Chereads / Kiss In The Rain / Chapter 1 - (1) Saturday Night Rain

Kiss In The Rain

🇵🇭Leexhian
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 3.9k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - (1) Saturday Night Rain

//Odette POV//

Nakakainis.

"Pasensya na talaga sa inyo. Dahil kumukonti na ang kita at wala na rin medyon customers na bumibili, wala na kaming magagawa pa kundi magtanggal ng mga tauhan."

Sa ganitong sitwasyon, anong susunod niyang gagawin pagkatapos nito?

Iniabotan sila ng isang puting sobre. "Ito na ang huling sweldo ninyo. Sana sapat na iyan hanggang makahanap kayo ng bagong mapapasukang trabaho. Pasensya na talaga sa inyong lahat."

Tahimik niyang kinuha ang kanyang mga gamit sa kanyang locker at umalis. Ramdam niya ang pagkulo ng kanyang tiyan sa gutom at pananakit ng katawan dahil sa buong araw na trabaho pero, ito na pala ang huling araw niya sa trabaho. Sa loob ng isang taon, malinis na record, kasama pala siya sa tatanggalin nila ng ganoon-ganoon lang.

Nakakamanhid ng katawan. Mahangin at umaabon ang gabi pero wala siyang nararamdaman. Iniisip niya anong gagawin niya pagkatapos ang ganitong kamalasan nangyari ngayon. Kailangan niyang kumilos kundi saan siya pupulitin nito? Sapat pa ba itong nakuha niyang pera? Ang dami pa niyang babayaran.

Minutong paglalakad nakarating na rin siya sa kanyang tinutuluyang apartment. Kukuha na niya ang susi sa kanyang bag ng makita niya ang sobreng nakaipit sa pinto. Kinuha niya ito at binasa.

"Sh:)t." Eviction Notice. Oo nga pala. Apat na buwan na siyang hindi nakakabayad ng upa. Naiinis na rin siguro ang landlord niya dahil hindi siya nagpapakita rito. Kung gagamitin niya ang naibigay na pera sa kanya, tiyak na wala na ng matitira sa kanya at kulang na kulang rin ito para bayaraan ang kabuuan ng upa niya.

Kesa poproblemahin pa niya ito, mas mabuti itulog na lang muna niya ito baka magka-insomia pa siya.

Pumasok na siya sa loob. Nilatag niya ang kanyang mga dalang gamit sa sahig at agad na tinuno ang kwarto tiyaka humiga.

Isang taon na pala ang lumipas. Parang kahapon lang nangyari ang masalimuot na iyon para sa kanila, lalo na sa kanya.

Kung hindi lang naging bulag sa pagibig ang kanyang nakakatandang kapatid.

Masalimuot man ang nakaraan, wala siyang magagawa kundi bumangon mulit at itaguyod ang sarili. Walang ibang malalapitan. Ni isang kamag-anak ayaw siyang tulungan kaya naman nagsumikap siya na kahit isang kahig isang tuka ang buhay niya araw-araw.

Masaya ang buhay noon. Kahit anong gusto niya makukuha niya. Nakakakain ng tatlong beses sa isang araw at nakakapag-aral na walang inaalalang bayarin sa matrikula. Hindi man sila ganoon karangya pero hindi naman sila pinaramdam na may pagkukulang sa pera at pagmamahal.

Hanggang sunod-sunod ang mga pangyayari nagpabago sa buhay nila. Nawalan sila ng mga magulang dahil sa aksidente at napagalaman nila na umutang ito ng napakalaking halataga na humantong sa pagkumpiska ng bangko sa kanilang negosyo. Sa isang iglap, ang mga plano na gusto niyang abutin, naglaho lang ng parang bula.

Silang dalawa ng kanyang Ate Marissa ang naiwan. Sinuportahan nila ang isa't isa. Tumigil sila sa pag-aaral para maghanap ng trabaho at makapagsimula ng bagong buhay. Nawalan man sila ng mga magulang, basta't magkasama silang dalawa ayos na para sa kanya. Kahit hindi na ganoon ang buhay nila na masaya at madali, nandiyan lang ang kapatid niya wala na siyang mahihiling pa.

