Chereads / Multi-Mutation / Chapter 47 - Untitled

Chapter 47 - Untitled

-------------------

1st Person's POV

-------------------

Hindi ko pa rin naigagalaw ang daliri ko dahil sa pangunguryente nila sa akin, they were asking me about the documentary the whole time, but I don't have them. I left it no where, sh*t why that one? Am I so careless?

Nagsalita ulit ang lalaking may hawak ng metal-rod-stick, ginamit niya ulit ito sa akin. Hindi ko naramdaman ang kuryenteng galing dito sa panglimang pagkakataon, namanhid ang buong katawan ko.

'You won't like this young lady, tell me where is it before we'll put you on an electric chair'

HAyan na naman.

Sinabi ko na sa kanyang wala sa akin paulit-ulit pero ayaw niya akong paniwalaan at tinatakot na naman niya ako sa electric chair?

Oh God, his about to hit me again.

"Stop! Dr.Moleno need her right now. Walk her in at the operating room", umalingaw ngaw ang boses na galing sa intercom.

Nanatiling nakagapos ang magkabilang kamay ko sa malamig na bakal. Kung ganito siguro ang gagamitin ng mga pulis na posas, paniguradong hindi makakawala ang criminal.

It may not be heavy and it was thin, this handcuffs is not joint by chain, it was simply a wrist band- a metal one, fit on the wrists, I already tried to slip my hand if possible and found out, the more I move, the handcuff tighten. My wrist already trobbing in pain and the cut from this thin handcuff causes the blood clot around my wrist.

Hinawakan ako ng lalaki at pinatayo sa pagkakaluhod. Hinawakan niya ang braso ko dahilan upang mapamura ako sa hapdi.

Sh*t! Baka tuluyan ng maputol 'tong kamay ko.

"Hands off me! I can walk on my own"

Hindi siya nagsalita at binitiwan ako. Isang hakbang palang ang nagagawa ko pero nangatog ang mga tuhod ko. Nanghihina ako at hindi maitatagong gutom na gutom na rin ako.

I took a deep breath fighting my own weakness and as we got out from the room I heard the intercom.

'Block the exit! His still here, use mutator. I know his in full transformation'

Tiningnan ko ang kasama kong agent na nasa tabi ko lang. Hindi ito kalmado, kitang kita sa kaniyang mga mata. He wants to go to but he has another order. Hindi ko alam ang nangyayari pero alam kung kailangang nilang maalarma.

Nagsalita ulit ang boses galing sa intercom, may sinabing mga code dahilan ng paghila ng agent sa akin at nagmadali kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang isang pintuan. Bumukas ito pataas.

I was surprised by the blood on the floor, it looks fresh. The table was made of glass and it was floating?

What the!

Biglang bumaba ang bilog na bakal, umikot ang ilang bahagi nito at biglang umangat ang lamesa.

Yes, I am amaze but the people standing in the other corner .

"MAX!", sigaw ko, pareho kaming nakagapos pero marami siyang pasa at may sugat siya sa kaniyang ibabang labi. Meron rin sa kaniyang pisngi. Nakatayo siya at nakatingin rin sa akin.

"Stel! F*ck!! What happened to your hand?"

Tiningnan ko siya. Anong ginawa niya para mabugbog siya ng ganyan? Ako, sariling katangahan ko kaya nagkasugat ako. Huwag niyang sabihing mas tanga siya para masaktan ng ganyan.

Bumukas ang nasa pader na naasa likuran lang ni Max at bumungad ang pasilyo. Para itong oceanpark dahil kitang kita ang mga koral at mga isdang lumalangoy sa labas.

Tinulak ako ng kasama ko gayun din ang ginawa ng agent na nasa likuran ni Max. Dumaan kami dito at hindi ko maiwasang tumingala. Kitang kita ang liwanag sa ibabaw ng tubig.

"Anong ginawa nila sayo?", tanong ni Max na nasa likuran lang namin.

"I cut myself. And you, bakit ganyan ang mukha mo?", tanong ko sa kaniya ng hindi lumilingon.

Agad naming narating ang isa na namang pintuan na bumukas pataas. Ilang mga taong nakasuot ng kulay asul na uniporme ang bumungad sa isang malawak na laboratoryo pero mas malawak pa rin ang nasa itaas.

Nagtratrabaho ang mga ito, meron silang sariling espasyo para sa kanilang ginagawa. May nakikita akong mga hayop na walang malay sa glass table na lumulutang. Parang nagsasagawa ang mga ito ng operasyon sa mga hayop at tao

.

Nagbasakali akong makita ang kaibigan ko dito pero wala.

Nasaan siya?

Tumingin ako kay Max, may hinahanap siya. Si Elamore o ang kaniyang ama.

Naagaw ang pansin ko sa batang umangat sa ere at may tumubong hugis ng maliit na pakpak sa kaniyang likod. Bigla siyang dumilat, napalunok ako sa sumunod na nangyari. Umubo siya ng dugo sunod sunod. Nagsisigaw siya pero wala kaming marinig. Napaka-tahimik ng lugar na 'to parang hinihigop ng bilog na metal ang anumang tunog na galing sa mga naooperahang mga hayop maging mga kapwa tao.

Napako ang tingin ko sa nangyayari sa kaniya. Para siyang sinasaniban, hindi ko akalaing mas nakakatakot ang matang kulay puti kesa sa itim gaya ng kay Dao Ji. Pero ang mga matang yun ay mga matang nagmamakaawa.

