Trina's Point of view
"Class! I want you to meet your new classmate, Romeo." Napatingin ako sa harapan pagkatapos sabihin 'yun ng Prof. namin. Nakapapagtatakang tumatanggap pa rin sila ng transferee kahit malapit na ang midterm exam.
Nahihiyang nakatungo ang lalake sa harapan at kakaiba ang itsura nito, para s'yang highschool student na nerd, may malaking salamin sa mata, makintab ang buhok at nakatuck-in ang damit. 'Di ko maiwasang mapangiwi dahil sa kan'yang itsura. May narinig pa nga akong na pa 'eww' sa mga classmates ko siguro dahil 'di rin nila nagustuhan ang itsura nito.
"M-My name is Romeo Dela Torre, n-nice to meet you!" Nahihiya n'yang pagpapakilala sa amin. Wala naman akong problema sa mga nerd kaya lang 'di ko talaga maiwasang hindi s'ya pansinin, kasi sa panahon ngayon, uso pa pala ang mga nerd? Oo, may mga nerd talaga pero hindi na sila ganyan manamit ngayon. May kakilala pa nga akong ganyan, introvert at parang may sariling mundo, libro lang ang hawak at mahilig tumambay sa library pero kung manamit at pumorma, dinaig pa ako sa pagka-fashonista.
"T-That's all."
"Mr. Dela Tore, sit beside Mr. Smith." Tinaas naman ni Adrian Smith ang kan'yang kamay para makita ng bago naming classmate ang pwesto nito.
He's doomed!
Ang magiging seatmate n'ya ang isa sa bully dito sa Ashton University, actually kalahati ng classmates namin mga bully. Kahit ako nung una nakatikim ng pang bubully nila, pero lumalaban ako kaya isa na rin ako sa pinakaiinisan nila hanggang sa magsawa sila at hindi na lang ako pinapansin.
Naglakad na s'ya patungo sa pwesto ni Adrian ng biglang s'yang pinatid ng babae sa harapan dahilan para mapasubsob ito sa aking pwesto.
Malakas na nagtawanan ang mga classmates ko, at ako? Nairita sa kanila.
Sinamaan ko ng tingin si Pat dahil sa ginawa n'ya. Tinulungan kong makabangon si Romeo at binigay sa kan'ya ang salamin n'yang nahulog sa sahig.
Pagkaabot ko sa kan'ya nito ay natitigan ko ang kan'yang mata na nagpakaba sa akin. Hindi ako sigurado pero parang nginisian n'ya ako o baka namamalikmata lang ako.
He's so handsome!
Hindi lang 'yon napapansin ng mga classmates namin dahil sa suot n'yang salamin.
"Hoy, Trina! Don't tell me pati 'yan papatusin mo? Sabagay wala na namang magkakagusto sayo bukod sa kan'ya." Nagtawanan ang mga classmates ko dahil sa sinabi ni Pat.
That Bitch.
"Why? Kapag ba natipuhan ko si Romeo, aagawin mo na naman?" Nabura ang ngisi n'ya sa kan'yang mukha at napa 'oow' ang mga nandito.
"Oops sorry, I forgot iniwan ka na rin pala ni Jackson kahapon kaya you must be sad." Mapangasar ko s'yang tinignan at effective dahil asar na asar na s'ya. Huwag mo kasi akong simulan.
Nangigigil s'yang lumapit sa akin at bago pa n'ya mahawakan ang buhok ko at sumigaw na ang Prof. namin sa harapan.
"Mga bastos kayo! Nagaaway kayo sa harapan ko! Patricia at Trina bago kayo umuwi pumunta kayo sa office ko maliwanag." Galit na umalis ang Professor at natahimik kaming lahat.
"T-Thank you!" sabi ni Romeo sa akin kaya napatingin ulit ako sa kan'ya. Bakit ganun parang may iba sa mga titig n'ya at ngiti n'ya kanina, yung itsura n'ya at kung paano s'ya tumingin ay magkaibang-magkaiba. Para s'yang Predator na naghihintay sa tamang panahon para umatake sa kan'yang Prey.
Ugh! Bakit ba ako ganto mag-isip? Siguro dahil ngayon pa lang ako nakaencounter ng gantong nerd. Gan'to ba talaga sila? Weird?
Umupo na s'ya sa tabi ni Smith kaya umupo na rin ako pero pagtingin ko sa kan'ya ay nanlaki ang mata ko.
Nakatingin s'ya sa akin at ngayon sigurado na akong nakangisi s'ya.
Kalalabas lang namin ni Pat ng office ng Prof namin at inirapan n'ya ako bago s'ya umalis sa harapan ko.
Sarap dukutin ng mata, leche!
Dahil sa kan'ya sandamakmak na sermon ang inabot namin. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa gate pero hindi ko inasahan ang makikita ko sa labas, si Romeo nakaabang s'ya doon at nakatingin sa akin. Hinihintay n'ya ba ako? Pagkalabas ko ng gate ay lumapit s'ya sa akin.
