Chereads / Raja's Hara / Chapter 2 - Simula

Chapter 2 - Simula

"Tanya! Tawagin mo na kakambal mo kakain na tayo!" sigaw ni mama mula sa kusina.

Naririnig ko na dito ang kalangsing ng mga plato at kutsara sign na nag aayusin na ng pag kainan si mama.

"TINA! KAKAIN NA DAW!" sigaw ko mula dito sa kusina dahil tinatamad akong puntahan siya sa second floor.

"ikaw talagang bata ka! wag ka nga sumigaw diyan! puntahan mo sa kwarto niyo!" bawal niya sakin na para bang hindi siya sumisigaw ngayon."Bilisan niyo na at nagugutom na ako!"

eh! kasi naman! saad ko nalang sa isip ko tsaka nag padabog na nag marcha papunta sa taas.ano bang ginagawa ng babaitang yun at sobrang bingi.

Nang makarating ako sa kwarto ay nakita ko siyang busy nakakatype sa computer niya, hindi man niya naramdaman ko presensya ko dito sa pinto.

"Hoy, kakain na daw." sabi ko binigyan naman niya ako ng wait hand signal at agad na bumalik sa pag tatype.

napairap nalang ako at pumasok sa loob, hinila ko yung gaming chair to papalatin sa table niya. Umupo ako dun ay humalumbaba sa study table niya.

"Ano ba kasi yang ginagawa mo ah?" bored kong tanong.

Sobrang seryoso niya halos hindi na nga siya kumurap eh. Nakasuot siya ng Eyeglasses ngayon, medyo madilim din dito sa kwarto kaya nag rereflect yung screen ng computer sa lens niya.

"Gumagawa ako nag story." sabi niya.

"Na naman? Pang ilan mo na yan ah." Saad ko tsaka binalin ang tingin sa tinatype niya. "Dami mong ginagawa wala ka naman na tatapos." saad ko.

napatigil naman si tina sa pag type at dahan dahan akong tinignan na parang may nasabi akong mali. napa peace sign nalang ako dahil nakakatakot yung tingin niya, parang papatay eh.

kahit na pag kambal kami ay mag kaibang mag kaiba kami sa isa't isa. sa physical at sa attitude, kahit sa hilig eh pag kaiba. kung ako mahilig sa mga games, ito mahilig sa mga books.

"A-ano bang story sinusulat mo?" tanong ko para maiba ang mood niya.

tulad nga ng inisahan ko ay agad nag bago ang mood nito. nag kwento siya about sa flow ng story niya.

"Historical fiction story siya, yung period time niya ay sa pre-colonial natin yung mga datu datu at raja ganon....."

patango tango nalang ako sakanya kahit talaga hindi naman ako masyadong nakikinig sakanya. nabalin ang mata ko sa baba ng screen ng computer niya kung nasaan ang power off.habang busy siya sa pag kwento ay pasimple kong inabot yun.

"... pinatay niya lahat ng nasa banwa ni datu Sikan Tapos- Anong gagawin-WAG!"

kaso huli na siya dahil na pindot ko na yung power button and that was my biggest mistake.