Akala lang niya pala. Gaya ng mga yumao niyang mga magula, mawawala rin pala ang kapatid niya. Kaya heto, mag-isa na lang siya. Trabaho, uwi, tulo. Paulit-ulit na gawain. Pero ngayon, mukhang magsisimula na naman siya ulit. Wala na siyang trabaho at baka bukas, papaalisin na siya dito sa tinitirhan niya.

Kailan ba niya titiisin ang ganitong buhay? Kailan?

Sana sumama na lang siya sa kapatid niya.

//Odette POV//

"Eh?! Tinanggal ka sa trabaho mo?! Anyare?!"

Sumunod na araw, inimbitahan siya ng kanyang nagiisang kaibigan na si Poppy sa isang kainan. Pasalamat siya dahil ililibre siya nito ng pagkain. Malaking tipid ito para ka komokonti niyang pera.

"Hindi ko alam. Hindi ko na rin inalam baka may makaaway pa ako." Sabi niy habang kumakain. Hindi siya nakakain kagabi at kaninang umaga dahil masyado siyang naapektohan sa pagtanggal sa kanya sa trabaho.

"Sa bagay, tama ka. So, may plano ka na ba? Maghahanap ka ulit ng trabaho."

"Ano pa ba? Kailangan dahil baka bukas nasa labas na ang mga gamit ko. Nawawalan na yata ng pasensya sa akin ang Landlord. Poppy, baka may alam ka na pwede kong mapasukan agad."

"Naku Dett, sorry talaga pero wala eh. Sasabihan naman kita kung meron. Kung papaalisin na talaga sa apartment mo, pwede ka naman sa akin muna tumira."

"Ayoko nga. Ayokong makaistrobo sa iyo lalo na may pamilya ka na." Grateful siya sa alok nito. Hindi na siguro mabilang ilang alok nito na doon muna tumira dahil palagi siyang kwento sa mga problema niya lalo na sa renta. Siya lang naman ang umaayaw dahil mas gusto niyang tumira ng magisa.

"Oo na, bahala ka. Huwag kang magpanghinaan ng loob, Odette. Makakahanap ka rin ng trabaho in no time. Masipag ka at ginagawa mo ng mabuti ang trabaho mo kahit anong klase pa iyan. Teka lang, hindi ba may naikuwento ka sa akin na kakilala ng Ate Marissa mo? Sino nga ba iyon?"

"Huh? Sino?" Kakilala ng Ate niya?

"Ano, iyong lalaki na---ah! Iyong sikat na dikat dito?"

"Alam mo, hindi ko gets iyang "ano-ano" mo. Sino ba iyang tinutukoy mo?"

"Naalala ko na! Si Seth! Iyong sikat na escort? Hindi ba maraming businesses iyon dito? Doon ka mag-apply."

Sa sinabi nito, ngayon lang niya naalala ang lalaking iyon.

Nagkibit balikat siya. "Wala akong plano." At hinding-hindi siya lalapit sa lalaking iyon kailanman.

"Bakit naman? Matutulungan ka nun. Magkakilala rin naman kayo, hindi ba?"

"Poppy, magkakilala man kami, hindi ibig sabihin hihingi na ako ng tulong sa kanya. Maraming mapapasukan na trabaho rito at ang kailangan ko lang gawin ay maghanap at mag-apply. Hindi naman lahat ng negosyo o establishments dito eh sa kanya."

Nagsimula siyang mainis ng marinig niya muli ang pangalan ng lalaking iyon. Tama si Poppy, kilala niya ang lalaking tinutukoy nito na isang tao na yumaman dahil sa mga babaeng handang magbayad ng mahal para makasama ito. Sasabihan lang ang mga babae na maganda ito, milyon na ang ibabayad rito. Mula ng mamatay ang kanyang kapatid, pinangako niya na hinding-hindi na siya lalapit sa mga taong kinaibigan, kakilala lalo na ang Seth na iyon.

//Odette POV//

"Pasensya na, hija. Hindi pa kasi kami tumatanggap ng bagong empleyado ngayon."

