Ang Gaea ay isang mundo na kawangis ng mundo ng mga tao, mayroon itong pitong malalaking kaharian. Dito namumuhay ang mga nilalang na tinatawag na "kakaiba" o "nakakatakot" para sa mundo ng mga tao.
Ang pinakamalaking pamantasan sa Gaea na isinarado sa di malamang dahilan ay muling bubuksan, ito ang Gaea High. Kinuha ang pangalan ng mundo dahil naniniwala ang mga taga pangasiwa na ang mga magiging estudyante ay ang magbibigay ng dangal at puri sa Gaea.
Isa itong pamantasan kung saan tumatanggap ng iba't ibang klaseng uri ng nilalang. Isang pamantasan kung saan hinuhubog ang mga mag-aaral upang maging pinakamaling sa lahat ng mga magagaling. At ito ang pamantasan kung saan mga bampira, demonyo, mangkukulam, halimaw, mga dwende at marami pang uri ng nilalang ang mga estudyante. Ngunit upang masanay at masala ang mga pinakamagagaling, kinakailangang makulong ng mga estudyante sa paaralan ng isang daan na araw habang ginagawa ang mga aktibidad at turo ng kanilang magiging mga guro na magbibigay daan sa kanilang lahat upang mapatunayan ang sarili.
Kapag pinatunog na ang kampana ay haharapin na ng mga estudyante ang paglamon sa kanila ng pamantasan. Ito ang istorya kung saan tulungan ang nagiging pundasyon ng lahat.