"S-Sorry dahil sa akin, napaaway ka pa." Ang lambing ng boses n'ya, napakainosente. Siguro namalikmata lang ako kanina na nginisian n'ya ako.
Hinaplos ko ang buhok n'ya na parang bata.
"Ayos lang 'yon. Sa susunod huwag kang magpapaapi sa kanila ah." Mabilis s'yang tumango-tango. Napangiti ako dahil ang kyut n'ya.
"U-Uuwi ka na ba? Ihatid na kita."
"Magjejeep lang ako saka baka magkaiba tayo ng way mapalayo ka pa." Hindi naman sa pagiging maarte ano. Pero kakakilala pa lang namin, hindi ako basta-basta magtiwala sa tao kahit napakainosente pa n'ya.
"Una na ako ah." Aalis na sana ako pero hinawakan n'ya ang kamay ko.
"I i-insist po." Kung ibang lalake to, kanina ko pa 'to sinapak, pero imbes na magalit napangiti pa ako.
"Sige na nga. Bahala ka malayo ang bahay ko." Napangiti s'ya dahil sa sinabi ko.
**
Pagkalipas ng isang oras, sa wakas narating na rin namin ang bahay namin. Ayokong maging bastos kaya inalok ko s'yang pumasok sa bahay para makapagmeryenda muna at hindi naman s'ya tumanggi.
"Pasensya ka na, maliit lang ang bahay namin, at saka inuupahan lang namin ito ni Mama." Pinaupo ko s'ya sa maliit at halos masira ng sofa dahil sa kalumaan at saka pumunta sa kusina para maghanap ng makakain.
"Anak!" tinawag ako ni mama mula sa likod ng bahay. Akala ko wala s'ya dito, naglalaba pala s'ya sa likod kasi may bula pa ang kan'yang kamay. Lumapit ako at nagmano.
"Ma, may bisita pala ako. Classmate ko." Sumilip si Mama sa sala para tignan ang bisita ko. Nakita naman s'ya ni Romeo at magalang na bumati dito.
"Bigyan mo s'ya ng meryenda. Bumili ka na lang ng softdrinks 'don sa labas." Bumalik na s'ya sa paglalaba pagkatapos n'yang sabihin 'yon. Bumili rin ako ng softdrinks at iniwan muna si Romeo sa bahay.
Habang bumibili, naalala ko na pang limang buwan na pala kaming di nakakabayad sa bahay at sigurado ako na maya-maya lang ay darating na ang caretaker. Kailangan ko na naman kumayod mamayang gabi para may pangdagdag sa pambayad.
Pagbalik ko, nagulat ako dahil magkatabi sila Mama at Romeo at nagtatawan sila.
"Anak! Ang bait pala nitong classmate mo, tignan mo." Pinakita sa akin ni Mama ang hawak n'yang libu-libong pera.
"Saan mo nakuha 'yan, Ma?" Nakakunot na tanong ko sa kan'ya. Binaba ko ang hawak kong softdrinks sa lamesa at lumapit sa kanila.
"Kay Romeo. Kinwento ko sa kan'ya 'yong mga utang natin pag alis mo. Sabi n'ya papautangin daw n'ya ako." Sobrang saya ni Mama at ako? Sobrang nahiya. Kinuha ko sa kamay ni Mama ang pera at binalik kay Romeo.
"Sorry Romeo, nabigla lang si Mama, kaya hindi namin 'yan matatanggap," seryoso kong sabi sa kan'ya.
"Pero anak—"
"Mama naman! Mahiya naman tayo kahit konti. Kakakilala ko pa lang sa kan'ya kaninang umaga tapos uutangan agad natin." Hindi ko maiwasang taasan ng boses si Mama, nakonsensya naman ako dahil doon.
Napayuko si Mama, hindi ko rin naman s'ya masisisi dahil sa hirap nang buhay namin kahit ang kahihiyan kinakalimutan na n'ya.
"Trina. It's okay. Ako rin naman mismo ang nagoffer nito. Saka hindi naman 'to libre. Utang to. Kaya huwag na kayo mahiya." Tinignan ko si Romeo at nakita ang sinseridad sa kan'ya. May part sa akin na tanggapin ang perang 'yun may part naman na hindi.
"Kasi Romeo—"
"A-Ayaw mo ba akong maging kaibigan?" Biglang lumungkot ang kan'yang mukha.
Hala! Naoffend ko yata s'ya.
"Hindi naman sa ganun pero kasi—"
"Hindi ba kapag magkaibigan nagtutulungan?" Parang nanlambot ang puso ko dahil sa sinabi n'ya. Inabot n'ya sa akin ang pera at parang kusang gumalaw ang kamay ko dahil tinaggap ko ito.
"R-Romeo, thank you! Don't worry mababayaran kita agad. Magtatrabaho pa ako lalo." Nahihiya ako sa kan'ya kasi kakakilala pa lang namin tapos ganito.
"It's okay, willing to wait naman ako." Bakit parang iba ang pagkakaintindi ko sa sinabi n'ya tapos makahulugan pa s'yang ngumiti. Ano ba yan, tumulong na nga yung tao, iisipan ko pa ng masama.
___
To be continued.