kyousuke sa harap ko at nagugulantang akong tinitignan sya.

"H-Hoy anong g-ginagawa mo?" Utal kong tanong sakanya.

Lumabas si Daddy sa kung saan.

"Dad?" Pagtataka kong tawag sakanya.

"Haley, will you be my girlfriend?"

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko, parang dati lang pinagtatabuyan nya ako. Ngayon, nanliligaw sya sakin.

Hindi na ako nagdalawang isip pa na sagutin sya.

"Yes." Sagot ko.

Masaya syang tumayo at sumigaw pa.

"HALEY IS MY GIRLFRIEND NOW!" Sigaw nya sa kawalan. "Tito, girlfriend ko na anak mo!" Pagmamalaki nya pa kay Daddy.

"Alam ko, Kyousuke. Isa lang ang pakiusap ko sayo."

"Ano po yun, Tito?"

"Don't hurt her."

"Yes, Tito. I won't hurt her. I will not promise to you Tito but I'll my best just to make her happy and to love her."

Napangiti naman si Daddy sa narinig nya.

"Congrats to the both of you." Nakangiting ani ni Daddy samin.

"I love you, Haley."

"I love you too, Kyousuke."

Hinalikan ako ni Kyousuke sa may noo ko saka ako niyakap ng mahigpit.

A/N: HI AGAIN READERS! DAHIL NATAPOS NYO NA BASAHIN ANG AKING STORY, BAKA NAMAN PWEDE KAYONG MAG-VOTE SA STORY KO. SALAMAT NG MARAMI!

MAAARI RIN KAYONG MAGBIGAY NG SUHESTIYON KUNG GUSTO NYO BY MESSAGING ME!

SALAMAT SA SUPORTA NINYONG LAHAT!

GOD BLESS YOU ALL!