"Naiintindihan ko po. Salamat po."

Dalawang araw na siyang paikot-ikot pero wala pa rin siyang maaaplayang trabaho. Kung meron man iyong iba may nakauna na sa kanya. Sumasakit na rin ang kanyang mga paa sa kakalakad at gutom na rin siya. Mas mabuti siguro ipagpatuloy na lang niya ito bukas.

Pagkadating niya sa apartment, nakita na lang niya ang kanyang mga gamit sa labas ng pinto.

Tumakbo siya papunta sa pinto. Kinuha niya ang kanyang susi pero hindi na niya ito mabuksan pa. Kainis! Pinalitan na yata ng Ladlord ang pinto. Ibig sabihin lang nito, pinalayas na siya sa apartment na ito. Wala na siyang matitirhan pa mula ngayon.

Lumalalim na ang gabi at umaambon na naman. Konti na ang mga sasakyan na dumaraan at tanging mga poste ng ilaw na lang ang lumiliwanag. Ang mala niya ngayon. Pagod na nga siya sa kakahanap ng trabaho, ganito pa ang sinapit niya.

Umupo muna siya sa isang waiting shed. Hinihinilot niya ang kayang sentido dahil kanina pa ito sumasakit. Dahil yata ito ito sa gutom at pagod? Kailan pa niya maghanap saan siya matutulog niyang gabi.

Pinikit niya ang kanyang mga mata para humupa ng konti ang pananakit ng kanyang ulo at pakalmahin na rin ang sarili niya. Baka kung ano pa ang maisip niya sa ganitong kamalas na kinatatayuan niya ngayon. Hindi pa ito ang katapusan at alam niya na makakahanap siya ng solusyon. Lilipas din ito. Kailangan lang niyang magtiwala.

Nakakahiya, nakakainis. Ang lami ng hangin at talsik ng ulan ang nagpapababa sa kanyang loob. Hindi dapat ganito ang nararanasan niya. Kung kaya niyang bumalik sa nakaraan, gagawin niya at itatama niya lahat!

Hindi niya namalayan na sa kanyang pagpikit, naabutan na siya ng antok at nakatulog sandal sa kanyang bag.

//Seth POV//

Hininto niya ang kanyang sasakyan. Hinatid niya ang kanyang VIP customer di kalayuan sa tirahan nito.

Because this woman secretly booked him dahil nabo-bored na daw ito sa asawa nito. Well, typicall customer so alam na niya papaano ito aaliwin kahit anong oras o lugar ang gusto nito.

"Thank you so much. Nag-enjoy ako sa bonding natin. I'll recommended you to my other amigas."

"Thank you also for being with me for the whole night. Too shame hindi ito ginagawa ng husband mo. A sexy lady like you ang hindi dapat binabalewala."

"Mas inuuna pa niya ang trabaho niya kesa sa akin? Huh! Bakit kaya inalok pa ako ng kasal?"

Lumabas siya ng sasakyan para pagbuksan ito ng pinto. Inilalayan niya ito at hinalikan ang kamay. "Have a sweet night, Madame Cecilia."

She caresses his cheeck and kisses it. "You too, dream boy. See you next time." At lumakad na ito.

That's it. Job well done. Another million profit. Uuwi na siya at magpapahinga.

Papasok na siya ng sasakyan ng mapadako ang kanyang tingin sa isang waiting shed. Tinignan niya ito ng mabuti ng makita niya na may dalawang tao naroon na tila ba may ginagawa ang isa na hindi kaaya-aya.

Umaambon man, hindi ito hadlang para lapitan at ditahin kung sino man ang tao na ito.

"Oi! Anong ginagawa mo?!" Sigaw niya rito.

Nagulat ito sa ginawa niya. Mabilis inayos ang pantalon nito agad na umalis.

Nilapitan niya ang nakaupong babae na parang natutulog. Kaya pala wala itong alam sa ginawa ng lalaking iyon.

Pagkakita niya sa mukha nito, agad niya itong nakilala.

Hindi na siya nagulat pa ng makita niya ang mukha nito.

"Odette."

.

.

END OF CHAPTER 1

to be continued...