Gusto niyang umalis pero tila siya pinapanatili ng patag na makapal na salamin. Hindi siya makaalis sa pwestong yun kahit sinusubukan niyang igalaw ang kaniyang katawan. Nasa ibabaw lang ang bilog na metal sa ulo ng lalaki at biglang may lumabas na patalim mula dito at pinutol ang maliit na pakpak.

Gustong kong sumigaw at tumakbo sa direksyong yun. Gusto ko ring umiyak ng bigla siyang bumagsak sa patag. Lumapit ang dalawang nakasuot ng asul na uniporme. May ginawa sila sa bata hanggang sa kusang pumikit ang kaniyang mga mata. Maya maya'y agad nilang tinurukan ng kung ano ang leeg ng bata at unti-unting tumubo ang mas magandang pakpak. Pero biglang nangisay ang bata at bumabalik sa dati ang maliit niyang pakpak na galing mismo sa kaniyang katawan. Ang pakpak na nahubog na nababahiran ng dugo, tila ito nanggaling mismo sa loob ng likod ng lalaki.

Bigla akong nakaramdam ng takot ng dumilat ang bata at nagawang sakalin ang nurse na nasa harapan niya.

May nakita akong naiturok sa likod ng bata na galing sa bilog na metal sa ibabaw kaya't nabitawan niya ang nurse.

Bakit? Tuluyan na naming dinaanan ang pinangyarihan ng eksena ngunit nagimbala ulit ako sa kandong ng babaeng nagtungo sa isang pintuan.

Huwag ang sanggol .

Parehong pinto ang bumukas at tinungo namin.

"Your Asterix mahal", Max

Lalo akong nainis sa sinabi niya

Mahal

Sa ganitong sitwasyon?

Umiling lang ako at hindi siya pinansin. NAglalaro pa rin sa utak ko ang possibleng gagawin sa bata. Wala talaga silang pinipili.

"Your Asterix Stell. Calm down."

Isa na namang silid ang bumungad sa aming harapan at gaya ng nasa labas, may lumulutang na salamin sa gitna ng silid pero may makina sa gilid nito att puting uniporme ang suot ng mga tao dito. Merong isang agent na nakatayo sa isang dako.

Nakita ko ang sanggol na pinahiga ng babae sa lumulutang na salamin. Gising ang bata at masayang masaya itong nakatingin sa bilog na metal na umiikot sa taas.

"Na.. na", munting salita na binitawan niyang nagpaningas sa dinadama kong saya, takot, lungkot at galit sa mga taong nagdala sa kaniya dito. Masarap panoorin ang kaniyang ginagawa, inaangat niya ang munti niyang paa habang nagsisipa at inaabot ang kamay sa metal na nasa taas.

Napaka-inosente, bakit pati siya nadamay.

'Let me intoroduce Baby Miraculo', saad ng lalaking naghuhugas sa gilid na ngayon ko lang napansin. Sa linis at kaputihan ng buong silid siya lang ang may bahid ng dugo sa suot niya at sa kamay niya. Tila isang drawer ang sink na naghugasan niya at nagsara ng matapos siya.

Binigyan ang lalaki ng isang malinis na gloves at nagpalit ng isang malinis na gown. Inayos niya ang kaniyang salamin na nakahiwid bago kami lapitan.

"Stellar Ocampo, Peculiar code x-unidentified, its been a long time", bati niya sa akin. Bigla akong nanigas dahil sa pamilyar na boses.

Sino siya?

"Oh… like parents like son. Peculiar code x- hybridity. I'm glad you're here, dear nephew"

….

Tiningnan ko si Max, nakatiim baga ito...NAgulat ako, tila lalong gumuho ang lahat dahil sa pagkalito?

Nephew?

What is this? What is really happening?

Biglang ngumisi ang lalaking nagsabing pamangkin niya si Max ngunit agad bumalik ang pagkaseryoso sa kaniyang mukha ng mapansin ang napakaseryosong si Max.

Nangamba ako sa nakikita ko ngayon kay Max na tila mangangain ng tao dahil sag alit na nakaplastera sa kaniyang buong pagkatao. Hindi ko akalaing mababasa ko agad siya, pero hindi ko maintidihan kong bakit ganito ang pinukaw niyang galit sa doctor na nasa harapan namin.

"So you're the monster?! Im glad to meet you uncle Richard. Let's play blood to blood, a great reunion, don't you think?"

Nagulat ako sa boses ni Max at ang binitiwan niyang mga salita.

Tumawa ang lalaki at binigyan niya si Max ng marahang tapik sa pisngi. Sa nasisilayan ko ngayon, dalawang tao ang nakikita ko ,puno ng galit at ganid.

Bumalik ulit ang tingin ng lalaki sa akin. Inalis niya ang suot niyang salamin.

"Beautiful. Beautiful wings"

Ano?!

He could see it? What is he?

"His mine uncle, don't touch her!", Max

Tumawa ulit ang lalaki. He took 4 steps to reach the center where the baby is lying.

"You are all mine", he said.

Bumaba ang lumulutang na bilog na makina at bumuo ng isang simboryong liwanag sa tapat ng sanggol, agad naman itong nawala pero hindi na gising ang bata. At sa bawat hininga nito, alam kong hindi siya tulog, ito'y hinaing ng munting batang walang laban.

The nurse get the ampoule from the floating machine, the liquid is red.

Blood from the baby.